You Break Me Up

Katapos nung graduation hinatid daw ni Ken yung mga gamit ko pati yung phone, di ko chine check kung anong meron sa phone ko, pero chinarge ko siya buong araw lang akong iyak ng iyak nakatunganga, at di alam anong gagawin ko nagaalala si mama pero sabi ko okay lang ako, niyayaya niya akong kumain pero wala talaga akong gana, pinapaalam ni mama na gusto daw akong kausapin ni Ken kaso ayoko, at the moment gusto ko lang mapag isa, i analyze anong nangayyari, at maka get over sa lahat actually pumasok si mama sa kwarto ko.

"Ma ayokong kumain." Sabi ko tas naramdaman ko na may umupo sa tabi ko

"Alam ko, andito ako para di ka yayain kumain, andito ako as a mama mo as a best friend mo, gusto ko lang malaman ano bang nangyayare, kasi sa nakikita ko nasasaktan ako sa ginagawa mo, di man ako yung nakakaramdam pero alam kong masakit." Sabi niya at humarap ako sakanya

"Okay lang ako ma." Sabi ko

"Alam mo, lahat ng nagsasabi ng okay lang sila alam kong hindi sila okay." Sabi ni mama nakikita ko yung lungkot sa mata niya kaya umupo ako

"Ma?" Tanong ko

"Oh?" Sagot niya

"Anong naramdaman mo nung may iba si Papa?" Tanong ko

"Hmmm, Masakit syempre." Sagot niya

"Yun lang?" Tanong ko

"Hindi, Masakit sa part ko na nambabae siya, masakit din aminin sa side ko na may bago na siyang mahal, masakit i admit sa sarili mo na wala ng KAYO, masakit sa maraming way syempre." Sagot niya

"Anong mas masakit yung sinabi sayo o yung siya mismong nagsabi sayo?" Tanong ko

"Para sakin mas masakit kung galing sa taong mahal ko." Sabi niya tas tumango ako

"Ma, wala na kami ni Ken." Bulong ko sabay yuko

"Alam ko." Sabi niya tas hinawakan yung ulo ko

"Ma ansaket lang." Naiiyak nako rinig sa boses ko "Ansaket lang na hindi ko man alam if mahal ba talaga ako ni Ken o hindi, Hindi ko alam if totoo ba yung mga ginawa niya o hindi, Ang sakit lang malaman na mahal niya pa yung dati niyang girlfriend na fiance niya na ngayon." Sabi ko habang umiiyak

"Ang hirap masaktan diba? pero mas lalong mahirap di masagot yung mga tanong na iniwan niya." Sabi ni mama

"Ma, hindi ko alam if nagkulang ako ma, ma hindi ko alam kung ginawa ko ba yung best ko, ang alam ko lang binigay ko naman yung love na gusto niya, di pa ba enough yun? di pa ba sapat na mahal ko siya ano pa ba gusto niya? bat kailangan niyang mambabae?" Tanong ko na medyo lumalaks na yung boses at the same time pahagulgol nako

"Maaaaa, ang sakit ng dibdib ko ayokong aminin pero masakit, everytime na iisipin ko na mas mahal niya si Leslie masakit maaaa, sobraaaa." Sabay kabog sa dibdib ko "Ma iniwan niya kong clueless, iniwan niya kong basag ng ilang milyong piraso yung puso ko ma, deserve ko ba to?" Tanong ko di ako makahinga ng maayos dahil sa sobrang hagulgol

"Di mo deserve lahat ng to anak, pagsubok lang to nak, ganyan talaga pag nagmamahal di ka pwedeng magmahal ng walang katumbas na sakit kaya nga nakakatakot pag naging masaya ka ng sobra kasi di mo alam anong klaseng sakit yung katumbas nung babalik." Sabi ni mama niyakap niya ko

"Ma, ayoko na." Bulong ko

"Di ka pwedeng sumuko, simpleng sakit lang yan marami pang darating magpakatatag ka Tep, Magpakatatag ka, di ka nabubuhay para sumuko sa isang lalaki lang, binuhay ka ng Diyos dahil may dapat kang gawin, pagsubok lang to para mapalakas ka, di pwede agad suko, dapat lumalaban ka." Sabi niya naiiyak nadin si mama

"Ma, sorry." Bulong ko mas lalo lang akong naiyak nung nag sorry ako

"Bat ka nagpapa sorry?" Tanong niya

"Sorry kasi nakikita mokong ganito." Sabi ko

"Wala kang dapat ipag sorry, mas ako dapat ang mag sorry, kasi ako yung kulang yung oras para sayo, ang dami kong nami miss na event mo." Sabi niya umiiyak nadin si mama

"Ma alam ko naman para sakin yang ginagawa mo, mahirap yang ginagawa mo, and I am so proud of you Ma, You are my hero." Sabi ko tas niyakap ko si mama

"Sorry and I love you nak." Sabi niya tas hinug niya ako ng mahigpit

"Comforting me like this is a very big help ma." Sabi ko tas nag smile "I love you ma." Sabi ko

"I love you too, wag mo ng pababayaan yung sarili mo ha?" Sabi ni mama tas tumango ako "Kakain ka na ah?" Sabi niya tas tumawa ako

"Opo mama." Sagot ko tas nag smile siya

"Kain na tayo." Aya niya tas pumunta sa may pinto tatayo na sana ako ng may sinabi si mama

"Nak, try niyong mag usap ni Ken, para maliwanagan ka sa mga tanong mo at maging maaliwalas yang nararamdaman mo." Sabi niya tas lumabas na siya ng kwarto

Iniisip ko yung sinabi niya, pinunasan ko yung mukha ko , naghilamos ako, pulang pula yung mata ko at namamaga kakaiyak at may namuo na na dark circles under my eyes dahil sa kakaisip. Katapos kong mag hilamos tinignan ko yung phone ko nakita kong ang dami kong miss call galing kay Ken mga 204 miss call, tas ang dami niyang text umabot ng 256 text messages, binasa ko isa isa yun, from Love, please sagutin mo yung call ko to mga Sorry niya. Pinatay ko na yung phone ko at pumikit at huminga ng malalim, napag isip isip ko na din yung mga sinabi ni mama, di nga talaga ako maliliwanagan kung hahayaan ko lang na nakakulong yung sarili ko sa kwarto at iiwas ang sarili ko sa mga tao, di ako masasagot ng sarili kong tanong at mga sagot ko, ang kailangan ko ay sagot ng taong nanakit sakin. Kailangan ko yung totoong sagot, na galing sa taong minahal ko. Kaya bago ko pa namalayan nakapag text nako sakanya na gusto kong makipag usap sakanya sa may Park na alam ko, wala kasing masyadong tao dun.

-After 2 hours-

Nagready nako, kumain nadin ako para may energy ako, tas nagpaalam ako kay mama na maguusap kami ni Ken which is okay naman sakanya. Nag ayos ako syempre para di ako mukhang puyat at iniyakan siya ng bongga, naglagay ako ng make up at inayos ko din yung buhok ko at nag ready ng magandang suot tinitignan ko yung sarili ko sa salamin isa lang masasbi ko, mukhang di galing sa pagiging haggard ng bonggang bongga ah? Umalis nako at dumaretso na sa Park kung saan kami magkikita. Nag text ako sakanya na papunta nako para naman aware siya at di niya makalimutan. Naghintay ako ng ilang minuto sa park hanggang sa dumating na siya, kinabahan ako ng bongga shet wait! umupo siya sa tabi ko, diko siya tinitingnan at di ko din alam pano uumpisahan.

"Tep, sorry." Bulong ni Ken

"Gusto ko sanang makipag usap sayo kase gusto kong masagot yung mga tanong na nasa utak ko ngayon eh." Sabi ko ng walang emosyon

"Sorry." Sagot ni Ken huminga ako ng malalim

"Alam kong nagso sorry ka pero wala ka ng magagawa nangyare na, kaya please Ken, please! for God sake magpaka totoo ka naman kahit ngayon lang." Sabi ko medyo naiiyak nako

"Nagpakatotoo naman ako eh." Bulong niya

"Oh c'mon! nagpakatotoo? saan dun? yung kunyare mahal moko? yung kunyare may care ka sakin? yung hatid sundo mo? alin dun?" Tanong ko medyo lumalakas na yung boses ko at tumingin nako sakanya naka yuko lang siya

"Ano ba yang tanong mo? ng masagot." Sabi niya buti naman

"Bat moko niloko?" Yan kagad yung lumabas sa bibig ko

"Di kita niloko." Sabi niya

"Di mo ko niloko? anong ginawa mo? nakipag laro kalang sakin? ganun ba?" Sabi ko naiinis nako

"Sige na nga sasabihin ko na lahat." Sabi niya habang nakapikit huminga siya ng malalim

"Sige buti naman." Sandal ko sa bench tas nag cross arms ako

"Oo, mahal ko si Leslie, Dati. Nagpanggap kami pero di ko naman aakalain na mahuhulog din ako sakanya. Matagal kami halos siya kasama ko sa lahat ng bagay, ang dami kong nagustuhan sakanya, maganda, matalino at marami pa. Pero nagsawa ako kase parang ulit ulit lang yung nangyayare wala ng thrill wala ng bago, para lang kaming nasa bilog na nag iikutan. Nag break kami tas dumating ka I find you interesting enough kaya tinry ko na kilalanin ka pa, marupok na kung marupok pero totoo yung nafall agad ako sayo, I tried a lot of things when I met you. Sayo ko nahanap yung kulang kay Leslie, sayo ko naramdaman yung hinahanap ko sakanya, sayo may bago. Hanggang nga sa nalaman ni Leslie at binlock mail niya ko kala ko, okay na siya na nakipag break ako kase may bago na siya pero masyadong mahirap kalaban si Leslie, Tep. She knows me so well, alam niya san yung weak points ko, alam niya saan ako titiklop and alam niya na ikaw yun. Gusto niya pa ako, i did everything wag ka lang madamay pero wala dumating na sa point na siya na lumapit sayo, oo nag proposed ako sakanya kasi deal namin yun na di ka magiging sangkot di ko alam na ganun na siya ka obssess sakin. I did for you. Lahat ng ginagawa ko I mean it all walang peke, walang halong biro lahat yun, Kaya lahat ng I love you ko, para sayo at totoong totoo lahat yun." Sabi niya habang nakayuko

Di ko alam anong mafifeel ko, guilty, sakit or saya. Naguguluhan nako, pero unti unting nabubuo yung puzzle na cause nila.

"Thank you for everything. Pero nagsimula lahat ng to dahil sakin, maganda din siguro kung tatapusin ko na din." Sabi ko

"Tep, wag naman give me another chance, Please." Pakiusap niya nakatingin na siya sakin

"Ken, tama na, masakit yung dinulot niyo and that was fresh and memorable to me, minsan na nga lang magka boyfriend ganito pa, unang una ka Ken, unang una kang nanakit, akala ko malabong mangyare yun pero wala eh ganun talaga, ang hirap mag recover sa ginawa mo, kala ko sobrang famous mo lang kaya ang daming naghahabol sayo kaso lahat pala ng yun may back story, di mo ma control lahat, di mo matahimik yang pinang gagawa mo." Sabi ko kay Ken dinuro duro ko na siya

"Sorry." Bulong niya tumayo nako at aalis na sana ng hinila niya ko at nasampal ko siya

"KEN! PLEASE! AYOKO NA AALIS NAKO PARA DI NA GUMULO PA, AKO DIN NAGSIMULA DIBA? AKO DAHILAN NG LAHAT WELL, AYAN NA MALAYA KANA, MAGPAKASAYA KA, KUNG DI NAMAN AKO DUMATING DI MAGKAKAGANYAN SI LESLIE DIBA? KEN TAMA NA DI KO NA KAYA YUNG SAKIT! WAG MO NG DAGDAGAN WAG MO NG DUGTUNGAN." Sigaw ko kay Ken buti nalang walang tao

"Tep, I need you promise aayusin ko na to please wag mo lang akong iwan Tep." Umiiyak na si Ken habang hawak yung kamay ko

"Ken... ang sakit lang aminin na nasaktan moko, bakit ikaw pa? kala ko safe ako sayo, kala ko malabong mangyare to pero di pala, bakit? bakit kailangan kong danasin to sayo? You broke my heart into million pieces and I'm struggling how to fix it again." Bulong ko umiiyak nadin ako

"I'm so so so sorryyyy." Luhod ni Ken "Ano bang kailangan kong gawin para lang di kana magalit sakin?" Tanong niya

"Set me free and I will build myself again. Ken, Set me free, please. Eto yung gusto ko sanggayon, makawala sayo, sa dulot mo. I'm sorry pero need natin I restore lahat ng nasira, kailangan natin mag renovate individually." Bulong ko at umalis nako

Masakit man aminin na kahit gusto ko si Ken, Kailangan ko munang magisip isip at magmuni muni, kailangan ko ng oras para mag heal yung wounds na dulot niya. Eto lang yung paraan na naiisip ko ilayo muna yung nanakit sa nasaktan. Healing will take time at kailangan ko munang magprioritized ng iba like family, kailangan kong maging busy chaka na muna yung love, pag magaling na ulit.