Leslie Who?

STEPHANIE'S POV

Nagising ako na nakadapa ang liwanag na pala sa labas no? Yung kurtina ko naman hindi nakatakip kaya nakatutok sakin yung araw myghad inilipat ko yung ulo ko sa right para tignan if andun si Cas sa tabi ko wala na pala siya tumayo na siguro, gumalaw ako ng konti tas naramdaman ko yung kamay ko nakalaylay pala sa kama kaya iaangat ko kaso nafeel ko parang may nararamdaman akong ewan kaya agad kong tinignan, Si Ken pala tulog pa tas nag flashback yung ginawa niya kagabi, yung masahe sa kamay at kanta bat parang ang labo na sa isip ko nung kanta kumanta ba talaga siya? o ganun lang ako kaantok? ngayon ko lang narealize na parang yakap yakap ko siya kaso nasa taas ako at siya nasa baba weird nakaharap siya sa left niya kaya yung gilid lang ng mukha niya nakikita ko so ayun napaka natural lang ng itsura niya kahit tulog napaka pogi aba nung narealize ko na nakatitig nako sakanya inalis ko na yung kamay ko tas tumayo at sinara yung kurtina para tuloy tuloy tulog niya pumasok ako sa banyo para gawin yung morning routine ko mga five minutes ako sa loob nung papalabas nako tinignan ko muna yung mukha ko nakatali yung buhok ko na parang labandera tas medyo basa pa yung mukha ko pero parang nagiba itsura ko ewan ko anong meron kung ano yung routine ko before ganun parin naman ang weird lang na sabihin na medyo gumanda ako? o assuming lang ako tumawa lang ako ng mahina ano ba to binobola ko pa yung sarili ko eh HAHAHAHAHA, kaya binuksan ko yung pinto kabukas ko nagulat ako kase biglang may nakatayo sa harap ng pinto ko, Si Ken pala kala ko kung sino jusko napahawak lang ako sa dibdib ko tas tinignan ko siya kinukusot pa yung mata aba inaantok pa ata tas bigla akong napatingin sa katawan niya wala pala siyang tshirt myghad nagulat ako sakanya at the same time natulala ako na ganyan itsura niyang tumambad sakin aba napakagaling nakahubad kala ko ba giniginaw to kagabe?

"Good Morning." Sabi niya napakababa ng boses sabagay kakagising eh

"G... good morning." Bati ko pabalik tas tumingin siya sakin

"Ang tagal mo sa banyo." Sabi niya

"Babae ako eh." Sagot ko tas ngumisi siya

"Yung mata ko nandito wala sa katawan ko, enjoy ka naman dyan." Sabi niya tas napatingin ako sa mata niya dun ko lang din na realize na nakatingin pala ako sa katawan niya

"Assuming wala ka namang abs, tabs lang." Sabi ko tas tumawa siya umalis nako sa way papasok ng banyo

"Enjoy mo naman kahit tabs." Busit niya tas umirap ako

"Magbihis ka na ng makaalis ka na." Sabi ko habang nakatalikod

"Ganon?" Sabi niya tas bigla siyang lumitaw sa harap ko ng nagpapacute napatitig tuloy ako sakanya

"Nung ginagawa mue?" Tinulak ko siya gamit yung dalawa kong daliri sa noo niya tas tumawa siya

"Kilig ka naman." Sabi niya tas napipikon nako napansin niya siguro tumakbo siya papasok sa cr at sinara yung pinto tas tumawa ng malakas dimunyu ang potek!

Lumabas nalang ako sa kwarto at bumaba na nakita ko si Cas na nasa harap sala kaya tumabi ako sakanya tas tinignan niya ko na parang may meaning yung tingin feeling ko kasi babaon yung tingin niya eh kaya hinarap ko siya at ngumisi siya ng konti tas natatawa ako sa reaksyon niya kaya natatawa ako sakanya pero pinipigilan ko tas bigla niya kong hinampas sa braso nagulat ako di ko alam if sisigaw ako o gaganti eh

"ARAY AH." Medyo malakas yung boses ko napalakas lang hehe gulat aku ih

"Yung totoo te?" Sabi niya sabay kurot sa tagiliran ko nagulat nanaman ako buset to

"Ano te?" Sabi ko tas natatawa ako parehas kaming tumatawa ng parang ewan

"Umamin ka." Sabi niya tas tinignan niya ko ng parang "umamin kana" look mas natawa lang ako lalo

"Anong aaminin ko?" Tanong ko sakanya

"Ano." Sabi niya

"Ano?" Sabi ko

"Magano na kayo ni ano." Sabi niya tas tumawa ako

"Ano di ko maintindihan yung inaano mo para kang ano eh." Sagot ko tas tawa kami ng tawa tumawa kami for good 1 minute tas nagseryoso na

"Aminin mo meron ng ano sainyo ni ano." Tas natawa nanaman kami parang timang lang diba

"Ano nga kasi yun, para namang timang to eh." Sabi ko tas nag seryoso na kami for the second time

"Kayo na ba ni Ken?" Well, di ko alam pano ako magre react, bumilis yung tibok ng puso ko sa tanong niya, napansin ko lang na parang ang weird nga naming dalawa ni Ken pag magkasama ngayon ko lang na realize how he makes me feel.

"Ha?" Tanong ko di ko alam isasagot eh

"Hatdog." Sabi ni Cas "Ano kayo na?" Tanong niya tas umiling ako

"H... hindi no?" Sagot ko tas di siya naniniwala

"Eh bat naririnig kong nagku kwentuhan kayo ni Ken kagabi? With matching masahe and kanta pa ah." Sabi niya tas kinurot ako sa tagiliran natawa lang ako

"Talaga?" Ewan ko ba if totoo malabo eh so totoo ba yun? ewan if patay malisya ba ko or totoo di ko alam shet

"Uu. Half asleep ata ako nun naririnig ko kayo pero feel ko tulog ako lam mo yun?" Sabi niya tas tumango ako

"Okay. Wala yun friends lang kami." Sagot ko tas tinawanan niyako na may kasamang insulto eh aba sasabunutan ko na ata to HAHAHAHA

"Friends? kagising ko nakayakap ka tas with matching holding hands? Friends?! Sus maryosep naman Tepiterio pwede ba? wag ako." Sabi niya tas natawa lang ako

"Promise, Friends lang." Sabi ko tas tumango nalang siya ng sapilitan

"Edi wow, ngayon friends pero feel ko magiiba din yan." Sabi niya tas humarap na sa TV

Well, Di ko naman maalala ng buo parang ang labo na nung kagabi konti nalang yung naalala ko tas yung kagising nalang yung matandaan ko syempre gising na eh, bumaba na si Ken nakaayos na siya tas narealize ko na aalis pala kami para sa screening kaya umakyat nako at naligo habang naliligo biglang sumagi sa isip ko yung sinabi ni Cas nagfa flashback eh tas isa lang matatanong ko sa sarili ko "Ano nga ba kami ni Ken?", "Anong ginagawa ni Ken?" at "May gusto ba ako sakanya?" Tas shrinug off ko nalang yung thoughts at nag-ayos na, chaka ko na iisipin yan dagdag stress lang eh, Sumakay na kami sa motor ni Ken okay na pala yung motor like pano? siguro dinala niya na habang naliligo ako o inayos na lang niya, tatlo kaming nakasakay sa motor Si Cas sa dulo ako sa gitna at si Ken yung nagda drive may mga helmet naman kami chaka di naman kami mukhang overload malaki at maluwag naman yung motor ni Ken eh pwedeng tatlo ganun, mga ilang minutes lang nasa U.P na kami sa Meeting room gagawin yung Screening nag park si Ken tas pumila na kami ni Cas di naman ganun kahaba konti palang nandito eh pero nauuna si Cas sakin sa pila, mabilis din naman yung usad feeling ko mabilis din yung screening para di masyadong boring hanggang sa pumasok na si Cas sa loob tas susunod nako kinabahan nako namamawis na yung kamay ko at nanlalamig shet wait parang aatakihin ata ako tas natatae pa yata ako, ng naramdaman kong may humawak sa kamay ko shet nagulat nanaman ako napaka tensed ng katawan ko shet

"Kaya mo yan." Sabi ni Ken tas ngumiti ako sakanya

"T... thank you." Sabi ko kahit nininerbyos nako ng bonggang bongga tas tinatanggal ko yung kamay ko

"Bat mo tinatanggal?" Tanong niya tas hinigpitan niya

"Namamawis eh." Sabi ko nahiya tuloy ako hala kinakabahan ako tas sumabay pa tong si Suson ano ng mangyayare sakin neto?

"Okay lang kahit may dumi pa yan hahawakan ko padin yan." Sabi niya tas inintertwine niya sa kamay ko

"L... luh pa fall?" Hala di ko alam if nagpa proces ba yung utak ko o kinakabahan ako sa nangyayare?

"Di mo naman ako masisisi kung ganto ako sayo, ikaw kase." Sabi niya ng mahina tas tumingin ako sakanya

"Narinig ko yun Suson." Sabi ko tas umirap ako sakanya tas pumunta siya sa harap ko

"Napaka cute mo naman." Binitawan niya yung kamay ko tas kinurot niya yung dalawa kong pisnge nagpa cute pa with matching galaw galaw yung ulo ko side by side dahil ginagalaw niya

"Ihhh." Sabi ko tinatry kong kumawala pero waepek

Tinigil niya yung pag alog alog sa ulo ko pero kurot kurot niya parin yung pisnge ko nagkatitigan kami tas biglang nahulog yung baby bangs ko aba napaka lande una pang nahimatay sakin kilig ka ghorl? edi ikaw na kinikilig at nahimatay apaka harot ng buhok ko dinaig ako aba. Natanggal lang yung titigan namin nung tumunog yung pinto which means may lumabas kaya tumayo kami ng maayos na parang walang nangyare tas tinignan namin yung pinto lumabas na pala si Cas kasama si Leslie? luh andito na pala siya tinignan lang nila kaming dalawa.

"Ikaw na Tep." Sabi ni Cas tas tumango ako tas tumingin kay Ken

"Goodluck." Bulong niya sakin tas ngumiti ako ng pilit tas naglakad na ng papasok

KEN'S POV

Pumasok na si Tep sa room tas ang naiwan si Cas, ako at si Leslie balak ko na sanang umalis ng bigla akong tinawag ni Leslie kaya humarap ako sakanya tas tinaas ko yung kilay ko sakanya.

"May I talk to you?" Tanong niya

"Nagtatanong ka na may choice pa ba ako?" Sabi ko tas tumawa siya ng painsulto

"The Ken I remembered is still there, ma attitude ka parin." Sabi niya tas nag cross arms siya

"U... um, Punta lang ako sa may tindahan dyan." Sabi ni Cas tas tumango ako

"Sige puntahan nalang kita after ko dito." Sabi ko sakanya tas umalis na si Cas kaya tumingin ako kay Leslie

"Siya na ba si new girl mo?" Tanong niya

"Sino?" Tanong ko

"Don't try to make me dumb that I don't know anything." Sabi niya tas ngumisi lang ako

"Ah si Tep ba?" Tanong ko

"Oo, obvious ba?" Sabi niya tas with matching irap

"Bakit ba? Selos ka?" Inis ko sakanya

"Me? Noooo." Sagot niya

"Oh di naman pala edi wag kang mag react na kala mo girlfriend pa kita." Sabi ko tas tinignan niya lang ako na gulat na gulat

"But I didn't make it official na break na tayo." Sabi niya

"Eh para sakin wala na tayo eh." Sabi ko sakanya

"Wow, that's so fast naman pala." Sabi niya

"Oo so fast talaga. Di ko na kasalanan yun." Sabi ko tas ngumisi lang siya

"Feeling ko wala siyang clue about 'Satin' no?" Tanong niya tas tinignan ko lang siya ng masama

"Di na niya kailangan malaman yung 'Satin' dati." Inemphasize ko talaga yun satin

"Hmmm... Well, Sige sabi mo eh, Ikaw nalang magsabi pero I cannot promise to you na magiging quiet ako about satin before lalo na pag siya na kausap ko one-on-one." Sabi niya tas tinignan ko siya ng masama

"Let me go kase, Ikaw may problema hindi ako tas mangdadamay ka pa?" Sabi ko "Alam mo naman na from the start na di naman kita gusto napilitan lang ako para dyan dahil kailangan daw ng partner tas rumours starts to spread and wala akong magawa so I played along, pero nakakasawa pala." Dagdag ko

"I let you go na naman pero I think I need to clarify something to Tep kawawa naman siya if clueless siya right?" Sabi niya

"Ang hilig mo talaga sa gulo buti nga di kapa nakukulong at buti nakapag graduate ka pa." Sabi ko sakanya ng real honesty lang

"Excuse me?" Sabi niya shock na shock si ate mo

"Opss. Natrigger ka? Sabagay puro source kase kaya malinis lahat." Sabi ko sabay ngisi

Naglakad na siya papaalis buti naman nakakasawa makipag usap sakanya jusko naririnig ko yung heels niya na tumatama sa flooring hay thank you naman tuluyan na siyang umalis di ko na matiis na kausap yun sumasakit ulo ko pag siya kausap may pabanta banta pang nalalaman wala naman ibabanta sus, past is past di niya ba alam yun? from the start naman kasalanan niya naman eh.

"If I were you start opening up to her and wag mo ng pabayaan na siya pa makatuklas ng mga kalat mo before masakit yun kawawa naman siya." Pahabol niya na nag echo sa hallway tas umalis na talaga.

STEPHANIE'S POV

Tapos na yung screening sana na itawid ko naman diba? Sabi yung final announcement daw after 1 week abangan nalang daw sa website jusko naman kinabahan ako ng sobra jusko kahit na anong maging result yun na yun HAHAHAHAHA lalabas na sana ako ng biglang may nag text sakin kaya kinuha ko yung phone ko at binasa muna.

"Magkakilala pala si Ken at Leslie no?" Text ni Cas

"Oh talaga?" Reply ko

"Oo, nagusap nga sila kanina eh." Sabi ni Cas

"Ay, talaga? anong sabi?" Ewan bat may nafeel ako na may nagsting sa heart ko parang nalungkot ako? Mood swings lang siguro dadatnan na yata ako

"Ewan umalis nako agad eh baka masyadong personal, pero feel ko personal nga kasi masyadong intense yung itsura nila chaka yung paguusap nila parang may something parang ewan if may past ba lam mo yun?" Sabi niya lalo lang tuloy akong nalulungkot ihhhh ishake off ko muna jusko ayokong isipin wala lang to nake carried away lang ako.

"Ah ganon? Okieeee." Reply ko pero to be honest wala akong masagot at di ko din naman masagot nu ba lutang ata ako

"Ay oo nga pala umalis nako iniwan na kita nagmamadali kasi ako may lakad pala kami ni jowables nakalimutan kong sabihin sayo sorry ah? bawi ako sayo." Sabi niya tas napa sigh nalang ako hala wala nakong kasama pauwi shet

"Sige okay lang ingat kayo enjoy~" Text ko tas binulsa ko na yung phone

Hinga lang ako ng malalim tas lalabas nako shet iniwan ako ni Cas wala tuloy akong kasama pauwi hays mukhang plakda ako neto karating ko sa bahay ang daming nangyare, ang daming iniisip at ang daming kailangan asikasuhin pa jusko ayaw ko na tas magpapasukan pa pala naku kung di lang ako graduating ayoko na HAHAHAHAHA syempre joke lang. Lumabas nako sa room tas naglakad nako ng dare daretso wala ng masyadong tao sa hallway hapon nadin naman umuwi na niyan halos tas patapos nadin naman yung screening nung iba chaka konti nalang nakapila goodluck sakanila jusko, buti nalang tapos nako at makakapagpahinga na ng bongga. Habang naglalakad ako feel ko may sumusunod sakin kaya binilisan ko yung lakad ko ayokong tumingin malay mo mumu pala jusko di ako ready, binilisan ko yung lakad ko tas nung na feel ko na binilisan din niya yung lakad niya kaya medyo nagja jogging nako tas biglang may humila sa braso ko jusko ano to? pinikit ko nalang yung mata ko tas nilagay ko yung kamay ko sa tenga ko para takpan jusko ayokong tumingin di ako ready.

"Huy? Anyare sayo?" Sabi nung nanghila pamilyar boses kaya binuksan ko dahan dahan yung isa kong mata tas nakita ko si Ken na natatawa sakin

Binukas ko na yung mga mata ko tas tinggal ko yung takip ko sa tenga ko tas tinignan ko siya ng masama aba natakot ako dun si Ken lang pala jusko naman tong si Suson kung nagsalita nalang edi sana di ako nagmukhang timang dito parang tanga gigil ako, hinampas hampas ko siya naiinis ako sakanya sa ginawa niya, sa pinapa feel niya sakin, sa selos ko kanina at sa, ano? Selos? Selos ako kanina? Weeeeh? Huy joke hindi man.

"Aray, aray tama na uy." Sabi niya tas tinigil ko na yung pag hampas

"Bahala ka nga dyan." Sabi ko tas umalis na ko tas hinabol naman niya ako

"Napano ka?" Tanong niya habang tinitignan ko siya

"Wala." Sabi ko tas naka ngiti lang siya

"Weh? Di nga?" Pang-aasar niya

"Wala nga eh. Ang kulit mo." Sabi ko nakakunot na yung noo ko sa inis

"May sasabihin ako." Sabi niya tas umirap ako

"Edi sabihin mo kay Leslie." Sabi ko opx nadulas ata ako? Naku yare.

"L... leslie?" Tanong niya nung una nagtataka siya tas narealized niya din tas ngumiti siya ng nakakaasar ihhhh wala na aasarin pako neto lalo

"Wala." Sabi ko sana di niya na ipush yung Leslie convo jusko di ko alam anong sasabihin ko neto

"Selos ka no?" Asar niya tas umirap ako

"Di ah." Sabi ko tas nandito kami sa may bandang garden ng U.P

"Sabi mo eh." Sabi niya tas aalis na sana ako ng hinila niya yung braso ko

"Ihahatid pa kita eh." Sabi niya tas umiling ako

"Wag na umuwi kana magta taxi nalang ako." Sabi ko

"No. Hatid kita." Sabi niya umirap ako

"Kulit ah. Umuwi kana di ka pa umuuwi." Sabi ko

"Ikaw yung makulit." Sabi niya tas kinurot niya yung pisnge ko

"Ihhh." Yan nalang nasabi ko sa sobrang inis

"Cute mo, kaya love kita eh." Sabi niya tas hinampas ko yung kamay niya

"Ewan ko sayo bahala ka dyan." Aalis na ulit ako ng hinila ulit ako

"Sandali may sasabihin pako." Sabi niya

"Ano?" Tanong ko

"I love you." Bulong niya natulala lang ako to be honest.