Kabanata 2

Susuko na ba ako o maghahanap parin ako? Hayst! Hindi kona alam saan koba pwedeng mahanap yung painting na iyon.

Lara: Ghurl! Nahanap mona? Suko nakoooo

Si Lara sumuko na pero ako ewan ko pa. Nakakaano naman kasi saan ko naman yun mahahanap. Kinapo ko ang cellphone ko pero ang nakapa ko ay ang maliit na papel na binigay ni Lola kanina.

Anne-tique Shop

Anne-tique shop? Meron ba nito sa intramuros, alam ko wala eh kasi nung huling punta ko duon wala naman akong nakitang antique shop, pero medyo matagal narin ng magawi ako sa lugar na yun. Pupuntahan kopaba? 4 na ng hapon eh. Pero isang jeep lang naman naanduon na ako, saka antique shop baka may mga libro dito na naglalaman ng kahit larawan nung painting.

Dali-daling nagpara ako ng jeep, mahirap na baka gabihin pa ako eh. Mahirap na kasi ngayong maabutan ng gabi sa kalye, iba na ang panahon ngayon uso na ang mga krimen.

Ilang minuto lang ay nakarating na ako, at sakto pa nga kasi pagbaba ko saktong anduon ang antique shop. Nagdalawang isip ako kung papasok ako o ano kasi parang nakakatakot dito, pero hindi naman ako hilo na nagsayang ng pamasahe para sa wala.

Tumunog ang pintong gawa sa kahoy ng ito'y itulak ko para ako ay makapasok. Sumalubong sa akin ang isang matandang babae, puti na ang buhok nito. Nakasalamin at may hawak an tungkod.

"Maligayang pagdating sa aking antique shop iha, bibihira lang ang makapadpad sa lugar na ito" nakangiting salibong nito sa akin.

"Magandang hapon po, may nagbigay po ng address ng antique shop nyo sa aki kaya kopo ito natagpuan, bago lang poba kayo dito? Umm i mean po ngayon kolang po kasi narinig yung shop nyo po sorry po" mahabang salaysay ko, miski kelan talaga hindi ko mapigil ang bunganga ko sa pagdaldal.

Tumawa ito ng mahina, bago ako hinawakan sa aking kamay.

"Halika dito, ano ba ang iyong hinahanap? Baka meron kami dito" napangiti naman ako dito.

"Meron po ba kayong aklat patungkol sa painting ni J. Queras yung lalaking nakatalikof po na painting, kailangan po kasi namin nun project lang po. Alam nyopo ba ang itsura nun? Wala po kasing pinakitang larawan ang prof namin"

"Ay iha iyon ba? Sige hanapin ko muna. Maiwan muna kita dito, pwede kang maglibot-libot muna. Panatag naman ang loob ko sayo Iha" pagkatapos ay lumakad na ito papunta sa kanang direksyon.

Hindi ako mahilig sa mga antigong bagay, pero wala akong magawa kundi magikot ikot dito, kesa naman umupo lang ako habang naghihintay.

May lumang orasan akong nakita, may ilang painting din na nakasabit sa pader, may mga iilang bookshelf din. Music box lumang mga pigurin at kung ano-ano pa, pero ang nakaagaw ng pansin ko ay ang madilim na sulok. Tanging yun kasi ang walang ilaw.

Dahil sa kuryosidad ko, pumunta ako sa dakong yun, hindi naman ako takot sa dilim pero bakit palamig ng palamig habang palapit ako ng palapit? Unti-unti kong naaaninag ang frame, may painting din pala. Pero bakit sa halos lahat ng painting ito ang wala manlang ilaw.

Kinapa ko ang aking cellphone sa bulsa, hindi naman siguro masama kung iilawan ko ito diba?

Nang tuluyan ko itong mailawan, nakita ko ang painting ng isang lalaking nakatakilod, nakatalikod ito kaya hindi ko makita ang kanyang mukha ngunit base sa likod nya matipuno ito dahil sa laki ng kanyang pangangatawan, tanging ang likod lang nglalaki ang nasa painting ang background nun ay green bago wala na. Napakasimple naman.

"Iha"

"AY JUSQ PO!" Napatalon pa ako sa gulat ng tawagin ako ni Lola.

"Pasensya na Iha nagulat kita, pasensya natin pero wala ako ng iyong hinahan—" naputol ang sasabihin nito ng mapatitig sya sa painting.

"Pa-paano mo ito nakita?" Tanong nito, sinabi ko naman na nacurious ako dahil ito lang ang madilim na parte ng kanyang antique shop.

"Ito ang pinakamalapit sa hinahanap po, ang painting ng lalaking nakatalikod ni J. Queras" saad ni Lola napabalik naman ang tingin ko sa painting, ito na yun? Pinakamalapit so replika lang siguro ito.

"Ito po ay replika Lola?" Pagtatanong ko, tumango lang naman ito sa akin.

"Pwede kopo bang kunan ng larawan, magbabayad naman po ako" kailangan ko kasi talaga ito para sa project.

"Kinalulungkot ko, pero hindi pwede Iha, kung gusto mo kunin mo nalang ang painting na ito" nagtatakha kong binalingan si Lola, kunin? As in iuwi?

"Magkano naman po kaya ang painting na ito Lola?" Nahihiyang tanong ko, feeling ko ang mahal nito kasi kahit replika ito ay mahalaga parin ituh saka painting to eh.

"May iuutos lamang ako sayo, kapag yun ay nasunod mo saiyo na iyan" wika nito bago ngimiti, at nagsimulang maglakad. Ha? For free?

"Totoo po? Hala! Ano po ba yung ipaguutos nyopo?" Mabilis na tanong ko matapos sumunod kay Lola mahirap na baka magbago pa ang isip nito.

"Nakikita mo ba iyang flower shop sa kabilang kalsada? Ibili mo naman ako ng isang bungkos ng tulips" sambit nito, sabay bigay ng 300 pesos.

"Sige poo, bibili na akooo" sabi ko dito at lumabas na ng antique shop, mabilis naman akong nakabili ng ng tulip at agad akong pumasok sa antique shop.

"Ikaw ba yung kukuha ng painting ng lalaking nakatalikod? Binilin aa akin ni Lola natulog na kasi sya" sabi ng isang medyo mag edad ng babae tumango naman ako dito at ngumiti. Inabot nito sa akin ang isang square na bagay nakabalot na pala ang painting sa papel.

"Ito na, ingatan mo yan ha! Hanggang sa uulitin. Salamat sa pagbisita Celestina" wika nito bago ako tuluyang makalabas ng Antique shop.

Pero ang pinagtataka ko, bakit nalaman nya ang pangalan ko gayong hindi ko naman binanggit dito?