Graduation's Revelation

So graduation na namin nyan andito ako sa bahay kasi dito ako magpapa ayos pumunta din si Cas dito kasi gusto daw niyang may kasamang mag ayos so ayun, sagot din niya yung make up artist namen pero di bayad may kakilala lang siya so inayos ko na yung isusuot ko kailangan daw isang formal at isang Filipiniana Gown tas nakatabi nadin yung toga at gown namin nakalatag sa kama yung akin yung kay Cas sinabit niya muna sa cabinet ko, sinalubong ni Cas yung kakilala niyang make up artist tas pina akyat niya na dito syempre si mama dadaretso nalang sa venue may ginagawa pa daw siya sa work nung nag aayos na yung make up artist ng mga gamit niya biglang may nag text.

"Hey Love sunduin kita." Text ni Ken

"Hala, kasama ko si Cas." Sabi ko tas typing agad bilis ah

"Sige sabay na natin kunin ko yung kotse." Sabi niya tas natawa ako

"What? kung hindi kasama si Cas balak mong mag motor?" Tanong ko

"Oo sana?" Sabi niya tas natawa ako ng bongga

"Siraulo ka talaga, papag motor moko naka formal?" Tanong ko sakanya

"Ay oo nga pala no? HAHAHAHAHA." Sagot niya natawa din siya sa sarili niya akala niya ata normal na araw to

"So naka ayos ka na?" Tanong ko

"Oo naman, nasa kotse na mga need ko." Sabi niya pero wala akong tiwala

"Andyan na ba yung barong mo? Coat and tie mo? Leather shoes mo? dapat pure black ah? Naka ayos ba yang buhok mo at mukha mo? Lisensya? Wallet? Susi? Pera?" Tanong ko inisa isa ko talaga alam ko makakalimutin to

"Opo amo andito na." Reply niya

"Buti naman, mag-iingat ka ah?" Sabi ko

"Opo, alis nako Love you." Text niya napa smile lang ako

"Love you too." Reply ko tas pinlug ko yung phone ko para mag charge

"Una ka ng magpa ayos." Sabi ni Cas na nag iiscroll sa phone niya

"Baket?" Tanong ko

"Mabilis lang naman akin kasi maiksi lang buhok ko ikaw matagal." Sabi niya tas tumango ako at umupo sa upuan

Nagstart na siyang ayusan ako di ako sanay mag make up ng heavy to be honest pag kailangan lang talaga like ganito, feeling ko makati kase, so nagpa manicure kami ni mama kahapon at pedi nadin kailangan daw maganda kami tas bigla siyang tinawagan ng boss niya as usual kaya umuwi kami after tas nag aya si Cas na magpa facial kumbaga pampering pumayag naman ako minsan lang naman ako maganda naman siguro na subukan to kahit ngayon lang? tutal mag ga graduate na ako, diba? so ayun nga nangyare kahapon kaya medyo fresh ako. Biglang tumayo si Cas at may pinuntahan di ko alam saan siguro nagutom, ako naman inaantok na sa mga brushes na to myghad, tas biglang may nagsalita.

"Tep, may movie ka ba dyan?" Tanong ni Cas

"Meron ata? Andun sa USB ko, baket?" Tanong ko sakanya

"Magbabakasyon kasi kami ni Boyfie, need namin ng Movies, you know." Sabi niya tas tinitignan ko siya sa salamin

"Ay wow, andito sa drawer ko tignan mo dyan." Sabi ko tas pinuntahan niya yung tinuturo ko

"Eto ba?" Tanong niya sabay angat dun sa USB na di ko na matandaan

"Di yan, pero akina." Sabi ko tas inabot niya tinignan ko yung USB

"Eto ba? well, dalawa lang USB mo dito eh." Sabi niya tas tumango ako

Tinignan ko yung USB tas naalala ko na may nag iwan neto sa table ko sa office regalo ata? hanggang ngayon pala di ko pa nakikita laman neto siguro mamaya tignan ko yung laman neto baka list ng movies na magaganda to, nilagay ko sa wallet ko yung USB para maalala ko. Mga after 30 minutes nasa buhok na siya nakikita ko yung sarili ko sa salamin, ang layo ng itsura ko dati sa ngayon wow, make up is a powerful kind of mask talaga, lahat ata ng tinatago mo matatago mo pati kaluluwa CHAR. Inaayos na yung buhok ko ng biglang may pumasok sa pinto si Ken pala tinitignan niya anong nangyayare, lahat ng atensyon namin napunta sakanya tas dun lang nag process na nag aayos kami kaya umupo siya sa may kama katabi ko tas tinitignan ako.

"Baket, baket?" Tanong ko

"Wala." Sagot niya tas naka smirk siya

"Ayos yang hairstyle mo ah? Sino nag ayos ang galing naman niya." Sabi ko

"Thanks." Sagot niya

"Sus, Ikaw? Di ako naniniwala." Sabi ko tas tinignan niya ako ng masama

"Ang harsh mo, amo." Sabi niya tas tumawa ako

"Nakakapanibago lang kase." Sabi ko tas tumawa siya

"Edi wow. Porket may taga ayos ka." Sabi niya tas tumawa ako

"Luh siya, wala naman kasi akong kaalam alam sa pag aayos, mas madali kaya kayong ayusan duh." Sabi ko tas nag eye roll

"Sabagay, dapat tinawagan moko para ako mag ayos sayo." Sabi niya tas tumawa kami

"Ah, Barbie?" Tanong ko habang natatawa

"Uu, para sayo." Sabi niya tas nag act na bakla

"Tama na, nandidiri nako." Sabi ko tas tumawa siya ng malakas

"As if naman magiging Barbie ako." Sabi niya tas nakatitig lang siya di ko siya tinitignan

"Pag ako natunaw niyang Suson ah." Sabi ko tas nag smile

"Edi matunaw ka." Sagot niya

"Hate you." Sabay cross arms ko

"Love you~" Sabi niya

"Apakalande ninyo." Sabi ni Cas tas natawa kami

"Sorry." Sabi ko

Ginesture na ko na tapos na daw yung pag aayos sakin kaya tumayo nako at umupo si Cas, nagpa thank you naman ako, katayo ko nasa tapat ko si Ken tinitignan niya ako, medyo malapit kami sa isa't-isa.

"Ganda ba?" Tanong ko sakanya sabay ngiti at tingin din sakanya

"Oo, sobra." Bulong niya sabay hawi ng buhok ko sa likod ng tenga

"Picturan mo nalang kaya ako? matutunaw talaga ako sa mga titig mo Suson eh." Sabi ko tas tumawa ako

Hinug naman ako ni Ken tas hinug ko din siya, dun ko lang narealized na naka bath robe pala kami oh diba susyal Bath Robe lang naman, tinignan ko yung sarili ko sa salamin, ang ganda pala kahit malayuan din, tas niyakap ako ni Ken sa likod tas pinatong yung baba niya sa balikat ko tas tinitignan ko yung reflection namin sa salamin, ina admire ko lang na ang cute tignan kase. Pinicturan ko yung posisyon namin tas biglang pumunta sa gilid ko si Ken nilagay yung kamay niya sa bewang ko tas magkaharap yung katawan namin tas hawak hawak ko yung likod niya, para lang kaming model, pinicturan ko din yun, tas narealized ko na di pa pala ako nakabihis.

"Bihis muna pala ako." Sabi ko tas tumango si Ken kinuha yung phone ko

Pumunta nako sa CR dala dala yung Filipiniana ko na gown yun daw muna sabi nila eh, nung sinuot ko na nahirapan pako nung una kasi parang ang daming mga tali tali sa loob tas di ko alam if need bang isuot din yun or what, di naman pala ako pwedeng mag bra dito kasi tatakip kasi parang off shoulder kaya bumili pako nung dinidikit sa boobs yung mukhang shell katapos nun di ko naman mazipper yung sa likod kaya medyo binuksan ko yung pinto tas sumilip buti malapit si Ken.

"Ken~" Sigaw na bulong ko tas tumingin siya

"Baket?" Tanong niya

"Favor, dito!" Sabi ko sabay senyas na pumunta dito, agad naman siya pumunta

"Pa zipper." Sabi ko sabay talikod ko

Zinipper naman niya tas katapos nun lumabas nako infairness ang ang ganda pala ng filipiniana ano, tinignan ko yung sarili ko tas ina admire ko yung sarili ko sa salamin tas biglang lumapit si Ken tas tinignan din ako sa salamin.

"Ang ganda pala ng filipiniana no?" Sabi ko tas tumango siya "Isipin mo ganito din suot kaya nila pag kinakasal?" Tanong ko

"Siguro?" Sagot niya na di sure

"Ang ganda lang, parang gusto ko din tong isuot sa kasal ko, double purpose." Sabi ko tas sabay hawa sa dress

"Pwede din." Sabi niya

"Ikaw kung ikakasal ka anong isusuot mo? Coat and tie or barong?" Tanong ko

"Hmmm. Di ko alam." Sagot niya tas tinignan ko siya ng weird

"Luh, bakit di mo alam?" Tanong ko

"Di ko naman kasi "Thing" yung pagpapakasal, parang nakakatakot at ang korny lang." Sagot niya

"Sabagay. We have our own perspective and opinions." Sabi ko takot talaga to sa mga seryoso na bagay amputek

Kinuha ko yung phone ko tas pinicturan ko yung sarili ko tas ginawa nanaman namin yung pose namin ni Ken kanina kaso di nako naka bath robe kaya mas okay na, ang cute lang nung mga pictures mukhang relationship goals na nakikita ko sa Facebook, natapos ng ayusan si Cas at nagbibihis nalang siya kaya kinuha ko na yung bayad ko, nag aayos na yung nag ayos samin kaya kinuha ko nadin mga need ko at nilagay sa mini bag ko chaka yung kailangan dalin sa loob dun naman sa purse ko na bagay sa both outfits ko. Nilagay na namin gamit namin sa kotse ni Ken at si Ken inistart na yung kotse niya tas dinouble check ko lang yung bahay tas inabot ko na kay Cas yung bayad tas umalis na yung make up artist, nilock ko nadin yung bahay namin. Tas pumunta nakami sa venue agad ko naman tinext si mama about dun. Mga ilang oras lang kadating namin agad din kaming pumasok syempre as a President meron pakong chine check na mga bagay bagay, mukhang okay naman lahat tas nakita ko din si mama sa may entrance kaya binigay ko na yung pass niya tas sinamahan ko siya saan siya pu pwesto, after ng mga bagay na chinecheck ko nag simula na yung graduation namin magsisimula na yung speech ko as a school president kaya huminga ako ng malalim at pumunta sa stage.

"Hi, Good afternoon to each and every one. After many years we are here now, for the last journey for this chapter, we will receive the most treasurable thing we worked for. Every stress, every sleepless night and every emptiness of our wallets comes to an end because after all the hard work it is all paying off, this is the day the school year will come to an end, we will see the new angle of the world, it's a new journey for us to be open a new chapter for a more serious matter. This day is the day we all make our parents proud, and I want to tell everyone that, Job well done and congratulations." Short lang yung speech ko di kasi ako ready on the spot lang yan hahaha bumaba nako sa stage at nagpalakpakan naman yung mga tao. Nagsimula na yung pagtawag sa mga valedictorians syempre kasama ako dun gulat din ako kasama ako dun eh, kala ko talaga wala nakong makukuha pero meron pala syet. ang galeng. Katapos namin umakyat bigayan na ng diploma and little program syempre. tapos need na magpalit ng formal for after party or Graduation ball ng all graduates. Nagkita kami ni Ken at nagpicture siya narin nagpasok ng dress ko sa kotse niya tas pinuntahan ko si mama.

"Oh ma uwi ka na po?" Tanong ko tas tumango siya

"Oo, congrats nak." Sabi niya sabay smile

"Sige po kuha ko po kayo ng taxi." Sabi ko tas pinigilan niyako

"Di na. Kaya ko na sarili ko, ienjoy mo nalang tong araw na to nak, magpapahinga agad ako kauwi." Sabi niya tas nag smile

"Talaga po?" Tanong ko tas tumango siya

"Yes, ingat ka mamaya ah? Love you congrats ulit." Sabi ni mama tas ngumiti ako at kiniss siya sa pisnge

"Love you ma ingat." Sabi ko tas dala dala niya pala yung mga diploma ko at medals

Pinanood ko lang na umalis si mama tas biglang nag beep yung phone ko, nag text si Ken ay wao, naligaw ba to? Inopen ko naman yung message niya.

"Punta ka dito sa roof top garden nila." Sabi niya tas nag reply ako

"Sige." Aba may pa roof top si kuya mo

Hinanap ko agad yung elevator tas pumasok nako, andun naman yung taga pindot kaya sabi ko sa roof top garden tas tumango siya, mga ilang floors after dumating nako sa floor na yun, naglakad ako sa isang mini room tas agad sliding para makalabas dun sa roof top garden nila. Kalabas ko tinignan ko yung paligid apaka romantic ng place tas yung view napaka ganda naglakad lakad ako hinahanap ko si Ken nung di ko na mahanap kinoll ko siya tas may narinig ako na nagri ring na phone kaya sinundan ko saan, naglakad ako papunta sa likod dumami ng dumami yung mga flowers tas nakita ko yung umiilaw na phone ayun yung cellphone ni Ken kaso nakakapag taka hindi si Ken yung may hawak. Isang babae kaya nagtataka ako. Sinagot nung babae yung call.

"Hi, Stephanie." Sagot nung babae sa boses palang natatandaan ko na kung sino to.

Yung boses niya yan din yung boses na narinig ko sa bahay nina Ken yan yung babaeng, kausap ni Ken nun, nung narinig ko yung boses tumaas lahat ng balahibo ko sa katawan, nagulat ako nung nag process na sa utak ko tas nakita ko yung side view ng mukha niya, nabitawan ko lang yung phone ko kase di ko alam anong gagawin at sasabihin nung oras na yun ang daming bumabalik na alaala.

"B... bat nandito ka L...leslie?" Tanong ko

"Oh andyan ka na pala." Sagot niya sabay end sa call "Bat parang gulat na gulat ka?" Tanong niya sabay harap sakin

"H... hindi naman, di ko lang inexpect." Sabi ko

"Ang galing mo naman na school president." Sabi niya

"Bat nasayo yung phone ni Ken?" Tanong ko atat nakong malaman lahat

"Well binigay niya eh." Sabi niya

"Ha? Bakit niya ibibigay? Chaka ikaw pala yung nasa bahay ni Ken nung New Year." Sabi ko tas nagulat siya

"Bat alam mo? Andun ka din?" Tanong niya sabay ngiti tumango ako

"Naghatid ako ng pagkain sakanila." Sabi ko

"How sweet naman. Thank you sa pag aalaga sa BOYFRIEND ko." Sabi niya tas nagulat ako pero di ko pinahalata

"B... boyfriend?" Tanong ko

"Oo late ka ba sa balita?" Tanong niya

"Kala ko matagal na wala na kayo?" Tanong ko

"Ewan ko ba kay Ken he keeps running back at me, siguro di mo lang mabigay yung needs niya ano? hulaan ko di pa nakukuha ni Ken yang bataan mo no?" Tinanong niya ako tas umiling ako "See, He's so unsatisfied with you." Sabi niya

Di ko alam sasabihin masyadong maraming ganap, at ngayon ko lang nalalaman. Parang any moment hihimatayin ata ako sa mga thoughts at tanong na meron ako sa utak ko at the same time marami akong tanong na ayaw lumabas.

"Ang alam ko di naman ganun na tao si Ken. Love yung hinahanap niya, na di niya mahanap sayo kase puro paraos lang ang alam mong ibigay. Hinahanap niya yun at nahanap niya yun sakin." Sabi ko tas nag smirk lang siya

"Palaban ka ah. Pano kaya kung sabihin ko sayong ginamit ka ni Ken?" Sabi niya

"Para saan naman?" Hamon ko ang tagal niyang di sumagot "See, wala kasi siya lagi yung may ginagawa for me." Sabi ko tas di ko alam anong iniisip neto

"Hmm, Ako na kaya magsabi sayo?" Tanong niya

"Na ano?" Tanong ko kinakabahan ako ah

"Nag proposed na siya sakin before." Sabi niya tas di ko alam isasagot "At binabawi ko lang ngayon yung akin." Dagdag niya "Hindi ko nga maintindihan si Ken bat pinatagal niya pa yung pagpapaasa sayo at pagpapaalila niya sayo. Eh nagsasayang lang siya ng oras, binigyan ko siya ng oras para umamin sayo o makipag break sayo pero di niya ginawa kaya yung narinig mo sa bahay nila last conversation namin yun at may deal na kami nun na ako ang magsasabi sa graduation ninyo bago pa siya pero mukhang talo siya." Sabi niya

"Hindi ako naniniwala na nag proposed siya sayo." Sabi ko naiiyak nako dito

"Oh eto para maniwala ka." Sabay taas sa kamay niya na may malaking diamond ring "Okay na ba yan? para maniwala ka?" Tanong niya "Alam mo naawa pako sayo sa pinagagawa ni Ken eh gusto ko talaga siya magsabi kasi alam ko sobrang sakit pag galing sa iba." Sabi niya

"So andito ka para masaksihan si Ken na mag graduate at the same time sirain ako?" Tanong ko nakayuko nako naiiyak na talaga ako di ko na alam anong gagawin nanghihina yung buong katawan ko

"Oo, pero hindi naman yung sirain ka na part I just want to inform you. At mukhang di pa malinaw sayo lahat try mong panuorin yung video na sinend ko sayo." Sabi niya tas tinignan ko siya

"Anong video?" Tanong ko

"Yung nasa USB na iniwan ko sa table mo." Sabi niya

"So galing sayo yun?" Tanong ko

"Yes, I just want to give you hints pero mukhang di mo napanuod." Sabi niya

"Hindi ko alam kung magpapasalamat ako sayo, maiinis o masasaktan, masyadong maraming nangyayare sa araw na to di ko alam ano pang gagawin ko." Sabi ko at tumalikod ako sakanya at naglakad pabalik sa elevator

"Let him go, kasi nung una palang may nagmamay ari na sakanya." Sabi ni Leslie tas pinikit ko yung mata ko at tumulo na yung mga luha

Naglakad lang ako papunta sa elevator umiiyak, feeling ko ang pangit ko na ang daming nangyayare. Naglakad nako pauwi umiiyak at nasa gitna ng di ko alam kung nasan ako, nakikita ko na yung mga black liner ko nasa pisnge ko na, isa lang nasa isip ko ngayon, bakit kailangan gawin ni Ken yun saken? maraming possibleng sagot pero di ko alam anong paniniwalaan at ano ang totoo. May nakita akong computer shop sa malapit at pinanood ko yung nasa loob ng USB andun yung compilation nila since bata pa na magkasama sila, hanggang pag laki, yung mga relationship goals na sinasabi nila, yung pinuntahan namin pinuntahan na nila, yung mga ginagawa niya sakin ginawa niya din kay Leslie, napaka swerte naman ni Leslie na may isang Ken na meron siya, akala ko ako lang, akala ko hanggang dulo kami ni Ken, dine deny ko lahat ng kutob na ganyan at ayokong mag isip ng negative pero yun pala yung totoo yung ayaw kong paniwalaan. Nagbayad nako sa computer shop at lumabas naglakad at napunta sa isang bench sa gilid ng kalsada na walang katao tao, binato ko lang yung purse ko ng napalakas at sumigaw ng sumigaw, sinaktan ko yung sarili ko baka sakaling magising ako at masabi ko na panaginip lang to o isang bangungot pero walang nangyayare.

"Bakit? Suson bakit?" Sigaw ko

"Bakit kailangan mokong saktan ng ganito, may ginawa bako? Napaka open ko naman sayo ah?" Bulong ko humahagulgol nako halos di ko na maintindihan sinasabi ko

"Bakit? ako pa?" Tanong ko sa sarili ko

"Bakit?" Bulong ko.