"Bat parang natulala ka?" Tanong ni Ken
"H... ha? Di ko gets." Sabi ko tas tumawa siya
"Sige, Tep may aaminin nalang ako, alam mo nung interview moko? kala ko magiging normal lang halos lahat alam mo yun pero di ko naman expect na mabo bored ako tas sasama pala ako sayo pumunta sa pupuntahan mo and that time di ko alam pano mag express ng emotions ng thoughts, and at the same time may nag trigger sakin na I want to know you more, totoo to walang halong bola bola ng siopao, tas everytime na kasama kita you never fail to fill the emptiness in me di ko nafifeel na nagiisa ako, parang hindi ako lumungkot I like spending my time with you actually di ko ineexpect yun n magiging interesado pala ako sa isang katulad mo." Confess niya nakatingin lang ako sakanya di ko alam anong sasabihin o anong gagawin
"Bat mo sinasabe to?" Tanong ko sakanya pa sunset na kaya ang ganda na ng view and ng colors sa paligid namin and mga nagrereflect sa mga mukha namin
"Wala, para lang aware ka." Sabi niya tas tumango ako
"Okay." Sabi ko wala talaga akong masagot di pa nagsi sync in
"Di ko naman kailangan ng sagot agad, sige mag-isip ka muna pero araw-araw kitang liligawan para lang mapakita sayo lahat lahat." Sabi niya tas tumingin ako sa baba
"Sorry, di ko alam anong sasabihin nashu shook ako sa nangyayare." Amin ko tas tumawa siya
"Okay lang yun, tara hatid na kita." Aya niya
Hinawakan niya ako sa kamay kumbaga holding hands ganun tas nauuna siya sakin tas tinitignan ko lang yung kamay namin, para bang di pa nagsi sync in, di pa nagpa process sa utak ko ano yung mga nangyare sa araw na to pero nagiislow motion lahat sa paligid ko tas yung puso ko sobra yung kabog yun na nga lang yung naririnig ko sa tenga ko para na siyang music sa tenga. Sumakay na kami sa motor the whole ride napakatahimik ko iniisip ko yung nangyare kanina chaka ano ba talagang nararamdaman ko kumbaga nasa gitna ako ng meron at wala eh, Di ko alam anong gagawin, iisipin at sasabihin. After ilang minutes nakarating na kami samin, bumaba nako inalis niya yung helmet ko and hanggang ngayon speechless parin ako.
"Andyan na si tita?" Tanong niya tas umiling ako
"Wala pa ata." Sabi ko
"Okay ka lang mag-isa?" Tanong niya tas tumango ako "Sige text mo nalang ako pag may kailangan ka." Dagdag niya
"Sige." Sabi ko tas tinitignan niya lang ako "Ano?" Tanong ko
"Wala." Sabi niya tas ngumiti
"Buang." Sabi ko tas tumawa siya
"Buang sayo." Sagot niya tas feeling ko namumula na ata ako sa sinabi niya shet
"Uwi na Shoooo!" Pinapaalis ko na tas nag pout
"Ganyanan?" Tanong niya
"Uu." Sagot ko tas tumawa ako
"Yan tawa ka lang love." Sabi niya tas di ko alam anong ire react ko dun sa tawag niyang love masyadong mabilis te
"Love mo mukha mo." Sagot ko na medyo naasar
"Sige alis nako." Sabi niya tas kiniss ako sa ulo shet mama anong nangyayare? na stuck ata ako sa kinatatayuan ko
"S... sige i...ingat k...ka" Sabi ko nauutal pa amputek! tas umalis na siya
Pumasok nako sa bahay namin wala pa si mama naglinis ako ng bahagya tas nagluto ako ng ulam para sa dinner namin habang naghihintay ako biglang may tumawag sakin video call jusko di ako ready ang haggard ko na, kinuha ko yung phone ko tas nakita ko si Cas pala yung tumawag kaya sinagot ko
"Hi Casyo." Bati ko tas umirap siya
"So ano ng balita kanina Tepiterio?" Tanong niya
"Okay naman yung screening." Sabi ko tas tumawa siya ng painsulto
"Alam ko naman okay lang yun duhh, I mean yung kay Ken and Leslie nakita mo ba sila?" Tanong niya
"A... ahhh... Hindi eh." Sabi ko medyo nalungkot ako ulit buset
"Feeling ko talaga may something sakanila before or ngayon? Di ko sure pero may something talaga." Sabi niya tas tumango ako
"Ah ganun?" Sagot ko
"Oh napano ka?" Tanong niya
"Wala." Sagot ko napansin niya siguro na nag iba mood ko
"Ah, So naabutan mo pa ba si Ken kalabas mo? Hinintay kaba?" Tanong niya
"Yup." Sagot ko tas ngumiti siya
"As expected." Sabi niya tas natawa lang ako ng mahina "Kwento ka naman." Pilit niya
"Ano bang iku kwento ko?" Tanong ko sakanya I feel so lost diba? HAHAHAHA
"Kahit ano." Sabi niya "Naiinip ako." Dagdag niya tas tumawa ako
"Ah eto." Sabi ko tas inisip ko muna "May kilala kase akong lalake umamin siya dun sa girl na kilala ko din tas sabi nung boy na, he find the girl interesting and di niya ineexpect yun kasi it started with just simple get to know tas every time daw na magkasama sila she makes the boy happy, pero walang masabi si girl kumbaga speechless daw siya pero yung girl may nafi feel din na weird within her everytime na may ginagawang sweet actions si boy ganun tas hanggang sa napunta sa liligawan daw ni boy si girl, kaso di pa talaga sure si girl sa feelings niya, diba ang weird ng story nila." Kwento ko tas tumango lang si Cas ng dahan dahan
"Well, sa kwento mo feeling ko may feelings na din si ate girl dun kay kuya kase di naman niya mafi feel yun if wala talaga siyang gusto din dun kay kuya diba? She won't feel those things in the very first place if di siya na fall din kay kuya." Sabi niya tas tumango ako
"Sabagay true yun. Feeling ko naman takot lang siyang i admit na gusto niya din si kuya." Sabi ko tas tumango siya
"Bat kaya siya takot?" Tanong niya
"Maybe, kase first time niya magkaron ng commitment with someone with the opposite sex? It makes her nervous ganun. O kaya naman natatakot lang siya sa mangyayare." Sagot ko
"Well, possible yung una, ang daming pwedeng isagot pero i know you so well, alam ko ayaw mo lang sabihin sakanya na you feel the same way, wala namang mangyayare if aamin ka di naman masamang umamin na you like him also, siya na nag first move ano pang hinihintay mo? Walang mangyayare sayo if di mo susubukan ang dami ng dumaan sayo na ganyan pero 100% sure ako na iba si Ken siya lang nakita ko kung gano talaga siya kaseryoso sayo, akalain mo yun hatid sundo? well normal lang naman yun, pero yung suportahan ka sa simpleng bagay at payuhan ka at imotivate wow very rare chaka from tahimik you made him speak what he feels about you and syempre he even open up to you so i think you are very special to him kaya ganun siya ka comfortable sayo." Sabi niya tas nagtataka ako sa sinabi niya
"Huh?" Sagot ko
"Alam mo don't play dumb alam ko namang sarili mo yung tinutukoy mo, bat naging bestfriend pa kita if di naman kita ganun kakilala diba? ayaw pang sabihin yung pangalan eh kayo lang naman dalawa yun, hiya ka pa para kang tanga sa ginawa mo." Sabi niya tas tumawa nahiya tuloy ako oo nga bestfriend ko siya pero di ko man lang ma open yung ganun sakanya, I mean di straight to the point ganun.
"Sorry." Yun lang nasabi ko
"Sus, okay lang yun. So if I were you, it's not too late to confess din naman, confess lang naman di naman sinabing kayo na nasayo padin desisyon di karin naman minamadali nun." Sabi niya tas tumango ako
"Thank you." Pasasalamat ko tas ngumiti siya
"Always got you sis. Balitaan moko ah?" Sabi niya tas tumango ako at nag smile sakanya
"Love you." Sabi ko tas ngumiti siya alam ko totoo yung ngiti niyang yun napaka ganda at pure shet swerte ko to have a bestfriend like her.
"Love you too, Bye!" Paalam niya tas nag wave siya tas nag end na yung call
Binitawan ko na yung cellphone ko tas huminga ng malalim siguro nga tama sinabi ni Cas, nag continue nako sa pagluluto habang tas gumagawa ako ng juice ng biglang dumating si mama binitawan niya lahat ng gamit niya sa sofa tas dumaretso sakin, hinug ko siya at kiniss sa cheek
"Pagod ka ma?" Tanong ko tas tumango siya
"Oo daming trabaho parang ang sarap magleave jusko." Sabi niya tas tumawa ako
"Kala ko ba bawal yun? wala sa bokabularyo mo yun diba?" Sabi ko tas tumatawa nako
"Parang gusto ko na ngayon HAHAHAHA." Sabi niya tas tumawa kami na parang mga siraulo sa kusina
"Luto na yung ulam natin." Sabi ko tas inayos na ni Mama yung lamesa tinulungan ko naman siya
"So kamusta screening niyo?" Tanong niya
"Okay naman po, kinabahan ako as usual pero naitawid naman, Sana." Sabi ko tas tinignan niya ko
"Sus, bat may sana pa, naitawid talaga." Sabi niya tas tumawa ako
Umupo na kami, nagdasal kami tas kumuha na kami ng kanin namin at ulam nag serve nadin ako ng juice sa baso naming dalawa, medyo tahimik atmosphere kasi di na kami nag-uusap pero nabasag yun kase may tinanong si mama.
"Asan si Ken?" Tanong niya
"A... ah... Umuwi na po." Sagot ko tas tumango siya
"Eh si Cas?" Tanong niya
"Nauna ng umuwi katapos nung screening may lakad sila ng jowa niya eh." Sabi ko tas tumango ulit si mama
"Eh ikaw? wala kayong lakad ng jowa mong si Ken?" Tanong niya muntik na akong mabilaukan sa sinabi niya
"Maaaaa!" Sabi ko tas tumawa siya
"Bakit hindi ba?" Tanong niya tas umiling ako ng sobra sobra tas uminom ng juice
"Hindi po. Luh, parang ano tong si mama. Di ko jowa yun." Sabi ko tas nakangiti lang siya
"Edi hindi, eh manliligaw?" Tanong niya tinignan ko lang siya di ko alam anong sasabihin "Okay. Okay alam ko na yang tingin na yan." Sabi niya tas iniwas ko na yung tingin ko
"Ma?" Tanong ko
"Yes?" Sagot niya habang kumakain
"Gusto mo ba si Ken?" Tanong ko tas nagulat siya
"Hoy! Napakabata naman nun, para ko ng anak tas itatanong mo if gusto ko?" Ilag niya sa topic
"Maaaaa, hindi sa ganung way, yung sinasabi ko if you like him... for me? ganun." Sabi ko tas nag 'Ahh' reaction lang siya
"Linawin mo kase." Sabi niya tas tumawa ako
"Sorry naman." Sabi ko tas tumawa ako ng konti
"Uhm, aaminin ko napaka pogi niyang si Ken nung nakita ko siya." Sabi niya tas ngumiti ako ang weird ah "Tapos nung hinatid ka niya nung late na ng gabi, oo may gumagawa naman sayo nun sa mga manliligaw mo pero napakadalang na consistent sila na ihatid ka." Sabi niya tas tumango ako.
"Oo nga no?" Sabi ko ngayon ko lang din na realized yung sinasabi ni mama
"Tapos, mahiyain man, di kami close pero he even ordered a yellow cab para satin." Sabi niya "Di man natin siya kaano ano pero dun sa ginawa niya he feels like he is my son also, napaka gaan ng feeling ko sakanya, I like him." Sabi niya tas tinignan ko siya
"Talaga?" Sabi ko tas natawa siya
"For you. Baka anong isipin mo kilala kita." Sabi niya tas tumawa kami
"Pero di ako sure sa nararamdaman ko." Amin ko habang nakatingin ako sa plato ko
"Ah yun lang. Ano bang nafi feel mo?" Tanong niya
"Uhm, ang weird ng feeling ko pag kasama ko siya, he makes my heart beat so fast ganun tas napaka sweet ng actions niya na very rare ko lang madanasan, naranasan ko sakanya. Kaso di ko alam if gusto ko din siya." Confess ko tas tumango siya
"Mukhang naguguluhan ka, understandable naman yun, first time mo siguro ma feel yan, well, sa simula ganyan naman nakakaba tapos parang di ka sure, pero isa lang dapat mong pakinggan." Sabi niya "Yung puso mo ano bang sabi?" Tanong ni mama "Sometimes our mind confuses our heart, pero tandaan mo hindi laging utak minsan try mo naman yung puso, siguro its time naman to explore anong gusto ng puso mo tutal matanda kana try to widen your horizons. Try mo yung di mo pa nata try go for adventure masaya yun, i enjoy mo lang bata ka panaman, if you need help nandito lang kami." Sabi niya tas yung sinabi niya para akong tinamaan ng bato sa ulo
"Ma?" Tawag ko tas tumingin siya sakin habang ngumunguya
"Hmm?" Sagot niya
"Thank you." Sabi ko tas nag smile siya sabay lunok
"Sus, sino pa bang gagabay sayo? edi ako." Sabi niya tas tumawa ako
"Love you." Tas ngumiti siya
"Love you too." sabi niya
Kumain na kami tas katapos nun sabi ko kay mama magpahinga na siya ako na bahala dito, nilinis ko na yung lamesa tas naghugas nako ng plato katapos nun umakyat nako sa kwarto ko at naghilamos at nagpalit ng pantulog, binagsak ko yung katawan ko sa kama tas huminga ng malalim, ang dai palang ganap ngayong araw iniisip ko palang pagod na pagod na agad ako, tumingin ako sa ceiling tas biglang nag vibrate yung cellphone ko kaya kinuha ko tas tinignan ko nagtext pala si Ken.
"Hello love, nakauwi nako, andyan na si tita?" Text niya napangiti lang ako
"Hi, ngayon ka lang nakauwi? oo dito na si mama nagpapahinga na." Text ko tas agad nag reply aba
"Oo kakauwi ko lang pinatingin ko yung motor. Sige pahinga ka nadin love ko, Good night." Sabi niya tas ewan ko ba bat ang laki ng ngiti ko pag nababasa ko yung 'love' parang timang ka self.
"Sige tulog nako bye~ Good night~" Text ko sakanya tas pinatay ko yung cellphone ko ng biglang umilaw at nakita ko text ni Ken sa lockscreen ko
"Good night *heart emoji* Love you *Kiss emoji*" Nung nakita ko yun nakasmile lang ako tas pinatay ko na yung cellphone ko tas binaba ko narin agad
Humiga ako ng maayos tas pinikit ko yung mga mata ko tas sinabi ko sa sarili ko na, finally inamin ko din, na gusto ko si Ken, pero di ko muna siguro sasabihin. Chaka nako aamin siguro isip din akong surprise ganun? ihh basta maghahanap nalang ako ng timing kung kailan pwede.
-1 week after-
So isang linggo ng padalaw dalaw si Ken samin hatid sundo ganun, andito din si Cas samin di nanaman uuwi si mama overtime na bongga nanaman siya, titignan na kasi namin sino sino magkakasama sa group kumbaga 2 teams na maglalaban sa halalan, binuksan na namin yung website tas nakita ko yung kalaban muna namin sa president ang tatakbo pala si Abigail Sarmiento luh, isa din tong sikat eh chaka daming source mukhang kawawa kalaban neto hirap kalaban eh, tas nag scroll pako tinitignan namin isa isa mga kakandidato hanggang sa natapos na yung unang team, its time na para dun sa pangalawa yung sa pangalawa nakita ko agad yung mukha ko shet napa facepalm agad ako anak ng tokwa kawawa ako neto wala akong laban bwiset. Nakita naman ni Cas yung reaksyon ko kaya tumawa siya si Ken naman nakapatong yung baba niya sa ulo ko tas natatawa di siya sakin kaya pinisilpisil yung pisnge ko tas nagscroll pako sumunod sakin si Cas buti nalang andito siya atleast di kami magkalaban or what, sumandal ako sa upuan ko tas pumikit naiinis ako na kinakabahan bat pako nakapasok? napaka bigat ng kalaban anong laban ko dun? tas inipit ni Ken yung mukha ko sa dalawa niyang kamay.
"Congrats love." Sabi niya tas dinilat ko yung mata ko
"Anong congrats? Sumpa yan Suson." Sabi ko tas tumawa siya
"Siraulo to, di no." Sabi niya tas kiniss ako sa noo
"Uy, may pa letter sa huli." Sabi ni Cas bigla naman akong napaupo ng daretso
Ganito yung posisyon naming tatlo, ako sa left tas sa right ko si Cas siya nag iiscroll tas si Ken asa gitna namin kaso nasa bandang taas nakikibasa din, para kaming may iniistalk sa ginagawa namin yung mga itsura namin parang ewan napaka seryoso amputek kala mo naman sasabak sa gera.
"So may pa on the spot planning pala bukas." Sabi ni Cas tas nag sigh lang ako
"Anong planning kaya atin?" Tanong ko
"Kailangan nating maging mautak bukas, mag review ng kung ano ano at maging mapagmatyag." Sabi ni Cas
"Bakit naman?" Tanong ko
"Wala baka kailanganin bukas you know." Sabi niya tas tumawa kami
"Oo nga no? Naka laptop ba?" Tanong ko tas tumango siya
"Sigurado, tas ipo post yun agad sa website kasi mag i istart na votings." Sabi niya
"Ang bilis naman." Sabi ko tas tumango siya
"Well nag iba na patakaran, bago din ang pagtakbo sa gantong pwesto, pak diba? naiistress ako." Sabi ni Cas
"True." Sagot ko
"Alam niyo anong magandang gawin?" Singit ni Ken sa usapan
"Ano?" Tanong namin ni Cas ng sabay tas tumingin din kami sakanya
"Matulog na kayo, para may presence of mind kayo bukas." Sabi niya tas nag agree kami dun
Nag-ayos na kami para matulog at humiga na kami sa kanya kanya naming pwesto at nirelease lahat ng iniisip at natulog na kami.