Goodbye

Ilang buwan narin nakakalipas since nung nag usap kami ni Ken, nagte text parin siya pero di ako nag rereply, binusy ko yung sarili ko i go out with my Friend, I helped my Family bumibisita din ako kay Daddy at nagreview ng bongga para sa LET syempre, nakapasa naman ako at ngayon nagiimpake nako ng gamit ko, nag general cleaning kasi kami ni Mama kahapon lahat ng kailangan itapon itatapon na, lahat ng pwede pa stay lang, pero yung ibebenta ayun pina garage sale namin yung iba online naman. Tapos yung kakilala ni Daddy sa New York nabalitaan na nakapasa ako ng LET eh teacher din pala siya sa New York so kinukuha ako, napag usapan na namin ni mama to at ni Daddy, tinanong ko nga siya if pano niya nalaman yun pala nag post si Daddy ng picture ko and nagsona ng pagka haba haba. Techy dad ah HAHAHAHA. Sabi ko kay mama maganda yung offer kaso wala akong tutuluyan, tapos nagsalita si Daddy na pumayag daw yung asawa niya na dun ako tumira sa bahay nila sa New York tutal daw wala namang nakatira so solve na yung tirahan pera nalang, si mama may pinadala yung ipon niya syempre nag abot din si papa at yung asawa niya, mabait naman si tita eh kaso sobrang busy lang sa buhay kaya di ako makapag pasalamat ng personal.

"Oh nak okay na ba mga gamit mo?" Tanong ni mama

"Opo ma konting siksik nalang sa maleta, masasara na." Sabi ko tas tumawa siya

"Ilan ba dala mo ha?" Tanong niya

"May dalawa po akong maleta tas isang backpack at isang slingbag." Sabi ko tas tumango siya

"Natimbang mo na ba?" Tanong niya

"Opo, 20kg po each." Sabi ko tas tumango siya

"Buti naman. Ayusin mo na yung sa packback mo at mga importante sa slingbag mo ah?" Sabi niya tas tumango ako

Nilagay ko na yung passport, wallet at ticket ko sa slingbag, naglagay ako ng pera sa maleta ko, backback at syempre sa sling bag at katawan mahirap na baka mamaya mawalan ako atleast may extra diba? Yung laman ng maleta ko na isa puro sapatos, medyas, accessories at make up na pwede ilipad. Yung isang maleta naman puro damit at undies so di nagkasya yung iba sa backpack chaka yung mga random stuffs ko pati si Pikachu asa backpack ko. Yes, di ko inichipwera si pikachu very memorable lang siya para iwanan at ibenta kahit eto nalang dalin ko okay nako atleast may tinira diba? Natapos ko na lahat dinouble check ko na din mukhang wala nakong nakalimutan, nakaready nadin isusuot ko bukas.

"Nak mamayang gabi a flight mo, ready ka na ba?" Tanong ni mama

"Opo, medyo kinakabahan lang ako." Sabi ko tas niyakap niya ko

"Wag ka, mag pray ka lang ha? laki na ng baby girl namin. Gagalingan mo ah?" Sabi ni mama habang hawak pisnge ko

"Opo ma. Ang drama naman naten." Sabi ko tas tumawa kami

Ilang oras lang mag re ready nako, tinext ko na si Cas na kung pwede siya ngayon para sumama siya na ihatid ako pumayag naman siya, otw na daw siya kaya naligo nako at nag ayos, mabilis lang akong nag ayos di nako nag make up kasi nga naman nasa maleta na kaya liptint nalang na galing sa slingbag. Binaba na ni Daddy yung mga gamit ko naka SUV pala kami, SUV nina Daddy, sumakay na kami at pumunta sa NAIA andito nadin si Cas katabi ko, Wala nanaman si Tita may business trip daw kaya di nakasama. So si Daddy, si bunso, si Mama at Si Cas ang kasama ko papunta Airport ngayon. Mga ilang oras lang nakarating na kami sa NAIA. Bumaba na lahat pati yung gamit ko binaba na ni Daddy, lumapit sakin si Cas.

"Hoy Tepiterio! Mamimiss kita buset ka, di mo man ako ininform na pupunta ka na pala ng New York kamakailan ko lang nalaman edi sana nakapag get together sana tayo." Sabi niya naiiyak siya

"Hoy Casyo! Wag kang umiyak di naman ako mamamatay no. Para kang timang!" Sabi ko sabay palo tas tumawa kami

"Basta tatandaan mo, andito lang ako, magvi video call tayo ah? ako lang best friend mo ah? baka mamaya pag palit moko sa mga kutis porcelain dun." Sabi niya tas tinawanan ko siya

"Oo ikaw lang, ikaw lang best friend ko na para ko ng jowa." Sabi ko tas niyakap ko siya at umiyak siya

"Pag ako namiss kita ng sobra susunod ako sayo." Iyak niya tas tumawa ako habang hinahaplos yung likod niya

"Sige ba hintayin kita dun, salubungin pa kita sa airport." Sabi ko tas bumitaw na kami sa yakap.

"Basta pag may pogi kang nakilala don't hesitate na ireto sakin ah?" Sabi niya tas tumawa ako

"Hoy sumbong kita sa boyfriend mo eh." Sabi ko tas tumawa siya

"Charing lang." Tumawa kami "Basta magiingat ka lagi ah? Goodluck sa journey mo." Sabi ni Cas

"Thank you. Ikaw din mag iingat ka dito." Sabi ko tas bumitaw na siya sa hawak ng kamay ko.

Pumunta na ulit sa likod si Cas kasama nina Daddy at Mama. Tumakbo naman si Bunso sakin at kinarga ko siya

"Ate Tep, You're leaving?" Tanong ni Bunso

"Yes, I need to work." Sabi ko tas hinug niya ko

"I'm gonna miss you." Bulong niya

"Me too. Don't worry I will come back soon." Sabi ko tas bumitaw na siya sa yakap

"Really?" Tanong niya tas tumango ako

"Yes." Sagot ko tas nag hooray siya "You can visit me in New York sometimes since it's your Mom's house." Sabi ko tas tumango siya

"I will tell Dad." Sabi niya

Kiniss ko na siya sa cheeks at niyakap ng mahigpit tas binaba ko na, pumunta na ulit siya sa pwesto nina mama at Cas si Daddy naman lumapit sakin.

"Proud ako sayo." Sabi niya sabay gulo ng buhok ko.

"Ihh Dad!" Asar kong sinabi tas tumawa siya

"Mamimiss ka ni Daddy." Sabi niya tas nag smile ako

"Ako din Dad, mamimiss kita." Sabi ko tas hinug ko siya tas bumitaw din kagad

"Sana nakatulong yung tulong ko sayo, sorry maraming pagkukulang si Daddy." Sabi niya tas nag smile lang ako

"Okay lang po yun. Eto tong tulong niyo ni Tita napakalaki na, Thank you Dad pakisabi nadin kay Tita thank you." Sabi ko tas tumango at nag smile siya

Umalis na si Daddy at bumalik na sa tabi ni Bunso ngayon naman si Mama na yung lumalapit, naluluha na nga siya wala pa man kaya agad ko siyang niyakap.

"Ma bat ka umiiyak agad? Di panaman ako mawawala eh." Biro ko tas medyo tumawa siya

"Wala nakong baby." Sabi niya tas hinarap ko siya

"Magkaka video call naman tayo, uuwi din naman ako soon mabilis lang panahon." Sabi ko

"Oo, sobrang bilis ng panahon dati baby ka palang ngayon Big girl kana." Sabi niya tas iniscoop niya yung pisnge ko

"Ma wag mokong paiyakin." Sabi ko naluluha nako

"Mag iingat ka ah? Wag mong papabayaan sarili mo ah? Kakain ka sa tamang oras, tawagan kita para icheck ka sa araw-araw." Sabi niya tas hinawakan ko shoulders ni mama

"Dapat nga po sayo ko sinasabi yan eh, kasi kayo yung di masyadong nagkakakain, at nagpapahinga. Wala ako sa tabi niyo para icheck kayo." Sabi ko tas ngumiti si Mama

"Don't worry mas aalagaan ko na sarili ko ngayon." Sabi niya tas ngumit ako ng malaki

"Bye ma." Paalam ko tas niyakap ko siya ng mahigpit

"Mag iingat ka nak ah? I love you." Sabi ni mama tas bumitaw na sa yakap namin

"Opo I love you din po." Sabi ko

Tas sinuot ko na yung mga bag ko at hinila yung maleta, tumingin ako sakanila at nag wave nag wave din naman ako, tas binigay ko na sa nag che check yung passport ko tas binalik niya katapos tumingin ako one last time sa pamilya ko tas nag wave ako naiiyak na ako promise man, naho home sick na agad ako pero kailangan lumaban para din naman sakanila yun. Pumasok na ko at hinanap kung saan yung gate ko.

KEN'S POV

Naglalaro ako ng biglang tumunog yung phone ko may nag chat tinignan ko yung nag chat si Cas pala kabukas ko sa message agad kong nakita yung picture na sinend niya nanlaki mata ko at agad akong bumaba para kunin yung motor ko. Nag chat si Cas about sa details ni Tep, aalis na pala si Tep di man ako sinabihan pero bakit naman diba? wala na kami eh. Pero di man ako nakapag goodbye sakanya ng maayos sana maabutan ko pa siya. Binilisan ko yung pagpapatakbo sa motor ko hanggang sa nakarating ako sa airport nakita ko pang pasakay sina Mama ni Tep sa SUV kaya feel ko kakapasok niya lang, pinatay ko na agad yung motor ko at tumakbo sa loob ng airport, ang daming tao di ko alam sino siya dito, tumakbo lang ako ng tumakbo tas tinignan ko yung sinend na details ni Cas tas hinanap ko yung gate niya, nagtanong tanong nadin ako, nanlalabo na yung mata ko sa luha, napapagod nako pero pinipilit ko yung sarili ko, hingal na hingal nako pero nung nakita ko yung likod niya at nagpapa check ng passport bago pumasok nawala lahat ng pagod sisigaw na sana ako kaso nakapasok na siya, ang slowmo pa nung pagpasok niya at pagkakita ko sakanya, nagslowmo lahat at the same time na starstruck ako, di ko alam ano yung sasabihin ko o yung isisigaw ko kaya wala pinanood ko nalang siyang pumasok sa gate niya at di man nakapag paalam ng mabuti. Nakita kong umalis yung mahal ko ng walang man pagpapaalam. Pumunta ako sa malapit na upuan at umupo, tumulo na yung luha ko.

"Bye Love... Mamimiss kita... Hihintayin ko pagbalik mo... I love you Teppy ko." Bulong ko at nag buntong hininga

Nakita ko yung Plane niya na boarding na, nakapaskil sa LED board, tinitignan ko nalang kung anong mangyare wala na din naman akong magagawa, wala na eh, di ko naabutan.

"Goodbye, Love." Bulong ko tas umalis na

STEPHANIE'S POV

Nakaupo nako sa seat ko, excited nakong makita yung New York, bagong buhay, sana naman marami akong maka close dun, at tuluyang magamot tong nararamdaman ko, di pala ako nakapag paalam kay Ken, pero okay lang yun parehas naman kaming under renovation ngayon maganda nadin naman na clueless siya. We need time to build the best version of our self kailangan namin mag bloom and I need to mature more ngayong independent nako. Goodbye Family, Goodbye Philippines, Goodbye old self and Goodbye Ken. Until we meet again and pag nangyare yun, Okay nako. Nagsmile ako at naramdaman ko ng lilipad na yung plane. New York lezgerit!