Harvin PoV.
*Saturday in the Morning*
Kahit walang pasok, maaga parin akong bumangon dahil nakuha kona ding nasanay. Napatingin ako sa wall clock ko.
6am? Ano namang gagawin ko?
*Knock *Knock
Napatingin ako sa pintuan ng may kumatok. Inayos ko muna ang damit ang buhok ko bago ko buksan ang pintuan.
"Uhm sir, May bisita po kayo sa baba," Si manang.
"Sino po?" Tanong ko.
"Sila sir Brion po," Napa buntong hininga ako.
*****
"Oh? Ayan na pala si mr feeling nerd eh?" Palapit palang ako sakanila. Kumpleto nanaman kaya nasakop nanaman nila ang buong sala namin. Umupo ako sa bandang tabi at pagitan nila mark at deizer.
"Feeling nerd ka dyan, Nerd talaga yan, tss" Dagdag ni deizer.
"Sira ulo," Ako. "Ano nanamang ginagawa nyo dito? Imbes na pahinga ng utak ko, Pumunta punta pa kayo dito," Ani ko. Binatukan naman ako ni james.
"Sira ulo ka talaga," Si james.
"Yan ang epekto ng kakabasa niya ng libro, nagiging tanga ang loko," Dagdag ni brion.
"Tsk! Ewan ko sainyo mga baliw!" Inis akong tumayo. Maglalakad na sana ako ng hinila nila ako.
"Pikon, Tsk! Kaya pumunta kami dito, Para yayain kayong dalawa ni deizer na gumala," Si bryan. Umupo ulit ako.
"Aba game kami dyan!" Si deizer. Wala na akong ibang nagawa.
*****
Malaking bahay ang bumungad saamin. Bahay nila brion to. Buong taon na kasama namin siya ay never pang nagbago to. Kung pano at ano naming nakita, maging ngayon ay ganon padin.
"Anong ginagawa natin sa mansion nyo?" Tanong ni deizer.
"May kukunin lang ako," Ani ni brion. Bumaba na siya sa van kaya bumaba narin kami. Sinundan namin siya papasok sa malaking gate.
Pag basok mo palang sa gate, may makikita kang napaka lawak na lupa. Malawak na malawak. Medyo malayo layo ang main gate nila kaya medyo napagmasdan kopa ang dinadaanan ko.
May garden, Ay swimming pool, may kung ano ano. Naglalakad parin kami papuntang main door pero humintong bigla si brion.
"Mag hintay nalang kayo sa garden," Seryosong ani niya. Itinuro niya ang garden. Agad naman kaming sumunod nalang.
"Pero bro! Nasan ba ang banyo?" Tanong ni bryan.
"There," Ani ni brion sabay turo. Humakbang na si brion.
"Smoking Area?" Tanong ni deizer dahilan ng pag-hinto ni brion ulit. Haha, mapipikon na to, pfft..
"Smoking area, Dun banda," Tinuro ni brion ulit.
"Thanks," Sabay na ani nila at naglakad papalapit don. Tinignan naman kami ni brion.
"Wala kayong itatanong? Napuputol kase ang pag lalakad ko," Sabe na eh, pikon na to.
"HAHA! Wala, pwede ka ng maglakad," Ako.
"Tss," Inis ng naglakad si brion. Umupo kaming tatlo sa wood chair dito parin sa garden.
"Ganda nitong bahay nila brion, pang mayaman talaga.. Napaka swerte ng mga only child" Biglang umimik si james.
"Only child lang ba si brion?" Tanong ko.
"Yata? Wala naman siyang kinukwento tungkol sa kapatid, diba?" Si james.
"Oo nga no? Sa buong taon na kasama at magkaibigan tayo, wala pa akong narinig at nakitang kapatid niya, Kaya siguro nga," Si mark. Hindi ko tuloy maiwasang mapa isip.
So, Only child nga siya? Pero bakit parang may nakikita akong kamukha niya? Hmm..
Napasunod ang mga mata ko sa bola ng pang valley ball na gumugulong papalapit saamin. Kunot noo kong kinuha ito mula sa baba.
"Sainyo to?" Tanong ko kila mark at james.
"Hindi? Saan mo galing yan?" Si james.
"Hindi mo manlang sinasabe, bakla ka pala?" Sinamaan ko ng tingin si mark. Kung hindi sakanila to, edi kanina?
"What are you doing here?" May bigpwng nagsalita. May diin ang mga bawat letra na inibibigkas ng kanyang bibig. Napatingin kami sa nagsalita. "At bakit nasayo yan?" Tanong pa niya. Napa tingin tuloy ako sa hinahawakan ko. Agad kong iniabot sakanya.
"S-sainyo ba to?" Tanong ko. Pero tanging taas kay lang ang sinagot niya. Kinuha nung isang babaeng napaka amo ng mukha.
"Badtrip yan, hehe.." Bulong niya saakin bago pumunta ulit sa likod nung mataray nababae.
"Who the hell gave you permision that you can enter in my house?" Nagkatinginan kami nila mark at james.
Teka? Bahay niya? Meaning to say dito rin siya naka tira?
Oh, Baka naman fiancee ni brion to? Malabo, wala pang sineryoso si brion eh?
O dikaya tita? Pero napaka bata naman para maging tita..
Baka naman Anak ng yaya?? Hm..
"Bahay mo o bahay ni brion?" Si james.
"Bingi lang? I said, my H-O-U-S-E," Mas pina-diin pa. Bigla naman tumawa si bryan mula sa likuran. Papalapit siya sa gawi namin.
"Ilang make up ba ang naka patong sa mukha mo miss? Napa sobra ata sa kapal," Naku, gulo nanaman to. Kita sa mukha ng dalawang kasama nitong babaeng masungit na to kung gaano silang nagulat at kainis. Samantalang si miss sungit ay hindi nag bago ang ekspresyon ng mukha.
"Para sabihin namin sayo, lalakeng pinatungan ng buhok, Mas makapal ang mukha mo!" Pumunta naman sa harapan nila, si bryan.
"Wag kang makikisale dito babaeng multo, Napaka kapal ng eyebags mo!" Si bryan. Agad naman inawat ni james si bryan.
"Tama na yan bro," Bulong ni james.
"Para walang gulo, Umalis nalang kayo dito, Nang-gugulo lang kase kayo," Hanggang sa magsalita na yung maamo ang mukha.
"Tama siya bryan, Lika na," Si mark.
"You should go, Hindi pwede dito ang mga garapatang tulad nyo," Dagdag pa ni miss sungit. Dahilan ng pag kainis pang lalo ni bryan. Ngumisi si miss sungit bago tumalikod at humakbang palayo saamin. Ng biglang!!!!
"What the hell?!"
"Bryan!" Suway namin pero huli na. Yung dala kong kape kanina, ibinuhos niya kay miss sungit.
"Hindi moba alam na walang umuubra saakin? Para sabihin ko sayo, kahit sino kapaman, wala akong pake sayo," Ani ulit ni bryan at lumapit sa mukha nung babae.
Napapano ba tong lalakeng to? Bakit ba pinagti-rtipan niya si miss sungit?
Inis kong hinila si bryan palayo dun kay miss sungit. "Sumu-sobra kana," Seryosong sabe ko sakanya. Tumawa naman siya.
"Siya ang mas sumo-sobra, akala ba niya hindi ko siya papatulan? Sa gwapo kong ito tinawag niya akong garapata? Huh! Sira ulo," Tumingin ulit siya sa babae.
"Gwapo nga wala namang utak," Dagdag nung babae.
"Sira ulo ka pala eh!" Aktong kumuha ng bwelo si bryan para suntukin yung babae, sabay dating ni brion.
"What are doing, bryan?" Tanong ni brion.
"Tuturuan ng leksyon ang babaeng------"
"Tumigil kana, Don't act like a childish," Inis na binitawan ni brion ang kamay ni bryan.
"Teka nga lang, bakit ba siya ang kinakampihan niyo kesa sakin?" Tanong ko.
"Dahil ikaw ang nauna," Kaming tatlo.
"Because, She is my sister," Mas kinagulat namin ang sinagot ni brion.
To be continued....