Protector

Nagiiscroll lang ako sa facebook tingin tingin ng memes wala din naman akong gagawin ngayon, wala si mama nasa work, wala kaming lakad ni Cas kasi nasa Baguio sila ng boyfriend niya SANA ALL char, tas si Ken naman may training ngayon, kaya i have this day for myself, nag-iisip nga ako kung anong magandang gawin tas narealized ko na parang gusto ko din maglibot sa mall at bumili bili ng mga damit para kay mama chaka sakin hahahaha napansin ko kasing konti lang yung formal dress niya kaya ayun, pinush ko yung sarili ko na tumayo at maligo, tas nag-ayos nako tapos pumunta na sa Mall, mga isang oras ata akong libot libot dun o dalawang oras tas napansin ko ang dami ko na palang nabiling damit 2 sakin, 2 kay mama, 1 kay papa, 1 para sa kapatid ko at isa para kay Ken. Ewan ko ba kaya ayokong naglilibot napapagastos ako ng sobra sobra eh pero buti nalang talaga may ipon ako ng bonggang bongga. Kumain muna ako sa mcdo tas nag take out ako para kay papa at sa kapatid kong bunso tas biglang may tumawag via Video call kaya sinagot ko.

"Hello." Sabi ko with wave

"Hello love san ka?" Tanong ni Ken tas di ako nakatingin sakanya kasi naglalakad ako papuntang sakayan ng taxi

"Mall, baket?" Sabi ko

"Anong ginagawa mo dyan?" Tinanong niya

"Naglibot, Bumili at Kumain." Sabi ko

"Ahhh, San ka niyan pupunta?" Tanong niya ulit

"Daming tanong ah." Sabi ko tas sumakay nako sa taxi "Kuya Ortigas po." Sabi ko kay manong driver tas inayos ko yung mga paper bag

"Anong gagawin mo sa Ortigas love?" Tanong niya tas tinignan ko na siya

"Pupuntahan ko boyfriend ko, baket?" Pilosopo ko ulit tas tumingin siya ng masama

"Edi wow, Inortigas mo pa nasa school lang naman ako." Sabi niya tas tumawa

"Ewww." Sagot ko tas tumawa ako "Sinong nagsabi?" Tanong niya

"Wow, wow, wow ah. Edi ako." Sagot niya tas inirapan ko siya

"Ganyanan?" Tanong niya

"Oo." Sabi ko

"Edi ganyan." Sagot niya tas iniwas ko yung tingin sakanya

"Kumain kana tas magpahinga wag ka munang lumandi." Sabi ko tas tumawa siya

"Para ngang mas maganda pang lumandi kesa mag practice." Sabi niya

"Ngiiii. Edi go." Sabi ko tas tumawa siya

"Syempre sayo lang lalandi ayieeeee." Sabi niya tas kunyareng kinukurot yung screen

"Buang ka." Sabi ko tas tumingin yung driver "Siraulo tinignan ako nung driver tama na nga." Sabi ko tas tumawa siya ng malakas ako di ako makatawa shet

"Asan pinamili mo?" Tanong niya tas tinapat ko yung camera sa mga paper bags

"Dami ah." Sabi niya

"Oo kaya ayokong lumabas pero wala na eh andyan na." Sabi ko "Sige na mag pahinga ka na, magpa practice ka pa, kumain kana din." Sabi ko

"Opo boss." Sagot niya may saludo pa timang talaga

"Sige bye." Sabi ko tas umawat siya

"Sandali, susunduin kita." Sabi niya

"Wag na, magpahinga ka nalang." Sabi ko tas umiling siya

"Susunduin kita, di ako nagtatanong, duh." Sabi niya tas natawa ako

"Attitude ka sis?" Pilosopo ko tas tumango siya

"Oo. Sige na baka maligaw ka pa." Sabi niya tas nag wave ako

"Babye baliw." Sabi ko tas nag wave

"Bye love, love you." Sabi niya tas nag wave tas binaba ko na

After ilang minutes nakarating nadin ako sa destinasyon ko, mayaman yung isa pang mahal ni papa at may anak sila na mas bata sakin medyo close naman kami hehe, dala dala ko yung mga paperbags myghad nagmumukha akong mayaman kahit hindi naman. Nagdoorbell ako tas bumukas yung pinto maid siguro.

"Hello po, ano pong kailangan nila?" Tanong niya tas nag smile ako

"Ahhh, Andyan po si Kevin Cruz?" Tanong ko

"Ahhh si sir po opo andito po, pasok po kayo." Aya niya sakin pumasok naman ako

Kapasok ko ang lawak pala ng garden nila tas 2 minutes walk bago makapuntang bahay nila, tas kapasok ko grabe mansion na mansion jackpot talaga si papa, gusto mayaman. HAHAHAHA tas biglang bumaba na si Papa sa hagdan karga karga yung anak niya.

"Oh, buti napadalaw ka Teppy?" Bati na papa tas kiniss niya ako sa noo at hinug

"Oo nga buti napadalaw ako. Sasamantalahin ko lang habang di pa ako busy." Sabi ko tas tumango siya

"Upo ka muna." Aya niya sa sofa nila na leather wowers

"Eto pala binilan kita ng damit chaka si Leo." Sabi ko tas inabot yung dalawang paperbags

"Ay thank you ate." Sabi ni papa habang kinuha yung paperbags

"Look Leo, Ate Teppy have a gift for you." Sabi niya tas excited na binuksan ni Leo yung paperbag

"Wow, We Bare Bears, I love panda." Sabi ni Leo ang sarap tignan na gustong gusto niya yung binigay kong tshirt.

"What will you say to ate Teppy?" Tanong ni papa

"Thank you ate." Sabi niya tas tumakbo siya sakin at hinug yung bewang ko since yun lang abot niya

"Welcome." Sabi ko tas hinug ko siya

"Buti naman magkasundo kayo." Sabi ni papa

"Well, kapatid ko din naman siya diba?" Sabi ko tas tumango si papa

"Wala pala yung asawa ko, nasa business trip gusto ka panaman niyang makilala kaso wrong timing." Sabi niya tas tumango ako

"Okay lang may susunod pa naman." Sabi ko "Ay may binili pala akong Mcdo." Sabi ko tas nilagay sa lamesa yung Mcdo."

"Wow Mcdo, I love Mcdo ate." Sabi ni Leo tas tumingin sakin

"Really?" Di ako makapaniwala syempre anak mayaman to kala ko di niya gusto yung Mcdo.

"Yes. Does it have any toys inside?" Tanong niya

"They have." Sagot ko tas kinalkal niya

"Kamusta naman mama mo?" Tanong ni papa

"Okay lang naman, medyo nabababad sa work kaya lagi akong mag-isa minsan." Sabi ko

"Sinong kasama mo?" Tanong niya

"Si Cas minsan si Ken." Sabi ko

"Ken? Lalake?" Tanong niya tas tumango ako

"Opo." Sabi ko

"Boyfriend mo?" Tanong niya tas umiling ako

"Hindi." Sagot ko

"Ano mo?" Tanong niya tas nagkibit balikat ako

Biglang may nagtext sakin kaya kinuha ko yung phone ko tas tinignan si Ken pala yung nag text.

"San ka sa Ortigas?" Tinanong niya

"Dito sa ********" Reply ko

"Okay sige." Sagot niya tas pinatay ko na yung phone

"Um, pupunta si Ken dito pa." Sabi ko tas tumingin siya at tumango

"Sige, papahanda ako ng pagkain." Sabi niya

Tinawag niya yung maid tas nagutos siya nag magluto, tas ako naman umupo at nakipagkwentuhan naman kay Leo at papa, Mga ilang minuto may nag doorbell Si Ken siguro. Kaya tumayo ako.

"Ako na po magbubukas." Sabi ko tas lumakad papuntang pinto

"Ate Teppy wait for meeeeee." Sigaw ni Leo habang humahabol sakin

"Ohhh okay." Sagot ko tas kinarga ko siya

Naglakad na ako papuntang gate, grabe hinihingal na nga ako kasi karga karga ko si Leo myghad.

"Where are we going ate?" Tinanong ni Leo

"We will just open the gates." Sabi ko tas tumango siya

"Why?" Tanong niya myghad send help mauubusan na ko ng hininga pati ba naman english?

"Umm, there is someone there." Sabi ko

"Ohhh is it your boyfriend?" Tanong niya matanong tong batang to itcha ko kaya? joke lang napangiti nalang ako tas di ko na sinagot

After ng ilang steps nakarating nadin ako myghad, binuksan ko na yung isang gate tas nakita ko si Ken tas ginesture ko siya na pumasok. Papasok na sana siya ng sabi ko sandali.

"Baket?" Tanong niya

"Pasok mo din yung motor mo." Sabi ko tas tumango siya

Pinasok na niya yung motor niya tas sinara ko na yung gate tas naglakad papunta ulit sa bahay myghad papayat pa yata ako lalo, nagutom na agad ako myghad cassie.

"Ano mo?" Tanong niya sabay turo kay Leo

"Anak ko." Sabi ko

"Eh?" Sabi niya tas tumawa ako

"Joke lang. Kapatid ko kay papa." Sabi ko tas tumango siya

"Meron ka palang kapatid." Sabi niya tas tumango ako

"Say Hi to kuya Ken." Sabi ko kay Leo tas nag wave siya

"Hello kuya Ken." Sabi niya

"Hi." Nagwave din siya

"Are you my ate's boyfriend?" Tanong niya tas nagulat ako tas tumawa lang si Ken

"Of course." Sabi niya with 100% confidence

"Konyatan kita dyan eh." Sabi ko tas tumawa siya

Pumasok na kami sa bahay tas biglang lumitaw si papa kung saan, binaba ko naman si Leo at tumakbo kay Papa.

"Dad, that's kuya Ken, ate Teppy's Boyfriend." Salubong sakanya ni Leo

"Huy, di ah." Sabi ko

"Oh, Kevin Cruz, Teppy's Papa" Sabi ni papa tas inoffer yung hand kinakabahan ako, never pakong nagpakilala kay papa ng kung sinong lalake jusko.

"Ken Suson po." Accept sa kamay ni papa at nagshake hands sila nag smile si papa

"Punta na tayo sa dining kain muna tayo." Aya ni papa

Pumunta na kaming dining naupo ako katabi ko si Leo na nilalaro niya yung toys niya si papa dun sa pinaka head tas katapat ko si Ken. Nung una medyo awkward walang nagsasalita tas biglang nagsalita si papa napansin niya siguro na awkward yung atmosphere.

"Mag ga graduate ka na pala no Teppy?" Realized niya tas tumango ako

"Yes po." Sabi ko

"Eh ikaw Ken? Mag kasing year lang ba kayo?" Tanong ni papa

"Di po fifth year ko na po pero graduating na din po." Sagot niya

"Anong course mo?" Tanong ni papa

"Architecture po." Sagot niya

"Wow, magaling yan. Congrats na agad sainyong dalawa." Sabi ni papa

"Thank you po." Sagot ni Ken

"Ay, tatanong ko pala to di kasi sinasagot ni Teppy eh. Kayo ba?" Tanong ni papa tas nabilaukan ako sa tubig na iniinom ko kala ko kung anong tanong yun pala

"Papaaaaa." Sabi ko habang inuubo

"Ah, hindi pa po. Di pa po ako sinasagot eh." Sabi ni Ken tas tinignan niya ako

"Ahh manliligaw pala. Manliligaw lang di mo pa masabi." Sabi ni papa sakin

"Ha... Ha... Ha..." Nervous laugh ko myghad cassie

"Naku, Ken sorry kung di ko mabantayan yang si Teppy busy din kasi ako dito kay Leo, pero nagkakilala na naman na kayo ni mama ni Teppy?" Tanong ni papa

"Ah opo." Sagot niya

"Buti naman nauna na pala siyang nakakilala sayo." Sabi niya

"Gustong gusto nga siya ni mama eh." Sabi ko pero di ko sila tinitignan baka you know maipit pa ko natatawa din ako eh pero tamang acting lang.

"Maganda yun. Ikaw na bahala kay Teppy Ken ah?" Sabi ni papa tas tumango si Ken

"Opo." Sagot niya napapangiti ako pero i need to stop it enebe

Tinapos na namin yung pagkain, nagkwentuhan kami tas nagpahinga tas nagyaya nako umuwi, nagba bye na kami kay papa chaka kay Leo kahit tulog na, tas na realized ko na pano kami lalarga if ang dami nung dala kong paper bag.

"Wait lang Ken." Sabi ko habang sinusuot niya yung helmet niya

"Ano?" Tanong niya habang nilo lock yung helmet

"Yung mga paper bag ko pano?" Tanong ko sakanya tas tinignan niya

"Pagkasyahin mo sa baba ng upuan." Sabi niya tas tumayo siya

Inangat niya yung upuan namin tas nilagay niya ng maayos yung paperbag tas binaba, may ganun pala sa motor compartment HAHAHAHA sorry di ako masyadong maalam eh, tas tinawag ako ni Ken lumapit daw ako which is ginawa ko naman sinuot niya yung helmet sakin tas sakay na daw ako, tas umalis na kami, mga ilang minutes na kami sa byahe ng napansin ko tingin ng tingin sa side mirror si Ken kaya tinanong ko siya.

"May problema ba? tingin ka ng tingin sa side mirror." Tanong ko

"Parang may sumusunod satin." Sabi niya

"Ha?!" Tumingin ako sa likod "Saan dyan?" Tanong ko

"Yung black na SUV." Sabi niya tas nakita ko

"Baka same way lang? Praning ka lang." Sabi ko

Nagpatuloy kami sa byahe tas bumibilis yung takbo ng motor tas kung saan saan kami sumisingit na daan jusko, kinakabahan ako kasi baka maaksidente kami kaya humawak ako sakanya ng mahigpit.

"Dahan dahan lang Suson." Sabi ko

"Kanina ko pa iniiwasan yang SUV na yan pero naka buntot paren." Sabi niya

"Pabayaan mo na." Sabi ko pero wal siyang imik

Nagtuloy tuloy nga si Ken na mabilis magpatakbo humawak nalang ako sakanya ng mahigpit ayaw naman makinig. Mas napabilis yung pagbyahe namin chaka agad kaming nakauwi. Bumaba na ako sa tapat ng bahay namin tas lumagpas yung SUV na sinasabi ni Ken.

"See, sabi ko sayo same way lang pero di tayo sinusundan." Sabi ko kay Ken "Muntik pa tayong mamatay sa sobrang bilis mong mag drive buti walang nanghuhuli." Dagdag ko

"Iba kasi kutob ko eh." Sabi niya tas biglang tumunog yung cellphone ko may nag ko call kaya sinagot ko

"Hello?" Bati ko

"Nak, di ako makakauwi may urgent business trip ako di ko nasabi pero galing ako dyan kanina para kumuha ng damit ngayon lang kita natawagan." Sabi niya

"Hala, osige po ma ingat ka po." Sabi ko

"Oo, tawagan mo si Ken pasama ka muna sakanya." Sabi ni mama

"Okay, sige po ma Love you ingat~" Sabi ko tas binaba ko na

"Sino yun?" Tanong ni Ken

"Si mama." Sagot ko

"Ansabe ni tita?" Tanong niya

"May business trip daw siya, urgent." Sagot ko

"Dito muna ako matutulog." Sabi niya tas tumango ako

"Sige sa sofa ka." Sabi ko

"Tabi nalang tayo." Sabi niya tas umirap ako

"In your dreams Suson." Sabi ko tas tumawa siya

"Sige basta kasama ka sa bahay okay nako." Sabi niya

Pumasok na kami sa bahay, nagbihis at nag-ayos, iniwan ko yung mga damit ni mama na naka paperbag sa kama niya tas yung akin nilagay ko na sa drawer ko, tutal busog pa kami gabi na din naman nanuod nalang kami ng movie ni Suson tas may kumatok tatayo na sana ako ng sabi ni Ken siya na daw kaya pinabayaan ko na after ng ilang segundo bumalik na siya.

"Sino yun?" Tanong ko

"Wala nangtitrip siguro." Sagot niya

KEN'S POV

Actually meron talagang tao kaya nga may kumatok diba? pero nung binuksan ko yung pinto nakita ko yung isang lalaki na nakatalikod na naglalakad papunta dun sa poste, di ko alam sino yun pero masama kutob ko, tumingin siya sakin tas dumaretso na sa poste ulit, sinara ko na yung pinti at nilock ko double lock ang ginawa ko mahirap na, tas bumalik nako sa sofa tinanong ni Tep kung ano yun tas sabi ko wala, natapos na yung pinapanood namin. Inaantok na daw siya kaya umakyat na sumilip naman ako sa bintana if nandun pa yung SUV nandun nga at nakita ko na nakatingin yung lalake sa taas sa kwarto ni Tep, ano kaya kailangan neto? at sino nagpapamanman kay Tep? Tanong ko sa sarili ko agad akong pumunta sa taas tas nagulat si Tep bigla akong pumasok, pinatay ko yung ilaw tas tinakpan ko yung bibig niya tas dahan dahan ko siyang hiniga sa kama, pumipiglas siya kaya napilitan akong gamitin yung katawan ko para pigilan siya, katapos napagod ata kaya di na naglikot tumingin ako sa bintana niya tas nakita ko umaalis na yung SUV tas umupo ako sa malapit sa pinto ng kwarto ni Tep at sumandal.

STEPHANIE'S POV

"Ano yung ginawa mo?" Tanong ko di ko alam bat ganun kinikilos ni Ken kanina ang weird natatakot tuloy ako pero di siya sumagot

"Uyyy. Ano yun? Natatakot naman ako sayo." Sabi ko tas tumingin siya

"Alam mo yung SUV kanina?" Tanong niya

"Oh napano?" Sagot ko

"Yung driver nun yung kumatok tas nakatambay sa tapat niyo kaya agad akong pumasok dito kase baka mamaya anong gawin sayo baka mamaya may baril pala nakatingin panaman sa bintana mo." Sabi niya tas kinabahan ako

"Hala ang creepy naman." Sabi ko pero takot nako dapat pala di ko nalang tinanong "Kala ko ire rape mo ko kanina." Sabi ko sabay hawak sa dibdib

"Hoy, di ko gagawin sayo yun no, kutusan kita dyan eh." Sabi niya

"Pano ba naman wala kang tshirt tas bigla kang sumugod, baliw kadin eh no." Sabi ko tas tumawa siya

"Ay, oo nga no?" Sabi niya

"Wala ba yung kutchon sa baba?" Tanong ko sakanya

"Hindi. Wag na. Okay nako dito di naman ako matutulog babantayan kita." Sabi niya sa isang sulok

"Sure ka? Sasakit likod mo." Sabi ko tas tumango siya

"Oo. Okay lang ako." Sabi niya "Matulog kana" Dagdag niya tas yumuko na siya

"Sige goodnight." Sabi ko

"Goodnight love." Sabi niya habang nakayuko.

Humiga nako tas ikot ikot ako sa higaan pero di ako makatulog, una natatakot ako kasi dun sa sinabi ni Ken sa SUV na sumusunod nagfa flashback, tas yung tao daw na nakatingin lastly, di ko alam anong pakay nila di panaman ako mamamatay diba? iniisip ko tuloy if may nakaaway bako para danasin to ang weird shet. Natatakot nako, mga 30 mins siguro akong ikot ikot tas lumamig na dahil sa aircon kaya umupo ako tas tinignan si Ken, kumuha ako ng kumot sa drawer ko tas lumapit ako sakanya umupo ako sa tapat niya.

"Ayos ah, babantayan? nauna ka pang natulog eh." Bulong ko

Tinitignan ko lang siya tas kinuha ko yung neckpillow ko tas sinuot sakanya, tas sinandal ko yung ulo niya sa pader tas tinitignan ko yung mukha niya, napakaperfect dinaig ako, mukhang barbie doll yung Ken din yung name, hinawakan ko yung buhok, kilay, mata, ilong, pisnge at labi tinetake in ko lahat ng details ng mukha niya ng bigla siyang gumalaw inalis ko na yung hawak ko tas ngumiti ako

"Tulog ka lang dyan, wag sanang sumakit likod mo bukas." Sabi ko tas binalutan ko siya ng kumot. "Thank you, Ken." Sabi ko tas kiniss ko siya sa cheeks ng very very light

Bumalik nako sa kama ko at nahiga nakatapat lang ako sakanya at tinitignan ko siya tas after ng ilang minutes naramdaman ko na bumibigat na yung mata ko, inaantok nako hanggang sa nakatulog nako.