Dali-daling tumakbo papasok sa eskinita si Alexa kasabay ng paglingon ay bigla na lang nawala ang lalaki sa paligid.
Hingal na hingal ako sa kakatakbo at nerbiyos, buti na lang ay malapit na ako sa bahay namin.
"Apo bakit ka na naman hinihingal?" tanong sa akin ni Manang Loleng saka lumapit sa akin "may nangyari ba?"
Huminga muna ako ng malalim at sinabi rito ang naganap kanina. "Nakita mo ba yung itsura nung lalaki?"
"Hindi na naman po, pero kinakabahan po talaga ako Manang Loleng, paano kung may mangyari sa akin masama sa susunod?"
"Di ba mayaman ang boss mo, baka puwede ka niya matulungan."
Napangiwi ako sa suggest niya saka lumingon "nakakahiya po yata na lumapit ako kay sir Gustavo, at saka po marami po siya problem sa kumpaniya at pati sa anak niya."
"Mungkahi ko lang naman pero sige kung ayaw mo ay hindi kita pililitin, ipaghahanda na kita ng makakain at alam kong gutom ka na" tumayo na ito saka pumunta sa kusina.
'Dapat ba ako lumapit kay sir Gustavo?' tanong ng isip ko. 'Sino kaya yung lalaking lagi na lang nakasumbrero'
******
ANG MISTERYOSONG LALAKI na nakatayo pa rn sa tapat ng bahay nila, ngunit isang pala isipan pa rin kung sino ito.
Samantalang ngumisi ito na para bang may pinaplano ulit. "Malapit na tayo magkita Alexa Salvador, nasasabik na akong makita ka" pagkatapos ay umalis na hindi lumilingon.
******
NANAGINIP ULIT SI ALEXA pero this time hindi sa kaniyang ina kundi siya mismo. Pagkat magkamukha sila ng kaniyang ina ay kilala niya mismo kung sino mismo siya.
"Wag tama na!" isang lalaki pilit akong hinuhubaran kahit nagpupumiglas. Bawat bayo ko sa kaniya ay tila isang bakal.
Hindi nakikinig ang lalaki bagkus ay pinaghahalikan pa siya nito.
"Wag niyo po gawin sa akin ito..please po maawa ka!"
"Walang sino man ang puwedeng tumikhim sa'yo kundi ako lamang hahahaha!!!!" sabay haklit ng panty at hinila ako papasok sa kadiliman.
"WAG!!! TAMA NA!" napabangon ako bigla mula sa bangungot, kinabahan ako sa klase ng panaginip. 'Umaga na pala' Sabi ng isip ko.
"Bakit ganun ang panaginip ko?" tila hinang-hina na kinabahan. "Bakit parang totoo?"
"Alexa!" tawag sa kaniya ni Manang Loleng. Bumangon muna ako at nagayos ng sarili.
"Po!"
"Mag-almusal ka na, macaroni spaghetti yung almusal natin."
"Sige po" naghanda na ako ng pagkain kaya mayamaya ay may kumatok.
"Sandali lang!"
Bumalik sa loob si Manang Loleng at tinawag niya ako.
"Alexa may bisita ka" nanlaki ang mga mata ko sa gulat, 'si sir Gustavo yata ang bisita ko ang aga naman.'
"Si Gustavo po?"
"Hindi apo, hindi ko kilala eh! Pero mukhang mabait naman" anang Manang Loleng.
Tumayo ako at lumapit sa pintuan upang buksan ngunit pagkabukas ay nabungaran ko ang isang lalaki.
"Sino---" napahinto ako sa nakita. Isang lalaki Kay laki ng katawan, medyo may edad na ito at kasing edad lang ng boss kong si Gustavo.
Base sa itsura at pananamit nito ay aakalaing mong mayaman, guwapo kahit may edad na pero kinakabahan pa rin ako sa mga tingin niya sa akin.
"A-ano p-pong kailangan nila?" bagamat ay medyo kinakabahan na di ko malaman. Di ko maintindihan ang sarili bakit ba ako natatakot sa presensiya ng lalaki na ito?
"Alexa!"
Medyo di talaga mapalagay ang loob ko sa lalaki. Di ko siya kilala bagamat parang pamilyar sa akin ang preseniya niya. 'Teka paano niya nalaman ang name ko?'
Ang mga titig nito ay anumong nilalagkitan ka ng tingin, yung gusto siyang kainin at tikman in short manyakis ang lalaki kung makatingin mula ulo hangang paa ay tila hinuhubaran ka na.
Ako na ang bumasag ng katahimikan "sir may kailangan po kayo?" natauhan ang lalaki at nawala ang pagkamanyak nito.
"Ikaw ba si Alexa?"
"Ako nga ho, ano po kailangan mo?"
"Ikaw!" bigay diin nito, napahinto ako bigla. 'Ano daw?' tanong ng isip di kasi niya gaano narinig ang sinabi ng kausap kahit kaharap niya lamang ito.
"Pardon, ano po ba ang kailangan mo?!" pang-uulit ko sa kausap, ikinagulat ko na bigla siyang pumasok ng walang pasubalit. Humakbang ito at binunggo ako.
Kumunot noong naiinis ako sa lalaki sapagkat nagawa nitong pumasok sa bahay namin na walang paalam.
"Hey!"
"Maganda naman ang bahay kahit may kalumaan na" komento nito. Kahit pikon, nakuha ko pa rin na magpigil.
"Puwede niyo po ba sabihin sa akin kung sino po ikaw at pumapasok ka sa bahay na hindi mo namang bahay, ano po ba talaga ang kailangan mo?"
Lumapit ito sa akin kaya napaatras ako sabay lunok ng laway. Kinabahan ako sa ginawa niya, sa lapit ng mukha niya sa akin ay di ko na magawang makatakas mula sa kaniya.
Ilang distansiya na lang ay maglalapat na ang labi nito sa akin, buti na lang nakarinig ako ng ilang hakbang ng paa. Naitulak ko siya ng malakas.
"May problema ba Alexa?" napatingin din ito sa bisita ko 'daw.' "Bakit di mo pa patuluyin ang bisita mo Alexa, ikuha mo ng maiinom."
Tumalima ako, bago ako pumunta sa kusina para ikuha ng maiinom ang bisita ko 'daw' ay lumingon muna ako sa lalaki, nakita ko ang ngisi sa mga labi nito.
Di ko maintindihan ang sarili kung bakit ba ako kinakabahan sa lalaking iyon.
Nagtimpla ako ng juice para sa bisita ko, nang matapos ay pumunta ako sa sala para sana sa maiinom ng bisita.
"Sige at makakaasa ka" anang Manang Loleng sa bisita nito, di ko nadinig ang pinag-uusapan nila na ikinataka ko.
"Uuwi na po siya agad?"
"Oo apo!"
Inabot ko ang juice sa kaniya, habang umiinom ay titig na titig sa akin ito. Tumalikod na ang lalaki at naglakad palabas mukhang aalis.
"Ano yun, di man lang magpapaalam? At saka sino po pala yung lalaking yun?"
"Si Jin Imperial yun, in fairness guwapo" animo'y kinilig na ikinailang ko. "Pero alam mo na kaibigan siya ng amo mong si Gustavo."
"Huh! Di ko po alam at saka po wala naman binabanggit si sir Gustavo sa akin tungkol sa lalaking yun" nanlaki ang mga mata sa nalaman.
"Kahit nga din ako nagulat eh! At isa pa Alexa, tutulungan niya daw tayo at dahil kaibigan din daw niya yung boss mo ay sisiguraduhin niyang iaahon niya tayo sa kahirapan."
"Manang Loleng bakit tumanggap kayo ng tulong sa isang lalaking ngayon pa lang natin nakilala?"
Tila nainis sa akin "Alexa alam mo naman na matanda na ako at malapit nang maibaon sa lupa, kaya ako tumanggap ng tulong para may susuporta sa'yo kapag nawala na ako sa mundo. Mahal kita apo kahit kinukop kita sa lansangan ay di naging hadlang yun para ituring kitang apo" nilagay nito ang kamay sa kamay ko at hinaplos yun.
"Sorry po Manang Loleng, mahal din po kita" sabay yakap at napaiyak sa kadramahan, maya-maya pinunasan nila ang mga luha saka nagtawanan.
"Apo!"
"Manang Loleng naman eh nakakadala kayo ng kadramahan, mahilig yata kayo manood ng Korean drama?"
"Syempre apo nakakaiyak kaya" sabay tawa ulit "tama na ang drama na natin papasok pa ako sa College University."
"Oh siya sige" nagsipag kilos na sila para makapasok sa school at sa hapon may trabaho siya.
Pero ang di alam ni Alexa na nagmamasid si Jin Imperial sa dalaga, malapit na ang inaasam upang makalapit sa kaniya
"Magiging akin ka rin Alexa Salvador, akin lang!" mga sinambit sabay sarado ng bintana ng kotse. Nakasakay siya magarang kotse kulay itim saka pinaandar paalis.