"How dare you! You slut! I've trust you!" galit at maiyak na si Mam Cornelia sabay sampal sa akin ng pagkalakas lakas.
Nabuwal ako sa lakas ng sampal ni Mam Cornelia at kulang na lang ay mabundol ang tiyan ko sa dulo ng lamesa pasalamat at nakaiwas ako pero dama ko ang hilo.
Sumugod siya sa EGC at walang sabi sabing gumawa ng malaking gulong ito. Nag-aalala ako para sa baby. Parang gusto ko na lang umiyak.
Nagdasal na ata ako sa lahat ng mga santo para lang maligtas kami ni baby.
"Cornelia Marie Dechamps!! Don't you dare hurt my wife!!!"
Dumagundong ang malakas na boses ni Stefan sa silid kasabay ang tili ng ibang empleyado ng kumpanya ni Stefan.
Nananaginip na ata ako sa lagay na ito.
Bakit dadagundong ang boses ni Stefan dito eh wala nga yong pakielam!
"Let go of me you bastard! Isa ka pa! Sabi mo you'll wait! But heck kagaya ka rin pala ng iba!! Bilog na bilog na ba ang utak mo ng malanding iyan na nakuha pang magpabuntis---"
*pak
"H-how dare y--you're not my Rad anymore. I don't know you anymore! I hate you! Magsama kayo ng malanding yan!! Hinding hindi na kita kilala!" mangiyak ngiyak na si Mam Cornelia.
"Ayokong magbuhat ng kamay dahil hindi ko gawain yon at ni minsan hindi ko napagbuhatan ng kamay si Scorches pero sinagad mo talaga ako Cornelia. Salamat sa paglabas ng totoo mong ugali. Mabuti na lang pala at nabuntis ko si Scorches at nagkaanak na kami kesa sa ganitong ni hindi ko man lang alam na may ugali kang ganito sa ilang taon din nating relasyon. Makakaalis ka na"
Hindi ako nananaginip!
Totoong andito si Stefan at heto nga siya! Kasalukuyang umaalalay sa akin na may pag-aalala sa mukha at nagtanong pa sa akin kung nasaktan ba ako o hindi.
"You'll regret this Stefan Conrad Gioccondo! You'll regret trashing me and choosing that slut of a bitch over me!!"
And with that, umalis na siya.
Tuluyang nagbunyi ang kalooban ko pero nakita ko ang pagdaan ng lungkot sa mga mata ni Stefan lalo na ang pagdaan ng pait at regret sa mga mata niya sa paglabas ni Cornelia.
Nadurog na naman ang puso ko.
Akala ko nanalo na ako at ako na.
Hindi pa din pala.
Si Cornelia Marie Dechamps pa din
pala sa kabila ng masaakit na panghuhusga niya sa pagkatao ko at sa panghahamak niya sa kung ano mang meron sa amin ni Stefan.
Sino nga ba ako?
Ako lang naman ang asawa niya sa papel pero hindi sa puso niya.
Oo maaring hawak ko siya at tali na siya sa akin, buong siya pero never sa puso niya. Nasa kamay pa din ito ng kalalabas lang na Cornelia Marie sa opisinang ito.
Masakit at nakakalungkot pero ang namamagitan lang naman talaga sa amin ni Stefan ay dahil lang sa anak namin na si Constantine Rosh Gioccondo at ng two weeks baby namin.
Na hanggang ngayon ay hindi pa niya alam.
"Damn Scorches, honey, are you alright?" nakatitig na siya sa akin balot ng pag-aalala ang mukha.
Shit ang gwapo talaga ng asawa ko... Mamimiss ko ang kagwapuhan mo.
"Hhmm" maliit na ngiti ko sa kanya sabay ng konting tango tango.
"Iuuwi na kita. Si Stan sinundo ko na mula sa school napasugod ako dito dahil..." dahil nagbanta si Cornelia na ganito nga ang gagawin niya. Dahil once again, nakipagkita ka sa kanya at niloko mo na naman ako ng paulit ulit.
"Okay lang. Ihatid mo na lang kami ni Stan sa bahay, alam kong may pasok ka pa at babalik ka pa sa kumpanya" pinilit kong panormalin ang boses ko.
Sinikap kong hindi pumiyok ang boses ko at nagawa ko naman. At siyempre, the usual, parang wala lang naman sa kanya.
Kasi sa limang taon nating pagsasama manhid ka pa rin.
Bulag na bulag ka pa rin sa first love mo.
Kay Cornelia Marie DeChamps na great love mo.
Ang hirap talunin ng first love... nakakapagod, nakakasakit.
I loved you Sir Stefan Conrad Gioccondo, but, I'll leave you now. I love you that's why I'm giving you up and letting you go now. Please be happy with Cornelia. I'm setting you free now.
***
Pagod na bumaba ako ng sasakyan. Kataka-taka na wala man lang sumalubong sa akin ngayon.
Parang wala ding tao ang buong kabahayan. Hindi ko alam pero nagsimulang pasukin ng kaba ang puso ko.
Dali kong binuksan ang gate na nakakandado din at daling pumasok sa loob. Una kong tinakbo ang hagdan papuntang kwarto namin.
Walang lamang damit!
Sa kwarto ni Stefan ganun din.
Damn! A-ang pamilya ko!
6 years later...
"Inay! Hahahaha si Kuya!"
Nakangiting nilabas ko ang makukulit kong mga anak sa labas ng bahay. Natigil ang sa ere ang ngiti ko ng makita ko ang titig ng isang pamilyar na lalaki sa anak kong si Slade Feral Gioccondo at ang pakikipagpalitan niya ng titig sa anak kong si Stan na umigting ang panga.
"S-scorches... andito na ako, n-nakabalik na ako!" pumipiyok ang boses niya at isa-isang nag-unahang pumatak ang luha niya.
"Wala kang kwentang ama! Lumayas ka na at bumalik ka na sa pinaggalingan mo!" galit na sigaw ni Stan na kumuyom ang kamay.
"Stan! Tatay mo pa rin siya!" nanahimik si Stan. Natauhan at piniling tumingin sa malayo.
"Inay sino siya?" litong tanong ng six years old kong si Slade.
"Anak, diba sabi mo, gusto mong makilala ang tatay?" naiiyak ko na ding panimula sa anak ko.
Tuluyang nakalapit si Stefan sa amin at niyakap ng pagkahigpit higpit si Slade na nalilitong nakatingin lang sa akin.
"Slade... si Tatay Stefan mo" sabi ko at naiyak na habang nakatingin kay Stefan na umiiyak at sinisisi ang sarili.
Umiiyak na din si Slade at paulit ulit na binabanggit ang salitang tatay ng lumapit siya sa akin at niyakap ako ng pagkahigpit higpit.
It's time to forgive and forget.