Chapter 3: Tangkang Pag-patay Sa Sarili

"Hi! Alexa Salvador!" lumapit ang mga bullies, napalingon ako sa pag-mamayari ng boses na tumawag sa akin. Lumapit ang mga ultimate bullies ng school sina Ashley, Sasha, Bettina at Genny. Kung saan sila ang mga animo'y reyna palibhasa ay mayayaman, lumaking maluho sa mga magulang, at mapang-api sa kapwa.

"Ashley!" ang babaeng tinawag ko ay siyang pinaka-leader, pinakamataray at pinakawalanghiya sa lahat dahil mas lumuwa na ang dibdib nito sa sobrang laki "anong ginagawa niyo rito at bakit nagsulputan ang mga katulad mong parang kabute na nagpapakita na lang" she said sarcastic.

"I will say congratulations!" pumalakpak at umiling pa ito "dahil top 1 ka naman sa ating lahat" tila nagtitimpi pa ito, siguro naiingit ito dahil ako ang pinaka top 1 sa klase.

"Thank you but no thank you! Di ko kailangan pamemekeng greetings mula sa'yo" nagsukatan pa sila ng tingin, mata sa mata. Dahil sagad na at ubos na ang pasensya ni Ashley sinugod niya ng sabunot si Alexa.

"You b*tch!"

Akmang aabot na ang kamay ni Ashley sa buhok ko nang di ko namalayang tumalsik siya, dahil nakapikit ako. Di ko naramdam ang kamay nito sa buhok ko.

"Di ako papayag na hawakan mo ni dulo ng daliri ni Alexa Salvador" pamilyar ang boses ng nagsalita, lalaki base sa galit na bariton nito.

Unti-unting kong dinilat ang mga mata ko, nakita ko si Jefferson Sanchez. Ang isa sa mga lalaking nagtangkang ligawan ako, sa totoo lang may gusto din ako sa kaniya kahit basted ko siya.

"J-Jeff!" tawag ko sa nickname nito.

"Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong nito.

"O-oo!"

"Wala bang masakit sa'yo?" kinapa-kapa pa nito kung may masakit sa akin pero bagay na kinikilig ako.

"Wala!" sabay iling pagkatapos niyakap niya ako, napangiti ako dahil sa kilos nito. Aakalain ng lahat na mag-jowa kami dahil sa nakikita nila pero ang totoo ay hindi.

"Oh! thank god!" kumalas ito sa pagkakayakap "no one can fight the woman I like the most" tila nabingi siya pati lakas ng pintig ng puso ko dumadagundong pero di ko pinahalata sa kaniya.

Maraming nagkakadarapa kay Jefferson dahil sa killer looks nito, malaking pangangatawan, at higit sa lahat ang guwapo nito. Bato na siguro ang di mapapansin ang angkin kakisigan nito.

'Napaka-bait, sweet at malahanin!' anang isip ko.

"How dare you?" nagkikiskisan ang mga nginipin sa galit ni Ashley, pero nang humarap si Jefferson sa kaniya ay tila nag-twinkle twinkle little star ang mga mata nito.

'Mukhang may gusto hmp!'

Ang tila galit na itsura ni Ashley ay naging malandi sa harapan ni Jeff. Kung lumandi kasi ito ay parang wala siya roon.

"Hi! Jefferson di mo sinabi na darating ka pala" tumaas naman ang kilay nito nang lumingon si Ashley sa akin. Nagbago ang pakikitungo nito, pati boses na kanina lang gigil sa galit napalitan lang ng lambing.

"I was about to get inside the classroom ng may marinig akong nagaaway."

"Huh!"

"Don't admit it, ikaw ang nauna right?" ani ni Jefferson, magkakaila pa sana si Ashley nang nagsalita ulit si Jefferson "I saw you, you called her b*tch."

"Paano mo nasasabi sa kaniya yon?" dagdag pang tanong nito.

"Because she's.." nagpipigil wag mainis "maka-alis na nga! let's go girls." nag-walk out ang mga queen of the bullies ng school.

Lumingon sa akin si Jefferson at nag-aalalang baka bigla ako balikan ng nambubuli sa akin "Sigurado ka ba na ayos ka lang? Baka balikan ka?"

"Oo ayos lang, salamat sa pagtatanggol mo at pupunta na ako sa classroom" akmang papasok na ako sa loob nang "Alexa!"

Napalingon ako sa kaniya "take care!" lagi niya ako napapangiti, siguro kung hindi ako galit sa mga lalaki ay siya na talaga ang mamahalin ko. Kaso di ganung kadali makalimutan Ang sinapit ng aking Ina sa mga kamay ng mga rapist, bumangon na naman ang galit sa akin puso.

Bago pa sana magsasalita si Jeff na unahan ko na siya ng balyang alis, halatang sinadya ko. Medyo nalungkot ito sa ginawa ko.

'Habang malayo pa, iiwas-iwasan na kita Jeff, ayokong umusbong ang nararamdaman ko sa'yo. Balang araw din ay malalaman mo kung bakit ayoko sa mga lalaki.'

"WAG NAKIKIUSAP AKO!" binabangungot ng mga kasalanan si Gustavo habang nakahiga sa kama. Ang babae sa kaniyang bangungot ay si Susana, ang Ina ni Alexa Salvador na dating nagugustuhan noon ni Jin.

"WAG!" umiiyak ito habang ako walang tigil sa ginagawa ko sa kaniya. Unti-unting nilamon ako ng pagnanasa, tila musika sa aking pandinig ang mga iyak at sigaw nito.

Pagkatapos isang tunog ng baril, pumutok iyon sa ulo ni Susana. Ang may hawak ng baril ay si Jin, tinitigan lang nito ang patay na si Susana duguan ang ulo nito.

"Jin! Bakit ginawa sa kaniya ito, bakit mo siya pinatay--?! sigaw ko sa kaniya, tila mas lalong nagtumindi ang galit ko.

"Ikaw ang pumatay sa kaniya?! Bakit di mo tignan ang kamay mo Gustavo!"

Dahil sa sinabi nito ay napatingin ako sa kamay ko, ang kamay ko ay may bahid ng dugo kasama ang baril. Literal na lumaki ang mga mata ko sabay umiling "hindi! Hindi ako ang pumatay dahil ikaw ang pumatay!"

Lumapit si Jin sa akin saka marahang sinakal sa leeg "Ikaw ang pumatay!" nahirapan ako makahinga dahil sa higpit ng pagkakasakal nito sa leeg ko.

"SINABING HINDI AKO ANG PUMATAY!" napabangon si Gustavo sa masamang panaginip, si Gustavo Isa nang ama at balo. Ang anak ko na si Ashley ay siyang lakas ko. Kahit nagkaroon na ako ng pamilya ay di pa rin ako matahimik ng konsensya noong ako ay binata pa.

Hangang ngayon ay dinadalaw pa rin ako ng masamang panaginip sa nakaraan na pilit kinakalimutan maging konsensya at pag-sisisi.

Kahit kelan di matatakasan ang kasalanan na di ko pa napagbabayaran.

Tinutok ko ang baril sa sintido ko, nang ipuputok ko na ang gatilyo kaso nakalimutan ko na wala palang bala.

Napahagulgol ako na wala sa oras at nakita ni Ashley ang ginawa ko sa sarili. Nakadungaw ang aking anak sa labas ng pintong may uwang pa, nagtataka si Ashley bakit gustong pagtangkaan patayin ng Ama ang sarili gamit ang baril at bakit ito umiiyak.

May dapat ba ako malaman...

abangan....