"WHAT, MAGKAKILALA ang father mo and that bruha Alexa?!" tanong ni Sasha na may halong pang-aalipusta sa kaklase.
"I can't believe na magkakilala silang dalawa, and that girl gggrrrrr!!! Nakakainis!" nakapang-gigil sa galit.
"Ano, resbakan namin para makalbo yung bruhang yon?" ani ni Bettina.
"No! I'll handle it, may binabalak ako nang masira siya sa tingin ng mga teachers" nagkatinginan ang silang tatlo kay Ashley.
"Eh ano?" duet nila.
Lumuwang ang ngiti sa mga labi ni Ashley, sa mukha pa lang ay may hindi na magandang binabalak ito.
***
NAGKAKLASE SILA NANG nagkatinginan ang mga campus bullies kay Alexa, tila ramdam ni Alexa na may hindi tama, parang may binabalak ang apat na pagkaisahan siya.
"Ma'am nag-cheat po itong si Alexa!" anang Bettina sa mismong prof nila, sabay napalingon ang lahat sa akin.
"Ma'am hindi ko po magagawa yun!" tanggi ko pa, namalayan ko na lumapit ang Prof namin at may sinipat sa akin.
"Kanina ko pa po siya napapansin" sabat naman ni Genny na isa sa mga campus bullies, kahit anong itanggi ko ay late na para magpaliwanag.
"Ma'am hindi ko po--!" dinakma ni professor William ang papel likuran ko na di ko alam kung paanong napunta sa akin ang papel punong-puno ng answer.
"And what is this huh? Paano napunta sa'yo ito?" tanong nito habang hawak at pinakita ang answer sheet sa akin.
"Ma'am totoo po ang sinasabi ko, hindi po akin yan--!"
"Mag-usap tayo pagkatapos ng klase."
"O-opo!" wala akong nagawa kundi ang sumunod. Napalingon ako kina Ashley, Sasha, Bettina at Genny. Nakita kong ang ngisi sa kanila tila alam ko na kung bakit.
***
"MA'AM! SINASABI ko po ang totoo" pagsusamo ko. Tapos na ang klase bale kinakausap ako ng teacher para komprotahin sa kasalanan na hindi ko naman ginawa.
"I didn't know you do that such thing."
Napayuko ako sa lungkot, tila wala siyang magagawa kung ayaw ng teacher na maniwala.
"Ma'am! Kayo po ang higit na nakakilala sa akin, alam mo na hindi ko magagawa ang ganung bagay. Ma'am! Naniniwala po ba kayo na mandaraya ako, na sa akin yung papel na iyon? Kung ayaw niyo po maniwala sa akin ay wala po akong magagawa kundi manahimik na lamang at hayaan kayong parusahan ako kung ano man ang gusto niyong ipataw sa akin pero ito lang po ang masasabi ko, ba't di kayo magpa-imbestiga kung ako nga ba ang kumuha ng answer sheets sa library at nag-kodiko sa klase."
Tila nagulat ang teacher sa mga sinabi ko, sa nakikita ng teacher sa akin ay mukha akong nagsasabi ng totoo.
***
"How is my plan?" tanong ni Ashley sa mga kasama niya.
"It works! Now I know kung paano mapapasama ang babaeng iyon sa lahat" nagtawanan at nagbubunying sabi nila nang dumaan si Alexa at lumapit sila.
"NANDITO NA PALA ang babaeng nangodiko sa klase. A cheater always a cheater!" Ashley's group campus bullies approaching, nakapameywang pa sila lumapit at taas kilay sa akin.
"Alam kong kayo ang may kagagawan na paglagay ng answer sheets sa akin kaya akala nila na mandaraya ako."
"KAMI! Are you sure of that? Well totoo ang sinabi mo, kami nga ang naglagay ng answer sheets sa'yo para mapagbintangan ka at lalong mapasama sa mga tingin ng mga teachers, students at sa lahat dito" sabi nito.
"ANONG SABI MO?" napaharap silang apat at ganun din si Alexa sa pinag-galingan ng boses sa likuran, nakita nila ang teacher na si Ma'am William nila na kanina pa nakikinig.
Namutla at di makapagsalita sina Ashley, Bettina, Genny at Sasha. "M-ma'am! K-kanina pa po kayo diyan?"
"Kanina pa ako rito at narinig ko ang mga sinabi mo, paano niyo naatim na gawin niyo ito sa kapwa mong kaklase na sa tingin niyo ba ay tama?" di nakaimik ang apat pati na si Alexa. "Pagkatapos sasabihin mong a cheater is always a cheater."
"Ma'am let me--!" di nito naituloy ang sasabihin pagkat pinutol ito ng teacher nila.
"Sasabihin ko ito sa mga ama niyo, both of you are suspended dahil sa mga kalokohan niyong apat kay Alexa."
Umalis na ang teacher nang balingan ng tingin ni Ashley si Alexa, tila mas lalong kumulo ang dugo na makitang nakangiti pa ito.
"Tsk! Paano yan Ashley, kapag nalaman ito ng ama mo. Ano kaya mangyayari at ano kaya ang reaction niya? Paano ba yan, aalis na ako at salamat nga pala sa kalokohang ginawa mo" umalis na lang ito na para bang walang nangyari.
"We'll look at that girl, she's so nakakainis" sabi ni Sasha.
"Di lang siya nakakainis, nakakatakot pa" komento naman ni Bettina.
"Ggrrrr!!! Puwede ba girls tigilan niyo nga yang kaka-syungang bibig niyo at di kayo nakakatulong! Kailangan kong umisip ng paraan para gumanti sa kaniya" 'kung nakalusot ka ngayon Alexa, baka sa pangawalang pagkakataon ay hindi na.'
***
Pinagmamasdan ni Jin Imperial ang babae sa litrato, walang iba kundi si Alexa Salvador ang anak ni Susana na dati niyang nagugustuhan pero tinanggihan siya nito dahil di siya gusto, kaya pinatay niya ito.
"Alexa!" tawag ko sa pangalan niya, saka inamoy at sininghot na para bang hibang na nakalanghap ng mabango.
'Pagkahibang nga ba o talagang pinagnanasaan ko na siya?' tanong ko mismo sa sarili. 'A lunatic, maybe?' dahil di lang basta siya lunatic, he's obsessed with Alexa kahit pa noong buhay pa si Susana.
Umalis na ako ng secret chamber matapos pagnasaan si Alexa. Maraming babae na ang nagdaan sa kaniya pero ni minsan di siya nagnasa di katulad ni Susana at Alexa.
'Napakaganda mo Alexa Salvador, kung alam mo lang kung gaano ako patay na patay sa'yo.'
Susubukan niya makipaglapit kay Alexa upang makilala na siya nito ngunit sa paraan na di siya matatandaan kung sino siya sa buhay nito.
"Hi babe!" anang babaeng humahaplos sa likuran ko sabay halik sa pisngi, kahit minsan sa mga babae ay di ako nakaramdam ng pagnanasa.
"Do you wanna play with me?"
Di ako umimik pero bilang sagot ay hinalikan ko siya sa labi, sa pisngi, pababa sa leeg at dibdib. Pero nang magtaas ako ng paningin tila isang guniguni, nakita ko kasi si Alexa na siyang kaulayaw ko ngayon at pinangabikan sa kama.
"Babe! Are you okay?" tanong nito.
Tinuloy ko na lang ang naudlot na pagsasanib, bakit ganun? Bakit sa ibang babae ay wala akong naramdaman pero pagdating kay Alexa, mas nakakadama ko ang init.