Chapter 7: Pangalawang pakikita nina Alexa at Gustavo

Nakauwi si Alexa sa bahay nila baon ang kaisipan sa pinag-usapan nila ni Gustavo Vila Rama, pamilyar sa kaniya ang mukha nito pagkat nagkita na sila.

Ngunit palaisipan pa rin sa akin ang nasabi nitong karma, naalala ko pa ang sinabi niya.

***

BALIK SA EKSENA SA SEMENTERYO...

"Siguro karma ko to" sabi ni Gustavo tila sising-sisi sa sarili bakas sa facial expressions nito.

Nagulat ako sa sinabi nito "Huh! Karma? Bakit naman po kayo makakarma" lumingon ako sa kaniya tila nagtataka tanong ko "bakit niyo po sinasabing karma? May ginawa po ba kayong masama?"

Natigilan ito at namutla, sunod ay natuliro na di mo malaman ang dahilan. Napapalagay ko sa mukha niya, mukhang takot, taranta at panginginig pagkuway nagmamadaling umalis.

"May mali po ba sa sinabi ko?" tumawa lang ito "di sa ganun!"

BALIK SA KASALUKUYAN...

Nagmumuni-muni ako nang istorbuhin ako ni Manang Loleng "Apo! Heto na't kumain ka ng niluto ko" sabi nito na nagpawala sa lumilipad kong isip.

"O-opo! Manang Loleng" nakasanayan ko na siya tawagin na Manang Loleng dahil sa gusto nito, bagamat parang pamilya at Lola ko na siya ay ayaw pa rin nito magpatawag na Lola.

Umupo na ako sa upuan pero di pa rin ako kumikilos kaya napansin ni Manang Loleng ang pananahimik ko "Apo! May problema ba?"

"Wala ho ito! Malamang pagod lang sa pag-aaral."

"Apo! May gumugulo ba sa isipan mo?"

Napabuntong hininga ako "may na-meet po ako sa sementeryo kung saan nakalibing ang nanay at Lola ko."

"Kilala mo ba apo?" anito tanong.

"Di ko po siya kilala pero pamilyar sa akin ang itsura niya, baka tama siya na magkakilala na kami noong bata pa ako. Tapos sabi niya na kaibigan po daw siya ng nanay ko."

"Ganun ba! Teka apo, babae ba yan o lalaki?" tanong ulit ni Manang Loleng na ikinalingon ko sa kaniya.

"Lalaki po may edad na at saka guwapo pa rin kahit medyo tumatanda na, sa totoo lang nung makita ko po siya nang malapitan ay batang-bata pa itsura at magaan ang loob ko sa kaniya."

"Apo! Habang nilalarawan mo yung lalaking na-meet mo may nag-kikislapan sa mga mata mo, ganun oh yung kumukutitap."

"Si Manang Loleng talaga!" natawa tuloy ako sa kakatwang panunukso saka umiling na naiilang, di ko na lang initindi ang sinasabi nito.

Kumain na lang ako pagkatapos nagligpitan ng mga plato, pinagpahinga na lang niya si Manang Loleng saka nag-hugas ng pinggan.

Lumalim ang gabi nang dalawin ng antok si Alexa, nakatulog si Alexa sa sobrang pag-iisip at napaniginipan ang kaniyang ina. Sa panaginip nakita niya ang ina umiiyak at humiyaw na humihingi ng tulong, ngunit di ko siya maabot kaya hangang sulyap na lang ako, parang may pumipigil sa akin na lapitan ito.

Pagkatapos biglang may malakas na putok ng baril mula sa likuran ko, tawa lang nang tawa ang lalaki, di ko maaninag ang itsura nito pero natitiyak ako na masamang tao ito. Na-realize ko na patay na ang aking ina na nakabulagta at hubot hubad.

"Inay!" napabangon ako mula sa bangungot, hinaplos ko ang sintido. Kahit may electric fan ay di sapat sa kaniya dahil puno pa rin siya ng pawis sa katawan.

She cried, something liquid falls down her eyes to cheeks. Pero bago pa lumanding paibaba ay pinunasan niya na iyon, ramdam ko pa rin ang pangungulila sa mga magulang na ngayon ay mga patay na.

KINABUKASAN SA nang matapos ang klase, sa Hindi inaasahang pamilyar ang mabubungaran. Nakabunguan ko lang naman si Gustavo Vila Rama ang ama ni Ashley, maraming napalingon rito habang naglalakad. Ngayon lang kasi nakita ito sa kanila at dahil na rin sa angkin kakisigan at kaguwapuhan kahit may edad na tila isa itong artista.

"Mr. Vila Rama!" tawag ko sa kaniya.

"Ms. Salvador! It's you again?" tawag din nito sa pangalan ko."I didn't expect that we meet again after yesterday, you know.. cemetery."

"Yeah!" medyo naiilang ako sa paraan ng tingin na pinukol nito sa kaniya.

"HOW ARE YOU?" he asked me while we were slowly walking outside the covert court.

"Ayos lang po! Kayo po?"

"Okay lang din, ngayon nga nagkita ulit tayo."

Tumigil sila pareho sa may waiting shed kung saan hintayan ng mga sundo.

Napalingon ako sa kaniya ng itanong sa akin ang school year ko, "Anong year ka na saka anong kurso ang kinuha mo ngayong college?"

"Fourth year college na po sa kursong criminology" na ikinagulat nito.

"Criminology, bakit?"

"Gusto ko po na mabigyang katuparan ang paghuli o mag-karoon hustiya sa ginawa nila sa nanay ko kahit pa bata pa lang ako nung mangyari iyon."

Nalunok ni Gustavo ang sariling laway, base sa gustong maging police, abogada at iba pa.

"Kaso wala pa po ako mahanap kahit trabaho para may pang-ipon ako sa mga tuition fee ko at may maitulong man lang ako sa mananv Loleng ko."

"Gusto mo ba ng tulong?"

"Naku kahit wag na po nakakahiya!" tumanggi ako sa gusto nitong pagtulong sa akin sabay iling na napapangiti.

"No! I insist, I'm gonna help you wether you like it or not like it."

"Maraming salamat po sa pag-alok sa akin mg trabaho, napakabait niyo po" ngiting sabi ko.

"May bakanteng posisyon ako sa kumpanya na puwedeng-puwede ka!"

"T-talaga po!" lalong kinasaya ko, tumango ito ngunit sa hindi sinasadya tangay ng matiding saya, napayakap tuloy siya kay Gustavo. Maraming nagtinginan sa kanila na may kahulugan.

"Ay!" napakalas siya agad-agad rito sa ginawa niyang di kaaya-ayang pagyakap, "Sir! Wag niyo po lagyan ng malisya ha!"

"Oo!"

"Paano po mauna na po ako, may klase pa po kasi ako eh!" umalis na siya upang pigilin ang sariling wag bumilis ang tibok ng puso, bakit ganun? tila lagi ako ganito kapag kaharap si sir Gustavo Vila Rama na di malaman ang dahilan, ano ba nangyayari sa kaniya?

Sa kabilang banda, may isang taong nakatingin o nagmamasid sa kanila. Tila pailalim ang galit nito kay Alexa Salvador na mortal niyang kaaway sa pag-aaral pati ba naman kay Dad. Nahigit ko ang hininga at tiim bagang.

"Pati ba naman si Dad, Alexa Salvador. Aagawin mo sa akin, magbabayad ka pagkat gagawin kong misarable ang buhay mo walang hiya kang halimparot ka na! I will ruin you" umalis sa likuran ng kawayan si Ashley Vila Rama, nag-iisip ng paraan upang makaganti kay Alexa.