I love you

Ngayon andito ako sa mall mag ki christmas na kase bukas, ambilis ng panahon shet. Konting push nalang ga graduate na kami pero chaka ko na iisipin yan pag tapos at sure na talaga HAHAHA di ko alam anong bibilin kong regalo naglibot libot muna ako umagang umaga andito ako sa mall diba? kase tinamad ako nung kamakailan kaya ngayon tuloy ako namimili gahol ampotek. Ang hirap mag-isip ng bibilin para kay Mama, Papa, sa kapatid ko, Kay Cas at kay Ken myghad. So natapos ako ng mga mag tu twelve na sumakit ata paa ko tas biglang tumawag si mama.

"Hello ma." Bati ko

"Tep? San ka?" Tanong niya

"Asa mall pauwi nako." Sabi ko

"Ah sige. Umalis nako sa bahay may business trip kami biglaan lang punta kami sa Aklan baka bago mag New Year uuwi na kami." Sabi niya first time ko mag Christmas ng wala si mama shet sinong kasama ko?

"A... ah ganun ba ma? sige, Ingat kayo." Sabi ko

"Sige ikaw din sorry wala ako sa Christmas." Sabi niya tas ngumiti ako ng pilit kahit di niya nakikita

"Okay lang po." Sabi ko tas binaba niya na

Hays, ano kayang gagawin ko neto? It's me, myself and I ah. So umuwi nako tas nagbalot nako ng mga regalo, dahan dahan akong nagbabalot para maganda tagal kong inaral magbalot duh, di kasi ako marunong magbalot kaya eto ako trying hard kahit very hard na HAHAHAHA nakakailan nakong pambalot sa mga regalo dalawa palang nababalot ko shet. Tep galaw galaw kaya ba today? Nanunuod ako ng tutorial ng pagbabalot ng regalo sa laptop ko tas biglang nagring yung phone may tumatawag video call kaya pinause ko muna yung pinapanuod ko tas sinagot ko yung nagko call.

"Ano?" Tanong ko tas pinatong ko yung cellphone sa taas nung tapos ng binalot bali naka tapat sa ceiling

"Asan ka love?" Tanong niya

"Asa bahay, baket?" Tanong ko habang nagbabalot

"Anong ginagawa mo?" Tanong niya

"Nagbabalot." Sagot ko

"Ang aga mo naman maglalako ng balot." Sabi niya tas tumawa

"Tumawag ka ba para manginis?" Tanong ko

"Hindi, aayain kita." Sabi niya

"Saan?" Tanong ko

"Pasko naman punta tayong Baguio." Aya niya

"Sus, walang tao sa bahay, wala si mama." Sabi ko

"Sige tawagan ko muna." Sabi niya tas binaba yung call

Hahabulin ko sana kaso wala pinatay na kaya huminga nalang ako ng malalim tas nag focus na ako sa pagbabalot konti nalang tapos nako, mga after 10 minutes natapos nadin ako sa mga binabalot ko tas nilagyan ko na ng pangalan, nilagay ko na sa kwarto ni mama yung sakanya. Tas papunta na ako sa kwarto ko ulit ng nag ring nanaman yung phone ko pero call lang si Mama siguro to napaka kulet kasi ni Suson eh. Sinagot ko yung phone.

"Hello?" Bati ko

"Nak. Pupunta dyan si Papa mo may ia abot daw." Sabi ni mama

"Ah osige." Sabi ko

"Chaka pala nagpaalam na si Ken sakin, sumama ka na." Sabi ni mama

"Ngek. Kulet talaga." Sabi ko

"Ngayon lang naman kayo lalabas. Chaka wala kang kasama kaya Go ka na." Sabi niya tas huminga ako ng malalim

"Sige ma. Yung regalo mo pinatong ko nalang sa kama mo." Sabi ko tas nag 'Hm' Lang siya

"Sige, ingat kayo ni Ken, pasalubong ah?" Habilin ni mama

"Ako den." Sabi ko tas tumawa ako

"Sige na nak, si papa mo ah darating." Sabi niya "Bye love you ingat." Binaba na yung call

So ayun nga napilit ni Ken gusto niya kaya tinawagan ko si Ken

"Hiiiiiii Loveeeeeeeee." Apaka haba ah mukhang nasunod gusto

"Kailan aalis?" Tanong ko tas nagkunyaring na shock

"Sasama kana?" Playing innocent aba

"Pinilit mo si mama no?" Tanong ko

"Hindi no, napagbigyan niya lang manugang niya." Sabi niya tas muntik akong mabulunan sa sarili kong laway manugang? wth

"Manugang ka dyan." Sabi ko

"Bilisan mo na punta nako dyan." Sabi niya tas tumango ako

"Ilang araw?" Tanong ko

"Mga 5 days and four nights." Sabi niya tas nagulat ako

"Seryoso?" Tanong ko

"Oo. Sige na punta nako dyan." Sabi niya tas inend niya na yung call

Nag-ayos nako ng gamit ko nagdagdag din ako ng konti extra kumbaga, tas nilagay ko nadin yung kay Ken pati kay Cas baka idaan ko nalanag sakanila, nung natapos nako magimpake naligo nako at nag-ayos ng nakarinig ako ng katok sa pintuan namin kaya agad akong bumaba dinala ko nadin mga gamit ko para isahan nalang. Binuksan ko yung pinto tas nakita ko si papa sa labas.

"Oh pa pasok ka." Sabi ko tas umiling siya

"Hindi na. Abot ko sayo to. Merry Christmas" Sabi niya sabay abot sa mga paperbags na hawak niya

"Ano po to?" Tanong ko sabay kuha

"Regalo ko sainyo ni mama mo." Sabi niya tas ngumiti ako

"Thank you pa. Sorry eto lang regalo namin sayo at kay kapatid." Sabi ko sabay abot sa maliit na paperbag

"Okay lang. San si mama mo?" Tanong niya

"Asa business trip di ba nasabi sayo pa?" Tanong ko tas umiling siya

"Eh san ka pupunta?" Tanong niya

"Baguio po." Sabi ko tas tumango siya ng dahan dahan

"Sinong kasama mo?" Tanong niya

"Si Ken po." Sabi ko tas tumango siya

"Ah si Ken. Sige una na kami baka mahuli kami sa flight namin." Sabi niya tas tumango ako

"San punta pa?" Tanong ko

"Sa US sa side ng Tita mo." SAbi niya tas tumango ako

"Ingat po." Sabi ko tas ngumiti siya

"Kayo din." Sabi niya tas nag wave siya at umalis na

Nilagay ko sa Christmas tree namin yung regalo na dala niya tas tinext ko si Cas.

"Asa bahay ka?" Tanong ko sakanya

"Yes. Why?" Reply niya SPEED AMP

"May idadaan sana ako." Sabi ko

"Okieee. Hintayin ko sabihin mo pag malapit kana para lumabas nalang ako." Sabi niya

"Oks." Reply ko tas biglang may nagpop na message

"Dito nako." Sabi ni Ken tas kinuha ko na yung mga gamit ko

Dala dala ko na yung gamit ko tas nilock ko na yung bahay namin tas lumabas nako inaabangan ako ni Ken sa labas, kinuha niya yung mga gamit na dala ko tas nilagay niya dun sa likod na upuan tas pumasok nako sa loob tas pumasok na din siya.

"Kanino to?" Tanong ko

"Sakin to di ko lang ginagamit." Sabi niya tas tumango ako

"Kala ko magmomotor tayo." Sabi ko

"Pwede din para mabilis." Sabi niya tas umiling ako

"Di na baka mamatay tayo ng maaga." Sabi ko tas tumawa siya

"Instant heaven." Sabi niya

"Buang ikaw mag-isa." Sabi ko tas tumawa siya

"Basta kasama ka." Sabi niya

"Aba matinde I love my life duh." Sabi ko

"I love you too." Sabi niya tas tumawa ako

"Buang, punta muna pala tayo kay Cas." Sabi ko

"Baket?" Tanong niya

"May idadaan lang ako." Sabi ko tas tumango siya

Nagdrive lang si Ken nagpatugtog din ng kung ano ano tas mga 10 minutes andun na kami kina Cas, kaya tinext ko siya tas hinintay ko siyang lumabas tas biglang may kumatok sa bintana kung saan pwesto ko muntik akong atakihin ampotek si Cas pala. Binaba ko na yung bintana.

"Hi." Sabi ni Cas tas ngumiti nakakaasar yung ngiti parang may meaning

"Hello." Sabi ko tas kinuha ko yung isang paperbag sa likod tas inabot ko sakanya "Merry Christmas." Sabi ko

"Ano to?" Tanong niya sabay tingin sa paperbag

"Bomba." Sabi ko tas tumawa

"Sira. Thank you." Sabi niya

"Welcome." Sabi ko

"San punta niyo?" Tanong niya

"Baguio." Sagot ko tas tumango siya

"Buti pala andito pako aalis din kami ni jowa eh." Sabi niya tas ngumiti ako

"Ingat kayo." Sabi ko tas tumango siya

"Kayo din ni Ken, babye." Kaway niya tas umalis na

Umalis na kami ni Ken tas bigla akong nagutom, di pala kami nakapag baon ng snacks tas mahaba haba pa byahe namin kaya nag-iisip ako anong magandang kainin habang nagba byahe.

"Bili tayo ng kakainin?" Tanong ko sakanya

"Sige may dadaanan naman tayong Super market dito." Sabi niya tas tumango ako

After 5 minutes nagpark na si Ken sa parking lot tas pumasok na kami at naghanap ng chips and drinks pati nadin chocolates pampa energy, katapos namin maghanap ng kung ano ano, pumunta na kami sa Cashier tas na realized ko di pala ako nag lunch kaya habang nakapila kami tinanong ko si Ken

"Kumain kana?" Tanong ko tas umiling siya

"Di pa bakit?" Tanong niya tas tinuro ko yung burger king na signage

"Bibili akong burger king anong gusto mo?" Tanong ko tas nagisip muna siya

"Ikaw na bahala." Sabi niya tas kinuha niya yung cart

"Sige." Sabi ko

"Hintayin kita sa kotse." Sabi niya tas tumango ako

Pumunta nako sa burger king buti nalang wala masyadong tao kaya umorder nako ng Cheesy King Feast buti for two di nako mahihirapan at the same time favorite ko syempre I love cheese di pwedeng mawala yun katapos kong makuha yung order pumunta nako sa parking tas nasa loob na si Ken tas nagbyahe na kami, kumain habang nagba byahe, music trip, at nag usap ang tagal naming nakaupo nafi feel kong nagka cramps na pwet ko shet tas inaantok nadin ako.

"Okay ka lang ba dyan?" Tanong ko tas tumango siya

"Oo baket?" Tanong niya tas tumingin siya tas agad din binalik sa harap yung tingin

"Inaantok ako." Sabi ko tas tumango siya

"Tulog ka muna." Sabi niya

"Di ka ba nangangawit?" Tanong niya

"Medyo." Sabi ko tas tinap niya yung hita ko tinignan ko naman siya nagtataka ako anong ginagawa niya

"Taas mo yung dalawa mong paa." Sabi niya

Tinaas ko naman tas pinatong niya yung paa ko sa lap niya bali parang medyo nakahiga ako tas inabot niya yung unan medyo nawala yung ngawit sa bagong pwesto ko tas nakatulog nako ng di ko man alam.After siguro ng ilang oras naramdaman kong may umuuga sakin kaya binukas ko yung mata ko tas nakita ko nasa may parking lot na kami.

"Dito na tayo." Sabi ni Ken tas tinanggal ko na yung paa ko

"Sige." Sabi ko tas nag ayos ng konti

Niligpit ko na yung unan chaka blanket binalik ko sa likod tas inipon ko lahat ng basura namin tas nilagay sa plastik tas kinuha na ni Ken mga gamit namin kinuha ko din yung iba, tinapon ko naman basura namin dun sa trash can tas pumasok na kami sa isang hotel, nag check-in na kami nagpa book na pala si Ken di ko man alam, planadong planado pala to infairness. Umakyat na kami dun sa room namin tas kapasok namin inayos ko na gamit namin tas si Ken nakahiga sa kama, nilibot ko naman yung room chineck yung tubig, kuryente at lahat ng gamit baka mamaya may sira pala tas ang ganda din pala ng view sa room namininopen ko yung curtain tas may balcony pala kaya lumabas ako, grabe ang lamig may fog din, sunset na kaya ang ganda ng scenery ninanamnam ko lang yung view tas ang sarap i inhale ng malamig na hangin nakaka fresh myghad pinikit ko muna yung mata ko para ifeel yung tumatamang hangin sa mukha ko nakakasara ng pores infairness. Tas biglang may yumakap sakin yung kamay nasa bewang ko tas yung baba niya nasa may shoulder ko alam kong si Ken yun kaya binuksan ko yung mata ko.

"Anong plano naten niyan?" Tanong niya

"Ano bang gusto mong gawin?" Tanong ko

"Kahit ano." Sabi niya

"Maglibot nalang tayo sa park tutal Christmas naman tas magpahinga after nun continue nalang natin bukas yung pamamasyal." Sabi ko tas nag 'Hmm' siya

"Maganda din yan." Sabi niya tas tinignan ko siya nakapikit pala

"Inaantok ka na ba?" Tanong ko tas umiling siya habang nakapikit

"Tara na?" Tanong niya tas dinilat niya yung mata niya para tumingin sakin

"Sige." Sabi ko tas kiniss niya ako sa cheeks tas tinggal niya yung yakap niya

"Tara." Aya niya

Nag-dala ako ng drawstring na bag nilagay ko yung gift ni Ken dun tas nag ayos ako ng konti chaka nagsuot nadin ako ng jacket malamig na dzai. Lumabas kami sa hotel tas naglakad papuntang burnham park tutal mahirap yung transportation dito chaka traffic lakad nalang kami tutal malapit din naman. Habang naglalakad kami kinuha ni Ken yung kamay ko tas nagholding hands kami ayos diba? HAHAHAHAHA sinasanay ko na din sarili ko sa ganyan clingy eh. Nakadating nadin kami sa Burnham park dami ding naglilibot libot dito, habang naglalakad lakad kami picture picture din kami syempre, tas nakakita ako ng bike parang gusto kong magbike.

"Tara bike tayo." Aya ko tas di nako naghintay ng sagot hinatak ko na siya

Nagbayad ako ng 1 hour sa dalawang bike tas sumakay nako nauna ako kay Ken tas ang tagal mag bike ampotek, kaya tumingin ako sa likod ambagal talaga kaya hinintay ko siya ang tagal pumidal sayang 1 hour dito HAHAHAHAHA

"Ang tagal mo naman." Sabi ko tas ngumiti siya

"Sorry naman." Sabi niya

"Dinaig ka pa ni lolo sa pagba bike oh." Sabi ko sabay turo dun sa lumagpas na lolo

"Edi wow edi wow." Sagot niya tas nagbike na kami

Ang sarap lang sa feeling na humahampas sa mukha ko yung malamig na hangin sa bawat pagpedal ko, tas punong puno ng mga ilaw sa paligid tas napaka ganda din ng tanawin kasama ko pa yung espesyal na tao sa buhay ko, ano pang hahanapin ko? Natapos na kaming magbike tas sumunod sumakay kami dun sa swan na pinepedal sa tubig, tamang pedal pedal lang kami.

"Ang cute pala ng picture natin kanina." Sabi ko tas pinakita ko yung picture namin dun sa nakasakay kami sa bike

"Oo nga ang angas ko oh." Sabi niya tas tumawa ako

"Tignan mo tong kinuha kong picture sayo." Sabi ko tas pinakita ko sakanya

"Uyyy! Ayos airdrop mo nga sakin yan post ko ang angas ko din dyan mukha lang gangster." Sabi niya tas tumawa ako

"Kala ko nga jejemon ka sa kanto eh." Biro ko tas tinignan niya ko

"HAHAHAHAHAHAHA nakita mo sana mukha mo." Sabi ko tas kinuha niya yung ulo ko tas ginulo gulo yung buhok ko tas tawa kami ng tawa

"Parang timang to baka malaglaga tayo sa tubig." Sabi ko tas hinampas ko siya

"Aray ah, di naman tayo mahuhulog, nahulog na tayo sa isa't isa eh." Sabi niya tas kinilig siya sa banat niya

"Ang corny mo." Sabi ko tas hinampas ko yung hita niya

"Arayyy naman." Sabi niya tas tumawa ako habang inaayos buhok ko

"Picture tayo daliii." Aya ko tas nagpicture na kami iba iba pa ng pose

Katapos namin mag-asaran dun sa gitna ng tubig pumidal na kami para bumalik tas nagkwentuhan nalang kami habang pumipedal. Katapos namin pumunta kami saglit sa may playground para magpahinga at namnamin yung view. Pinicture ko si Ken sa tabi ko wala ang ramdom ko lang pero gusto ko siyang picturan eh tas sabi ko picturan ko siya bukod pa dun sa pinicture ko, kaya tumayo ako tas humanap ng magandang anggulo para picturan siya oh diba napaka supportive ko katapos nun pinakita ko sakanya.

"Oh ayan may pang instagram kana." Sabi ko tas tumawa ako

"Ayos yung ilaw ah, parang kukunin lang ako ni Lord." Sabi niya tas tumawa pa ako lalo "Pero ang angas." Dagdag niya tawang tawa ako sa reaksyon niya nung una

"Lahat naman maangas sayo eh kahit stolen." Sabi ko

"Ang tawag dun Appreciation." Sabi niya tas napa wow ako

"Spell mo nga." Subok ko sakanya tas tumawa kami

"Bukas nalang love." Sabi niya tas natawa ako lalo

"Buang." Sabi ko

"Ikaw naman picturan ko." Sabi niya tas kinuhanan niya din ako

"Anong result?" Tanong ko

"Positive." Sagot niya

"Sira katayin kita dyan eh." Sabi ko tas tumawa ang ganda naman nung shot eh tapos biglang may lumapit na bata mga 10 years old na

"Picturan ko po kayo." Sabi niya tas tinignan namin siya

"Ha?" Tanong ko

"Picturan ko po kayo, 10 pesos lang." Sabi niya ahhh negosyo pala ayos ah

"A... ay sige." Sabi ko tas binigay ko yung phone ko sakanya

"Smile po kayo. 1... 2... 3..." Tas nakuhanan na

Nakailan kaming pictures iba ibang pose tas katapos nun, naawa ako, maganda naman shots niya kaya kumuha akong 100 sa wallet ko tas binigay ko sakanya.

"Eto 100 sayo na yan thank you sa pag picture uwi ka na, magno noche buena na." Sabi ko tas ngumiti siya ng malaki

"Thank you po ate." Sabi niya tas tumakbo na

"Ang laki naman nung binigay mo." Sabi ni Ken

"Pabayaan mo na Christmas naman, chaka madalang lang naman tayo maka salubong ng ganun." Sabi ko tas ngumiti siya

"Kaya love kita eh." Sabi niya tas kinurot yung ilong ko

"Tara kain na tayo love." Aya ko kay Ken tas hinawakan ko yung braso niya

Pumunta kami sa Session Road maraming kainan dun eh, pumasok kami sa isang kainan may pa live band pa, nakaupo na kami sa may gitna pero dulo pero sakto lang na nakikita namin yung nagpe perform sa stage tas tinitignan namin yung menu tas nag order na kami habang naghihintay kami, pinicturan ko siya habang tumitingin ulit sa menu at sa mga nagpe perform. Tas tinawag ko siya tas pinicture ko siya, tas nagpose pa ng wacky, smile at kung ano ano game naman siya eh tas kinuha niya yung phone niya.

"Picture tayo love." Aya niya sakin tas tumingin ako at nag smile

"Ganda oh." Sabi niya tas tumawa ako sine serve na yung inorder namin tas biglang may nagsalita sa mic

"Yung susunod po na kanta may nag request po samin, Kantahin daw po namin yung Mabagal by Daniel Padilla at Moira." Sabi nung kakanta tas tumingin ako

"Wow." Sabi ko tas tumingin si Ken

"Bakit?" Tinanong niya

"Wala favorite ko lang yung kakantahin nila." Sabi ko tas pinatong ko yung ulo ko sa shoulder ni Ken

"Sige pakinggan muna naten bago tayo kumain." Sabi ni Ken tas tumango ako

"Sana maganda version nila." Sabi ko

Tumugtog na yung simula nung kanta nangilabot ako agad shet wala pa nga, tapos time na para dun sa first verse nung kinanta nung lalaki, ang ganda nung boses nangilabot ako sana all maganda boses vinideo ko yung sarili ko tas kumuha akong fries tas kinalbit ko si Ken na busy manuod tas zinoom ko sa mukha niya nag wacky siya tas biglang napasabi ng

"Love ampangit ko." Sabay takip sa camera ko tas tumatawa ako inistop ko na yung video ko

Tas nagchorus na tas turn na nung babae nangilabot ako kase kaboses niya si Moira myghad tas vinivideo pala ako ni Ken habang nanunuod nung napansin ko tinakpan ko yung mukha ko tas tumawa siya, hinampas ko naman hita niya tas nag aray siya, tapos kumakanta din siya sinasabayan niya yung kanta kaso may pakulot yung sakanya tas zinuzoom yung video sa mukha ko may pa turo turo pa sa part ng 'kita' ayos to ah. Katapos naming mag video ng isa't-isa kumain na kami pero tumutugtog paren yung kanta. Nag-uusap kami tungkol sa music tas yung pagkanta nila at kung ano ano pa.

"Ganda nung boses nung babae." Sabi ko tas tumango si Ken

"Bagay silang duo nung lalaki." Sabi niya tas tumango ako

"Trueeee." Sabi ko tas biglang may nagsalita sa mic

"We will play Christmas songs now because in just 2 minutes we can greet each other a Merry Christmas." Sabi nung lalaki tas naghiyawan mga tao tas nagplay na yung Christmas songs

"Christmas na nga? Ambilis sunset palang kanina diba?" Sabi ko tas natawa ako

"Wala pag pasko mabilis ang panahon." Sabi niya tas tumango ako

"Ang cozy dito sa resto." Sabi ko

"Maganda din location nila." Sabi ni Ken tas tumango ako

Nagbayad na kami tas lumabas na kami naglakad na ulit kami papunta sa hotel namin, magkaholding hands tas tamang tingin tingin lang sa mga dinadaanan namin, pati narin dun sa mga tao na ang saya saya ngayong Christmas.

"Merry Christmas love." Bati ko kay Ken habang nakatingin sa mga puno

"Merry Christmas din love." Bati niya din sakin

"First Christmas ko na di kasama si Mama." Sabi ko

"Talaga?" Tanong niya tas tumango ako

"Oo, First Christmas ko din na may boyfriend." Sabi ko tas tumawa ako ganun din siya

"Wow, I'm so honored naman na ako ang una sa listahan." Sabi niya sabay hawak sa dibdib niya

"Na touch ka ba?" Tanong ko

"Oo. HAHAHAHAHA. Marami pakong gagawin para lang mauna sa mga listahan mo." Sabi niya tas tumawa ako

"Goodluck." Sabi ko tas tumawa kami parehas

"Di ko alam kung matatakot ako o ma e encourage sa sagot mo." Sabi niya tas tumawa ako

"Che. Pero Ken?" Tawag ko sakanya

"Oh?" Tumingin siya sakin tas nagstop kami

"Thank you." Sabi ko

"Para saan?" Tanong niya

"Sa lahat." Sabi ko tas ngumiti ako

"Ha?" Tanong niya pero naka smile siya nangaasar ata to

"Thank you kase pinagtyagaan moko, Di ka sumuko sakin, Andyan ka nung kailangan ko ng motivation, andyan ka pag nahihirapan ako, di ka nagsasawang ihatid at sunduin ako kahit dagdag lang ako sa distractions mo you never leave me. Kahit napaka busy mo you make time for me, just to be with me. I don't know how many Thank you's I will say just to give back everything you sacrificed for me. Saludo ako sa bait mo, sa tyaga mo, sa lahat lahat despite of everything you've been through, andito ako para sayo and I am blessed to have you, I am also thankful to be part of your life, Ken." Sabi ko ngayon ko lang inoopen lahat ng nafi feel ko simula nung dumating siya sa buhay ko di talaga ako mahilig magsabi ng nararamdaman pero eto si Ken nagpapabago sakin.

"You changed me for the better version of myself and I am very thankful for that. Yung dating di ko ineexpress feelings ko sa iba sayo unti unti ko ng sinasabi, ang daming nabago simula nung dumating ka, sorry ngayon ko lang sinasabi yung mga nafi feel ko for the past months na magkasama tayo at nung dumating ka." Sabi ko tas nakangiti ako sakanya

"Masaya ako na napapasaya kita, na nabago kita and maging part ng buhay ng mahal ko." Sabi ni Ken tas nag smile siya sakin

"Di ko alam ano pang sasabihin ko, basta I'm so overwhelmed lang ngayon sa lahat ng feelings ko para sayo di ko na maexplain eh." Sabi ko tas ngumiti siya sakin

"Okay lang yan, hinihintay ko lang talaga na magsalita ka alam ko namang di ka expressive verbally pero ramdam ko naman, and willing parin ako maghintay sa lahat ng upcoming na sasabihin mo sakin kase napaka special pag galing sayo kahit napaka simple lang." Sabi niya tas niyakap niya ko

"Thank you." Sabi ko tas hinug ko din siya

"Welcome." Sabi niya tas nag smile ako at pumikit

"I love you, Ken." Bulong ko tas di siya sumagot

"I love you too, Tep." Sagot niya tas nag smile lang ako.