"Hoy magnanakaw!" naalarma ito nang kumuha ako ng prutas sabay takbo ng mabilis at dumaretso sa eskinita medyo kasikipan ang daan.
"Habulin niyo! Magnanakaw yan!" sigaw ng tindera.
"Dalian niyo Sabi!"
Takbo ako nang takbo, dahil marunong ako umakyat at bumaba. Umakyat ako sa pader na mataas at bumaba sa likuran, dahil di sila marunong umakyat di nila kaya, nag-short cut sila sa gilid. 'Kahit habulin nila ako di nila ako mahuhuli ni-hindi nila kaya ang over de bakod ko noh!' sabi ng isip ko at lumingon sa likuran. 'Hinihingal na ako' sabi ko sa sarili at nakakapagod dagdag ko.
Naglakad ako patungo sa mismong labasan pero sa isang iglap ay nakita agad ako "AYUN!" tumuro pa ito.
"Ay!"
Tumakbo ulit ako habang hinahabol ng kamalasan, mabilis ako nagtungo sa mas masikip na bahagi ng eskinita at nagtago sa may basurahan.
"P*ta natakasan tayo!"
"Tignan mo sa banda roon."
"Sige!" agad dali tumakbo ang mga lalaki na hindi nila alam na nagtago sa basuran ang bata. Lumabas sa lungga si Alexa nang sandali naglaho ang mga pinagpag ang sarili at inamoy ang sarili "Baho ko!" ani ko na parang nasusuka.
"Tsk! MGA BOBO! Naghanap nga! Pero dinaanan lang ako, di ba sila nag-iisip kung nasa paligid lang ako nagtatago" umiling ako tila di bilib "mga bobo talaga!"
Naglakad na ako palabas ng eskinita na parang walang nangyaring habulan ng pusa sa daga.
Kinuha ko ang prutas sa bulsa ko at kinain ito pagkuway umupo sa may gilid ng kalsada. Alam ko na masama ang magnakaw dahil turo iyon sa akin ng Ina pero dahil sa walang-wala ako kaya nagagawa ko ang lahat ng iyon.
Napasabak na rin ako sa gulo, kung saan puro kalalakihan ang kaaway ko. Galit ako sa mga lalaki dahil sa ginawa nila sa nanay ko na ginahasa at pinatay, mga walang hiya sila. Babae lang kasi ang kaya nila at alam nila na ang mga babae ay napakahina.
BALIK SA NAKARAAN...
"Mama! Lola!" umiiyak ako sa loob ng morgue at walang pakialam kung saan ako umiiyak basta't ang alam ko lang galit na galit ako sa kanila. Hangang ngayon ay di pa nahahanap o nahuhuli ang may sala sa pagpaslang kay Mama.
"Ayon sa autopsy, ang ina mo ay nakaranas ng puro pasa sa iba't-ibang katawan nito at sakal sa leeg" pagpapaliwanag ng doctor sa akin.
"And I'm sure na nanlaban ang Ina mo habang ginagahasa siya" dagdag nito.
"MAGBABAYAD SILA, MGA HAYOP!"
Pagkatapos nun ay nailibing sila ng maayos pero wala akong pera kung kaya't maraming mga kapitbahay ang tumulong upang magkaroon ng kabaong ang Ina at Lola ko at mailibing sila ng maayos dahil napalapit sila sa amin. Marami din ang nakiramay.
Pero hangang ngayon ay di pa nahuhuli ang may gawa nito sa aking Ina, siguradong nagtatago na sila ngayon. Bahala na ang karma ang gumawa ng kanilang kamalasan.
BALIK SA KASALUKUYAN...
Di ko pa rin malilimutan ang masasayang alaala ni Mama at Lola. Umiiyak ako habang kumakain.
Tila isa siyang nakakaawang nilalang na at parang basang sisiw sa dumi, batang ligaw.
Napansin ako ng matanda habang naglalakad sa likuran ko, napansin nito ang lungkot, pagod at marusing base sa nakikita niya sa akin. Ang batang Alexa Salvador ay walang kamalay-malay na may nanonood sa kaniya.
"BATA!" tawag ng matanda nang lumapit sa akin, napalingon ako sa matandang babae. Nakakunot noo ni alexa tila inaaya nito kung sino ang matanda.
"Sino po kayo? Pasenya na po di po ako sasama kung masamang tao kayo at saka di po ako sasama sa taong di ko kilala" deretsahang sambit ko sa matanda.
Akmang tatayo at aalis nang pigilin ako nito "T-teka!" kumunot noong lumingon ulit ako "Bakit po ulit?"
"Ang pagkain mo, nalalag."
"Kahit dyan na lang po iyan tutal galing naman po iyan sa nakaw eh! Nagnakaw ako sa nagtitinda ng prutas dyan lang po malapit pagkatapos ko kumuha tumakbo ako nung hinabol nila ako papunta rito" ani ko nagkukuwento at may aksyon pang kasama.
Ngumiti ang matanda tila natutuwa sa batang paslit, 'napaka-bibo nito' anang isip ng matanda. Sa totoo lang natutuwa din ako dahil tapat ang bata habang sinasabi ang ginawa nito kanina.
"Anong pangalan mo bata?"
"Huh! Uhm B-bakit ko po sasabihin sa'yo eh di naman kita ka anu-ano, baka naman gusto niyo po ako ipahuli sa pulis, o kaya damputin dito sa kalye para kunin ang mga laman at loob ko huh!"
"Hahaha! Hindi ko magagawa ang ganung bagay na iyon."
Sa halip na dalhin sa dswd ay gagawin na lang niya ang kaniyang naisip, aampunin na lang ito. Mukhang wala na siyang magulang na puwedeng mag-aalaga sa kaniya.
Kahit illegal ang pag-aampon, ay kukupkupin ko pa rin ang di ko kadugo. "Nasan ang mga magulang mo?"
Yumuko si Alexa tila nalungkot sa aking tanong, ang mga mata nito ay lumuha "wala na po sila, iniwan na nila ako huhuhuhu!"
Kinabig siya ng matanda at pinatahan "s-sshhhh! Tahan na! ano ba nangyari sa kanila?"
"Yung papa ko namatay sa pagta-trabaho, yung Lola ko namatay naman sa atake sa puso nung malaman niya na pinatay ng mga walanghiyang lalaki ang Ina ko!"
"P-pinatay?!" mas lalong lumalim ang kunot noo ng matanda saka pinakatitigan ang batang paslit.
"Opo! Pinatay ng mga lalaking yun ang Mama ko! Di lang nila pinatay kundi ginahasa pa nila huhuhu!"
Nakaramdam ng awa ang matandang babae dahil sa pangungulila nito sa mga magulang. May naisip na siyang paraan para mawala ang alahanin nito "Ako nga pala si Manang Loleng, tawagin mo na lang akong Lola kung gugustuhin mo, ano nga pala ang pangalan mo bata?"
"Alexa po! Alexa Salvador po."
"Aampunin na lang kita, kung pagbigyan mo ako?"
"Aampunin niyo po ako?"
"Oo naman!" kinalawak ng ngiti ng bata saka hinigpitan ang yakap sa akin "salamat po! Salamat po!"
NAGING masunurin si Alexa Salvador kay Manang Loleng matapos siya nito ampunin kahit di sila magkadugo. Lumaking masunurin, malahanin, mabait at matalino. Higit sa lahat naging palaban, dahil umiiwas siya sa mga lalaki kahit maraming nagkakagusto sa kaniya sa bait at kagandahan nito.
Naging top 1 students ito, sa school kaya di lang mga lalaki ang humahanga may mga babae naman ang naiingit sa kaniya.