Campus President

"Hello?" Sagot ko tas nagulat ako dun sa sumagot din pano niya nalaman number ko?

"Hi, Si Stephanie Ann Cruz ba to?" Tanong niya boses palang alam na na si Leslie to

"Speaking." Sagot ko tas nag hmm siya

"Hi, I'm out of town kase ngayon for my projects gusto sana kitang puntahan kaso I don't have time eh kaya pinakuha ko nalang sa sources ko yung number mo." Sabi niya tas napaisip ako Sources? sabagay mayaman eh

"Ahhh, ganun ba? ano po ba yon?" Tanong ko syempre magalang akong bata matanda siya sakin ng isang taon nuba

"Ahhh, gusto kasi sana kitang humabol as a President ng Campus." Sabi niya tas nagulat ako medyo na shook ako dun myghad

"Po?" Tanong ko ulit

"Habol ka ng President sabi ko, I know di tayo ganun ka close and I don't know you so well, pero sayo ko lang nakikita yung pagiging President and I know you can handle the campus better." Sabi niya

"Nakakaistress po yun eh hehe." Natawa ako na may halong kaba kaya ang pangit pakinggan shet

"Ano kaba, I saw how dedicated, passionate and hardworking you are you can handle that I'm sure keriboomboom mo yun nuba." Sabi niya and napa buntong hininga na lang ako

"May I know if this is a request or a command." Tanong ko sakanya tas narinig ko lang siyang mag sigh

"Actually, it's a command may nabalitaan kasi ako sa source ko na mas maganda kung ikaw kesa sa makakalaban mo pag Campus President ka kasi you have all the rights around there mapasama or makakabuti man basta kung yung request letter mo and mabulaklak ka magsalita sa taas sasangayon agad sila and ganun lang naman yung kalaban mo, I'm doing this for the sake of our school and for the students also lalo na nagbabago yung rules sa school kaya di ko sure if magiging kilala pa ba ang U.P pag napunta sa masamang kamay ang mga studyante, maybe makikilala sila base sa negative effect and ayokong mag reflect yun sa students at sa mga nag graduate dun it will be bad for each and everyone's future." Sabi niya and napaisip ako

"Pwede bang pag-isipan to?" Tanong ko and nag hmm siya

"Oo naman di ko naman ineexpect na o-oo ka agad." Sabi niya tas tumango ako

"Oo di ko din ineexpect na kailangan ko din humarap sa another na pagsubok, akala ko nababawasan na yung ka stressan ko." Sabi ko tas tumawa siya

"Well, hangga't buhay ka di yan mawawala pag nawala yan sigurado patay ka na." Sabi niya

"Pero pwede ko bang malaman kung sino yung tinutukoy mong kalaban ko sa pagiging presidente." Tanong ko at medyo nag serious ulit yung tono niya

"Well, Di ko na siguro sasabihin kase walang thrill pero wag ka sanang pakabog sakanya naniniwala ako sayo." Sabi niya tas biglang binaba yung phone

"Parang tanga naman to pa suspense naman kala mo naman may drugs and sindikato na involve eh campus lang naman, myghad wala paman naiistress nako." Kinausap ko lang yung sarili ko na parang timang konting konti nalang mababaliw nako

Binitawan ko yung phone ko sa may lamesa umupo ako sa upuan ko at sumandal, huminga ng malalim pa sa balon at tumingin sa kisame, isa lang naman yung tumatakbo sa isip ko, naiistress nako, bat ngayon pa kasing graduating mas mahirap kasi naman maraming requirements na niyan tas ayan pa yung habol habol na yan ihhh parang ayoko na sa earth ah. Tumunog yung cellphone ko nag notif na may nagtext pinikit ko lang yung mata ko tas huminga ng malalim, sino kaya to? Kinuha ko yung phone at tinignan yung text, ah galing kay Leslie nanaman.

"I forgot to tell you na nasa listahan ka na kaya no turning back may orientation kayo sa saturday kaya get ready na hehe hope u don't mind." Text niya

"Totoo ba to?" Bulong ko sa sarili ko "Sigurado may screening to kaya kailangan prepared na, di pa nga ako nakaka oo eh shet naman." pagtata tantrums ko

Binitawan ko na yung phone ko tas bumaba ako kailangan ko ng tubig at ng fresh air sa labas di pa nag si sync in yung nangyayare shet naman habang nagsasalin ako ng tubig may kumatok kaya pumunta ako sa may pinto habang umiinom at nung binuksan ko muntik ko ng mabuga sakanya yung tubig na iniinom ko.

"K... Ken?!" Tanong ko