Love

So ayun nga may pasok na medyo nag-aadjust ulit mga students kasi may pasok naman at alam ko excited lahat sa graduation, kahit naman ako at si mama super excited di ko maimagine yung sarili ko na ayan na abot kamay na ang huling year tas ready to work and help na sa family ko, unti unti ng nabubuo yung puzzle na gusto kong buoin since nung naghiwalay sina mama at papa. So balitaan ko lang kayo na after nung stalker churvanes na yun laging nasa bahay si Ken at marami din siyang inaasikaso ewan ko ba dun pero natakot ako simula nung day na yun ikaw ba naman manmanan, tas bigla nalang may nagpop at hot issue sa website ng school na may natanggal tas nag post sila ng statement na merong nakapasok na pwedeng makasira di na sinabi kung sino pero apektado lahat kaya yung votings cinut na agad at magkakaron daw ng further discussions, tas tinawagan ako ni Mr. Perez tas kinwento yung konting background na merong connection si Abi dun sa nagmamanman dun sa bahay namin like what? pano niya nalaman tas pano actually clueless nako talaga sa nangyayare, pero ayoko ng makielam gusto ko nalang ng katahimikan kaya go with the flow nalang ako, alam niyo ang alam ko nangyayare lang to sa mga mayayaman pero bat ako? di naman ako mayaman myghad I'm so clueless. Ayaw ko na mas marami pakong kailangan isipin na importante kesa dito so to make the long story short nanalo yung team namin kaso di ko alam anong nangyare kina Abi at ano talagang plano niya tas si Ken consistent na natutulog at binabantayan ako ewan ko ba kung hinahanap to sakanila mukha tuloy kaming nagli live in nak ng tokwa.

"Tara na love." Yaya ni Ken habang inaayos yung damit niya

"Magmomotor tayo?" Tanong ko kay Ken habang nagsusuklay

"Oo, wala naman akong kotse tange." Sabi niya

"Sige." Sabi ko tas umalis na kami para pumasok sa school

Pumasok na kami sa klase namin, medyo lutang ako ng konti tas biglang nag announce sa mga speakers na lahat kaming officers kailangan pumunta sa office namin, katapos ng klase ko lunch tapos na klase ko pumunta ako sa office namin tas wala pang tao pero andun si Ms. Lea kaya inapproach ko agad siya.

"Hello po Ms. Lea." Bati ko tas humarap siya at nagsmile siya

"Uy, Hello, Congrats pala." Sabi niya tas nagsmile

"Thank you po." Sabi ko tas nagsmile siya

"May mga nagbigay ng gift sa mga table niyo tas una kana na mag-ayos ng presentation niyo this year tas pwede naman nila i continue nalang." Sabi niya tas tumango ako at pumunta na sa table ko

Nakita ko na may mga gift na nagbigay di ganun karami pero nakaka appreciate lang na they gave some gift even though di nila kami ganun ka close and all. Tinitignan ko isa isa tas may nagbigay ng USB? weird. Pero umupo nako sa upuan ako tas gumawa na ako ng presentation, mga ilang oras din akong nandun kinakain ko na yung chocolates na binigay nila tas biglang may tumawag. kaya sinagot ko

"Love san ka?" Tanong ni Ken

"Sa office bakit?" Sagot ko

"Ahhh. Tapos na kami di pa tayo uuwi?" Tanong niya

"Ahh uwi na sige." Sabi ko tas nag Hmm siya

"Kain muna tayo bago umuwi." Sabi niya

"Sige may dala dala pala ako." Sabi ko

"Ano?" Tanong niya

"Mga regalo." Sagot ko

"Galing kanino?" Tanong niya

"Daming tanong punta ka nalang dito." Sabi ko tas inend ko na

To be honest di ko alam anong nangyayare sakin una, lutang tas wala akong gana sa lahat, tas ang moody moody ko nadamay pa si Ken myghad. Di ko maintindihan yung sarili ko, pumunat ako sa white board para magiwan ng message sakanila na icontinue nalang nila sinend ko din naman sa gmail nila, tas nilagay ko na sa paperbag yung mga binigay para maiuwi ko na tas lumabas ako andun na agad si Ken.

"Kanino galing yan?" Tanong niya sabay turo dun sa paperbag na dala ko

"Sa mga manliligaw ko." Biro ko

"Luh, tapon mo na yan sayang sa space." Sabi niya tas pinilit kong tumawa

"Joke. Ewan bigay nila bawat table namin meron eh." Sabi ko tas tinitignan niya lang yung paperbag

"Okay." Sabi niya

"Asan yung motor mo?" Tanong ko sakanya

"Dun pa." Sabi niya sabay turo sa malayo

"Sige tara na." Aya ko

Lumakad na kami nauuna siya ng konti mahaba kasi legs kaya medyo mabilis mag lakad. Habang naglalakad kami may nasa harap ko na mag jowa ang sweet nila tinitignan ko lang sila, bawat kilos pinagmamasdan ko, yung smile nila sa isa't isa, yung tinginan nila, yung pinaguusapan nila pinapakinggan ko yung pagka deliver nung sinasabi nila chaka yung tono nag o observe lang talaga ako, naka poker face lang ako tas bigla silang yumuko sinundan ko lang sila ng tingin pero di nagte turn yung ulo ko kaya nung di na abot ng eyeballs ko tumingin na ulit ako sa harap tas nakita kong lumingon sakin si Ken wala parin akong expression.

"Okay ka lang?" Tanong niya

"Oo." Sabi ko ng walang gana tas tumigil siya sa paglalakad ako din "Bakit?" Tanong ko tas tumingin ako sakanya

"Wala lang, parang ang weird mo ngayon." Sabi niya tas nagkibit balikat lang ako

"Di ko alam eh." Sagot ko tas tinignan niya lang ako na nagtataka

"Kain na tayo." Aya niya tas naglakad na siya di ako sumagot

"Anong hinihintay mo?" Tanong ko tas tumigil siya sa paglalakad

"Ha?" Di niya yata naiintindihan

"Anong hinihintay mo?" Tanong ko ulit

"Ikaw." Sagot niya

"Bakit?" Tanong ko

"Kase mahal kita." Sabi niya tas yumuko

"Pero gano ka kasure na may hinihintay ka?" Tanong ko

"Bakit? ayaw mo na ba?" Tanong niya naramdaman ko yung lungkot

"Tinatanong ko lang." Sagot ko medyo natauhan ako sa tanong niya

"Iba ka eh, kasalanan ko bang mahalin ka ng sobra? Sabihin mo lang kung ayaw mo na." Sabi niya tas naglakad na siya di niya ko pinapansin

"Huy sandali." Sabi ko habang hinahabol siya natauhan nako 100%

Tumigil siya pero nakatalikod siya sakin, hinawakan ko yung braso niya

"Sorry, pagod lang siguro ako." Sabi ko

"Ako din naman, napagod na pero di naman ako umabot sa point na nanlamig, sinungitan at naging ganyan." Sabi niya

"Uy sorry na, nawi weirduhan din ako sa sarili ko eh sorry talaga Ken." Pagso sorry ko

"Alam mo bang masakit yung tanong mong yan?" Sabi niya

"Sorry di ko narealized sorry." Sabi ko ng mahina tas lumakad na siya

Lumakad siya ng mabilis, tinitignan ko lang siya di ko alam anong gagawin, ayaw kumilos ng paa ko kahit gusto ko siyang habulin, di ko alam anong sasabihin, di ko alam pano pababalikin, di ko alam anong gagawin.

"KEN!!!!!" Sigaw ko pero tuloy tuloy lang siyang naglakad

"UY SORRY NAAAA!!!" Sigaw ko pero walang epek

"Shet anong gagawin ko?" Bulong ko sa sarili ko

"1" Bulong ko

"2" Last number nalang ilalabas ko na yung alas ko

"3" Huminga ako ng malalim

"HOY LOVE DI KA HAHARAP?" Sigaw ko tas tumigil siya sa paglalakad

SHET EPEKTIB PERO WALANGYA ANO KAYANG SASABIHIN NETO? JUSKO TAMA BA YUNG GINAWA KO? WHAT THE HELL!!! SANDALE FEELING KO HIHIMATYIN AKO SA KABA.