Late Night Feelings

"Ano?" Tanong ko kay Ken

"Wala, Sabi ko ang gara ng kwarto mo." Sabi niya pero ang lakas ng feeling kong hindi yun yung sinabi niya, ay feeling lang? Tsss.

"Bat di ka pa matulog." Sabi ko tas dumapa siya pero nakatingin parin sakin tas pumikit ako

"Ayaw ko pa eh." Sagot niya "Matutulog ka na ba?" Tanong niya

"Hmmm." Sagot ka

"Aba magaling ano yan oo o hinde?" Tanong niya

"Matutulog na sana ako kaso kinukulit moko, bakit ba Suson ha?" Tanong ko

"Wala kwentuhan muna tayo di pa ako makatulog eh." Sabi niya umirap ako kahit naka pikit hays

"Kung ayaw mong matulog magpatulog ka naman, pero sige ano bang pagku kwentuhan ikaw mag-isip ng topic." Sabi ko tas dumilat nako

"Wala ka bang kapatid?" Tanong niya huminga ako ng malalim

"Wala eh, ikaw ba?" Tanong ko pabalik tas umiling siya

"Di na nasundan?" Tanong niya tas umiling ako

"Di na kaya bata palang ako mapagmahal na yung tatay ko pati ibang babae minahal na kaya ayun." Sabi ko tas tumango siya

"Okay lang kay mama mo?" Tanong niya

"Oo, nagsawa na din siya at napagod at mas maganda na din to wala ng problema chaka tahimik." Sabi ko

"Close naman sila ni mama mo?" Tanong niya

"Oo naman di naman sila bitter, friends nga sila eh and pag nagkikita sila parang sila kaso hindi, wala nag a assume lang ako na buo ulit kami ang ganda lang kasing tignan hahahaha." Sabi ko tas nakatingin lang siya sakin "Oh ano? pa MMK ko na ba sarili ko?" Dagdag ko tas tumawa ako as a biro

"Gusto mo bang mabuo ulit yung Fam mo?" Tanong niya tas di ako sumagot ng ilang minutes

"Oo, Sana, Kaso kung magiging katulad din ng dati, yung magulo, maingay, away dito away doon, wag nalang." Sabi ko tas nag 'Hmm' lang siya "Ikaw naman kaya?" Tinry kong ibahin yung topic puro sakin eh

KEN'S POV

Pano ko ba sisimulan yung akin? Diko alam pano ang hirap pala pag ikaw na yung magku kwento okay lang na makinig ako pero ako na pala aba matinde, san ba magsisimula sa start ba?

"Lumaki ako sa Tita ko which is yung asawa ni Mr. Perez sakanya kasi ako binilin ni mama at papa, yung parents ko naman nasa ibang bansa di ko pa sila nakikita simula nung bata ako pero nakaka video call ko sila, mabait naman si Mr. Perez para ko narin siyang barkada pero di naman ako ganun ka komportable kasi ayoko talagang mag open sa tao feel ko kasi ija judge ako or di ako kayang tanggapin basta ayoko kaya I choose to be a quiet person, Oo sikat ako sa university natin dahil I love sports and varsity player ako pero I di ko naman pangarap to go with the flow nalang ako pero na realized ko na mas gusto kong mag architect kase feeling ko mas swak yun para sakin, tamang drawing drawing lang chaka ang gusto ni mama is Architect kaya yun din kinuha ko kesa ipagpatuloy yung sports direction baka nga bitawan ko na yun kase ga graduate na tayo baka di ko na kayang balansehin yung mga gagawin." Kwento ko tas tumingin ako sakanya

"Ang daming lihim na nabunyag ah?" Sabi niya habang nakapikit

"Kala ko tulog ka na." Sabi ko tas tumawa siya ng mahina

"Sus, Pang MMK din story mo ah katapos ma air ng akin sige yung sayo naman." Biro niya tas tumawa ako ng mahina baka magising yung bestfriend niya

"Di kanaman giniginaw dyan?" Tanong niya tas nilabas niya yung kamay niya para icheck if natatamaan ako ng hangin ng Aircon

"Medyo giniginaw na bat ba nakaharap sakin to?" Tanong ko kay Tep tas medyo natawa siya

"Ewan, Kuha ka dyan sa may pinaka ilalim na drawer ng kumot." Utos niya

"Ihhh ang sarap na ng higa ko eh." Sabi ko tas binagsak niya sakin yung kamay niya

"Mas ako." Sabi niya tas pinapalo niyako ng konti kaya hinawakan ko yung kamay niya tas inintertwine ko nagulat siya pero di pinahalata "Bahala kang manigas dyan." Sabi niya tas tinatanggal niya yung kamay ko hinigpitan ko lang ng konti para di niya matnggal

"Eto naman joke lang eto na oh kukunin ko na." Sabi ko tas binitawan ko na yung kamay niya at kinuha yung kumot sa drawer

"So anong oras ka uuwi bukas?" Tanong niya

"Pinapauwi mo na nga ako di panaman kinabukasan." Pilosopo ko tas umirap siya ang cute naman netong umirap HAHAHA

"Oo umuwi ka na para makatulog nako Suson." Sabi niya tas tumawa ako sa sinabi niya pikon talaga to sarap konyatan

"Maghanda ka na sa screening niyo sa Sabado, bukas na pala yun." Sabi ko

"Oo nga no? Ang bilis naman kala ko next week pa yung sabado friday pala ngayon akalain mo yun." Sabi niya

"Meron pa kayong ilang oras para mag practice at i finalized ang gagawin niyo." Sabi ko tas tumango siya

"Kinakabahan ako." Sabi niya tas tinignan ko siya

"Wag ka kaya niyo yan, dito lang kami nina tita." Sabi ko tas tumingin din siya

Nagkatitigan kami ni Tep ng mga ilang minuto, sa ilang minuto na yan may poste ng ilaw na nag rereflect sa half ng mukha niya kaya ang gandang tignan ng mata niya na brown at kumikinang at the same time parang ang aesthetic ng scene na to at parang may nagpe play na sweet song para sa background music at may mga glitters glitters na nahuhulog mula sa taas, hoy ngayon ko lang na experience ko no, sa lahat ng nagustuhan kong babae siya lang nakapag pa feel sakin ng ganito? Gusto ko ba siya? pero ang lakas netong babaeng to sa titig palang, sa porma, sa ganda, at sa personality niya pamatay na ano pa bang kailangan mamatay ako sa kilig everytime na kasama ko tong makulit na babaeng to? Di ko naman inakala na makukuha pala netong babaitang to yung interest ko and every second of my life will be the best seconds of my life and di ko din ineexpect na everytime na kasama ko to I will fall for her in every action she makes, damn this girl.

"Inaantok nako." Sabi niya "Pero di ako makatulog, shemay." Sabi niya tas humiga siya ng daretso

"Amina masahihin ko yung kamay mo, kinakabahan ka lang niyan o kaya excited ka." Sabi ko tas umupo ako at lumapit sa kama niya pero nakaupo ako sa kutchon

Minasahe ko yung kamay niya ang lamig ng kamay niya kala mo bangkay eh, pinatong ko yung kumot ko sa balikat ko tas umupo akong naka indian sit tas minasahe ko na yung kamay niya mula wrist papuntang tips ng fingers tas vice versa naglagay din akong konting pressure tinignan ko siya tas tinitignan niya lang yung kamay niya tas nag focus na ulit ako sa pagmamasahe.

"Ken?" Bulong niya di siya gumagalaw sa pwesto niya

"Hm?" Sagot ko tas tumingin ako sakanya nakapikit siya

"Inaantok nako legit na to." Sabi niya tas tumawa ako ng mahina

"Sige, tulog kana, kantahan kita habang minamasahe." Sabi ko tas gumalaw siya ng konti

"You're the coffee that I need in the morning, You're my sunshine in the rain when it's pouring, Won't you give yourself to me, Give it all, oh." Kanta ko

"Sana all maganda boses." Bulong niya tas nag smile siya ng konti

"I just wanna see, I just wanna see how beautiful you are, You know that I see it, I know you're a star, Where you go I follow, No matter how far, If life is a movie, Oh you're the best part, oh oh oh." Tinignan ko siya tas nakatulog na pala inintertwine ko ulit yung kamay ko kase wala namiss ko lang yung pagkaka intertwine ng kamay namin kanina grabe agad kong namiss yung kamay ganun lang?

Inayos ko yung kumot niya pero di ko binitawan yung kamay niya, tas tinignan ko siya ng sobrang lapit yun lang yung time na pwede siyang titigan ng sobrang lapit, ang cute paden kahit tulog ina admire ko lang siya mula hairline hanggang baba, sini sync in ko sa utak ko yung bawat details ng mukha niya kahit medyo madilim, normal pa ba yung tibok ng puso ko? well, hindi na ganito lang naman pinaparamdam niya everytime na kakausapin ko siya at the same time pag kasama ko siya, katapos ko siyang titigan kiniss ko lang siya sa noo tas binrush ko ng konti yung buhok niya tas nahiga nako, tinitignan ko lang yung kamay ko chaka kamay niya ang ganda lang tignan na ang liit ng kamay niya pag hawak ko pero tamang tama lang yung sukat kumbaga perfect fit, nag ra rub lang ako ng small circles sa likod ng palm niya tas tinaas ko na yung kumot ko tas tinignan ko siya.

"You're the best part, oh oh oh." Tuloy ko sa kinakanta ko pero mahina lang

"Best part." End ko, isa lang ang napagtanto ko ngayong gabi, Who is the reason for everything I feel now? It's You, and I am 100% sure that It's you and I love you.