NAKARATING NA SILA sa Vila Rama Group of Companies, pagkapasok pa lang nila sa loob ay may mga bumati na rito ng "Good morning Mr. Vila Rama" sapagkat sa mukha ni Gustavo tila sanay na sa ginagawa ng mga empleyado. Bumalik na kasi ito sa pagiging masungit ang mukha.
May mga ngilan na empleyado ay binibigyan siya ng uri, pinagmamasdan mula ulo hangang paa. Ang alam lang nila ay isa ako sa mga babaeng gustong makasilo sa isang Gustavo Vila Rama. Di pa naman nila ako kilala kaya ipapakilala ako ni Gustavo sa lahat.
"Alright everyone please listen! Itigil muna ang mga ginagawa."
Lahat ng mga staffs, iba pang employees, board of directors ay tinigil ang trabaho pagkatapos sabay tumingin kay Gustavo pati na rin sa akin.
"I know that some of the employees and staffs are wondering about sa kasama ko ngayon, di na ako magpaligoy-ligoy pa. I will introduce to all of you, my new assistant Alexa Salvador" pagkasabi nito ay agad niya ako hinawakan sa likod ng balikat.
Napasinghap at nagbulungan ang mga empleyado. Mga iilan ay di sangayon at duda sa kakayahan ko kaya ako na mismo ang sumabi sa sarili ko.
"Alam kong wala pa akong experience sa pagiging assistant. Wala naman sa course ko ang business dahil criminology course ang kinuha ko, pero magagawa ko po ang trabaho siguro po kailangan ko lang po ng training. Matalino naman po ako, siguro ho.. nakikita niyo lang po ang awra ko na baka ganito lang ako pero sana tanggapin niyo po ako. Si sir na rin po ang nagsabi na siya ang CEO ng kumpanya, willing po ako na gawin ang lahat at mag-take the risk para po sa trabaho pati na rin po syempre ang matanggap din ako ng makakatrabaho ko kahit di po iyon kadali. Di po ako mage-expect na magugustuhan niyo ako pero malay niyo na magiging maganda ang kapalaran ko dito."
Napanganga ko silang lahat na tila may paghanga. Yung iba ay nanlaki ang mga mata sa sinabi ko. Before I speak again, Gustavo cleared his throat. "Let's go to see your table."
Umalis kaming dalawa samantalang nagbulungan ang mga staff at iba pang department tungkol sa akin at kay Gustavo.
"Grabe. Haba ng speech" anang kasama ni Hershey.
"Alam mo, parang nahihiwagaan ako sa babaeng yon" banat nag-ngangalang Hershey sa kasamahan.
"Parang may something sa pagitan nila ni Sir Gustavo Vila Rama" banat ng isa.
"Batid kong di siya basta-bastang babae lang."
*********
"THIS WILL BE YOUR TABLE, ngayon" ani ni Gustavo habang naglalakad kami papasok ng magiging opisina ko.
"Thank you for everything but it's too much para lang bigyan mo ako ng ganitong position sa kumpanya Mr. Vila--" he pointed his index finger at my lips to stop.
"Gustavo, please!"
"Pero nandito tayo sa trabaho baka gawin akong topic ng lahat na magiging katrabaho ko" may pag-aalang pakiwari ko.
"Okay! Ganito na lang. Kapag tayo lang dalawa first name basis pero kapag trabaho act like being normal, okay!?"
She nodded, and say yes to him.
********
Tapos na ang working hours ko nang tumawag si Gustavo, sinagot ko ang tawag "hello!"
"Hello Alexa, finish?"
"Yap! Why?"
"Yayain sana kitang lumabas" Sabi ng kausap, nakalabas na ako ng opisina ko sabay tingin sa kaliwa't kanan kung may mga tao pa ba, ngunit walang tao na ikinangiti ko.
"Fine, saan nga pala?"
"Kung saan special."
Pumasok na ako ng elevator at naghintay ng mga ilang saglit, ngunit pagbukas ng elevator ay nakita ko lang naman si Gustavo na nakatayo sa harapan ko at nakaabang sa akin.
"S-sir! Di ko po inaasahang sasalubungan niyo po ako."
"Bakit hindi, eh empleyado naman kita" komento nito sabay ngiti ng maluwang at niyakad niya na ako palabas ng lobby.
*******
"DIBA SI SIR GUSTAVO iyon at saka si.. yung bago, ano kasi pangalan niya?" tanong ng kasama ni Hershey sa kaniya, nanlaki ang mga mata tinitigan ang dalawang lumabas ng kumpanya.
"Alexa Salvador ang ngalan niya" sabi ko.
"Yun! Alexa, grabe pala ang closeness ng dalawa parang mag-jowa."
Pumalatak ang isa pang kaibigan ni Hershey "sigurado lang ako na pera ang habol niya kay sir" at umirap na umiling sa sarili. "Di siya nababagay kay sir."
"At sino naman ang nababagay kay sir, ikaw? Ikaw na hangang ngayon ay never pa niya na-notice?" pambabara ni Hershey rito.
"Ah! Basta di sila bagay" asar na sabi nito, nagdabog na lumayo, mas lalo kami humalakhak. Madali kasi maasar ang kasama nila kapag si Gustavo ang pinag-uusapan.
Ayaw naman niyang nakikita ito na may kasamang iba kasi nagseselos siya.
"Sa totoo lang, ngayon ko lang nakita si sir na nagka-interest sa isang babae" sabi ko.
*********
"BAKIT MO NGA PALA AKO niyaya pala?" pagbabasag ko ng katahimikan, di kasi umiimik ang lalaki tila nauwi sa paglipad ng sa kung saan.
"Huh! Nothing, gusto ko lang ng kasama."
"Ganun ba, pero bakit ako?"
"Ayaw mo ba o sige babawiin ko na lang--" akmang liliko ang daan.
"Uy! Joke lang ito naman di mabiro" pambibiro ko sinabayan ng malutong na tawa."Binibiro lang din kita" natawa na rin.
"Pero bakit nga pala ako why not your daughter and besides, she's your daughter anyway" tila naiba ang timpla nito at humawak ng mahigpit sa manibela.
"Nah! Ashley is not the type of person who does not follow me or anyone else, gusto lang niya ang nasusunod kaya di kami magkasundo sa lahat ng bagay."
"Magkakasundo din kayo balang araw, mag-ama kayo eh!" napalingon ito sa akin saka ngumiti, mukhang naiintindihan nito ang aking sinabi pagkatapos ay pinaandar nito ang sasakyan paalis.
**********
MATAPOS AKO IHATID NI GUSTAVO sa daanan papuntang bahay, nakita ko ulit ang lalaki na nakatayo, this is the same guy na nakita din nung isang gabi at ngayon ay inaabangan niya ako.
'May balak ba siya sa akin?'
"Sino ka ba talaga ha! Bakit mo ako sinusundan?" hasik kong sabi sa lalaki.
Nakasumbrero kasi kaya di ko makita ang mukha ng demonyo na ito.
Bigla na lang ito kumaripas ng takbo na ikinataranta ko kaya napatakbo din ako, ano ba ang balak sa akin ng lalaki at bakit niya ba ako sinusundan kahit saan?