"Sa bagong bayan, o mas kilala ngayon bilang 'Rizal/Luneta Park' binaril si Dr. Jose Rizal"
Ewan ko ba kung bakit wala akong kaamor-amor sa History, bakit ba kasi kailangan pa nating balikan ang nakaraan? Eh pwede naman nating pagplanuhan ang hinaharap? Bakit mas nagfofocus ang mga tao ngayon sa nakaraan? Bakit ba ayaw nilang isipin at dun nalang magfocus sa hinaharap.
Hindi ako hater ng mga bayani natin, in fact bilib ako sa kanila pero nasa past life na sila at mula ata elementary ay naturo na sila. Ano pang use? Babalik lang tayo ng babalik, kaya hindi tayo naunlad 'e.
"Okay, class dismissed. Wag kalimutan ang pinapahanap ko sa inyong painting, print out ang need ko and nakafolder"
Pahabol pa ng prof namin sa history class, napabuntong hininga naman ako. Paano ba naman isang painting ng lalaking nakatalikod ang pinapahanap nito sa amin, at galing na mismo sa kanya na mahirap itong hanapin dahil ito daw ay nawawala, kung sila hindi mahanap paano pa kaya kaming mga estudyante lang diba?
"Tina una na ako ha?" Paalam ng isa kong classmate tumango naman ako dito at tuluyan na itong umalis, ako naman ay nag ayos muna ng gamit bago tuluyang lisanin ang classroom namin para sa history subject.
Saan ko naman kaya mahahanap yung painting na yun? Library kaya? Try ko maghanap sa mga libro? Or sa computer room? Try ko dun magsearch?
Dito sa computer room halos baliktarin kona ata si Google wala paring nalabas, si Brainly na kakampi ng mga estudyante natry ko na rin pero wala. Muntik na ngang magkabirus itong computer na gamit ko kakahanap eh wala parin, ang daming sites na ang nabuksan ko pero wala. Huli kong pinuntahan ang library pero nabigo ako, nang tinanong ko sa librarian ay sinimangutan lang ako nito.
Saan koba mahahanap ang painting na iyon? Pagtingin ko sa aking orasan 3 na pala ng hapon pero hindi pa ako nagtatanghalian kaya napagpasyahan kong lumabas na muna ng campus at sa isang fastfood nalang kumain.
Akmang papasok na sana ako ng isang fastfood chain ng mahagip ng mata ko ang isang matandang babae na may kadungisan. Pinapalayas ito dahil nasa magpinto ito ng isang shop, natagpuan ko nalamang ang sarili ko na lumalapit duon.
"Layas! Lumayas ka! Nadidiri ang mga costumer ko sa iyo ang dungis-dungis mo!" Paninigaw ng isang parlorista dito. Nakikita ko namang papaiyak na si Lola at nasasaktan ito sa paghila sa kanya.
"Excuse me po, ako na pong bahala" pangingialam ko, tinignan naman ako ng masama ng parlorista bago ito umirap at pumasok sa shop.
"La? Ayos lang po ba kayo. Tara po tayo na kayo" inalalayan ko ito sa pagtayo. Dumantay sa akin ang kulubot nitong mga kamay, tanda ng kanyang katandaan.
"Salamat ineng, alam kong pagmamalabis na kung hihingi pa ako ng pagkain pero ako ay nagugutom na talaga" wika nito at hinimas pa ang tiyan, nginitian ko nalamang ito at inaya sa fastfood chain na dapat ay papasukan ko kanina.
Nagtinginan ang mga tao sa amin na para bang sinasabi nila na bakit pumasok kami dito, pero ano bang pakealam nila? Kaya rin naman naming kumain at magbayad dito. Ito ang mga masasama sa tao ngayon eh, yung mga mapanghusga nilang mata na kahit hindi sila magsalita ang mga mata na nila ang nagsasabi at nagpapahiwatig sayo ng salitang gustong sabihin ng kanilang mga bibig.
"Upo ka po muna dito, oorder lang ako wag kapong aalis ha?" Bilin ko dito at akmang tatalikod na ng hawakan nito ang aking kamay.
"Ineng, napakabait mo. Maraming salamat" ngiti lamang ang sinagot ko sa matanda at uanlis na para magorder.
Ilang minuto lang naman ay nakabalik na ako kay Lola, nakangiti ito habang pinagmamasyadan akong papalapit sa kanya.
"Simpleng pagkain lang naman ang hiningi ko pero ito ang binigay mo. Maraming salamat ineng pinatunayan mo na sa panahon palang ito ay may mga taong mabubuti pa ang puso" wika nito ulit bago kumain ng inorder ko para sa kanya.
Sa saglit na panahon ay nagawa naming magkwentuhan tungkol sa buhay ni Lola at minsan na rin sa pagaaral ko. Nalaman ko na wala na palang kamaganak si Lola pero meron daw syang maliit na bahay na tinutuluyan, naanduon daw sya kanina para sana mamalimos upanh kanyang pangkain.
"La, ayos lang po ba na iwan na talaga kita dito? Ihatid na po kaya kita?" Pagtatanong ko ulit dito. Umiling lang ito at ngumiti, may kinuha ito sa kanyang bulsa na isang papel at inabot sa akin.
"Ineng, ito hanapin mo ang lugar na iyan makakatulong ito sayo. Salamat ulit sa iyong tulong" wika nito at naglakad na paalis. Napatitig naman ako sa papel na binigay nya, isa itong antique shop. Ano naman kaya ang gagawin ko dito, akmang magtatanong pa sana ako ng makita kong wala na at hindi na mahagip ng paningin ko si Lola, nasaan na sya?