"Oh mama gising ka pa pala." Bungad ko muntik ng mahulog yung puso ko nung nagsalita siya shet
"Sino yun?" Tanong niya habang nakatingin dun sa kalye kung san nagmaneho papalayo si Ken.
"Si Ken Suson po." Sabi ko tas tumango siya
"Manliligaw mo?" Tanong ni mama tas tumingin siya sakin nanlaki naman yung mata ko at nasamid pa sa sarili kong laway nakalimutan ko atang lumunok nung sinabi niya yun
"H.. Hindi po!" Medyo napalakas ng konti yung boses ko
"Bat ka galit? Nagtatanong lang eh." Sabi ni mama tas pumasok nako
"Tulog na tayo ma, inaantok nako." Aya ko tas umakyat nako sa taas
Ginawa ko lang yung usual na ginagawa ko bago matulog tas di ko na namalayan na nakatulog nako. Nagising ako tirik na yung araw medyo mainit ng konti ngayon tinignan ko yung oras tas naligo nako tas nagbihis yung suot ko naka skirt na black medyo dit tas naka blouse ako na loose na white tas naka boots bumaba nako wala na si mama eh nasa trabaho na siguro tas nagtext naman si Cas na nasa Araneta na daw siya tas naalala ko isasama niya pala ako sa isang Kpop concert ngayon, well di ako mahilig dun pero sumama ako wala akong choice at the same time walang kasama si Cas kaya ayun nung dumating ako nasa pinaka harapan ng pila si Cas di naman excited eh no.
"Ang tagal mo." Sabi niya tas natawa lang ako sa sinabi niya
"Anong oras ka dumating?" Tanong ko
"Mga 3." Sabi niya
"A.M??!!" Nagulat ako tas tinignan niyako
"Ay hinde hapon, malamang umaga mukha nabang hapon sayo?" Pilosopo niya ang sarap batukan kung di ko lang kaibigan to hay nako
Nagpapapasok na sila eh 12 nn palang bat ang aga? Usual kasi na Kpop concert gabi chaka mamaya pang hapon magpapapasok, ang weird naman, nung pumasok kami VIP yung ticket ko at ni Cas malapit siya sa stage naku nakakahiya naman napaka lapit ko di ko naman kilala tong mga to. Nagsimula na yung concert nainip ako kaya di nako nanuod sumisigaw yung nasa harap, gilid at likod ko feeling ko mababasag yung eardrums ko tas uuwi akong bingi sa mga to nag cellphone nalang ako at naglaro tas biglang tumahimik tas tinignan ko anong nangyayare tas lahat ng nasa paligid ko nakatingin saken shet na malagket anong meron? nilagay ko sa bulsa ko yung cellphone tas hinawakan ako ni Cas sa braso tas tumingin ako kase clueless ako sa nangyayare at nagulat din ako
"A.. Anong meron?" Tanong ko sakanya
"Sama ka daw sakanya." Tas tinignan ko yung tinuturo niya tas tinuro niya yung lalaking parang bouncer
"Wala akong kasalanan." Sabi ko tas hinampas ako ni Cas "Aray ah medyo masakit ah." Biro ko pa
"Tange napili ka kase sumama kana." Tinulak niya ako tas sinamahan ako nung lalake papunta sa isang hagdan
"Hala, Ano to? Heaven? Wala akong kaalam alam baka mamaya mamatay ako dito Mamiii!" Bulong ko sa sarili ko
Umakyat ako sa hagdan tas naglakad ng konti nakita ko na stage pala to pero anong ginagawa ko dito? Ang daming ilaw ang sakit sa mata at mapakainit din ano ba to, tumingin ako sa audience at nakita ko si Cas na nakangiti tas ang daming mga tao na nakatingin sakin tas biglang may sumigaw ng sana all tapos may nakikita ako sa malayo nilagay ko yung kamay ko sa may bandang noo para makita ko ng maayos yung nakikita ko at para matakpan yung ilaw, may tao dun sa dulo ng stage naglakad ako tas nakakakita ako ng apat na lalaki sino to?ang hirap naman ng di mo kilala shemay, yung tatlo matangkad tas yung isa maliit sino kaya tong mga to? lalapitan ko na sana tas biglang may yumakap sa bewang ko nagulat ako at nanigas sa pwesto ko tinignan ko kanino kamay pero di siya familiar tas naririnig ko puro sana all lang galing sa audience tas humarap yung apat pero blurred yung mukha tinignan ko kung sino yung yumakap tas familiar siya yung hubog ng katawan at yung buhok.
"Kilala ba kita?" Tanong ko sakanya ngumiti siya pero kita ko yung ngiti na yan dati di ko alam kailan at kanino pero familiar yan medyo cloudy din yung face niya grabe ang unfair
"Oo kilala moko syempre." Sabi niya shet pati yung boses familiar kaso di ko alam kanino alam mo yung feeling ng may kaboses pero parang ngayon mo lang narinig ang weird diba?
"Sino ka?" Tanong ko tas ngumisi siya
"May amnesia ka ba? o binibiro mo lang ako?" Tanong niya tas tinitignan ko lang siya ng puno ng pagtataka
"Di kita kilala pero parang familiar ka." Sabi ko tas lumapit siya sa mukha ko medyo nailang ako kase ang lapit iya kaso di ko siya makita kase cloudy yung mukha
"Boyfriend moko bat di mo ko kilala?" Tanong niya tas di ko alam gagawin ko nakalimutan kong mag-isip, gumalaw at magsalita
Umatras lang ang kaya kong gawin umatras ao ng dahan dahan papalayo sakanya tas tinitignan niya lang ako hanggang sa boom! nalaglag ako sa stage, binuksan ko yung mga mata ko tas nakita ko nasa kwarto pala ako at di ako sa stage nahulog sa kama ko pala nagbuntong hininga ako hays ang sakit infairness tas tumayo nako kaso nafi feel ko naiinis ako kasi alam ko may napanaginipan ako kaso di ko na alam ano parang nabura na shemay sayang di man maalala kahit isa nakakainis. Naghilamos nako at chineck kung andyan si mama mukhang umalis na tinatamad akong bumaba at wala akong ganang kumain ewan ko ba bakit, pero di ko alam anong gagawin ko ngayon kaya binuksan ko yung laptop ko at ginawa ko na yung report ko na ilalagay sa newspaper inayos ko at ginawan ko ng format pinagsunod sunod nag attach narin ako ng photos mga 4 na oras kong ginagawa yun at kasama na dun yung final output yung isa submit na talaga binasa ko ulit kung tama ba chineck kung may mali at kung ano ano pa nung okay na sinend ko na kay Mr. Perez via email di ko afford na puntahan siya at maghintay [ara naman mabawasan na mga kailangan kong gawin diba? nung nasend na umunat ako ng nakaupo at pumutok yung mga ibang buto ko shet ang sarap parang ngayon ko lang naramdaman to tatayo na sana ako ng biglang nag ring yung cellphone ko kaya tinignan ko kung sino.
"Sino kaya to?... Number lang." Sabi ko tas tinitignan ko lang yung phone ko inislide ko para sagutin
"Hello?" Bati ko tas nagulat ako kung sino yung sumagot di ko ineexpect sino yung tumawag.