Pikachu

So ayun nga nakasakay ako ngayon sa motor si Ken nagda drive parang bubble head yung ulo ko shemay ang bigat nung helmet, di ko alam san din ako hahawak jusko di ako humawak sa bewang niya ah dito sa may likod ako nakahawak naku baka pagkamalan pa niya na gusto ko siya mahirap ma-issue kapatid. So nakikita ko na yung SM North malapit lapit na siya at natatakot akong magdrive dito sa Suson na to dahil ang bilis magpatakbo feeling ko kung hindi ako nakakapit kanina pa ako nalaglag eh, hanggang sa medyo nag traffic na tas naghahanap siya ng sisingitan papasok ng entrance ng parking ng bigla siyang napagewang kasi biglang may sumulpot na sasakyan narinig ko siyang nag 'Tsk' tas eto naman driver ng kotse sinigawan pa kame na di daw kami tumitingin eh siya nga itong sumulpot nalang eh, buti nalang hindi ako nalaglag shemay kasi nakakapit ako sa bewang ni Ken, Yep that's right... ANO?! NAKAKAPIT AKO? SA BEWANG NI KEN?! HOYYYY! WAIT LANG! SA PAGKAKAALAM KO NAKAKAPIT AKO SA LIKOD EH AT NGAYON ANDITO NA? SHET tatanggalin ko sana yung kamay ko sa bewang niya ng bigla niyang binilisan yung pagpapaandar sa motor edi lalo lang humigpit hawak ko nakurot ko pa nga ata kase nabigla katawan niya, pero buti nalang agad kaming nakahanap ng pag pa parkingan jusko kamusta buhok ko te nasa kung saan saan na, bumaba ako ng motor at tinary kong tanggalin yung helmet pero bat hindi pumapalag shemay ayaw matanggal, tinary kong hilahin, hanapan ng pipindutan at i adjust yung strap di parin matanggal.

"Amina nga." Gesture niya sakin na lumapit sakanya, lumapit naman ako kasi nawalan nako ng pag-asa na matatanggal yun no di ko alam pano eh.

"Thank you." Pasasalamat ko nung natanggal niya yang sinumpang helmet sa ulo ko shemay na yan kala ko tuluyan ng di matatanggal eh

"Saan ka pala pupunta?" Tanong niya habang inaayos ko yung buhok ko at damit

"Ah dyan lang sa may KFC siguro hintayin ko si Cas." Sabi ko tas tinitignan niya lang ako

"Cas?" Tanong niya

"Ah, yung bestfriend ko yun magkikita kasi kami dun." Sabi ko tas tumango siya "Eh ikaw?" Tanong ko sakanya.

"Sasama ako sayo." Sabi niya ng napaka plain at walang emosyon, luh?

"Ha.. Ha?" Pinapaulit ko pero yung sagot niya ang nakakainis

"Hotdog." Sagot niya tas lumakad na siya papuntang entrance sumunod naman ako

"Wala ka bang lakad? o pupuntahan?" Tanong ko sakanya.

"Wala kaya nga sumama ako sayo eh, chaka gusto ko lang mamasyal." Sabi niya tas tumitingin tingin sa paligid tas tumango lang ako at kinuha yung cellphone ko

"Cas? Andito nako sa SM North asan ka?" Text ko kay Cas tas biglang nag beep yung phone ko

"Andito parin kina Leslie di ko naman inexpect na mag so SONA to sakin daming sinasabi wala naman akong naiintindihan english ba naman." Reply niya natawa lang ako

"Sino yan boyfriend mo?" Tanong ni Ken ng nakataas yung isang kilay umiling ako ng nakangiti

"Hindi, yung kaibigan ko di pa daw tapos yung interview niya." Sabi ko tas narinig ko lang siyang mag 'Hmm.'

"Text moko pag papunta ka na ah? Laro lang ako sa may arcade." Text ko sakanya sabay lagay sa bulsa ko yung cellphone

"San mo balak pumunta?" Tanong ko kay Ken

"Wala, Ikaw ba san ka pupunta?" Tanong niya

"Tara punta tayong Tom's world?" Aya ko tas tumango naman siya

Naglakad kami papuntang Tom's world ang medyo maraming tao sa Tom's world ah, pumila kami para makabili ng tokens mga pang lima kami siguro, tumitingin tingin ako sa paligid nakikita ko yung mga tao na natutuwa sa mga nilalaro nila, nag e enjoy sila sa pagpusta pusta sa mga isda at sa race at syempre gustong gusto kong nakikita yung gigil at kung gaano sila ka competitive na manalo, wala nag e enjoy lang ako na nag e enjoy din sila, lumalapit nako sa cashier ng napansin ko nawala si Suson sa tabi ko tumingin ako sa paligid di ko siya mahagilap aba iniwan na ata ako? Bumili nako ng 100 pesos na token tas tumitingin tingin ako anong magandang laruin, mukhang wala akong type ah so naglakad muna ako tas nakita ko ang daming tao sa bandang dulo tas tinignan ko yung tinitignan nila, ah yung just dance pala na laro yun naa amaze sila dun sa sumasayaw na lalaki, medyo kamukha ni Ken ah tas napatingin ulit ako nung na realize ko na kamukha ni Ken patapos na yung kanta tas tinodo na ni Ken shemay si Ken pala tong sumasayaw pano siya napunta dito? Tinitignan ko lang siya habang sa natapos na yung kanta, nagpalakpakan yung mga tao, nagsikerengkeng yung mga babae tili tili pa nabasag ata eardrums ko sakanila kaya medyo lumayo ako at naghanap ulit ng pwedeng laruin, ayun mag warm up muna ako sa basket ball medyo kumonti na yung mga naglalaro busy sa panunuod ng sayaw eh, naghulog ako ng token tas naglaro nako, medyo marunong naman pala ako ng basketball infairness ngayon ko nalang na realize tas nung natapos na hanggang round 2 lang ako aber biglang may nag 'Ehem' sa likod ko nagulat tuloy ako

"Ikaw pala, nagulat ako kala ko sino." Sabi ko habang naka hawak sa dibdib ko

"Marunong ka pala mag basketball." Sabi niya

"Oo nga eh, marunong pala ako." Tas tinignan niya lang ako na parang ewan

"Tara laro tayo." Aya niya hinati ko yung tokens para saming dalawa "May pusta ba to?" Tanong niya

"Wala bakit?" Tanong ko

"Ang lamya naman bigyan natin ng pusta." Sabi niya tas napalunok lang ako

"Anong pusta?" Tanong ko medyo kinabahan ako dun ah di kase ako marunong mag basketball at pag kinabahan nako wala na finish na.

"Ang matatalo treat yung dinner." Sabi niya kala ko naman mas mabigat pa dun

"Sige." Sabi ko diba tapang ko kala mo naman mananalo eh

Naghulog na kami ng tokens, nagpataasan kami ng score di ko naman aakalain na aabot ako ng hundreds na score infairness tong ka competitiveness ko ah, natapos kami sa basketball mas marami siyang ticket na nakuha dun kase mas mataas score niya edi wow!, sumunod naming target yung barilan naku, favorite ko to actually, naglaro kami ng barilan syempre agad siyang namatay tas sabi niya pa wala namang thrill to di ko to gusto, porket natalo eh hahahaha so fair na kami 1 all naghanap kami ng susunod na lalaruin kaso wala na kaming mahanap pero tumakbo ako papunta dun sa claw machine nakakita kasi ako ng pikachu na stuff toy myghad ang cute nung stuff toy agad kong nilaro yun mga tatlong beses kong nilaro di ko padin makuha ang daya talaga ng claw machine nakakainis susuko na sana ako ng biglang umimik si Ken.

"Anong prize pag nakuha ko to?" Tanong niya

"Ewan wala nakong token eh tara na." Sabi ko tas aalis na sana ako

"Pag nakuha ko to treat mo ko ng food ah?" Sabi niya

"As if namang makukuha mo madaya yang claw machine." Sabi ko tas tumango siya mukhang convinced

"Meron naman akong tatlong tokens, kaya malay mo makuha ko." Sabi niya tas nagkibit balikat lang ako at sumandal sa may pader at pinanuod siyang kunin yung pikachu na stuff toy, yung una parang tanga lang siya ang layo nung claw sa stuff toy timang lang, yung pangalawa kala ko makukuha niya na excite pamo ako kaso nahulog tss. paasa ampupu kaya nainip nako wala talagang chance dyan nakakainis.

"Tara na bigay mo nalang sa iba yang last token mo kain na tayo." Aya ko sakanya tas biglang nagbeep yung cellphone ko kaya kinuha ko at tinignan

"Teppyyyyy!!!! Hala sorry gabi na pala, kakatapos ko lang sa interview kay Leslie di na ako makakapunta dyan sa SM North may family dinner kami eh, sorry talaga bawi ako next time." Text niya napabuntong hininga lang ako, medyo malas ako ngayon feel ko

"Okay lang yun Cas dami pang next time, enjoy your dinner, see you soon Ingat ka~" Sabi ko sakanya tas tinago ko na yung phone ko tas lumingon ako kung san ko iniwan si Ken kaharap ko may pikachu na nakbungad sakin

"Sabi ko sayo may pag-asa pa eh." Sabi niya

Tinititigan ko lang siya naiiyak ako promise, medyo mababa luha ko para akong bata shemay tas tinignan ko yung stuff toy shet na malagket totoo ba to may stuff toy ako na pikachu shet, inalok sakin ni Ken ng nakangiti tas kinuha ko tinitignan ko padin yung stuff toy hala totoo nga.

"Thank you." Sabi ko sakanya at tumango lang siya.

"Tara kain na tayo gutom nako." Aya niya tas lumabas na kami sa Tom's World

"San tayo kakain?" Tanong ko sakanya

"Mag Mcdo nalang tayo." Aya niya tas tumango lang ako

Naglakad na kami papuntang Mcdo medyo mahaba yung pila, pumili muna kami ng o orderin tas binigay ko sakanya yung bayad para saming dalawa since nakuha niya naman yung pikachu stuff toy treat ko na tas sabi niya hanap na daw akong upuan siya na daw mag order kaya naghanap ako ng upuan medyo maraming kumakain sa Mcdo te wala akong mahanap na upuan pero buti may nakita akong bakanteng upuan sa may dulo umupo ako dun tas tinitignan ko lang yung pikachu sa harap ko shemay ang galing nakuha niya to, nakita ko na paparating na si Ken dala dala order namin kaya tinabi ko na si Pikachu

"Asan na pala yung bestfriend mo?" Tanong niya

"Ah, may family dinner daw sila kaya di siya makakapunta na." Sabi ko tas tumango siya

"Buti nalang kasama moko, at least may kasama ka at kalaro." Sabi niya tas natawa ako dun

"Thank you?" Tanong ko habang nakatingin sakanya

"Welcome. Pakainin mo din si Pikachu." Sabi niya sabay turo kay pikachu natawa lang talaga ako medyo funny pala tong si Ken eh

"Alam mo di ko ineexpect na madali ka palang pakisamahan." Amin ko sakanya tas napangiwi lang siya

"Bakit ano bang akala mo sakin?" Tanong niya

"Snobber, suplado, tahimik, mahirap pakibagayan basta lahat ng negativity." Sabi ko tas tumango siya "Pero di ka pala ganun." Pahabol ko tas tumango lang ulit siya

"Akala ko buang ka." Sabi niya tas muntik pa akong masamid sa sinabi niya

"Ha? Buang di no." Sagot ko sabay punas ng bibig ko ng tissue

"Oo di ka nga buang, buang na buang ka lang." Sabi niya sabay subo ng Chicken, aba tong lalaking to

"Edi wow." Sign ng pagiging pikon wala ng maisagot

"Di ka pa ba hinahanap sainyo?" Tanong niya

"Di pa naman nag paalam naman ako kay mama ko eh." Sabi ko tas tumango siya

"Kala ko hindi gabi na paman din." Sabi niya tas ako naman yung tumango, puro kami tango eh

Natapos na kaming kumain nagpahinga lang kami saglit tas umalis nadin kami agad dun sa Mcdo naglakad lakad lang kami ng konti tas biglang nagsalita si Ken.

"Samahan." Aya niya tas tinignan ko siya

"Saan?" Tanong ko

"Dyan sa Forever 21 may bibilhin sana ako." Sabi niya tas tumango ako

"Tara." Sabi ko

Naglakad kami papunta sa Forever 21 pumunta siya sa Men's section naghanap hanap tas nagpaalam ako na may titignan lang ako tamang window shopping lang bes, pag may natitipuhan akong damit tinitignan ko agad yung tela tas yung price, napakaganda ng mga quality at design yung presyo lang talaga hindi kaya bumalik na ako agad kay Ken nakita ko siyang may bitbit bitbit na hoodies, polo, long sleeves at jacket aba mayaman.

"Anong magaganda sa pinili ko?" Tanong niya tas tinignan ko isa isa

"Para sayo ba?" Tinanong ko tas narinig ko siyang nag 'Hmm.' "Eto maganda to." Sabay bigay ng hoodie na grey

"Ano pa tig isa bawat isang klase ng damit." Sabi niya tas tumango ako

Kinuha ko yung mga gusto kong designs tas binalik niya yung mga hindi ko pinili, pumunta siya sa cashier tas hinintay ko siya sa may labasan, apaka yaman ng lalaking to bili bili lang siya ng damit kung san niya gusto sabi ko sa sarili ko mapapa sana all kanalang talaga. Natapos na siyang magbayad tas naglakad na ulit kami kung saan saan hanggang sa pumunta siya sa Coldstone luh, wala nakong pera bes wait lang anong ginagawa ng mokong na to?

"Anong gusto mo?" Tanong niya habang nakatingin sa menu

"Wag na hahaha." Sabi ko with nervous laugh syempre parang natatae lang

"Treat ko sige." Sabi niya tas napakurap lang ako di ko alam anong sasabihin or gagawin

"Isang Chocolate ice cream chaka vanilla. Sayo?" Tanong niya tas tumingin siya sakin

"A.. Ahm... Bubble gum flavor chaka Mint Ice cream." Sabi ko tas nagbayad na si Ken

"Tara upo tayo." Aya niya tas umupo kami

"Thank you." Pasasalamat ko tas tumango siya ng biglang sumigaw sa likod ko

"SIR KEN PAKI CATCH PO YUNG ICE CREAM NIYO, 1... 2... 3..." Sabi ni kuya tas binato kay Ken nasalo naman niya

"Ayos ah?" Sabi ko

"Ikaw na niyan sasalo." Sabi niya sabay turo dun kay kuya syempre tinignan ko at naghahanda na siya

"Hoy! Di ako marunong sumalo ano ba! Wrong idea to." Sabi ko tas tumawa lang siya

"MA'AM STEPHANIE PAKI CATCH PO YUNG ICE CREAM NIYO." Sigaw ni kuya

"Hal kuya abot mo nalang mahuhulog ko lang yan." Sabi mo kaso bigla siyang nagbilang

"1... 2... 3..." Bilang niya mukhang no choice tayo kapatid nung initcha niya buti nasalo ko

"Oh kita mo nasalo mo." Sabi ni Ken tas tumawa siya

"Happy?" Tanong ko sabay thumbs up ko

"Uu." Sagot niya tas tumawa nanaman

"Tara lakad tayo sa may labas." Aya niya

Tumayo kami at naglakad para lumabas dun sa may bridge kung saan may carousel at mga mini park kung saan pwede kang mag picture picture, karating namin dun ang daming tao na nakaupo sa mga bench at nagpipicture picture sa mga artificial trees at sa mga ilaw ginawang photoshoot area ang SM North.

"Aong gagawin natin dito?" Tanong ko sakanya

"Wala tingin tingin lang." Sabi niya "Gusto mo na bang umuwi?" Tanong niya

"Di naman." Sagot ko

"Buti di ka hinahanap sainyo?" Tanong niya

"Baka nagpapahinga na si mama sa bahay kakauwi lang niya yan di siya umuwi kagabi eh." Sabi ko tas tumango siya

"Eh si papa mo?" Tanong niya

"Ah si papa? Hiwalay na sila ni mama." Sabi ko tas tinignan niya lang ako

"Sorry." Sabi niya tas umiling ako

"Okay lang yun." Ngiti ko sakanya "Eh ikaw di ka pa hinahanap sainyo?" Tanong ko at tumingin ako sakanya umiling siya

"Wala man tao dun kaya naiinip ako." Sabi niya tas dahan dahan akong tumango tas may naalala ako

"Kaklase pala kita nung high school." Sabi ko tas tinignan niyako na gulat na gulat

"Talaga? Kaya pala familiar ka." Sabi niya

"Sakin din eh HAHAHAHA akalain mo yun." Sabi ko tas kumain na ulit kami ng Ice cream.

Biglang umihip yung hangin nako ang lamig ah, nanginig at nangilabot ako ng konti kasi banaman yung ice cream ang lamig din kaya medyo niyakap ko na yung sarili ko pati narin si pikachu, tumingin ako sa may carousel amaze na amaze ako sa mga kabayo na yan kainis para akong bata may hawak akong pikachu, kumakain ng ice cream at nakatitig sa carousel na parang gustong sumakay hay nako HAHAHAHAHA parang timang humarap ako kay Ken

"Uwi na tayo? Magko closing na eh." Sabi ko tas tumango siya

Tinapon na namin sa trashcan yung basura namin tas pumasok na ulit kami sa mall tas pumuntang parking para kunin ni Ken yung motor sinuot ko na yung Helmet wala namang hassle pag sinusuot pag lang talaga hinuhubad ampupu binigay ni Ken yung isa niyang binili na Hoodie sakin hala, tas nilagay niya yung paperbags niya sa loob nung upuan sumakay nako, tas nagdrive na siya kaso di ako nakahawak sa bewang niya medyo binigla niya yung pag gas muntik akong mahulog kaya no choice ako kailangan ko talagang kumapit sakanya parang timang, inaantok nako shemay kainis, after siguro ng 30 minutes nakarating na kami sa bahay namin syempre tinuro ko ayaw paawat na ibaba nalang ako sa tabi eh, kababa ko inalis niya yung helmet kasi alam niya di ko nanaman maalis tas hinawakan ko si pikachu.

"Thank you Ken!" Sabi ko may pa bow pa oh pak!

"Ingat ka." Sabi niya luh andito nako eh

"Thank you pala kay Pikachu, sa Interview, sa Ice cream at sa paghatid." Pasasalamat ko

"Wala yun next time ulit, sinuot niya ulit yung helmet niya." Inistart niya yung engine

"Ingat ka!." Sabi ko "Ay wait yung hoodie mo pala." Sabi ko huhubarin ko na nung pinigilan niyako

"Sayo na yan marami naman akong ganyan eh." Sabi niya "Matuto ka kaseng magdala ng jacket sa susunod." Pahabol aba ngayon kasalanan ko pa? Alam ko bang magiging maginaw ang init kasi kanina eh

"Edi wow." Sabi ko "Bye na." Nag wave ako sakanya tas bigla siyang may dinukot sa bulsa niya at may kinalikot sa phone niya

"Babye Teppie patotie~" Sabay pakita sakin nung picture sa phone niya

Nung una di ko gets ano yun tas nakit ko yung sarili ko na medyo naka side tas hawak hawak ko si pikachu yung ice cream din tas nakatingin sa carousel eto yata yung sinasabihan ko na parang bata ako naku legit na, aagawin ko sana yung phone niya ng bigla niyang nilagay sa bulsa niya.

"Alis nako." Sabi niya tas umalis na

"Hoy! Yung picture ko." Sabi ko ng mahina pero natawa lang ako parang timang

Tumalikod nako at pumasok sa gate namin tas kinuha ko yung susi para buksan yung pintuan namin ng biglang bumukas at bumungad si Mama sakin hala gising pa pala siya.

"Sino yung naghatid sayo?" Tanong ni Mama.