"A.. Ahhh tita, si Ken po nakatulog na po di tuloy namin mapakilala kaibigan po namin ni Tep." Sabi ni Cas buti nalang siya na sumagot medyo lutang ako di nagpa process utak ko myghad!
"Ahh, Ken? Di ba yan ata yung ininterview mo at yung naghatid din sayo nung minsan?" Tanong ni mama at tumingin lang sakin si Cas tas tumango naman ako
"Opo." Sabi ko tas tumango din si mama
"Dito na kayo mag dinner Cas chaka si Ken ah?" Sabi ni mama
"Opo tita thank you po." Sabi ni Cas at ngumiti kay mama
"Ay ano palang ginagawa niyo?" Tanong ni Mama
"Ah nagsusulat po kami ng ideas at advocacies po namin kasi po hahabol kaming Campus officers sa school." Sabi ni Cas at tumango si mama at ngumiti
"Maganda yan husayan niyo ha?" Sabi ni mama at ngumiti kami
May kumatok sa baba at napatingin si Mama sa hagdan pati kami napatingin narin, sino naman kaya yun gabi na para bumisita, bumaba si mama para tignan sino yung kumakatok tas tumayo na kami para ayusin yung medyo makalat namin ginawa dahil sa brainstorming na yan may nasulat naman kami wamport nga lang HAHAHAHAHA tas biglang umupo si Ken gising na pala.
"Dumating na?" Tanong niya tas tinigan ko siya
"Ha?" Di ko gets eh
"Hakdog." Sabi niya ang sarap talagang batukan neto
"Ewan ko sayo." Sabi ko tas ngumiti lang siya
"Dumating na yung order ko?" Sabi niya, ewan ko ba kung naalimpungatan to o nabuang na eh
"Nananaginip ka pa ata?" Sabi ko tas umiling siya
Umalis na siya sa kwarto ko at bumaba inayos ko yung higaan ko na ginulo niya kakaikot sa kama bumaba nadin si Cas, napakagaling naman nila iniwan ako dito para magligpit instant maid ah sana naman may pasweldo charrr. Katapos kong magligpit bumaba nako nagulat ako ng naglalabas si mama ng juice at mga baso sa labas anong meron?
"Tara kain na tayo dito sa labas, kuha ka nga ng tubig dun sa ref." Utos niya sumunod naman ako kahit di ko alam anong meron
Kalabas ko nakita ko may lamesa sa labas tas may Yellow Cab, eto ba yung dumating? sinong nag order? may adobo akong niluto kanina initchepwera lang susmaryosep. May coke, juice at tubig kami dito sige mabubusog tayo sa liquids neto HAHAHAHAHA tas may chicken, pasta, pizza at ice cream na pistachio yung flavor aba bigatin.
"Eto po ba yung kumakatok kanina ma?" Tanong ko kay mama tas tumango siya
"Inorder daw ni ken. Ay Ken anak thank you sa pa yellow cab mo ah?" Pasasalamat ni mama tas ngumiti si Ken
"Welcome po. Kain na po tayo." Ayaw niya agad sinunggaban yung chicken eh
"Kuha pala akong yelo." Sabi ko
Pumunta ako sa kusina namin tas kumuha akong yelo sa ref binasag ko na din tas nilagay sa isang tupperware palabas nako ng huminto ako sa kabilang side ng screendoor namin tinitignan ko kung pano mag usap si Mama at si Ken tawa sila ng tawa, ganun din si Cas para lang kaming pamilya sa ganitong set up nakakapuno ng puso na nakikita kong ganito kami kasaya, ewan ba ang sarap sa heart nung nakikita ko nabubusog ako sa ganyan ang ganda ng aura tas goodvibes, di ko alam pano ko ie explain kase ang daming words para i explain tong nangyayare pero shet tong Happiness na nararamdaman ko ang tagal ko din di naramdaman.
"Shet Suson anong ginagawa mo? pero thank you." Bulong ko sa sarili ko at ngumiti one last time at lumabas nako para sabayan silang kumain.
So ayun nga kumakain na kami, kuha dito kuha doon, higop dito higop doon, bubusugin lang namin sarili namin kahit naitchepwera yung adobo ko jusko may bukas pa naman HAHAHAHAHAHAHA, tumingin ako kay Ken na katabi ko tas bumulong ako.
"Thank you." Pasasalamat ko tas ngumiti at tumango lang siya
"Ay Ken, ano palang course mo hijo?" Tanong ni mama tumingin naman si Ken kay mama
"Architect po." Sagot niya tas tumango lang ng dahan dahan si Ken
"Ahhh, Hahabol kadin ba na Campus officer kaya tinutulungan mo sila?" Tanong ni mama tas tumingin si Ken sakin
"Ah hindi nanghihingi lang kami ng suggestions tas pinapacheck namin if bagay or maganda yung idea namin." Sabi ko tas tumango siya
"Galingan niyo tama yan Teamwork para mabilis chaka maraming mabigay na ideas at magawa." Sabi ni mama
"Opo." Sagot ni Cas
"Dumidilim na anong balak niyo tapos niyo na ba ginagawa niyo?" Tanong ni Mama
"Dito na po ako matulog tita." Sabi ni Cas
"Osige ikaw Ken san ka umuuwi?" Tanong ni mama
"Pasig po." Sagot niya tas tumango si Mama
"Alis ka na ba?" Tanong niya
"Opo." Nagsmile ng pilit si Ken
"Osya mag ready ka na ligpit lang namin to magiingat ka ha? Salamat din sa pa dinner mo" Sabi ni mama
Umalis na si mama para iligpit yung mga basura, tinulungan ko siya pati na si Cas habang si Ken nagaayos ng mga gamit niya, Sumakay na si Ken sa motor niya mga ilang beses niyang iniistart yung motor niya ayaw mag start.
"Anyare?" Tanong ko
"Ayaw mag start nalamigan ata." Sabi niya tas tinignan ko yung motor "Yare." Bulong niya
"Okay lang ba?" Tanong ko tas umiling siya
"Siguro konti pang padyak to para uminit ng kaunti." Sabi niya tas tumango ako kala mo naman naiintindihan ko eh no
"Anong nangyare Ken?" Tanong ni mama na biglang sumulpot sa likod ko.
"Ayaw pong mag start." Sagot ko kasi busy si Ken eh
"Ahhh, May mekaniko akong kilala dyan sa kanto gusto mo bang patignan?" Tanong ni mama
"Pwede naman po." Sagot ni Ken
"Samahan mo nga Tep." Utos ni mama
"Luh, pano si Cas." Tanong ko
"Inaantok nako Tepiterio kayo nalang." Sigaw ni Cas galing sa loob
Edi no choice ako, pinaiwan ko muna gamit niya sa loob para iwas sa mga binibitbit, nakalabas na kami ng gate medyo malayo na kami sa gate ng biglang humangin ng malakas, aba matinde uulan kaya? parang uulan tumingin ako sa taas habang naglalakad wala masyadong sasakyan banda dito samin pagsapit ng gabi eh kaya walang problema pag shushunga shunga ka walang babangga, nakatingin ako sa ulap napansin ko na ang bilis ng paggalaw tas biglang may pumatak sa may bandang pisnge ko, Shet uulan pa ata bulong ko tas naramdaman ko na yung simpleng ambon lumakas na tas medyo nababasa na yung damit ko, wala kaming payong or kahit ano shemay wala din kaming masilungan kaya inaya ko siyang bumalik na, wrong timing naman to ang lamig ng tubig tas humahangin pa ng malakas aba matinde feeling ko lalagnatin ako pag nagtagal pa kami dito, medyo binilisan namin ni Ken yung paglalakad pabalik hanggang nakabalik na kami pinasilong muna namin yung motor niya dun sa garahe ng kapitbahay namin di rin namn nila ginagamit sayang hahahaha, tas pumasok na kami sa bahay tinignan kami ni mama.
"Magpalit na kayo baka lagnatin pa kayo pag nag stay kayong suot yang basa niyong damit." Sabi niya habang binato samin yung tuwalya tig isa kami
"Walang damit si Ken." Sabi ko kay mama sasagot na sana si mama ng sumagot si Ken
"Meron po akong dala." Sabi niya habang nagpupunas tinignan ko lang siya
"Ayos ah." Bulong ko habang nakangiwi ready si kuya
Umakyat nako para magpalit ng damit nasa loob ako ng banyo, naghilamos nako ng kaunti tas nagpatuyo ng buhok at nagbihis, nung lumabas ako sa kwarto nakita kong tulog na si Cas sa may bandang pader ng kama ko, bababa sana ako para icheck kung san matutulog si Ken pero kabukas ko sa pinto siya yung bumungad, self kalma lang di siya multo muntik mo lang mapagkamalan, tinignan ko siya nakapagbihis na at medyo basa yung buhok ayos nakapambahay si kuya ready talaga, nakita ko yung hawak niya may hawak siyang unan at kumot aba anong balak neto
"Ano yan?" Tanong ko sabay turo sa unan at kumot
"Unan at Kumot." Sagot niya
"Alam ko, I mean anong gagawin mo dyan?" Tanong ko ulit
"Gagamiting pangtulog." Sagot niya kaasar to lalabas sana ako at pupunta sa baba para i ready yung sofa
"Sabi ni Mama dito na daw ako matulog." Sabi niya
"Mama?" Tanong ko weird neto
"Mama mo." Sabi niya tas hinila niya ako pabalik sa may doorframe ng kwarto ko
"bat ang dilim na?" Tanong ko
"Natulog na si Mama." Sabi niya tas pumasok sa kwarto ko aba feel at home ka teh?
"Nagkaron ka ng mama no?" Ang weird ng pagkasabi ko di siguro ako sanay
"Yez, at mama mo yun." Sabi niya tas sabay yuko dun sa may ilalim ng kama ko
"Bat may kutchon dyan?" Tanong ko sakanya
"Ewan ko sayo kwarto mo to eh bat sakin mo tinatanong." Pilosopo niya ang sarap kutusan ng mokong nato
"Sige pilosopo pa, isa pa matutulog ka sa sofa." Sabi ko tas tumawa siya
"Pikon ka kase." Sabi niya tas umirap ako
"See di man ako nakatingin pero alam ko umirap ka i know you so well Pet." Sabi niya habang inaayos yung kutchon
"Pet?" Tanong ko sakanya
"Hayyy kabaligtaran ng Tep, duhhh." Sabi niya with a duh tone, maattitude si kuya mo aba
"Matutulog nako bahala ka na nga dyan." Sabi ko sabay patay ng ilaw at pumunta sa higaan ko at humiga
Tahimik yung atmosphere napaka peaceful ang sarap ng ganito lalo na kung napaka pilosopo at nakakainis yung kausap mo mula kanina. For good 20 minutes ang tahimik lang pinikit ko na yung mata ko and huminga ng malalim nagrereflect yung ilaw ng poste sa bintana ko kaya medyo maliwanag ng konti sa room ko, di ako makatulog ewan ko ba bakit gumilid ako nasa harap ko si Cas pero feeling ko di tama yung pwesto ko kaya gumilid naman ako sa kabila habang nakapikit medyo komportable na iche check ko sana si Ken if tulog na at kung okay lang ba siya dinilat ko yung mata ko at nakita ko si Ken nagre reflect sa mukha niya yung ilaw sa poste kaya malinaw yung mukha niya na nakikita, nakatingin lang siya sakin at medyo malapit yung higaan niya sakin shet yung puso ko ang weird, nagkatinginan lang kami habang naka higa ng good 5 minutes walang imik at churvanes ng bigla siyang nagsalita.
"Ang ganda mo." Sabi niya ng mahina nabibingi na ba ako o ganun talaga pagkasabi niya?