~Sarah~
Nandito parin kami ni andrew sa baba ng building namin at patuloy parin niya akong pinapasaya dahil sa kalagayan ko ngayon, grabe hindi ko talaga napigilang mapaluha sa nakita ko kanina.
Hindi ko alam, wala akong kaalam alam na in a relationship na si nathaniel.
Tumahan na ako dahil medyo gumaan na yung pakiramdam ko dahil sa pag comfort ni andrew sa'kin.
Nakangiti si andrew habang nakatitig lang siya sa'kin na pinupunasan ko yung mga luha ko.
"Thank you for comforting me, at tsaka salamat dito na handkerchief mo." Sabi ko sakanya at ngumiti naman ako.
"Ano kaba, wala lang yun. You're welcome." Sagot naman niya sa'kin at nag ngitian na kaming dalawa.
Sa totoo lang, gumaan talaga yung pakiramdam ko as in.
"From now on, lets be friends. Ano, deal?" Sabi niya sa'kin at nanahimik naman ako dahil sa narinig ko.
What?! Friends?! Mag mula ngayon?!
HINDI PWEDE! Ayokong malaman niya kung sino ako. Ayoko pa, hindi pa ako handa.
"Ano, deal?" Inulit pa niya. Hindi nga pwede! "I'll think about it." Sagot ko naman sakanya at nginitian ko ito at nag umpisa na akong mag lakad at habang nag lalakad ako, agad naman ako nitong sinundan.
***
~Steve~
Malugkot akong bumalik sa classroom dahil sa nakita ko kanina. Paano kung maging close na sila ulit, edi masasaktan nanaman si sarah at isa pa, paniguradong masasaktan din yung kapatid ko kapag nalaman niya lahat 'tong mga plano ni sarah.
Pumasok na ako sa loob ng room at nadatnan ko silang lahat na nakatayo sa harapan at napatigil ako sa pag lalakad.
Tinignan ko sila franklin at sinenyasan nila ako na pumunta sakanila.
Si Franklin (Franklin Miller) nga pala, isa din siya sa aming mag kakaibigan at siya din yung sobrang close ko sa aming mag kakaibigan.
Pumunta na ako sakanila at ininom ko yung tubig na binili ko. "What's going on?" Tanong ko sakanya. "Mr woods is changing our seat plan. " Sagot naman niya sa'kin.
"Why?" Nag tatakang tanong ko naman sakanya kasi parang ngayon lang nangyare to sa classroom namin. "I don't know." Sagot naman niya sa'kin.
Pinaupo na yung iba habang kami naman nila franklin nakatayo pa. "Mr Miller, you may sit at the vacant seat. And you mr smith, you may sit next to Franklin. " sabi ni mr woods samin at agad naman kaming nag katinginan ni franklin dahil sa saya at ilang saglit pa ay mapasigaw kami sa saya habang yung mga studyanteng nakaupo na ay natawa sa ginawa namin ni franklin.
***
~Sarah~
Makalipas ang tatlong araw at Christmas festival na.
Nandito na ako sa school at nandito kaming mag kakaibigan sa may bleachers habang nag hihintay kaming mag umpisa na yung program. May color coding kami, bawat grade levels. Kulay puti yung napiling kulay para saaming mga 11th grade kaya lahat kaming 11th grade nakawhite.
Ilang sandali ay may narinig na kaming nag salita mula sa stage na mag uumpisa na yung program kaya lahat kami ay pumunta na sa oval at luminya na kami.
"Good day students...." narinig kong sinabi nung tao sa may stage at hindi ko na napakinggan yung iba dahil kinausap ako ni karla "Pwede mo ba akong samahan?" Tanong niya sa'kin.
"Where?" Tanong ko naman. "Sa cafeteria. Nauuhaw ako, kailangan ko ng tubig." Sagot naman niya sa'kin "Oh, okay sure. Tara na, sakto nauuhaw din ako." Sagot ko naman sakanya at sinabit na niya yung kamay niya sa braso ko at nang mag umpisa na kaming mag lakad agad kaming hinarang ni kate.
"Where are you going?" Nag tatakang tanong ni kate at tumabi naman sakanya si jasmine.
"Bibili lang kami ng tubig." Narinig ko namang sagot ni karla sakanila. "Oh, okay. Bilisan niyo, baka hanapin kayo ni mrs walter." Sagot naman ni kate saamin at tumango nalang kami ni karla at nag umpisa na kaming mag lakad.
Si Mrs Walter kasi yung class advisor namin at sobrang strikto kasi niya, as in!
Nasa cafeteria na kami ni karla at nakabili na kami ng tubig at iniinom na namin ito ngayon.
Nilibot ko yung paningin ko at nang tumama yung mga mata ko sa entrance ng cafeteria, napatigil ako sa pag inom ko ng tubig at napatitig nalang ako sa nakita ko.
Nakita ko si nathaniel na nag lalakad papasok dito sa cafeteria, kasama yung kahalikan niyang babae nung friday. Sino ba 'tong babaeng 'to? Bakit hindi ko alam na may girlfriend pala 'tong si nathaniel.
Pero infairness ang ganda at sexy nga nung babae pero duh.... umm, matalino ako!
"Hey, what are you looking at?" Narinig kong tanong ni karla at natauhan naman ako nang marinig ko siya pero hindi ako umimik.
"Oh, him?" Tanong niya sa'kin kasabay ng pag turo niya ng daliri niya kay nathaniel. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa ginawa niya kaya agad kong binaba yung kamay niya.
"Omg! wait, bakit niya kasama si Taylor Davis?" Gulat na tanong ni karla.
Oh, may pangalan pala yung taong yun.
"Wait, what? You know her?" Nag tatakang tanong ko kay karla.
"Girl ano ka ba, sikat na YouTube Vlogger yan. Hindi mo ba siya kilala? Hindi ka pa ba nakanood ng videos niya?" Sagot niya sa'kin at natawa naman ako sa sinabi niya kaya agad akong natawa ng malakas.
"A-HA-HA-HA." malakas kong tawa at bakas sa mukha ni karka na nag tataka ito kung bakit ako natawa.
Ah, kaya pala. Sikat na youtuber pala yung babaeng yun, medyo mas nasaktan ako dun ha... dahil alam kong wala akong laban dun sa babaeng yun.
Tumigil na ako sa katatawa at medyo nanging seryoso na ako. "Girlfriend niya." Seryosong sagot ko kay karla. "What? Pano mo naman nasabing girlfriend ni nathaniel yun?" Nag tatakang tanong niya sa'kin.
"Nakita ko silang dalawa kahapon na nag hahalikan." Seryosong sagot ko naman kay karla at nanlaki yung mga mata niya dahil sa gulat pero ilang saglit pa ay biglang sumimangot naman ito at agad niya akong niyakap.
"Why?" Tanong ko sakanya habang nakayakap siya sa'kin kasabay ng pag tapik niya ng likod ko.
"It's okay sarah... Alam kong nasaktan ka dahil dun, diba nga may gusto ka kay nathaniel. Alam mo, marami ka pang makikilalang lalaki sa mundo.... promise." Mahin-hing sabi niya sa'kin at napangiti naman ako. I know.
Humarap na siya sa'kin at nag ngitian naman kami at napatingin naman kaming dalawa kila nathaniel at taylor.
"That bitch." Naiinis na sabi ni karla sa'kin at pinalo ko naman yung kamay niya dahil baka may makarinig sakanya.
Nakita naming papalapit sina nathaniel at taylor dito kung saan kami nakatayo ni karla.
Nang malapit na sila samin, may narinig kaming dalawa ni karla na sinabi nung babae.
"I had so much fun last night babe, i can't wait to be with you again tonight." narinig naming sabi nung babae kay nathaniel at nakita naming agad hinalikan nung babae si nathaniel.
Dahil sa nakita ko, nasaktan nanaman ako na may halong galit.
Ihadsomuchfunlastnightbabe achuchuchu.... urghhh!! Nakakainis!
"Urgh, she's getting on my nerves! Do you want me to kill her?" Naiiritang bulong ni karla sa'kin at medyo natawa naman ako.
"Hay nako, tara na nga." Sagot ko sakanya at nang mag umpisa na kaming mag lakad, yumuko ako para hindi ako makita ni nathaniel dahil alam kong mag kakasalubong kami.
Ilang saglit pa ang nakalipas ay napatigil ako sa pag lalakad dahil narinig ko na may nag sabi ng pangalan ko.
"Sarah.. sarah? Is that you?" Narinig kong sabi ni nathaniel at dahan dahan naman akong lumingon sakanya.
Nag pag lingon ko sakanya ay una kong nakita yung babae na kasama niya at bakas sa mukha niya na nag tataka siya kung bakit ako tinawag ni nathaniel.
"O-oh hey! What's up?" Nakangiting sagot ko kay nathaniel at nakita kong binitawan niya yung kamay ni taylor at bakas sa mukha ni taylor na nagtataka siya kung bakit ginawa yun ni nathaniel.
Oho, anong nangyare haha.
"It's nice to see you again... and you look completely different today." Sabi niya sa'kin at binigyan ako ng napaka gandang ngiti nito.
Stop it sarah! Please!! Ngiti lang yan!
"What do you mean?" Nag tatakang tanong ko naman sakanya.
"You look so good today, sarah." Nakangiting sagot nito sa'kin at nanlaki naman yung mata ko nang bigla niya akong kindatan.
Wait, what? Ba't niya ginawa yun?
"O-oh! Is that so? Thanks!" Sagot ko sakanya at grabe ang awkward kasi yung girlfriend niya nakatitig na sa'kin.
Ilang sandali,
Inabot nito yung kamay niya sa'kin dahilan para makipag kamayan siya.
Tinignan ko yung kamay niya at nag dadalawang isip ako kung hahawakan ko ba...
Habang tinititigan ko yung kamay niya nagulat ako nang nakita kong biglang may humawak sa kamay niya.
Wait, what?!
Agad kong tinignan kung sino ito at nanlaki naman yung mga mata ko dahil sa nakita ko....