Chapter 9: Sagutan Ng Ama Sa Anak

"Kung ako sa'yo, kalimutan mo muna ang nangyari kanina dahil.. lalabas tayo at magka-cutting class" aya ni Bettina habang ako ay di pa naka-move on sa pagkapahiya.

"What?! Are you sure na di tayo mahuhuli? Bettina you know that I hate cutting classes" tinaasan ko siya ng kilay, "Alam mo bang first time ko ito gagawin pagkatapos baka masermunan pa ako ni Daddy nito."

"Di ba wala sa Mansyon ang Daddy mo? So puwede tayo mag-enjoy kahit anong gugustuhin natin" sabi naman ni Genny na pabor sa gusto ni Bettina sabay appear sa isa't-isa sa saya.

"Tsk! Okay you win pero saan nga pala tayo pupunta?"

"Kung saan masaya" anang genny at ngumiti nang malawak, sabay yakad sa akin palabas ng college school.

NAGPUNTA SILA SA club 99 at mukhang di maganda ang pakiramdam ni Ashley sa lugar, mukha kasing maraming drug addict kaya medyo di niya alam sa sarili niya kung papasok ba siya o hindi.

Nang makakapasok sana sila ay kailangan pa pala ng maraming tanong sa bouncer, malalaking masel, katawan at nakakatakot ang mukha ng mga ito.

"Nasa 18 years old pataas na ba kayong lahat?" tanong ng bouncer sa kanila, kunot noong pumalung baba pa, sobrang sungit.

"Opo!" sagot ko, umarko pa ang kilay tila di ito naniniwala sa akin, pero syempre di niya masisi ang bouncer dahil nasa 16 years old pa lang ako samantalang sina Genny, Bettina, at Sasha ay nasa 19 at 18 na ang edad.

Sina Genny, Bettina, at Sasha ay mukhang bata dahil sa baby face sila pero siya kahit 16 years old pa lang ay mukhang mas nakakatanda siya dahil siguro sa 6 footer na height niya.

"Bakit di ka naniniwala?" pataray kong tanong sa bouncer.

Sumenyas ang ulo nito na pasok na kami kaya kumilos kami papasok sa club. Sa labas pa lang ay dinig na ang tugtog, sigawan, at kasayahan mas lalo na nang pumasok kami.

Yung iba napapatingin sa amin dahil sa kinis yayamanin, lumapit kami sa mismong bartender at umorder ng wine.

"Order you want ladies?" tanong ng lalaki na bartender sa harapan nila.

"I want Sweet Wine" order ni Genny. "Red Wine for me" order ni Bettina, "Margarita Wine naman sa akin" sabi ni Sasha, napalingon ang tatlo sa akin dahil di pa ako nakakapag-order.

"Ikaw miss?" tanong ng bartender at kumunot noo, guwapo ang bartender at halatang galing sa mahirap na pamilya. Sa sobrang serious ng mukha nito ay parang mukhang galit sa mundo.

"I want Whiskey" tanging sagot ko, pinagbibigay na sa kanila ang mga in-order na wine, ang unang lumagok ay si Genny, sunod si Bettina at Sasha pero pagdating sa akin ay tila gusto ko na umurong at umuwi. Wala na akong pakialam kung sermunan ako ni Daddy, "Ashley!" utag sa akin ng tatlo. Uminom na lang ako na basta basta at di nagtagal ay lango na sila sa alak ng saya, nagsisipag sayaw na sila sa mga kalalakihan na tila nawala sa huwisyo dala ng mabagsik na wine.

"Whooo! Yeah!" gumiling-giling pa ako sa lalaking nakalimutan ko kung anong pangalan nito pero basta, parang nakalimutan ko ang problema ko habang nagsasayaw.

Naramdaman ko na lang na may humaplos sa dibdib ko, sa tindi kilabot at takot na naramdaman ay napaharap ako sabay sampal sa lalaki.

Pak!

"You! F**king bastards don't you dare touch my chest" asik ko sa lalaking may gawa ng kahalayan.

Ang lalaki naman ay tila di naapektuhan sa sampal na inabot, bigla niya akong hinawakan sa pulsuhan at ang isa naman ay likod ko para ihapit ako rito.

"Pakunwari ka pa pero bibigay ka din naman" niligkisan niya ako ng halik sa leeg, nagwala ako sa at pinagbabayo dibdib nito.

"ANO BA?! BITAWAN MO AKO! TULONG.!

Natakasan ako ng katinuaan, espirito ng alak tila nawala dahil sa kapangahasan nito. Kahit laksan ko pa ang boses ko ay wala pa rin dahil sa lakas ng tugtog.

"BITAWAN MO AKO SABI!"

"Ahh!"

Humugot ako ng lakas na tulakin ito at sinipa ang bayag sabay takbo palabas ng club habang ang lalaki ay naiwang nangingiyak sa sakit.

Kahit nais ko mang balikan ang mga kaibigan ko di ko magawa dahil baka maabutan ko ulit ang manyakis na yun.

PAG-UWI KO SA MANSYON, nag-dahan akong lumakad paakyat ng staircase papasok sana sa kuwarto ngunit di pa naman nakakarami ng hakbang ay narinig ko na ang boses ng Ama.

"Saan ka nanggaling, bakit ganitong oras ka na umuwi at gawain ba yan ng isang mag-aaral? lalo pa't babae ka" her father said.

Pinatigas ni Ashley ang anyo niya saka humarap sa ama "what do you care? Ano naman sa'yo?" tila nagulat ang ama sa mga sinabi ko. "Di ba nga mas uunahin mo ang trabaho kaysa sa akin na anak mo, so I will do whatever I want."

"Talagang matigas ka na!" sigaw nito nang akmang tatalikod at aalis.

"Yeah Dad! Because of you, kaya ako nagkakaganito!" lumingon muna ako sa kaniya saka nagsalita, kalakip na panunumbat sa mga sinabi ko.

"Bakit mo ipinupunta sa nakaraan ang usapan, tell me. Bakit mo at ng mga kaibigan ang pinagplanuhang ilagay sa alanganin si Alexa?"

"Alam mo na pala!"

"Natural lang na malalaman ko dahil tumawag sa akin ang teacher mo, dahil sa'yo at sa mga kaibigan mo muntik na mapasama si Alexa Salvador. Ano ba ang kasalanan sa'yo ni Alexa at pinagiinitan mo siya?"

"Unang-una sa lahat. Bakit magkakilala kayong dalawa, pangalawa ay bakit nakikita ko ang close kayo sa isa't-isa, at pangatlo naman ay bakit mo siya binigyan ng trabaho?" Tila na-blangko walang salita sa kaniya.

"Di ko lang basta't kilala si Alexa, kaibigan ko ang Ina niya na patay na."

Natawa ako ng pagak saka nagsalita "so may history pala kayo, you close to her dead mother kaya ganun ka na lang maging caring kay alexa? Bakit ako na ANAK mo, bakit di ka naging caring sa akin?" diniin ko ang salitang anak upang magbigay rito ng sakit at guilt sa ama.

"Magsasagutan na lang ba tayo? Gabi na, go to your room at nang makapagpahinga ka at alam kong amoy alak ka may pasok ka pa bukas" sa huli ay sinunod ko ang ama. Umakyat ako nang tuluyan sa hagdan at pumasok sa kuwarto, umiyak ako sa higaan na ang tanging kayakap ay ang unan.

Narinig kong may kumakatok at inulaal nun si Yaya Delia, saka kinonfrot ako at niyakap upang patahanin.

"Why is he always like that to me, am I his daughter or not?" hikbi pa rin na tanong ko rito.

"Wag mong isipin yan, anak ka niya."

"Pero bakit? Tuluyan na nagbago ang ama ko simula nang mamatay ang Mommy ko."

"Pagod lang siguro ang ama mo galing trabaho" Sabi ng Yaya Delia ko kahit di ako kumbinsido sa sinabi niya.