Nakangiti si Ken sakin nung time na yun, lumakad siya papalapit wait lang kinakabahan ako sa bawat step niya ano kayang sasabihin neto? mamaaaa send help. Huminto siya sa harap ko tas di ako tumitingin sakanya kase nahihiya ako myghad ano ba tong ginawa ko.
"Ano ulit yung sinabi mo?" Tanong niya
"Ha? Anong sinabi ko?" Sabi ko patay malisya ampotek
"Sus, rinig na rinig ko." Sabi niya tas ramdam kong tumatagos sakin yung tingin niya
"Narinig mo naman pala eh, wag mo ng paulit." Sabi ko tas naglakad nako ng mabilis para makawala sa nakakahiyang sitwasyon na yun
"Hoy Love wait." Sigaw niya tas hinabol ako
"Tara gutom nako." Pagiba ko ng topic
"Sabihin mo muna ulit yung tinawag mo sakin kanina." Sabi niya tas umirap ako
"Ayoko nga." Sabi ko
"Gusto ko ulit marinig." Sabi niya may pacute pang ginawa sa tabi ko
"Dapat nirecord mo para ulit ulitin mo nalang." Sabi ko tas tumawa siya
"Mas gusto ko sa personal eh." Sabi niya tas nagbuntong hininga ako
"Ang kulit mo kain na tayo." Aya ko
Umalis na kami sa school tas pumunta kami sa UP Town Center para kumain, nagpark si Ken tas hinintay ko siya sa may entrance habang hinihintay ko siya naalala ko na dala dala ko pala yung binili ko sakanya na dragon ball na sweater di ko nabigay kasi nakalimutan ko, mamaya ko nalang ibigay tinatamad akong kunin sa bag. Finally, dumating nadin siya so naglibot kami ng konti para maghanap ng magandang kainan since wala kaming kine crave for the moment nag agree kami na mag pepper lunch nalang kami, siya yung nag order pero KKB kami kase ayoko na siya lang yung magbabayad duh, ano ako pabigat bawal ganun uy dapat 50/50 kami bawal isa lang nagbabayad, so dumating na order namin tas kinukulit nanaman ako ni Ken about dun sa kanina, kase pinapalamig namin ng konti yung pagkain namin.
"Love, sabihin mo nga yung sinigaw mo kanina." Kulit niya tas yumuko ako
"Ihhhh. ulit ulit naman Suson eh. Nabigla lang ako okay?" Sabi ko tas tumawa siya
"Bat ka nakayuko?" Tanong niya
"Naiinis nako sa sinabi ko kanina." Sabi ko tas tumingin ako sakanya nakapatong yung dalawa niyang siko sa lamesa tas nasa tapat ng bibig niya yung dalawa niyang kamay tas nakatingin siya sakin
"Bat ka naiinis?" Tanong niya tas yung tingin niya dumagdag pa pinalo ko siya sa braso niya
"Sayo, naiinis ako sayo." Sabi ko nanggigigil talaga ako
"Bat naiinis ka sakin? Anong ginawa ko sayo?" Tanong niya na natatawa
"Kung di ka kasi nag walk out di kita tatawagin ng ganun." Sagot ko tas lumaki yung ngiti niya
"Miss mo na ako agad?" Inis niya tas inirapan ko siya
"Miss? Wow ah? Ang iniisip ko lang baka masagasaan ka di ka panaman tumitingin sa paligid mo." Sabi ko
"Buti pala tinignan mo para sakin." Sabi niya tas umirap ako
"Sana pala hindi na ng nasagasaan ka na at wala ng mangungulit." Sabi ko tas tumawa siya
"As if naman na kaya mong mawala ako." Hamon niya
"Pinanganak ako ng wala ka kaya, kaya kong mabuhay ng wala ka." Sabi ko tas tumawa siya ng mahina
"Talaga ba Love? Eh Love mo din ako." Sabi niya tas pinipigilan kong ngumiti
"Alam mo Suson? Gutom lang yan." Sabi ko tas kinuha ko na yung kutsara at tinidor ko
Kumain na kami tas habang kumakain kami nag-usap kami tungkol sa mga ganap sa school, sa buhay at kung ano ano pang random topic ganun, tas nung natapos na kami ramdam kong sumikip yung suot ko nabusog ata ako ng bongga, kaya nag aya ako na maglakad lakad para bumaba yung kinain namin tapos habang naglalakad kami nakita namin yung dalawang matanda sa harap namin na naglalakad tas ang sweet sweet kasi magka hawak ng kamay.
"Sweet nila shet." Sabi ko
"Ang gandang tignan ng ganyan no?" Sabi ni Ken tas tumango ako
"Sobra." Sabi ko tas inaadmire ko lang yung mag asawa
"May balak ka bang mag asawa?" Tanong ni Ken
"Hmm. Dipende kay Lord." Sabi ko tas tumango siya "Ikaw ba?" Tanong ko
"Ewan." Sagot niya tas tumingin ako sakanya
"Anong ewan?" Tanong ko ulit naguguluhan ako
"Ganito kase, okay lang sakin yung in a relationship pero pag usapang kasalan o pagli live in parang ayaw ko." Sabi niya tas tumango ako naiintindihan ko na
"So ayaw mo ng responsibilities? ganun?" Tanong ko tas nag tight smile siya
"Siguro? ewan ko ba kung natatakot ako o ayaw ko lang talaga." Sabi niya tas di nako sumagot
Habang naglalakad kami, nawala na yung mag asawa sa harap namin tas mula sa malayo nakita ko yung carousel tas may naisip akong idea, parang gusto kong sumakay sa lahat siguro ng rides na pwedeng sakyan carousel lang yung pinaka gusto ko at the same time ang sweet kase ang weird pero ganun yung feeling ko.
"Sakay tayo sa carousel." Yaya ko kay Ken tas tinignan niya ko na parang ewan
"Ha?" Sagot niya
"Hatdog." Pilosopo ko. "Sabi ko sakay tayong carousel." Ulit ko tas tinignan niya yung carousel mula sa pwesto namin
"Ayoko." Sabi niya tas umirap ako
"Di naman kita tinatanong, samahan mo ko pleaseee." Pakiusap ko sakanya with matching puppy eyes pa tas tumawa siya tas kinurot yung ilong ko
"Sige na nga baka umiyak pa yung Baby ko." Sabi niya tas tumawa ako
"Ew, Baby daw." Sabi ko tas nagkunyare akong nasusuka
"Wow wow wow ah." Sabi niya tas tumawa ako tas hinatak ko siya papunta sa carousel
Habang hinahatak ko siya hinahanap ko kung saan magbabayad tas nung nakita ko na mas hinigpitan ko yung pagahawak sakanya tas feeling ko may bumabagabag sa isip ko nung moment na yun tas bumibilis yung tibok ng puso ko pero di ko nalang inisip, nung nandun kami sa may booth umorder ako ng apat, may plano kasi ako baka di umabot hehe. Katapos kong bumili ng ticket hinatak ko na ulit siya papunta dun sa entrance tas binigay ko yung uanng set ng ticket namin kay Kuya tas tinignan kami ni Kuya, siguro nagtataka siya kasi ang laki laki na namin nagka carousel pa kami HAHAHAHAHA ano bang pake nila? so naghanap ako ng magandang upuan tas nakita yung teacup na upuan pwede kaming umupo parehas dun kaya sumakay ako tas pati si Ken, natatawa ako kasi ang laki laki namin dun sa teacup pero para lang naman to sa plano ko eh, nung nakaupo na kami, magkatapat kami tas ang tagal mag start kaya chinikahan ko siya.
"Ang laki natin dito sa teacup." Sabi ko tas tumango siya
"Oo nga ewan ko ba sa batang kasama ko." Sabi niya tas tumawa ako
"Hoy bawal mahilo ah?" Sabi ko tas tumawa siya
"Sus carousel lang eh." Sabi niya tas tumawa kaming parehas ang ingay tuloy namin
"May tatanong pala ako." Umpisa ko tas di na kami tumawa kumbaga nag serious na yung aura naming dalawa
"Ano?" Tanong niya tas nagstart na umikot yung carousel
"Tinanong kasi sakin ng kaibigan ko to nung minsan." Umpisa ko tamang story making lang hehe "Ano ba talagang meaning ng courting? o panliligaw?" Tanong ko sakanya tas napaisip din siya
"Ano, Para sakin ah, yung panliligaw kasi gagawin mo lahat para sa isang tao." Sabi niya tas tinignan ko siya nagtataka ako
"Yun lang yun?" Tanong ko di ako satisfied sa sagot niya eh
"Hindi." Sabi niya "Nanliligaw ka, ginagawa mo lahat para sa taong gusto mo, para magustuhan ka din niya. Pasensya pasensya lang naman labanan dun." Sabi niya tas tumango ako
"Ah ganun?" sabi ko tas nagisip ako ng itatanong pa "Eh pano pag umabot na ng sobrang tagal susuko ka ba?" Tanong ko
"Hindi. Para kasing business yan eh mag i Invest ka pero kung di ka marunong maghintay di mo malalaman kung lalago ba o hinde." Sabi niya tas tumango tango ako
"Eh pano kung agad kang sinagot, edi easy to get ang tawag sa ganun?" Tanong ko tas sumimangot siya
"Hinde no, pano kung gusto niya lang talaga yung nanliligaw sakanya, chaka pwede ka namang manligaw kahit kayo na, para sakin kasi pag kayo na marami kading nalalaman tungkol sakanya. Kaya di ko agad jina judge yung tao kasi sigurado ako may meaning lahat ng ginagawa nila." Sabi niya tas tumango ako
"Ayos ah." Sabi ko tas tumango siya di naman namin alam na nakahinto na pala yung rides
"Bakit mo ba natanong yan?" Tinanong niya
"Wala di ko alam pano ko sasagutin eh. Kaya kumuha ako ng sagot sa lalake ano bang alam ko sa ganyan duh." Sabi ko tas umirap "Pero bat ikaw? di ka nagtatanong kung may pag-asa ka o wala katulad ng tanong ng mga karamihang lalaki dyan?" Tanong ko sakanya totoo na tanong na to hindi chena chena
"Bat ako magtatanong? edi parang pinepressure kita. Gusto ko sayo manggagaling yung sagot, maghihintay lang ako kung kailan ka na ready, take your time alam ko namang hindi madaling pumasok sa isang relasyon, willing to wait naman ako." Sabi niya tas tinignan ko siya pero di pala siya nakatingin sakin parang may kumurot sa puso ko sa sagot niya shet.
"Ate baba na po kayo." Sabi nung nagmamanage sa carousel tas tinignan ko siya
"Ay, wait lang, bumili pa kami ng isang set kanina." Sabi ko sabay bigay sakanya ng isa pang set ng ticket tas kinuha niya
"Ah sige po." Sabi niya sabay punit dun sa ticket
"Enjoy po." Sabi niya tas umalis na tinitignan lang ako ni Ken
"Isa pa?" Tanong niya tas nag smile ako
"Oo." Sabi ko tas tumayo ako
"San ka pupunta?" Tanong niya
"Sa iba namang pwesto." Sabi ko tas naghanap ako ng kabayong magandang sakyan
"Aba kabayo naman?" Tanong niya tas tumango ako
"Para naman ma experience ko yung sumakay sa kabayo sa carousel." Sabi ko tas tumango siya
"Dito ka oh." Sabi ko sabay turo dun sa katabi kong kabayo na walang nakasakay
"Ayos lang ako na nakatayo dito nalang ako sa tabi mo." Sabi niya tas nag pout ako
"Di mo mae experience yung kabayo dito niyan." Sabi ko tas kinurot niya yung ilong ko
"Pare parehas lang naman yan." Sabi niya tas ngumiti siya
"Edi wow." Sabi ko ang tagal nanamang mag start nung rides tas nagtanong nanaman ako
"Di ka magsasawang hinatayin ako?" Tanong ko sakanya tas nag start na yung rides
"Hindi." Sabi niya nagtitinginan lang kami
"Kahit Senior Citizen nako?" Tanong ko tas ngumiti siya
"Kahit mamatay na tayo." Sabi niya tas hinampas ko siya sa braso
"Corny mo." Sabi ko tas tumawa ako
"Sus. Totoo yun." Sabi niya
"Pano pag may MAS maganda, MAS sexy, MAS matalino at MAS mayaman na babaeng dumating at gusto ka, anong gagawin mo?" Tanong ko tas inirapan niya ko
"Aanohin ko siya kung alam kong ikaw lang?" Sabi niya tas nag 'Weh' Face ako
"Utut mo." Sabi ko
"Oo nga." Sabi niya
"Tandaan mo Ken, darating ka sa point na magsasawa ka din sakin." Sabi ko tas tinignan niya ko pero di ako nakatingin sakanya
"Maybe. Pero as of now. Ikaw lang at gusto ko na din na ikaw din yung last." Sabi niya tas tumango ako
"Ken?" Tawag ko sakanya tas tumingin siya
"Hmm?" Sagot niya
"I want this day to be memorable." Sabi ko tas nakatingin lang siya
"Memorable na to sa mga tanong mo." Sabi niya tas ngumiti ako
"Hindi shunga." Sabi ko
"Ano bang klaseng memorable yan?" Tanong niya
"Memorable place and memorable day." Sabi ko tas tinitignan niya ako na parang naguguluhan
"Ha?" Tanong niya
"Yes." Sabi ko
"Anong 'Yes'?" Tanong niya
"Yes, Oo, sinasagot na kita." Sabi ko tas ngumiti siya
"Yes? as in Yes?" Tanong niya
"Yes." Sagot ko tas bumulong siya ng 'Yes!' tas natawa ako "Puro yes ampotek." Sabi ko
Tumawa lang ako, tas kiuha ko yung binili ko kay Ken nung minsan tas huminto na yung carousel tas nung tatayo nako sumabit yung paa ko dun sa tali ng bag ko, matutumba sana ako mula sa kabayo ng hinawakan ako ni Ken sa bewang tas inalalayan ako pababa. tas binigay ko na yung paperbag.
"Thank you." Sabi ko tas umuwi na kami di na din niya tinanong yung sa paperbag
Actually, ilang beses ko ng pinagisipan yang pagsagot sakanya, I want it to be special, pero yan lang naiisip ko as of the moment, It's a memorable day and place with a special person.