So ayun nga no, Inaccept ako ni Felip Jhon Suson grabe akala ko hindi niya ako i a accept. shemay anong gagawin ko neto? Wait maghilamos muna ako, nagtali nadin ako ng buhok bumababa ako para icheck kung andito na si mama pero mukhang wala pa siya ah. So nagluto muna ako ng almusal namin ni Cas habang hinihintay na maluto yung sinaing ko nagwalis walis muna ako sa bahay pati narin sa labas jusko ang daming tuyong dahon grabe maglagas tong punong to parang may cancer. Naluto na yung sinaing natapos nadin akong maglinis, ready ko na yung lamesa, pumunta ako sa taas para icheck if gising na si Cas pero mukhang hindi kase nakapalupot paden siya sa kumot niya tingin ko hintayin ko muna siyang magising mukhang pagod, chat ko na kaya si Ken tignan ko if available siya. Hmmm. Wala din naman akong gagawin so sige, binuksan ko yung laptop ko at dumaretso sa facebook at sinearch yung pangalan niya.
"Hi! Good Morning Mr. Ken Suson, I'm Stephanie Ann Cruz, one of the members of the Journalism Department and I have this report theme about sports and you are the one I got, May I ask if I can have some time with you to do an interview?" Inanalyze ko muna yung sentence ko mukha okay naman diba? so pinress ko na yung enter, nag sent and deliver na shemay ano kaya sagot neto
Biglang gumulong gulong si Cas sa kama kaya tinignan ko siya.
"Anong oras na?" Tanong niya
"Mag e eleven." Sagot ko "Maghilamos kana, nagluto nako ng almusal." Sabi ko at tumango lang siya
"Wala pa si tita?" Tanong niya umiling ako.
"Buti pinaalala mo tawagan ko lang ah." Sabi ko tas tumango siya.
*ring* *ring* *ring*
"Hello Ma?" Sabi ko
"Oh Teppy, Bakit?" Sagot ni mama
"Di ka pa uwi?" Tanong ko
"Di pa, bakit?" Tanong niya
"Wala lang, Kailan ka uuwi?" Tanong ko na sad lang ako
"Di ko pa alam." Sabi niya napabuntong hininga lang ako.
"Tita good morning!" Sigaw ni Cas ni loudspeaker ko naman para marinig niya yung sagot ni mama
"Good morning Cassy." Sagot ni mama at tumawa "Nakatulog ba kayo ng maayos?" Tanong niya
"Opo Tita." Sagot ni Cas
"May lakad ba kayo ni teppy?" Tanong niya at nagtinginan lang kami ni Cas
"O.. Op.. Opo Tita, bakit?" Tinignan ko lang siya may malaking question mark sa ulo ko san kami pupunta?
"Ah osige daan kayo dito sa office bigyan ko kayo ng baon." Sabi ni mama at tumalon talon lang si Cas natawa lang ako sa reaction niya HAHAHAHAHA
"Sige po Tita, punta po kami dyan babye po ingat." Paalam niya
"Sige na ma kain na po kami babye ingat." Paalam ko sakanya
"Sige bye." Binaba na ni Mama
"San tayo pupunta aber?" Tanong ko kay Cas
"Ewan." Sabi niya habang naghihilamos
"Tss. Lakas mag-aya wala namang pupuntahan." Tumawa ako
Biglang tumunog yung messenger ko. Kaya tinignan ko yung laptop ko, shet sumagot na si Ken.
"Sino yan?" Tinanong ni Cas habang papalakad papunta sakin
"Si Ken." Sagot ko
"Ken? KEN SUSON?!" Tanong niya shookt na shookt ang aking kaibigan
"Bat kailangan mabigla?" Tanong ko sakanya
"Wala lang O.A lang talaga ako minsan." Sabi niya
"Halata nga." Sabi ko
"Ansabe?" Tanong niya binabasa ko naman yung messege niya.
"Hello! Good Morning. Di ako mahilig sa interview eh pwede bang iba nalang?" Binasa ko nadismaya ako
"Sayang naman effort mo te, ayaw pa interview." Sabi ni Cas
"Oo nga nag english pamo ako." Sabi ko tas nagfocus ako sa isang lugar nagiisip anong sasabihin.
"Uhm, Pwede bang kahit ngayon lang Mr. Suson? para sa grades ko? Please?" Pakiusap ko sakanya jusko sana pumayag, myghad nagseen na siya at typing na.
"Di ko kase alam anong gagawin dyan para san ba yan?" Tanong niya
"Uhm, Para po sa school newspaper." Sagot ko.
"Tignan ko yung sched ko." Sabi niya wow very busy ka kuya? bakasyon uy!
"Sige po update ko lang po si Mr. Perez about dito." Sabi ko
"Mr. Sam Perez?" Tanong niya
"Opo." Sagot ko clueless ako bat niya kilala si Mr. Perez?
"Sige papainterview nako." Natulala ako sa answer niya totoo ba to? walang halong joke?
"Hala, Sige po. Thank you po." Pasasalamat ko sakanya finally matatapos nadin tong report ko.
"Pwede ka ba ngayon free kase ako ngayon." Sabi niya tas shemay wala din akong gagawin ngayon.
"Sige po san po magkikita?" Tanong ko infairness bilis mag reply
"Sa may samin nalang wala din tao dito. Sa Pasig." Sabi niya tas binigay niya yung full address nila pati contact number niya, nagpa thank you ako.
Akala ko di na talaga matutuloy pag interview sakanya. Shemay. Buti nalang pumayag, bat kaya niya kilala si Mr. Perez? weird. So nilagay ko na sa contacts yung number ni Ken tas nilagay ko na din sa notes ko yung address, tas chinarge ko na cellphone ko tas bumaba nako nakita ko si Cas na nasa may TV lipat lipat ng channel.
"Kain na tayo." Aya ko tas tumayo na siya
"So anong sabi ni Ken?" Tanong niya
"Ayun, Hindi pumayag." Sabi ko
"Hala for real?" Tinignan niya ako with those malalaking mata shookt na shookt
"Kanina, pero okay na." Tas napabugtong hininga
"Ambaho ah." Sabi ko sabay takip ng ilong ng pabiro
"Nakikiamoy ka na lang maarte kapa." Sabi niya tas tumawa ako
"Kain na tayo." Aya ko
"Kailan naka sched interview mo sakanya?" Tanong niya
"Well, May pupuntahan na tayo ngayon." Sabi ko ng nakangiti
"Luh, Ngayon din yung kay Leslie." Sabi niya
"Osige, kita nalang tayo sa SM north after ng mga interview?" Tanong ko
"Sige." Sagot niya
Natapos na kaming kumain, niligpit namin yung pinagkainan tas naghugas nadin ako ng plato si Cas naman naligo na matagal maligo yun eh kaya pinauna ko na, tas katapos kong naghugas pumunta ako sa taas ni ready ko na yung isusuot ko pati mga gagamitin ko nilagay ko na sa mini backpack ko, katapos maligo ni Cas ako na sumunod, katapos ko nag-ayos lang ako ng konti tas bumaba na kami nilock ko yung bahay namin tas naglakad na kami papunta sa may daanan.
"Magkaiba ba tayo ng taxi niyan?' Tanong ko
"Yes, Sa may Quezon city circle na daw kami magkita." Sabi niya tas tumango ako
"Ayan na taxi una ka na sige." Tas tumango siya
"Bye Tep. Ingat ka." Kaway niya sakin tas kumaway din ako at nag abang ako ng taxi buti naman agad may taxi kaya sumakay ako agad.
"Daan muna po tayong Techno hub." Sabi ko puntahan ko muna si mama para meron naman akong pera kahit papaano.
Naglagay ako ng earphones at shinuffle play ko medyo traffic ngayon ewan ko ba bakit, Tinext ko na din si mama na lumabas nalang sa office nila para di na ako bababa after siguro ng 20 minutes andun na kami sa may harap ng building nina mama nakita ko din siya.
"Ma!!!" Tawag ko tas kumapit siya sa taxi
"Oh eto baon mo." Bigay niya ng pera
"Asan si Cas." Tanong niya
"Andun nag interview na siya ako din papunta ako sa iinterviewhin ko." Sabi ko
"Sige ingat ka text ka pag pauwi kana ah? Uwi nako mamayag 5." Sabi niya tumango ako
"Sige po Punta lang kaming SM North ni Cas ma ah text ako pag pauwi nako." Nagkiss ako sa cheeks niya tas sumakay na ulit ako
Nag babye nako sakanya at ganun din siya pumasok na siya sa building nila pagod na pagod si mama wala pa ata siyang tulog hays, buti nalang konting giling nalang bes ga graduate nako. Sinabi ko kay manong driver na sa may Pasig kami tinext ko na din si Ken na papunta na ako di naman nagreply. Asa loob na kami ng village shemay, pangmayaman yung village na to ah daming malalaking bahay kanino kaya yung sakanila? nakapasok na din ako sa street na sinabi niya kaya tinext ko siya if pwede siyang lumabas tas napansin ko may lumalabas sa isang gate tinignan ko si Ken napasobra tuloy ako hays di kaya agad lumabas parang timang HAHAHAHA nagbayad nako kay manong driver at nagpasalamat, lumapit ako kay Ken tinitignan ako ng putek parang ngayon lang nakakita ng babae.
"Hello po, Mr. Ken Suson?" Tanong ko tas tumango siya, so ganun walang imikan pano kita iinterviewhin?
Ginesture niya ko na pumasok sa gate tas pumasok naman ako ang laki ng gate nila tas ang ganda nung loob simula garden hanggang bahay shet ang ganda mayaman ang kuya mo, sinundan ko siya sa loob ng bahay tas ang lawak ng bahay ang yayamanin ng furnitures nila and modern grabe sana all ganito bahay, ginesture niya na umupo daw ako sa may sofa tas tumango lang ako, shet leather yung sofa nila pang mayaman lang talaga to yung samin nga yung sofa namin kurtina lang yung nakatakip tinatakpan yung bakas ng laway eh shet sa sobrang busy ko na tumingin tingin sa paligid nawala na si Ken sa harap ko hala san yun pumunta? Nilabas ko yung mga kailangan ko para sa interview cellphone at yung copy ng questions ko shet eto na yun! nireview ko lang yung mga questions ko tinignan ko if may kulang or may kailangan baguhin, tas biglang napansin ko na papalapit si Ken dito may dalang juice at snacks.
"Hala nag-abala ka pa." Sabi ko tas nagsmile lang siya, okay so anong mangyayare? mag sa sign language tayo dito Suson? di mo ko kakausapin? Dapat pala ininform moko na mag-aral ng sign language kung di ka rin pala iimik at least diba kahit papaano prepared ako.
"Start na ba tayo?" Bigla niyang sinabi humihigop pa naman ako ng juice nasamid tuloy ako di ko inexpect yun ah, natawa lang siya
"Ah, Ehem, Oo sige." Sabi ko
So nagstart muna ako sa basics, Konting tanong about life, tas sinong dahilan bat love niya yung sports, anong balak niya in the near future chaka anong messege niya sa mga tao dyan kumbaga inspirational messege or quotes to motivate others ganun. Tas tinanong ko if pwede ko bang kunan ng pictures yung mga achievements niya chaka siya tas pumayag naman siya, so di ko naman aakalain na magiging smooth yung interview at mabilis na din.
"Kanino pala bahay to? Kung okay lang?" Tanong ko habang tinitignan siya habang siya nakatingin naman sa mga frame sa wall
"Kay tito ko." Sagot niya tas tumango lang ako "Nasa ibang bansa kasi mama at papa ko di ko pa sila nakikita." Sabi niya tas binaba ko yung cellphone ko
"Ah ganun ba? Ang lungkot naman nun." Sabi ko tas ngumiti lang siya ng pilit.
"Tito ko si Mr. Perez." Sabi niya tas napatingin ako sakanya ng biglaan
"Weh?" Tanong ko tas tumawa siya
"Oo." Sagot niya habang tumatawa "Sana nakita mo reaksyon mo HAHAHAHA." Sabi niya aba nakakita ng clown bes?
"What a small world ah." Sabi ko tas tumango siya "Pakikamusta mo nalang ako sa mentor namin." Sabi ko tas medyo tumawa ako
Naglakad na ako papunta sa sala ulit para iligpit yung gamit ko samantala namang niligpit niya yung pinagkainan ko shemay laking bahay bat wala silang katulong? kung ako lilinisin ko to araw araw? siguro tatamarin nako jusko ang laki banaman, natapos din ako sa pag-aayos ng gamit sinuot ko nadin yung mini backpack ko.
"Thank you Ken Suson sa pagpayag na mainterview kita." Pasasalamat ko tas tumango siya
"Okay lang yun." Sagot niya
"Alis nako." Sabi ko tas sinamahan niyako sa may pinto
"San ka pala pupunta?" Tanong niya
"Ah sa SM North lang." Sabi ko tas tumango siya
"Hatid na kita." Sabi niya nagulat ako sa sinabi niya Hatid? sino? Ako? hala.