Alab Partylist

So nagising nakaming lahat ng maaga at nag-ayos nadin tinali ko yung buhok ko na half ponytail tas napansin ko si Ken na nakatingin tinignan ko din siya tas ngumiti ako, tumayo nako tas nilagay ko sa bag ko yung laptop ko, wallet at cellphone. Kinuha na ni Ken yung bag ko di nako kumontra tutal lagi naman ganun yung nangyayare and I never win sa ganun, hinihintay niya ko tas inayos ko lang ng konti yung kwarto ko tas lumabas na kami sa bahay, sumakay kami sa motor ni Ken at pumunta na ng U.P same location din katulad nung sa screening namin, kababa namin ng motor inalis ni Ken yung helmet ko tas sabi niya hinatayin niya daw kami sa labas tas inayos niya yung bangs ko tas nagpark na siya, pumunta na kami dun sa room before, Hati lang yung room di nagkikita yung dalawang partylist pero nasa gitna yung announcer kaya nakikita siya both partylist.

"So, Good morning candidates, You will have 2 hours to think about your partylist names, advocacies, and planning for this school year." Sabi nung announcer tas tumango ako "Are you ready?" Tanong niya tas sumigaw lahat ng oo "Your 2 hours starts now." Sabi niya tas nag start na yung timer sa taas niya

Bali naka bilog kami ng mga ka team ko ang sabi ko start muna kami sa pangalan tutal ako din pala yung pinaka leader.

"So name muna ng partylist, what do you think guys?" Tanong ko tas umagree sila

"Maganda siguro if may name pero pag binreakdown may other names pa kumbaga yung bawat letters sana." Sabi nung isa and maganda nga yon.

"Oo maganda yun. Isip tayo ng catchy na name tas syempre yung by letters pa na malalim din yung meaning." Sabi nila tas tumango kami

Nagstart na ko mag-isip halos kami nag set kami ng timer kung ilan gugugulin naming oras sa pag-isip ng pangalan, lahat ng short names na pwedeng lagyan ng meaning every letters nilista ko na jusko pero kalaban ko talaga yung meaning by letters ibang klase, Meron nalang kaming 30 seconds to finalized yung names na naisip naming lahat tas isusulat sa whiteboard na napaka lawak tas dun nalang kami mag ta tally, nung natapos na nilang isulat tinignan ko muna lahat tas ang daming magaganda ang hirap pumili pero nakita ko yung isang name ALAB means "Ang Lakbay sa Ating Bukas" witty ah ganda ng meaning by letters tas dinagdagan ko nalang ng tagline sa baba "Nag-aALAB tumulong at ang ALAB na LAB ka." ewan bat ko naisip yan pero gusto ko talagang maging source tong partylist na to ng help when students needs it the most. So binoto ko yun tas nag announce ako sakanila.

"Hi guys! Open na yung voting sa whiteboard para sa name ng partylist tapos yung di muna tatayo kase marami pang nagvo vote isip muna kayo ng planning pero after niyong bumoto kailanagan bumalik agad sa planning, Thank you. This voting will last for 30 minutes lang guys ah?" Announce ko tas umupo nako

Meron kaming isang forum dun ginawa ng school so dun ilalagay yung sama samang ideas namin for advocacies and planning tas bobotohan din yun tas ipagsasama yung mga magkakamukha lang or same thought tas mako complete as one yun tas ilalagay na sa dropbox para isend sa mismong School. Chineck ko lang yung ideas ko na nilagay bago ko ilagay sa forum.

-Club fair will run for 1 month and every week 1 club will be the host

-Mini Club Party of whole U.P for the end of the week of club fair

-Acquaintance party for 1st to 3rd-year college

-Graduation Ball for Graduating students

-Every year we celebrate U.P Anniversary with a U.P Concert

-Clubs can make a donation project to help others

So yan lang nakayanan ng utak ko for now HAHAHAHA kaya sinend ko na sa forum tas chinecheck na ng computer yung mga sinend namin tiwala naman ako sa mga kasama ko na mas better pa sa kinontribute ko yung naisip nila you know? para sakin kasi yung enjoyment hindi nag iistop sa high school yes, college ay pang seryoso and I want to give the students some enjoyment naman kahit konti lang pa prize na sa mga good work nila at di sila ma pressure ng bongga sana talaga maka tulong yung ideas namin to catch everyone's attention willing to dagdag naman kami if kami talaga mapipili we want the best for the rest. So tapos na yung pag che check binabasa na namin lahat yung mga nalagay which is wala naman di sumasangayon so good sign we will send na to sakto lang kami sa oras actually, sinend na namin and sila na mag eedit ng ibang info.

"So time's up." Sabi nung announcer lahat ng laptop pinatay na namin tas umupo na kami ng maayos

"Thank you for your ideas, can we call the head of this right side for giving some summarization of their plan." Announce niya naka gesture siya sa kabilang team SHET MAY PAGANON DI AKO NAINFORM KINABAHAN TULOY AKO

Nakatayo na si Abi sa stage at naka smile sa side nila tas tumingin siya sa side namin and alam mo yung smile niya may ibang meaning, ako lang ba yun? o talagang iba? weird.

"Um, for our planning we planned that we should take care of the surroundings of our school and focus on the needs of every department and we should have a wonderful interaction with other schools also, and we can grow more if we give satisfaction to those people who are always on the papers behind the offices." Sabi niya nakuha ko naman yung point niya pero bat ganun? Mas gusto niyang tumulong sa mga may authority, well di naman masama yun pero may sarili silang organization and di na namin sakop yun so anong gusto niyang gawin? makisali sakanila? weird talaga.

"I hope this year will be fruitful for each and everyone for the individual partylist even we don't know who wins or lose still its not the end. Good luck. Thank you." End niya tas bumaba na siya tas pumunta na ulit si Announcer sa stage para tawagin ako YARE.

"Thank you, Ms. Abi, may I call Ms. Stephanie, to give some brief background on your Partylist's plan." Tawag niya tumayo naman ako at pumunta sa stage

"Um, Thank you, First of all, Thank you for my Team for surviving this critical thinking for the plan I know this is not easy to think for such limited time but we did it though, Um, I want to acknowledge also Ms. Abi for her Team's plan congratulations, Well, for my Team plan, since most of us are already have an experience because we're all officers before and we take that as an opportunity to see what this school really needs to fulfill, and we plan to focus on helping the students and we don't want to end it here, what I want to say is, maybe college is really a serious matter but all I can see in every student's faces that if they need someone to talk to or they need help our organization can help them as soon as possible, we can accept suggestions also from them just to fulfill what they want and we want the best for the rest. Maybe a little bit fun will not harm them right? They're still young and we also want to make, just one-fourth of their memories be memorable enough, and they can still say I had the best time in the best school. That's all thank you." Tingin ko naman nasabi ko yung gusto ko? yung point ko right? Sana may impact.

Bumaba nako sa stage tas umupo ako sa upuan ko, ang lamig ng kamay ko tas ang lakas din ng pintig ng puso ko grabe ngayon nafi feel ko parang ang init na bigla jusko HAHAHAHA tama naman siguro yung sinabi ko? enough na kaya yun? jusko parang feeling ko mali yung sinabi ko or may kulang ganun jusko naman di ako mapakali. Pumunta na ulit sa stage yung announcer

"Thank you for both party lists, we will review the plannings and post it on our website and we will start the voting. Goodluck and also you can watch again the video same day edit of the highlight for this day. Thank you." Tas bumaba na siya

Tinanggal na nila yung hati nung room tas nakita ko anong meron sa kabilang team medyo magkamukha lang nagliligpit sila at kami din at inaayos yung lugar, tas unti unti ng nauubos na yung mga nandito sa room umaalis na kasi habang nagliligpit ako ng gamit ko lumapit sakin si Abi, tinitignan ko siya habang sinusuot yung bag ko tas nagsmile siya

"Hi, Abigail Sarmieto." Pakilala niya tas inoffer niya yung kamay niya for shake hands

"Um, Hello, Stephanie Cruz." Pakilala ko sa sarili ko tas tinaggap ko yung shake hands

"Nice to meet you, I like what you said a while ago." Compliment niya tas ngumiti ako

"Thank you, I like yours also." Sabi ko tas ngumiti siya

"I'm looking forward to this campaign it's challenging." Sabi niya tas tumango ako

"Yes, this is my first time." Sabi ko tas nagulat siya

"Really?" Tanong niya

"Um, For this higher position actually it's my first time but I'm a campus officer before." Sabi ko tas nag 'Ahh' react lang siya

"Oh, I see. Well, I've been doing this for the past years in every school I've been to before." Sabi niya wao yaman

"Ohh, You're a transferee?" Tanong ko tas tumango siya

"Yup, and I targeted this school because it's pretty big, famous and the quality of teaching is very good." Sabi niya tas tumango ako

"Well, that's right." Sabi ko

"So, Nice to meet you, Stephanie, I wish we could meet more and I promise you our school will be good as no one else." Sabi niya with a smile

So anong ibig niyang sabihin? Na panalo na siya? Wow assuming? Di mo hihintayin results at ang mga dabarkads na mag vote? naku baka mamaya dayain neto yung mangyayare ah? Di ko alam sasabihin nakaka speechless yung sinabi niya grabe na shook ako.

"Nice to meet you also Abi, and I love the confidence level, Good luck." Yun lang nasabi ko tas ngumiti ako at umalis

Lumabas nako at di nako nagdalawang isip pa na tignan siya basta gusto ko ng umuwi kasi drain nako mula bumbunan hanggang kuko jusko, bahala na anong mangyare kalabas ko andun si Cas at Ken hinihintay ako.

"Tagal mo sis." Sabi ni Cas

"Sorry kinausap pa kasi ako ni Abi." Sabi ko tas nagulat siya

"Ansabe?" Tanong niya

"Wala naman pakilala ganun chaka kaplastikan you know naman." Sabi ko ts tumango siya

"Sabi na eh, di ko din feel yang si Abi." Sabi niya

"Well, Iniisip na niya na siya mananalo sabi niya sakin kanina." Sabi ko sakanila tas nagulat si Cas

"Wow, ghorl advance mag-isip." Sabi niya

"Di naman malabo, mayaman siya at maraming source baka nga dayain niya yan eh." Sabi ni Ken

"Luh, pano mo nalaman?" Tanong ko

"Matic na yun sa mayayaman." Sabi niya tas tinignan ko siya at ngumisi

"Sabagay alam mo yun mayaman kadin kasi." Sabi ko tas tinawanan ko siya

"Hoy grabe." Sabi niya tas kinurot niya pisnge ko

"Aray ah. Napikon ka no?" Pang aasar ko tas nanggigil si kuya mo

"Alam niyo? uuwi nako at kaiangan ko ng mag rest." Sabi ni Cas

"Sige sabay ka na." Aya ko tas umiling siya

"Andyan si Andrew kanina pako hinihintay sa parking." Sabi niya tas tumango ako

"Bye sainyong dalawang lovebirds." Paalam niya with wave tas tumakbo na siya papuntang parking

"Ingat." Sigaw ko

"Kain tayo love." Aya ni Ken with pout pa amp

"Saan?" Tanong ko tas nagkibit balikat siya

"Kahit saan." Sabi niya tas umirap ako

"Walang kahit saan dito Suson." Sabi ko

"Basta may Chicken." Sabi niya

"Puro chicken, chicken, chicken, kumain ka naman ng masustansya Suson para tumaba ka, konti nalang ikaw na kakatayin kasi mukha ka ng Chicken." Sabi ko tas nag pout siya

"Ganon?" Tanong niya tas tumango ako

"Oo." Sabi ko tas natatawa ako pero pinipigilan ko

"So ganon pala tingin mo saken?" Tampo niya

"Mag gulay ka kase." Sabi ko tas ngumiti siya

"Sige na nga kung di lang kita love hay naku." Sabi niya tas umakbay siya

"Bigat mo nuba." Sabi ko tas tinanggal ko yung kamay niya tas kinurot yung pisnge ko

"Pag yung pisnge ko lumawlaw ikaw may kasalanan kakakurot mo." Sabi ko tas nag cross ng arms tas tumawa siya

"Sorry na. Gigil moko." Sabi niya

Kinuha niya yung kamay ko pati yung bag na dala ko tas pumunta kami sa kainan tas hinatid niya ako sa bahay namin. Kahatid niya ginawa ko lang yung routine ko tas agad nakong natulog exhausted na talaga ako ng bongga buti nakauwi pako.