Chapter 5: Ang Muling Pagkikita ni Gustavo at ni Alexa Salvador

"Lola! Ipagluluto ko na po kayo, ano po gusto niyong kainin?" tanong ko kay Manang Loleng matapos ko mag-saing ng kanin, malapit na mag-tanghalian.

"Gusto ko apo yung Adobong Manok, yung paborito ko!" tila na-excite sa lulutuin ko, napangiti ako 'kahit kelan talaga si Manang Loleng gusto pa rin niya ang Adobong Manok' anang isip ko habang umiling.

Kumuha ako ng Manok na piraso-piraso na, nilagyan ng mga ingredients katulad ng mga suka, toyo, pamintang buo at iba pa. Tapos luto, inilatag ko sa lamesa.

"Manang Loleng pray muna po."

"Oo naman apo!"

Nag-sign of the cross muna bago nagdasal, "Lord! Maraming salamat po sa lahat ng mga biyaya na pinagkaloob niyo po sa amin, kahit na kaming dalawa lamang ay di kami papatinag o susuko sa anumang pagsubok na kakaharapin. May pag-asa at maraming blessings na sana dumating. Ingatan niyo po kami sa masasama at iwasan sa anumang katuksuhan na maaaring magdala sa amin sa kapahamakan, Amen."

Nag-sign of the cross ulit saka nagtinginan kaming dalawa bago "CHIBUGAN NA!!!" pagkuway nag-unahan kami sa pagkuha ng ulam sa hapag kainan.

Ang bagay na di man nakikita ng mga mayayaman sa mahihirap na kahit salat kami sa pera, mayaman naman kami sa pagmamahal at saya.

HINDI KATULAD ng mag-amang Gustavo at Ashley, lumaking marangya ngunit salat sa pagmamahal ng isang ama simula nang mamatay ang Mommy sa cancer.

"ASH! COME BACK HERE, DI PA TAYO TAPOS!" tila nainis na nagdabog ito paupo sa upuan kaharap ang mga masasarap na pagkain sa lamesa.

"Isang kabastusan ang magdabog sa harap ng mga pagkain" ani ni Gustavo na nagtitimpi sa anak, pinalaki ito ng kaniyang ina na maluho, spoiled at kung ano ang gustong makuha.

"Eh! Buti pa nga yung pagkain pinapansin niyo, ako na halos mahabang panahon niyo na kasama dito sa Mansyon kahit kelan di niyo man lang binigyan ng pansin. Ni pasulyap sa akin di mo man lang magawa kapag umaalis ka galing trabaho, ni pag-attend mo sa mga awards ko at mga activity from school ni minsan ba ginawa niyo? Ni minsan ba naka-attend ba ikaw ng graduation day ko--!"

"Will you please stop that!" pamumutol nito sa mga sumbat ng anak, nagulat sa sigaw ng ama pero di nagpatinag.

"Kahit ba minsan, pinaranas MO sa akin ang pagmamahal ng isang ama. Hindi di ba?! So I have the right to instill anger, hatred, and resentment in you because you have never been my father to me!"

Tumulo ang luha sa mga mata nito, ang mga binigkas nito ay tagos sa puso at napakasakit dahil masakit magsalita ang anak.

Pagkatapos ay tumayo at umiiyak na tumakbo sa staircase papuntang kuwarto nito. 'Alam kong marami akong pagkakamali pero mas pagtuunan ko ng atensyon ang paghalug-hog kay Alexa Salvador.'

Kinuha ko ang cellphone sa bulsa at tinawagan si Greg, "Hello!" sa kabilang linya.

"Hello! Greg, it's me Gustavo."

"Kung tungkol ito sa pinapahanap mo sa akin na Alexa Salvador, I'm sorry to say wala pa akong mahanap na impormasyon sa kaniya."

"What? Paanong wala pa?"

"Sa totoo lang nang mamatay ang nanay at lola ni Alexa ang sabi ng mga kapitbahay, wala may gustong mag-kupkop sa bata. Naging pulubi, magnanakaw at laging kasali sa gulo ang sinasabi mong si Alexa, hangang sa nawala na lang na parang bula ang bata."

"Hanapin mo ulit siya, Greg."

"Mahabang panahon na ang lumipas, baka nga dalaga na yun eh! Baka kasing laki na ni Ashley si Alexa!"

Bigla ako nanahimik, may point ang kaibigan. May posibidad na dalaga na at kasing laki na ni Alexa si Ashley, pero paano niya malalaman kung ano ang itsura niya ngayon? Magandang bata si Alexa at lahat ng mukha, katangian ng kagandahan nito ay namana kay Susana. Alam niya yun dahil minsan na rin niya nakita ang anak ni Susana ngunit bata pa si Alexa nung una kong nasilayan.

'Saan kaya kita makikita Alexa Salvador.'

"So everyone please pass your papers forward" utos ng teacher, pinag-pasahan na namin ang papel sa guro.

Katatapos lang ng quiz nila at nagkatitigan kami ni Ashley, nagpapataasan kami ng score and of course di pa niya ako malamangan kahit sumipsip na siya sa guro.

Kahit ganito lang ako ay lagi ako nagre-review, matalino ako kaya never ako sisipsip kay teacher.

Maya-maya lang, sinabi na ang mga score "Ashley Vila Rama 98, Alexa Salvador 100" napakasaya ko, nagtinginan ulit kami ni Ashley. Sobrang sama ang tingin nito.

"Ashley and Alexa! Come here, gusto ko kayo makausap."

Bigla ako kinabahan, sumunod kaming dalawa sa front desk nito "uhm ma'am! Ano po paguusapan po natin?" ako na ang bumasag ng katahimikan.

"Nagpapaligsahan ba kayong dalawa?" tinignan kaming dalawa kaya nailang kami pareho. "Alam niyo ba na nahahalata ko kayo at pati mga classmate niyo nakikita niyo, parang contest ang pag-aaral sainyo."

Tahimik pa rin kami na nakikinig, nanatiling tikom ang bibig namin at nakatingin sa ibaba.

"Ashley! Alam ko naman na matalino ka ngunit di pa yun sapat at ikaw naman Alexa, napakatalino mo at laging nanatiling top 1 sa klase napakabait pa."

Parang gustong mainis ni Ashley, sa akin ay ganun magsasabi ng kung anu-ano pero kapag kay Alexa ay puring-puri ito, bakit kaya mas gusto ng lahat si Alexa? 'That bitch herself may araw ka rin.'

"ANO NA NAMAN ba ang pinakain mo kay teacher at pinuri ka naman niya?" sabi nito may kalakip na suklam sabay dakma sa braso ko at pinanlalalim ng mga kuko nito.

"Wala akong pinakain kay teacher, talagang pinagbuti ko lang talaga pag-aaral ko hindi katulad mo."

Akmang aalis ngunit pinigilan niya ako "Hoy Alexa! itong tandaan mo, malalamangan din kita balang araw naiintindihan mo" binalyahan niya ako ng alis.

"Puro ka dada, hangang salita ka lang naman hindi naman ginagawa, tsk" bulong ko at umiling na hindi man lang bilib.

"Mama, Lola! Sana nandito kayo kasama ko, kayo ang naging dahilan kung bakit gusto ko pa mabuhay. Mama di ko pa nakikita ang hustisya, palakasin niyo ang loob ko at nang sa ganun ay mahanap ko ang mga taong nanggahasa at pumatay sa'yo" kinuyom ko ang aking kamao, di pa rin nawawala ang galit ko sa mga taong gumawa nito.

Pinunasan ko ang aking luha, dama ko pa din ang sakit na pagkawala ng dalawang tao na mahalaga sa buhay ko. Nakatayo ako sa dalawang puntod kung saan nakalibing ang kaniyang ina at lola.

"Sana nandito kayo!" humagulgol ako.

Umalis ako sa puntod at napalingon sa kotse, labis ang aking pagtataka bakit may kotse sa gilid samantalang wala naman yun kanina? Nang lumingon ako sa puntod ni Ina at Lola. Isang lalaking nakatayo sa harapan ng puntod ni Ina at ni Lola.

Pinuntahan ko ito at "Sino po ikaw at bakit ka nakatayo sa puntod ng Ina at Lola ko?"

Nakita kong natigilan ang lalaki, lumingon ang lalaki. Pamilyar ito ngunit di ko maalala kung saan at kelan niya ito nakita at nakilala, bakit pakiramdam ko parang kilala ko na siya?

Nasa late 50's na ang lalaki ngunit taglay pa rin nito ang kaguwapuhan, mas naging matindi nga lang ang aking nakikita ay bakit gulat na gulat ito.

"S-susana!"

"Huh?!"

"HINDI PO AKO si Susana. Ako po si Alexa Salvador, Ina ko po si Susana Salvador" pakilala ko ngunit gulat pa rin ang rumehistro sa mukha nito "bakit niyo po kilala ang Ina ko at sino po kayo?"

"A-ako! Ako nga pala si Gustavo Vila Rama, nice to meet you" pakilala din nito sabay lahad ng kamay sa akin.

"Vila Rama? Kaanu-ano niyo po si Ashley Vila Rama?"

"Anak ko siya."

"Anak!" ikinagulat ko, may ama pala si Ashley. Mabait ang ama pero ang anak nuknukan ng kapangitan ng ugali.