"I DIDN'T KNOW that Ashley has a father, akala ko mag-isa na siya sa buhay at siya nagpapa-aral sa sarili niya" medyo gulat ko pang turan, nakapagtataka dahil kahit minsan ay di namin nakikita ang pamilya nito na pumunta man lang sa school kapag nasasali si Ashley sa gulo.
"Alam ko na maraming nagtataka kung bakit di ako kilala sa school pero yun ang totoo, anak ko si Ashley Vila Rama and I'm her father" nginitian ko na lang siya kahit bahagya pa ako nagulat.
"BAKIT DI KO PO KAYO nakikita sa school kahit minsan?" tanong ko habang naglalakad kami sa gilid ng sementeryo.
"Sinabi mo sa akin na pinagti-tripan ka ni Ashley at mga ilang babae bullies ng school, ang totoo niyan wag mo sana husgahan ang anak ko. Naging ganun lang siya magmula nang mamatay ang Mommy niya at simula nun lagi na lang siya galit, mataray at pala dabog. Lahat ng gusto niya, nakukuha niya. Ang masasabi ko lang na lumaking spoiled si Ashley sa Ina niya. Kaya nga nung namatay ang Ina niya, lagi na lang siya natutulog sa kuwarto ng Mommy niya at lumayo na rin ang loob niya sa akin. Di ko na rin nagaganapan ang pagiging ama ko sa kaniya dahil sa kumpanya at negosyo. Siguro ang nararamdaman ni Ashley ay may natitira pa siyang magulang pero parang walang nagmamahal at nag-aalaga sa kaniya, pero nauunawaan ko siya dahil sa akin kung bakit namatay ang Ina niya" pag-salaysay
Ano po nangyari sa Mommy niya?"
"Nag-karoon ng Lung Cancer ang asawa ko, ang Mommy ni Ashley. She's been a very good wife, napakabait, maalaga at maasikaso. Pero nang magkaroon ng problema sa kumpanya di ko na nagampanan ang pagiging asawa at ama sa kanilang dalawa hangang sa namatay ang asawa ko at pati ngayon, naging busy ako."
"Kung ganun, nakakalungkot po pala ang nangyari sa asawa mo" nakaramdam din ako ng lungkot rito at awa naman para kay Ashley, maski ako ay nalungkot dahil ganun din ako. Nawalan din ako ng mga magulang pero dahil kay Manang Loleng ay nagkaroon ulit ako ng liwanag.
"Siguro karma ko to."
"Huh! Karma? Bakit naman po kayo makakarma" napalingon ako sa kaniya at may pagtataka bumakas sa aking mukha "bakit niyo po sinasabing karma? May ginawa po ba kayong masama?"
His face turned pale and he look at me like I'm a ghost, napalingon siya sa akin at tila di mapakali ang kilos nito saka nag-iwas ng tingin.
"May mali po ba sa tanong ko?"
Pumekeng tawa ito at umiling "hindi! Di sa ganun" pagsisinungaling ni Gustavo pero mababakasan ang guilt dahil sa ginawa niya kay Susana.
Natapos ang usapan nila pero nang akmang aalis na si Gustavo para sumakay sa kotse ay may pahabol pa siyang tanong "Mr. Vila Rama!"
Lumingon si Gustavo sa akin "ano yun, bakit?" kumunot noong tanong nito.
"Uulitin ko po ang tanong ko sa'yo, bakit niyo po kilala ang nanay ko? Sino po ba kayo buhay namin?"
Di agad nakasagot, "ang masasabi ko lang sa ngayon ay kaibigan ko ang nanay mo dati, magkakabata kami. Alam mo, nakita na kita noong maliit ka pa."
"H-ho! Nakita niyo na po ako dati?" tanong ko ulit.
"Oo! Kahit nung maliit ka pa, carbon copy mo ang nanay mo. Di lang kagandahan pati ang kagandahan ng ugali, namana mo."
"Mukhang kilala niyo po talaga ang nanay ko, pero bakit di po kayo pumunta sa burol nang inilibing na ang nanay ko at pati Lola ko?"
"Nasa ibang bansa ako, huli na nang mabalitaan ko na patay na ang Ina mo at Lola mo, nilibing silang dalawa" pagkakaila ni Gustavo. "Aalis na ako, nagamamdali ako eh!"
"Sige po!" sagot ko, sumakay na ito ng kotse at pinaandar paalis ng sementeryo. Naging palaisipan sa akin ang pag-uusap nilang dalawa, kaya pala napakapamilyar ni Mr. Vila Rama sa akin.
NAGMAMANEHO SI Gustavo paalis ng sementeryo, gumugulo sa kaniya ang mga tanong nito.
Kahit kelan di niya matatakasan ang kasalanan sa nakaraan na pilit kinakalimutan mag-pahangang ngayon.
Kinuha ko sa packet ko ang cellphone at dinayal ang number ni Greg "hello! Greg it's me Gustavo again."
"What's up dude, you call me again?"
"May sasabihin ako sa'yo."
"It's about that girl again Alexa Salvador, right!"
"Yeah! No need to search, because I found her at nag-usap kami sa sementeryo duon kami nag-kita."
"R-really?!" tila di makapaniwala sa sinabi ko.
"Yeah! Alam mo ba nang makita ko siya, she's beautiful, smart, and she's like an angel. Carbon copy niya si Susana, akala ko multo nang makita ko siya kasi ganun na ganun ang itsura, tindig at ugali ni Susana nung dalaga pa pero nagkamali ako dahil kaharap ko mismo ang pinapahanap ko sa'yo, si Alexa Salvador."
"Grabe ka dude! Labis mong pinupuri si Alexa Salvador eh! Baka ma-inlove ka, warning lang. Dalaga pa yun at ikaw may edad ka na malapit na sa singkuwenta, baka mapagkamalan ka pang sugar daddy nung Alexa na iyon at isa pa. Ni-rape niyo ang nanay niya at baka dumating ang panahon na malaman niya ang totoo ay magalit siya at masuklam sa'yo."
"Alam ko, di ko nakakalimutan" napabuntong hininga ako, alam ko na din yun. Isa din ako sa nagkagusto kay Susana pero tinatago ko yun dahil ayoko magalit si Jin noon sa akin. Pinatayan ko na siya ng tawag at pinagpatuloy ang pag-mamaneho.
PAGKARATING NI GUSTAVO sa Mansyon ay may isang di inaasahang bisita ang dumating.
"Nenang! Sino po ang bisita ko at may kotse sa may gate?" tanong ko sa may edad at matagal na nanilbihan sa Mansyon.
"Kamusta na ang matalik kong kaibigan" natigilan ako, kilala ko ang boses na iyon at kelanman di ko makakalimutan ito, dahang-dahan ako lumingon sa pinag-galingan ng boses at nakita ko ulit siya matapos ang mahabang panahon na lumipas.
"Jin!" di ko akalaing makakaharap ko ulit ang taong pumatay kay Susana.
"Wala ba akong pa-welcome party?" ngumising mala demonyo, may edad na si Jin imperial ngunit di mahahalata dahil kutis na porselana at mababakasan pa rin ang kaguwapuhan kahit 40 lagpas na at malapit na maging 50.
Hindi mapagkakatiwalaan ang isang tulad ni Jin Imperial dahil kilala niya na ito simula pa lamang.
"KAMUSTA NA ANG matalik kong kaibigan" ngiting-ngiti nitong sabi, matagal na sila hindi nag-kita pero hindi pa rin ito nagbabago.
"Hindi ka pa rin nagbabago, correction. Hindi tayo tunay na magkaibigan, kahit kelan di ganun ang turing mo sa akin."
Humalakhak lang ito, napapailing at nakapameywang.
"Kilala kita, alam ko kung may sasabihin ka o may kailangan. Spill it, di ako nagmamadali."
"KORAK! Nandito ako upang sabihing.. About that girl named Alexa Salvador, alam ko na nag-kita na kayo" saka ngumisi na kinairita ko.
"Paano mo nalaman?"
"Simple lang! I have money, power, wealth and connection."
"Di ko maitatanggi na meron ka ng lahat nang iyon at mas mayaman ka kaysa sa akin, pero paano mo nalaman na nagkita na kami?"
"May mga tauhan ako na sumusunod sa lahat ng galaw mo, ito oh! May baon pa akong picture niyong dalawa" ipinakita nito ang larawan kung saan naglalakad kami ni Alexa sa sementeryo.
Nagdilim ang paningin ko at kinuyom ang kamao, kung naging laser ang mga mata ko ay baka naging abo ito. Nilapag nito sa lamesa ang picture pinakita sa akin, "Alam mo kung mapapansin mo dito parang close na close kayo."
"A-ano?!"
"Sabagay! Maganda siya, masarap kaya siyang tikman katulad ng nanay niya?" ngiting demonyo parin tumingin sa akin.
"Wag na wag mong kakantihin o galawin ni dulo ng daliri ni Alexa Salvador kung hindi--!" akmang susugurin.
"Kung hindi ano?" duon ko lang napansin na may nakapalibot na ang mga tauhan niya at tinutok sa akin ang baril sa ulo.
"Kung hindi ano? SAGOT!!!" umalingaw-ngaw ang boses nito dahil sa lakas ng sigaw.
"Papatayin kita, g*go ka!"
"Papatayin mo ako?! Ayos ka rin ha, ganiyan ka na katapang ngayon? Well! Bago mo pa magawa yun, naunahan na kita" lumawak ang ngiti ni Jin Imperial at tinitigan niya ako na nakakamatay na babala. " Pakawalan na yan" utos nito sa mga tauhan niya, ang isa pang lalaking may hawak na baril na nakatutok sa sintido ko binaba niya rin.
"Hangang sa muling pagkikita" pahabol nito at tumalikod lumakad sa sasakyan papasok.
Pinakawalan na siya ng mga tauhan nito saka umalis sakay ang mamahaling kotse, nakahinga ako nang maluwag at tumingin sa picture sa lamesa.