Brion PoV.
Napaka normal lang ang sistema dito sa canteen. kanya kanya ang table ng bawat mag-aaral. Walang ingay, walang bulungan, walang kaguluhan. That's what i want.
Pinatong ko ang mga paa ko sa isang bakanteng upuan. Pwestong dapat sa traydor kong kaibigan. bawat table ay naglalaman siya ng 6-10 upuan. Sakto naman saamin ay anim kami.
"Ang boring, Walang gulo, walang ingay, Hayyttss," Ani ni bryan sabay dabog ng kamay ni sa mesa.
"Sira ka pala eh? Bakit gusto mong laging may gulo?" Si james.
"Eh bakit ikaw? Bakit gusto mo lagi may mga babae? sige nga?" Pagbabalik ni bryan.
"Stop, all of you," Ani ko.
"Alam nyo kase mga tol, Ang mas maganda dyan, magescape nalang tayo," Puno ng sayang ani ni deizer.
"Mokong! edi lagot tayo pag nagkataon?" Ani naman ni mark.
"Mag-papahuli ba tayo?" Deizer.
"Oh god? Ayan na silaaaa!!!"
"Im so excited to see all of them!"
"Ang gaganda talaga nilaaaa!"
"Hot!"
Kunot noo kaming nagkatingin kaming buong tropa. Parang bawat isa saamin ay nais mag tanong.
"Sinong sila?" Hanggang magtanong na nga si bryan. "D-don't tell me may eeksena sa pagiging sikat natin dito?" Natatawang tanong ni bryan. Kumibit balikat nalang ako.
At hanggang sa, Nagsingtayuan ang mga estyudante kaya hindi namin maiwasang mapatayo narin. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon.
Its that pagong? Anong ginagawa nya dito?
"T-teka? Parang familiar ang mukha ng babaeng yun saakin," Ani ulit ni bryan.
"Kahit saakin, P-parang.... B-bryan! saan ka pupunta?" Nilapitan ni bryan silang pagong. Natawa ako ng palihim.
Sinundan namin siya. Actually, Silang lahat ay sinundan siya. Ako ay nanatiling nasa upuan lang.
"Tindi ng pagka-type mo sakin ah? maging dito sa canteen sinusundan mo ako?" Proud na proud na ani niya. Pinaikot lang ni zai ang mga mata niya sabay lakad at lagpasan siya.
That's my sister.
"Hambog!" Sigaw ni bryan dahilan ng paghinto ni zaizai. Humarap siya at humakbang palapit sakanya.
Bryan Kristoff PoV.
Lunok, lunok,lun-----Nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang kwelyo ko. Pusang gala! bakit ako kinakabahan? kakainis ah!
"What did you call me?" Bawat letra ay may diin at damang dama ang pagkaseryoso niya.
"H-hambog, T-tama naman diba? N-napaka hambog mo! bakit hindi mo nalang kase aminin na sinusundan mo ako!" Pinilit kong lakasan ang boses ko. Buong pwersa kong tinanggal ang kanyang kamay sa kwelyo ko.
"Bakit kita susundan? Gwapo kaba?" Tumaas ang dugo ko sa kataas-taasan ng ulo ko.
"Aba't!"
"Shh, Bumabaho," Ngumisis siya dahilan ng lalong pagkainis ko. Susugurin kopa sana siya ng biglang pumagitan si harvin saamin.
"Tama na please, Ako na ang hihinging tawad sa kaibigan ko," Ani ni harvin. Abat! Sira to ah! Bakit nag mumuhang ako pa ang kontra!
"Crazy... Tsk! Let's go girl's, Nawalan na na ako ng gana," Ani niya sabay lakad. Sumunod naman ang mga alalay niya. Mga Lok*!