Crossing Path with that Freakin' Pseudo

Ilang hakbang na ang layo ko mula sa silid-aralan namin magmula noong ako'y lumabas. I wanna be alone for a while. Dumeretso ako sa silid-aklatan, doon lang ang lugar na malaya akong makapag-isip dahil sa katahimikang taglay nito. I was in front of the library when I saw group of men gazing at me.

"Excuse me, hindi tambayan ang harap ng library mga ungas." , pataas-kilay kong sabi. Subalit tumawa lamang sila sa akin. Are they another bunch of arrogant immature guys to deal with? Argh, kainis.

"Oh, hinay-hinay lang Ms. Tarazona. Smile ka naman diyan!"

"Witwiw." sipol naman ng isa.

"Ms. Tarazona, may shota ka na ba? Kase ako? Wala pa."

"Alam mo, magandang binibini? Huwag kang magpadala sa mga toh, sa akin ka na lang. Hindi kita ipagpapalit sa kahit sino o ano man.", daldal pa ng isa sa mga ito.

"Tsaka alam mo ba na i-"

"I'm not interested to your senseless chitchats, go away in front of me or I will—" hindi pa ako tapos magsalita at dumada na naman ang isa sa mga ito.

"Magandang binibini, hindi maganda sa kalusugan ang pagsusungit." aniya at bigla akong inakbayan. Anong connect ng attitude sa kalusugan? Ew, babanat na nga lang bobo pa. Hindi ako makawala sa higpit ng pagkakahawak niya sa akin. Suddenly, I've heard a voice of a man standing on the path at my back.

"Tol, hindi dapat ginaganyan ang mga babae." , aniya.

Nang ang tinig niya'y halos mapatalbog sa loob ng aking tainga, pinilit kong masilayan siya kahit pa ang bisig ng isang lalaki ay nakapalibot sa aking balikat at katawan.

Doon ko napagtantong ang tinig na iyon ay mula kay Yandon.

"Y?", sambit ko.

"Aba, aba. 'Wag mo kaming pakikialaman dito pre kung ayaw mong madamay." , responde naman ng lalakeng nakahawak sa akin.

Halos yanigin ang puso ko sa gulat nang biglang tumama ang kamao ni Y sa lalakeng iyon na agad na nawalan ng balanse dahil sa lakas ng pagkakatama nito. Atapang Atao, ah?

"Aba g*go 'to ah!", pagalit na sigaw ng lalakeng kasamahan ng kaniyang sinuntok. Hindi ko pa nabibilang ang dalawang segundo at bumawi ng suntok ang ibang lalake kay Y ngunit nang akmang siya ay gantihan, nakaiwas ito. Tumamang muli ang kaniyang kamao sa mga lalakeng iyon. Halos mangina-ngina na ang enerhiya ng mga ungas na lalakeng pinag-tripan ako. All the eyes of students there were like a metal magnetized by us. Sa mga sumunod na momento, umalis at kumaripas din yung mga lalake ng takbo.

"Students, go back to your respective classrooms.", wika ni Mrs. Sonnet na isang librarian sa silid na dapat ko sanang puntahan ilang minuto bago magsimula ang gulo't ingay na nabuo kanina-kanina lamang.

"You two, let's talk." , dugtong ni Mrs. Sonnet.

Habang kaming dalawa'y nakaupo at naghihintay sa pagsasalita ni Mrs. Sonnet na kanina pa nakatitig sa aming dalawa, nakita ko ang matamlay na mukha ni Y.

Is he mad at me for bringing him in trouble?

"So, you two are lovebirds?", tanong ni Mrs. Sonnet na bumasag sa katahimikan.

Sh*t, akala ko ay may diskusyon na mangyayari tungkol sa wrestling nila kanina ha-ha.

"She's just my friend, Ma'am.", wika ni Y na nagpagaan ng loob ko. So, friends pala hm? Yun lang turing mo sa akin? It's adequate naman kesa sa sabihin mong mahal mo ako agad-agad, napakaalanganin at napakaimposible naman nun. LOL.

"Okay." madaling sabi ni Mrs. Sonnet.

Halos antukin ako sa mga sumunod na diskusyon at paulit-ulit na pagbigkas ni Mrs. Sonnet tungkol sa mga rules at regulations sa loob at labas ng silid-aklatan. Sa kadahilanang daddy ko ang may-ari ng paaralan, hindi na kinailangang pumunta ni Y sa Guidance Office. Sinabi ko din ang buong detalye ng pangyayari na pinagtanggol lamang ako ni Y dahil binastos ako ng mga lalakeng iyon. Yung mga ungas na 'yon? Bagay lang talaga sa kanilang maglinis ng buong academy, masuspend for 4 weeks straight, at pag deduct ng limang puntos sa average nila dahil owner ng school ang ama ng babaeng pinag-tripan nila. Aba, ayus-ayusin niyo kase desisyon ninyo sa buhay.

...

"Hi, Kyla!"

Sa dinami-dami ba naman ng pwedeng bumati sa akin, itong barbie pa na'to. Maganda nga, plastik naman.

"Well, hello Ms. Rymer."

"Ano ka ba, you can just call me Andy. Masyadong formal, and besides, we're classmates, tsaka wala naman tayo sa room, dito sa labas libreng magpakatotoo.", dugtong niya.

"Fine." I said.

"You look elegant today, Ky."

"Sa'yo mismo nanggaling na magpakatotoo pero pinagpapatuloy mo pa din yang pagiging peke mo. How childish. Tsk."

"Coming from you, hm? Why? Do you think nagpapakatotoo ka din ba niyan? You're not the Queen here so stop hallucinating, b*tch."

"So, nakalas na ba yang inner demon mo? Ayy daig mo pa nga pala si Lucifer ha-ha-ha." sambit ko.

"Taray hah? Mahina naman talaga.", sagot nito na nagpakabog sa dibdib ko. Did she red my mind last time?

"Really? Kung sino mang mahina dito, ikaw 'yon. Sira ba yang memorya mo at hindi kasya ang talatang daddy ko ang may-ari ng TARAZONA TRESPADERNE ACADEMY & COLLEGE?", sambit ko na may gigil, taas-kilay, at klarong pagbigkas ng pangalan ng academy sa kaniyang kaliwang tainga.

"Don't you ever threat me like that, Kyla Nailor.", pabalik na bulong nito sa tainga ko.

"Huh? Really? You're calling me with a wrong surname? You're such a dumby 'lil baby." I said those words and rolled my eyes.

"Oh, I'm not mistaken. Baby huh? You're the one who is a baby. A baby who'll cry out loud especially when that day come and you'll find out why I'm saying this. Don't you ever kick me out of this academy or you'll be kicked out too. By the way, I have to go. Good luck, and I wish you a happy L-I-F-E-T-I-M-E. Bye."

Did she hit her head? What does she mean when she said that I'll be kicked out too?

That time that she called me with a different surname left my vocal box muted. Why would I have to be frightened if it isn't true, right? But there's something that look likes nothing but the factuality defines that it can affect everything.