"Ken?" Tanong ko tas pumasok siya sa bahay namin at umupo sa sofa
"Bat parang gulat na gulat ka?" Tanong niya sakin at clinear ko lang yung throat ko, umirap at nakapamewang katapos isara yung pinto
"Sino bang hindi magugulat sa ISANG tao dyan na biglang susulpot sa BAHAY namin? AT biglang PAPASOK NG DI PA INAAYA sige nga."Sumbat ko tas sumandal lang siya sa sofa at binuksan yung tv gamit yung remote
"Wala akong magawa eh." Sabi niya tas umirap naman ako
"Eh bat ka naman nandito?" Tanong ko
"Di ko alam kung shushunga shunga ka o bingi ka lang, SABI KO NGA na walang tao samin." Explain niya
"Yun na yon?" Tanong ko tas tumango siya tas natawa lang ako
"Ayos ka kapatid ah, bahay mo to?" Tanong ko
"Pwede din, lipat ako pag may time para may kasama na ako." Sabi niya habang nagkibit balikat tumawa lang ako ng panginsulto
"Aba ano ka siniswerte?" Tanong ko
"Siguro. Mukha naman mabait mama mo eh." Sabi niya tas umirap lang ako at pumunta sa kusina
"Ewan ko sayo Suson, umalis ka kagad ha? bago dumating nanay ko, sana walang nakakita sayo sa mga kapitbahay namin maintriga panaman yung mga yun naku." Sabi ko sakanya tas mukhang wala lang sakanya
"Nagpa deliver pala ako ng Jollibee darating na yun mga ilang minuto nalang." Sabi niya tas tinignan ko siya
"Aba mayaman, balak ko panaman din magluto kasi biglang may dumating na bwisita." Sabi ko
"Edi magluto ka nag order lang naman ako ng kakainin ko." Sabi niya tas nagulat lang ako sa sinabi niya
"Aba walangya tong lalaking to, pumunta sa may bahay ko at umorder ng pagkain ng pagkain na para sakanya lang, aba magaling to sarap kutusan." Bulong ko sa sarili ko
"May sinasabi ka?" Tanong niya tas umiling ako
"Wala." Sabi ko
"Pag naiinip ako at walang magawa dito nalang ako ta tambay ah?" Sabi niya tas tinignan ko siya
"Mukha bang tambayan to Suson?" Tanong ko tas tumango siya
"Oo wala ka din namang ginagawa kaya tamabayan na natin to." Sabi niya tas natawa ako ng pilit
"Alam mo? ang labo mong kausap di kita maintindihan." Sabi ko tas tinuloy ko nalang yung pagluto ko
Nagluluto ako ng adobong manok sinabay ko na din yung kanin na isasaing ko para sabay silang maluto agad dahil gutom nako, habang hinihintay kong maluto yung ulam at yung kanina kumuha ako ng pitchel at nagtimpla ng orange juice ng biglang may kumatok sa pinto tinignan ko kung anong ginawa ni Suson, tumayo siya at binuksan nakita ko yung delivery ng Jollibee dumating na pala yung pagkain ni Suson kaya nag focus nalang ako ulit sa pagtitimpla ng juice, nung natapos na nilagay ko sa ref nagtataka ako bat parang walang ingay masyado? umalis na si Ken? tanong ko sa sarili ko sisilip sana ako kung andyan pa si Ken ng kaharap ko sa may daanan nakatayo si Ken dun ng ang daming dalang paperbag ng Jollibee nakatingin siya sakin, muntik nakong atakihin sa puso kala ko kung ano na yung nakasalubong ko.
"Gulat ka no? Matatakutin ka pala." Sabi niya tas umirap ako at pumunta sa niluluto ko
"Matatakutin agad di ba pwedeng nagulat lang sayo?" Sabi ko tas tumawa siya
"Edi wow." Sabi niya nilapag niya sa may counter ng kusina namin yung mga paperbag
"Ang takaw mo naman." Sabi ko sakanya habang tinitignan ko siya tas tinignan niyako ng masama
"Mukha bang akin lahat to? ganun ba katakaw tingin mo sakin? gigil mo ko eh." Sabi niya natawa lang ako na para siyang bata sa pag deny na sakanya lahat yung binili niya
"Okay chill ka lang." Sabi ko tas tumawa
"Binilan din kasi kita di naman ako makasarili no, pati narin yung nanay mo binilan ko." Sabi niya tas huminto ako sa pagtawa at tumingin sakanya
"Legit?" Tanong ko tas tinignan niyako
"Mukha ba akong nagbebenta ng Class A na cellphone para itanong kung legit to tep?" Tanong niya nagulat ako sa pagtawag niya sakin 'Tep' Close tayo? pero binalewala ko nalang
"Suri na." Sabi ko tas pinatay ko na yung niluluto ko
"Sabayan mokong kumain, mamaya na natin kainin yang niluto mo nagluto ka pa kasi napakakulit mo." Sabi niya tas tinignan ko siya na medyo nainis
"Alam ko bang ganito kadami yung oorderin mo?" Tanong ko
"Sana naman inisip mo na pag umuorder di pwedeng konti kase never akong umorder ng konti dun no." Sabi niya tas inirapan ko lang siya
"Edi ikaw na." Sabi ko tas tumawa siya
"Pikon." Inis niya tas di ko na siya pinansin
"Dun tayo sa may sofa kumain para komportable." Sabi niya tas nilagay namin yung kakainin namin sa may sofa tas nag start na kaming kumain
"Mga anong oras ka aalis?" Tanong ko
"Aba kakadating ko lang pinapaalis mo na ako" Sabi niya
"Di naman tinanong lang eh." Sabi ko
"Pag trip ko ng umuwi." Sabi niya
"Anong oras kaya yang trip na yan? Kinakabahan ako sa trip na yan ah." Sabi ko
"Anong oras uuwi si mama mo?" Tanong niya tas tinignan ko yung orasan
"Mga mamayang 5." Sabi ko tas tumango siya
"Wala kang kasama?" Tanong niya
"Mukha bang may kasama ako?" Pilosopo ko tas umiling siya
"Aba pilosopo." Sabi niya tas nagcontinue lang kaming kumain
"Tapos ko na pala yung report ko." Sabi ko tas tumingin siya
"Talaga? Patingin nga kung pogi ako dun." Sabi niya tas muntik nanaman akong mabulunan malapit talaga akong mamatay pag kasama ko tong mokong na to eh
"Sinubmit ko na kay Tito mo tignan ko kung may papabago na siya chaka makikita mo yun pag pasukan na wag kang magmadali pangit kapadin dun." Sabi ko tas sumubo ng chicken
"Bastos na bata." Sabi niya tas tumawa ako
Biglang may nagpop nanaman na message sakin tas binasa ko galing sa lockscreen tas napabuntong hininga lang ako kasi nakita ko na galing nanaman kay Leslie, shemay ready na ba ako? anong ilalagay ko sa screening? jusko naman wala akong maisip masyado akong nape pressure
"Sino yun?" Tanong niya sakin habang di nakatingin
"Ah si Leslie." Sabi ko tas tumingin siya sakin na parang nagulat
"S.. Si Leslie?" Tanong niya tas tumango ako
"Bakit?" Tanong ko tas umiling siya
"Wala, anong sabi?" Tanong niya
"Pinapatakbo niya ko na maging president sa campus." Sabi ko
"Bat di ka humabol?" Tanong niya tas nagbuntong hininga lang ako
"Di ko nga alam if kaya ko, wala naman kasi sa isip ko yan eh, tas bagong experience pa kinakabahan ako na baka mamaya di ko pala kaya." Sabi ko sinabi ko na yung nararamdaman ko di ko na keri
"Maganda nga yan eh to widen your horizon, kailangan mo din umalis sa comfort zone mo, alam kong mahirap pero marami kang matututunan at matutuklasan na maganda to grow you more as a person pag lumabas ka dyan. Grab the opportunity sayang." Sabi niya, may matino din palang sinasabi to kala ko puro kalutangan at kahanginan lang alam eh
"Bat mo sinasabi to?" Tanong ko sakanya actually wala akong maisip na sabihin pero bigla nalang lumabas yan
"Kasi I've been there." Sabi niya ang tahimik lang ng paligid
"Kasi naman, di naman ako popular katulad ni Leslie, di ako maganda, wala akong pera, ordinary lang naman ako at katulad ng iba na nag-aaral dun pero bat ako?" Tanong ko tas umirap siya
"Alam mo di ka naman pipiliin kung walang nakita sayo si Les, Everything have it's reason kung bakit nangyayare yun." Sabi niya "Tignan mo nalang sa kabilang anggulo na they find something special to you at alam nila na di lang yung school ang makikinabang sayo good din sayo yun kasi you will gain experience and all." Dagdag niya
"Pero kaya ko kayang mag-isa?" Tanong ko medyo nai insecure din kasi ako myghad wala talaga akong confidence pagdating sa mga ganito simpleng bagay lang pinapalala ko pa.
"Sino bang nagsabi na nagiisa ka? Andyan si Leslie, Si mama mo, si Cas at syempre ako." Sabi niya tas tumingin ako sakanya ang weird naman pa fall ata to
"Luh, Sige." Yan lang nakayanan kong sabihin sa dami ng iniisip ko at di pa nagsi sync in shemay
"Kung kailangan mo ng tulong dito lang kami wag mong sarilihin kasi." Sabi niya tas sabay tayo
Nagligpit na kami ng kinainan at dun sa sofa inayos na rin namin si Ken nag cr muna tas ako dinidispose yung mga kalat namin ng biglang nagring yung phone ko may nagko call, sino kaya yun? tinapon ko na yung mga kailangan itapon si Ken nalang natira joke HAHAHAHA kinuha ko yung phone ko at dali dali kong sinagot
"Hello?" Bati ko
"Hoy tepiterio bat di mo sinasabi to?" Bungad ni Cas sakin wala man Hi or Hello agad Hoy eh
"Yung alin?" Tanong ko actually naguluhan ako ano nanaman kaya yung sinasabi ng babaitang ito
"Na hahabol ka pala na CAMPUS PRESIDENT." Sabi niya inemphasize niya talaga yung campus president
"Di ako may pakana niyan." Sabi ko tas nag tsk tsk lang siya
"Wag ka magpaliwanag dito on the way nako dyan chaka na tayo mag-usap oag andyan nako." Sabi niya aba jowa lang ang peg dai?
"Teka---" Wala may sasabihin pako baka magulat yun na andito si Ken hay ewan ko sakanya bahala na siya binabaan ako eh
"Sino yun?" Tanong ni Ken muntik kong mahulog yung phone ko shet
"Bigla bigla ka nalang bang susulpot?" Tanong ko tas nagkibit balikat siya
"Pwede din." Sabi niya aba magaling! *Sarcasm*
"Pag pinatuloy mo yang paganyan ganyan mo aatakihin ako sa puso, pag nangyari yun mamamatay ako mumultuhin kita tandaan mo yan." Sabi ko tas tumawa siya
"Edi happy ka, ikaw lang naman matatakutin eh baka matakot kapa sa sarili mo." Sabi niya, ang labo talagang kausap neto malabo pa sa signal ng antenna namin
Naglinis muna ako ng bahay habang nakaharang si Ken sa may sofa naglinis muna ako sa taas, sa may kusina, sa may sofa at sa labas syempre tas tinignan ko anong oras na malapit na palang mag 5 baka dumating na si mama kaya pumasok nako sa loob at pumunta sa may sofa at tumingin ako sakanya nakita kong nakatulog na pala siya sa sofa habang nagkalat nanaman ng mga chichirya sa sofa kakalinis ko lang eh, tas pano nagka chichirya dito? ewan ko ba magician ata tong si Ken sabagay parang siya lang din pala yung chichirya biglang susulpot may lahi atang kabute to, pinupulot ko yung mga natapong chichirya pati narin yung walang laman nakayuko ako tas tinignan ko si Ken na natutulog, ang tangos ng ilong sana all mama ako kase sakto lang na nakakahinga HAHAHAHA napangiti lang ako sa sinabi ko sa isip ko, ang haba din ng pilikmata niya sana all ulit mas maganda pa lahi neto sakin eh kalalaking tao clear skin yung mga gusto ko na dapat sa babae meron sakanya edi kayo na nabigyan ng blessings, wala nag e enjoy lang ako sa view ng mukha ni Ken ngayon ko lang siya nakita ng malapitan napaka detailed netong lapit na ganito halos nararamdaman ko na yung hininga niya chka naririnig ko na yung soft snores niya ng biglang bumukas yung pinto napatalon ako bigla tas kumalat ulit yung mga balat ng chichirya tas nagising din si Ken sinilip sino yung dumating at napatingin din ako di talaga malayong magkakaron ako ng sakit sa puso sa mga nangyayareng mabigla bigla na ganto eh, Si Cas pala yung dumating bumungad samin na parang may hinahanap na killer tas siya yung pulis pero nung nakita niya si Ken nagulat lang siya tas tumingin siya saming dalawa ng paulit-ulit mukhang di pa nagpa process yung nangyayare masyado ata siyang na shook.
"Ken, Si Cas pala Bestfriend ko." Pinutol ko yung awkwardness at ng magising din si Cas sa pagka shook
"Hi Cas." Bati ni Ken tas humiga ulit sa sofa at natulog ulit lumapit naman ako kay Cas
"B... bat andito si Ken?" Tanong niya "Bat di moko ininform?" Dagdag niya
"Wait... Binabaan moko agad eh sasabihin ko palang kase." Sabi ko tas huminga siya ng malalim "Bakit ba parang shook na shook ka?" Tanong ko sakanya
"Wala naman, nagulat lang ako na yung best friend ko may kasamang popular na heartthrob pa sa school tas andito sa bahay niyo." Sabi niya di maalis yung tingin kay Ken eh
"Popular kadin naman." Sabi ko tas hinampas niyako
"Di moko gets no? I mean yung may lawit ghorl may lawit bako? Guhit meron ako wala akong lawit pwede ba." Sabi niya tas natawa ako sa sinabi niya
"Ahhh gets ko na." Sabi ko tas inirapan ako
"Bat andito si Ken?" Tanong niya tas nagkibit balikat ako
"Di ko alam totoong reason pero alam ko NAIINIP DAW siya at ginawa pang tambayan yung bahay namin, tas tinanong ko anong oras siya uuwi ang sabi ba naman PAG TRIP NA DAW NIYA, oha amazing diba?" Sabi ko tas natawa siya with matching iling iling
"Sana all, naging super close kayo dahil sa interview." Sabi niya tas napakeleng yung ulo ko
"Di ko nga inexpect eh kala ko hanggang dun nalang yun." Sabi ko tas tumango siya
"So back to normal, bat di mo sinabi na hahabol ka?" Tanong niya with matching pamewang si madam
"Ganito kase yan..." Inumpisahan ko bali kinwento ko yung nangyare kanina yung pag-uusap namin ni Leslie pati narin yung sinabi ni Ken tas nakinig lang si Cas
"Oo nga andito naman kami, pinagiisipan ko din na humabol kasi naiinip ako." Sabi niya tas nagningning yung mata ko
"Pag humabol ka hahabol din ako sige." Sabi ko tas tumango siya
"Sige habol tayo. Parang aso lang HAHAHAHAHAHA." Sabi niya tas tumawa ng malakas
"Pano mo pala nalaman na hahabol ako?" Tanong ko sakanya
"Sa website ng school naten pinost nila bigla ngang nag end yung registration para sa paghabol buti may nagsulat na ng pangalan mo at pangalan ko. so di pilitan yun hehe." Sabi niya tas tumango ako
"Ahhh, naka state naba dun sinong kalaban?" Tanong ko tas umiling siya
"Di pa pero bukas ilalabas final copy ng names ng gustong humabol tas sa sabado na agd screening ang bilis no?" Sabi niya tas tumango ako
"Tas magpapasukan na." Dagdag ko napabugtong hininga lang kami
"Tara gawa na tayo ng advocacies na kailangan and etc na kakailanganin sa screening we need to be prepared mars." Sabi niya tas umakyat siya sa kwarto
Aakyat na din sana ako ng naalala ko andito pala si Ken kaya ginising ko muna tas tinanong kung uuwi na siya tas sabi niya di na muna daw inaantok pa daw siya tas sabi ko pupunta kami sa taas para iready yung kakailanganin sa sabado tas tumango siya at tumayo kala ko aalis na nauna na pala sa kwarto ko nagligpit at nagayos ako ng konti tas umakyat nadin ako kapasok ko ng kwarto nakita ko si Ken nakahiga sa kama ko tas nagkumot pa ng kumot ko tas si Cas nasa lapag nagse cellphone, kumuha ako ng papel and ballpen tig isa kami nag brainstorm kami at nagtake down ng mga ideas namin ng biglang bumukas yung pinto sa likod ko napatingin ako andito na pala si mama, nagulat ako sa pagbukas niya ng pinto kala ko sino na nakatingin ako sakanya, tinignan niya kaming dalawa ni Cas tas lumihis yung tingin niya sa kama ko SHET SI KEN PALA ANDUN! HALA PANO KO TO IE EXPLAIN? namutla ako di panaman din ako naguuwi ng lalake sa bahay at naabutan niya pa sa kwarto ko shet na malagket.
"Sino yang lalakeng nakahiga?" Tanong niya tas nagtinginan lang kami ni Cas sa isa't-isa habang napalunok.