GABI NA NANG makauwi si Alexa galing sa College University, dumaan ako sa medyo madilim at makipot na eskinita dahil ito lamang ang malapit sa bahay nila. Habang naglalakad ako biglang nag-ring ang phone ko. Kinukuha ko ang phone kaso kailangan ko pang halungkatin nang may mapadaan sa akin sabay bunggo na ikinagulat ko dahilan upang mahulog ang pinakaingat-ingatan kong cp.
"Cellphone ko!"
Akmang pupulutin ko nang tulungan ako ng lalaki, di ko alam kung bakit kinalibutan ako sa pagdantay ng mga kamay naming dalawa. Na para bang di maganda ang pakiramdam ko sa lalaking tumulong sa akin na ibigay ang cp ko.
"Next time tumingin ka sa dinaraanan mo at baka hindi lang cellphone mo ang mawala sa'yo, pati na rin ang buhay mo" bigla akong kinabahan sa sinabi ng lalaki, sa boses pa lang ay nakakatakot na tila nagbibigay ng babala. Di ko gaano makita ang mukha ng lalaki dahil may suot ito ng sumbrero at nakayuko sa akin.
Kahit tumayo ang lalaki ay di ko pa rin makita ang pagmumukha niya sa dilim ng paligid, saka naglakad papalayo nang di lumilingon. Tumayo ako at tinanong ito, "Sino ka? Magpakilala ka! Hoy Mamang lalaki!" huminto at bahagyang lumingon ang lalaki ngunit nakayuko pa rin kaya di ko makikita ang mukha nito, pero isang nakakakilabot na ngisi sa isang lalaki na nagpaatras sa akin dahilan upang kumaripas ng takbo pauwi sa amin.
Pagkapasok ko sa bahay ay agad kong sinarado ang pinto sa sobrang hingal na hingal at pinagpapawisan ako, di ko mapigilan na manginig sa takot at pangamba na baka nandyan pa ang lalaki.
"Alexa Apo bakit ganyan ang itsura mo, bakit parang takot na takot ka?" anang Manang Loleng na lumapit sa akin, masuyo niya hinaplos ang mukha na may pawis para mapunasan.
"W-wala po, w-wala lang po."
"Sigurado ka ba, baka may nangyayari na sa'yo at di mo lang masabi-!" taranta nito, pero pinutol ko.
"Manang Loleng! Okay na po ako."
"Talagang-talaga?" tanong ulit nito na halatang naninigurado.
"Opo okay lang po talaga ako!" sabay tango, napabuntong hininga ito at yumakap nang mahigpit sa akin.
"Hay Apo! Magsabi ka sa akin anytime kapag may gusto kang sabihin sa akin at handa akong makinig sa'yo, nandito ako lagi-lagi dahil kahit kinupkop kita at pinalaki, Apo pa rin kita."
Hinaplos nito ang buhok ko at inipit sa tenga ko, niyakap niya ako ulit.
**************************************
KINABUKASAN NANG papasok sana si Ashley, hinanap niya ang bag sa upuan kung saan iniwan.
"Nasan na yun?" takang tanong ko sa sarili, kahit sa sulok ng kabinet wala. Pagkaraan ng ilang saglit ay napadaan si Yaya Delia at tinanong ko, "Yaya Delia! Nakita niyo po ba yung bag ko? Papasok na kasi ako eh."
"You don't need to" anang Ama niya na nakapamulsang sumulpot sa kung saan, nakapang-american suit ito at mukhang papasok na sa kumpanya.
"What do you mean 'I don't need to" takang tanong ko kumunot noo.
"Nakalimutan mo na ba? Your teacher said, you are suspended 1 week dahil sa ginawa mo sa kapwa mo kay Alexa Salvador."
"What?!" she exclaimed shock and disbelief, natawa ako ng pagak. "Seriously? I've got suspended just because I made a bad things to her, bullshit!"
"Watch your mouth, Ashley!" Dinuro niya ako. "Di kita pinalaki para gumawa ka ng masama sa kapwa, alam ko na nagkulang ako at di naging mabuting ama sa'yo pero itong kasalanan mo. Di ko mapapalampas ito, grounded ka ngayon no allowance and you are not allowed to go with your friends for now."
"Pero Dad!"
Tumalikod na ito at naglakad palayo, 'ano ba pinakain ng Alexa Salvador na iyon sa Daddy ko?' she thought to herself.
"I can't believe this, pinaparusahan niya ba ako just because of that girl?!" kunukumbulsiyo napahilamos ng mukha at nagdabog na umupo sa sofa "damn!"
********************************
"INA!" NAPABALIKWAS NG bangon si Alexa at lakas pa ng boses niya sa kakatawag. "Relax Alexa it's just a nightmare, it won't happen again" I said to myself.
Binangungot na naman ulit siya, lagi niya napaniginipan ang Ina, napanaginip niya na nakikita niya ang Ina na ginagahasa habang nagmamakaawa at umiiyak sa lalaking gumagawa nito sa kaniya. Pero nang bubunot ng baril ang lalaki at babarilin ang nakabulagtang Ina duon siya napasigaw.
"Alexa may bisita ka kaya bumaba ka na ngayon din" pasigaw sabi ni Manang Loleng sa kaniya.
Ginawa ko muna ang daily routine ko sa umaga, ang maghilamos, mag-tooth brush, at magayos ng sarili bago bumaba sa sala at sinilip kung sino ang bisita.
"Mr. Vila Rama, what can I do for you? Why are you here?"
"May nakakalimutan ka yata" anito at tumaas-baba ang kilay nito.
"Nakalimutan ko ang alin?" kumunot noong nagtataka tanong ko.
"Ngayon ang umpisa ng trabaho mo kaya nandito ako upang ihatid ka sa trabaho since kumpanya ko naman iyon eh!"
Biglang nag-flash back sa akin ang pinag-usapan nila sa College University.
"Ho! N-naku wag na po! Nakakahiya po kasi" tanggi ko sabay iling rito.
"Don't be shy, ako ang nag-alok sa'yo ng trabaho kaya tanggapin mo sana."
"Pero Mr. Vila Rama--!"
"Gustavo, call me by my first name from now on" pamumutol nito "okay!"
"Okay! as you want, mapilit ka eh!"
Humalagpak ito sa kakatawa saka nagsalita "paano, hintayin na lang kita sa labas, magayos ka ng sarili mo."
"Di po ba ikaw papasok sa loob para mabigyan ko ikaw ng maiinom?"
"Nah!" iling nito, "Labas na ako, hintayin na lang kita." Sabi nito sabay talikod at naglakad palayo palabas ng bahay nila.
Tapos na nagayos ng sarili si Alexa. Nakaligo, nakapagbihis at nakakain na rin siya, pati na rin pagme-make up sa sarili saka kumain.
Lumabas ako ng bahay at nakita ko si Gustavo sa harap ng bahay nila, pinagtitinginan siya ng mga kapitbahay dahil sa guwapo, yummy, may edad na ay mayaman pa. Tila pinaguusapan sila na akalang may relationship siya sa lalaki.
"Mr. Vila Rama!"
Napalingon siya sa akin at ngumiti nang malawak, di ko alam kung anong pumasok sa isipan ko at sumama ako sa kaniya. Basta ang alam ko ay masaya ako kapag kasama ko si Gustavo.
"Tara!" paanyaya nito, pinasakay niya ako sa mamahaling kotse at pinaandar paalis papuntang trabaho.
"This is you first day of work" anang Gustavo.
"Mr. Vila Ra--" he pointed his index finger to her mouth before she could speak. Electric ang daliri nito, kaya nitong koryentehin ang bawat parte ng katawan ko.
"Gustavo!" tumango lang ako, nagpatuloy na siya sa pag-mamaneho.