So nung natapos na yung bakasyon namin sa Baguio agad din kaming umuwi para magspend ng time with our families, ngayon New year na syempre maghahanda kami kaya andito kami sa groceries ni mama ngayon tamang bili bili lang ng pang media noche. Habang nasa harap si mama at tumitingin tingin at ako naman sa likod niya tulak tulak yung cart biglang tumawag si Cas kaya sinagot ko naman pinlug ko yung earphones ko para di hassle tas na realized ko na video call pala.
"Hello." Bati ko tas nag smile
"Happy New Year Tepiterio." Bati niya tas nag smile ako ng malaki
"Sayo den." Sagot ko
"Asan ka?" Tanong niya tas sinusundan ko lang si mama
"Asa grocery namimili ng ihahanda mamaya baket?" Tanong ko tas nag 'ahh' reaction siya
"Ahh, punta ako mamaya sainyo may pinapabigay sina mama eh." Sabi niya tas tumango ako
"Sige balitaan kita mamaya, bigyan kadin namin mamaya syempre." Sabi ko tas tumawa siya
"Ayos ah. Ay. Kamusta pala Baguio niyo ni Ken?" Tanong niya tas tamang kuha lang ako ng gusto ko
"Okay lang naman, masaya... Sulit yung time." Sabi ko tas ngumiti siya
"Sarap ba?" Tanong niya tas tumango ako
"Oo naman." Sagot ko tas narinig ko siyang nagulat kaya napatingin ako sakanya takip takip niya yung bibig niya
"Sherep?" Tanong niya na medyo nangiinis tas nag poker face ako
"Ang kalat mo. Ibang sarap niyang sinasabi at ini imagine mo eh." Sabi ko tas tumawa siya ng malakas
"Damn. You know me so well." Sabi niya tas natawa ako ng kaunti
"Ikaw pa, basta kakalatan nangunguna ka." Sabi ko tas umiling iling ako
"Wow ah, parang siya di ah." Sabi niya tas sumimangot ako
"Ako minsan, IKAW. MADALAS." Sabi ko with diin pa yan ng pagkakasabi
"Atleast, iniisip mo padin kahit MINSAN lang no." Sabi niya diniinan yung minsan na word
"Edi wow." Sagot ko
"Osige balitaan mo ako ah? Luto lang ako sa baba." Sabi niya tas tumango ako
"Bye." Paalam ko tas binaba ko na
After nung call inunplug ko yung headset tas tinignan ko si mama na binabasa yung isang bote ng ketchup kaya tinext ko si Ken muna, lately kasi parang after nung bakasyon medyo naging busy siya di ko alam bakit madalang mag update tong panget na to eh di ko naman bini big deal pero sana kahit isang text lang diba? kahit maalala lang man ako ganun. Tinanong ko if pupunta ba siya ng bahay mamaya, tas after nun tinago ko na cellphone ko sa bulsa ko tas nag continue na kaming mag grocery. Ilang oras na ang nakalipas pero walang paramdam si Ken pero binalewala ko lang tinulungan ko nalang si mama maghanda ng mga pagkain, magluto at gumawa ng desserts, katapos nun may narinig akong kumatok sa pinto ine expect ko talagang si Ken na yun, sana naman, pinuntahan ko na yung pinto tas sumalubong sakin si Cas.
"Oh, Cas." Bati ko sabay bukas ng pinto tas ngumiti siya
"Hiiii~" Bati niya ang dami niyang dala syet
"Pasok ka." Aya ko sakanya tas tinulungan ko siyang magbitbit ng dala dala niya
"Ang dami mo naman dala." Sabi ko tas tumawa siya
"Parang di mo naman kilala si mama ko, pag naghahanda kala mo fiesta." Sabi niya tas tumawa kame
"Sabagay." Sagot ko tas nilapag ko yung bitbit ko sa lamesa namen
"Hi, Cas." Bati ni mama
"Hello po tita!" Bati din ni Cas
"Happy New Year." Bati ni mama
"Happy New Year din po, may pinadala po pala si mama." Sabi niya habang kinukuha yung mga pinadala
"Hala, nag abala pa si mama mo, ano ba yan." Sabi ni mama habang tinitignan si Cas
"Okay lang po yun, di na po kayo naiba." Sagot ni Cas tas nag smile
"Ay Cas, meron din akong ipapadala sayo para naman fair din tayo, di man ganun kadami pero sana magustuhan ninyo." Sabi ni mama habang kinukuha at binabalot yung ipapadala niya
"Ay okay lang po yun, kayo naman po." Sabi ni Cas nahihiya na to ramdam ko sa boses palang eh
"Sige, sandali lang ah." Sabi ni mama at umalis para kunin yung ipapadala
"So, asan si Ken?" Tanong niya tas tinignan ko siya
"Ewan." Sagot ko
"Luh, Di pa ata nag a uupdate?" Tanong niya tas umiling ako
"Di bale puntahan ko nalang sakanila." Sagot ko sabay kibit balikat
"I text mo kaya?" Payo ni Cas
"Sige mamaya, baka kasi maistorbo ko." Sabi ko
"Di ka istorbo tange." Sabi ni Cas
"Anong hinde? Baka mamaya nagba bonding yun with fam niya, remember wala kami ng Christmas." Sabi ko tas tumango tango si Cas
"Sabagay, may point." Pag agree ni Cas
"Oh, Cas eto oh, iuwi mo ah? Sana magustuhan ninyo, sorry kung yan lang ah?" Sabi ni mama sabay abot ng malaking ecobag
"Hala po tita, sobrang dami naman po neto nag abala pa po kayo." Sabi niya habang kinukuha yung ecobag
"Ano ba yan, okay lang mas madami ka ngang dala." Sabi ni mama tas tumawa silang dalawa
"Ay Thank you po tita, Una na po ako, Sorry po di ako makakapag stay ng matagal." Sabi niya tas tumango si mama
"Okay lang yun, alam ko naman new year ngayon kaya busy, mag iingat ka ah? Thank you pala and Happy New Year sainyo." Pagpapaalam ni mama sabagay ngiti
"Thank you din po tita, Happy New Year po." Paalam ni Cas sabay kaway at umalis na
"Oh eto yung kina Ken." Tawag ni mama kaya napatingin ako
"Ah osige po." Sabi ko
"Pupunta ka ba dun?" Tanong niya
"Opo, bigay ko lang po to tas balik ako agad." Sabi ko tas tumango siya
"Osige, mag text ka pag pauwi ka na ah? Ingat ka." Sabi ni mama tas tumango ako at kinuha yung pinapadala ni mama
Bumalik na sa pagluluto si mama, ako naman lumabas samin at nag abang ng taxi, kaabang ko buti agad may taxi na dumaan, buti meron pa New Year panaman kaya I expect na konti lang merong taxi ngayon. Kasakay ko sinabi ko agad sa driver kung saan kami tas agad kong kinuha yung cellphone ko tas tinext ko si Ken sabi ko na papunta ako sakanila may ihahatid lang ako, mga ilang minuto lang nakarating nako sakanila tas nag doorbell ako binuksan naman nung kasambahay nila, buti meron na silang kasambahay ngayon last kong punta si Ken ang kasambahay CHAROT!
"Asan po si Ken?" Tanong ko kay manang
"Ah si Ser Ken po? Asa taas may kausap po." Sabi ni Manang
"Ah talaga po? Sino po kausap?" Tanong ko
"Girlprend po ata niya?" Sabi ni manang nagulat naman ako
"A... Ah talaga po? Sige po T... thank you po." Utal kong sagot tas ngumiti lang si manang
"Chill kalang Tep, Fake news yun, bago lang si ate kaya kala niya girlfriend ni Ken yun. Friend niya lang yun, kung sino man yun." Bulong ko habang papasok sakanila
Pinatong ko yung dala ko sa lamesa nila sa kusina, lalabas na sana ako ng may narinig ako na nag uusap di ko lang alam kung saan pero may nag uusap kaya di muna ako umalis sa lugar ko, di naman masama tong ginagawa ko diba? naririning ko sila eh di naman ako nakikinig talaga aksidente lang chaka naririnig ko na eh may choice pa ba ako? kaya umupo ako sa isa sa mga stool
"So anong plano mo?" Tanong nung babae
"Bigyan mo muna kaya ako ng panahon?" Sagot ni Ken parang galit, pamilyar din yung boses nung babae pero di ko maalala sino
"Chill. Pero nasasayang kase yung oras Jhon. At the same time kawawa yang alaga mo." Sabi nung babae
"Alaga? Sinong alaga?" Pabulong na tanong ko
"Umalis ka na kaya? Baka may maka abot pa sayo eh." Sabi ni Ken
"Fine. Fine. Alam naman ng maid niyo na nandito eh sino pabang andito wala naman tito mo." Sabi nung babae
"Sus, Excuses wala akong pake umalis kana may gagawin pako." Sabi ni Ken
"Fine. Gusto ko lang na ipaalala na time is ticking. WE have our deadline ha?... before I forgot may deal din tayo." Sabi niya parang nangba block mail lang ah? Kung sino man to kilala niyang bongga si Ken
"Oo na, oo na dami pang satsat alis na." Sabi ni Ken parang timang talaga di ako makasilip baka makita ako eh.
Naririnig ko yung footsteps na naglalakad papalayo, narinig ko din yung pinto na bumukas at nagsara, tas narinig ko iisang footsteps na papunta sa kusina, feeling ko si Ken to, syet ngayon ko lang narealized na anong gagawin ko? syet natataranta ata ako sandale, after ng ilang minuto nakita ko si Ken na pumasok sa Kusina nakatingin sa cellphone niya kaya di ako napansin, tuloy tuloy lang siya aba ang galeng, hinihintay ko lang siya na mapansin ako, kumuha siya ng tubig tas bigla siyang napatingin sa direksyon ko tas nagulat siya nabulunan pa sa iniinom niya.
"O.. oh bat k..ka andito k...ka?" Tanong niya sabay punas ng bibig niya
"Bakit bawal?" Tanong ko
"Hindi naman kakapasok lang ng text mo na papunta ka palang ah? Ang bilis naman?" Tanong niya
"Kanina pa yun eh, medyo kanina pa pala. Mabilis lang byahe eh." Sabi ko tas tumango siya
"W... wala ka namang n...narinig?" Tanong niya
"Ha? May naririnig ka bang di ko naririnig?" Tanong ko actually nagpa patay malisya ako
"Like, kanina wala?" Tanong niya tas umiling ako ng dahan dahan
"Wala naman." Best actress talaga ako syet
"Ano yan?" Tanong niya sabay turo sa paperbag na dala ko
"Pinapadala ni mama kaya andito ako." Sagot ko tas tumango siya
"Pano ka nakapasok?" Tanong niya FBI ka boi?
"May maid na kase kayo, remember?" Sagot ko
"Wala naman sinabi?" Tanong niya
"Meron ba dapat?" Tanong ko
"Wala naman. Tinatanong ko lang bago lang kase eh baka pumalpak eh." Sabi niya tas tumango lang ako
"Ah ganun ba osige, bye na alis nako, hinihintay na ako ni mama." Paalam ko sabay baba sa stool na kinakaupuan ko.
"Sige tara na." Aya niya
"Ha?" Sagot ko sabay Tingin ko sakanya
"Mag nu new year ako sainyo." Sabi niya
"Ah talaga? Di mo man ako ininform?" Sabi ko with sarcasm yan
"Sorry na, medyo busy." Sagot niya
"Halata nga." Sabi ko tas naglakad nako papalabas
"Galit ka?" Tanong niya
"Nope." Sagot ko medyo nawala lang ako sa mood, weird.
So ayun umalis na kami syempre nakasakay kami sa motor niya, during ng byahe isa lang iniisip ko kundi yung babae, like sino yun? impossible naman na Girlfriend niya daw, naiintindihan ko naman si manang na bago palang so tamang issue issue lang yun, pero parang kilalang kilala niya si Ken na I wish ganun ko din siya kakilala diba? damn. That girl is getting in my nerves to be honest. Di ko man napansin na andito na kami saamin, kadating namin nagbatian si mama at si Ken tas nakita ko na naka set na yung lamesa okay nadin yung foods, hinihintay nalang talaga namin yung mag alas dose at matulog na. So after ng isang oras malapit na mag 12 kaya lumabas na kami ng bahay, nag sindi ng lusis at nagtotorotot naman yung mga kapit bahay at nagpapa putok, ilang minuto lang nagsisitalon na yung mga tao, dumami din yung mga nagsisi putukan na fireworks, tas umingay ng umingay, nakitalon naman kami at naki ingay. After ng 5 minutes pumasok na kami kasi dumadami na yung usok sa labas, kumain kami tas nagligpit na masaya naman yung new year pero nawalan talaga ako ng gana kanina dahil dun sa babae na yun. Kaninang nagsisindi kami ng lusis di ko naiwasang tumitig kay Ken tas i admire siya at gumawa ng thoughts at scenarios sa utak ko, ganun din nangyare kanina habang kumakain kami kaya medyo konti lang kinain ko nakakawala kasi ng gana, after namin kumain nagligpit na kami tas naghilamos at humiga na sa kama namin katabi ko si Ken, di ko naman maiiwasan na yakapin ako neto clingy to sobra lalo na nung nagbakasyon parang anak ko na amputek, pero di ako makatulog what the hell. Nasa ilalim ng leeg ko yung kamay ni Ken tas nakatingin lang ako sa may pinto, sabi ko sa sarili ko bukas nalang yan kailangan ko lang siguro ng tulog makakalimutan ko din to kaya umikot ako at humarap kay Ken, tulog na tulog si Ken sana all, niyakap ko siya ng mahigpit at binaon ko yung mukha ko sa dibdib niya at huminga ng malalim, naramdaman ko naman na niyakap niya ako tas kiniss yung ulo ko, safe na safe ako sa yakap neto ang sarap lang sa feeling.
"Love you." Bulong niya
"Love you too." Bulong ko tas pumikit nako
"Goodnight, love." Bulong niya sabay hawi sa dulo ng buhok ko
"Night love" Sabi ko tas naramdaman ko na inaantok nako.