Chapter theme: My Sacrifice - The Creed
"Baka talaga meant to be kayo ni Gab, kaya lagi na lang kayong pinagtatagpo ng tadhana?"
Nilingon ako ni Danika na parang humihingi ng confirmation from me na sumasang-ayon ako sa sinabi niya but I just shook my head drastically.
Matagal din kaming hindi nakapag-hang out together kaya nandito siya sa bahay. Kinuwento ko sa kanya ang lahat ng mga ganap ko sa buhay. As in lahat, lahat. Walang labis, walang kulang.
"Matagal ng tapos ang chapter namin ni Gab," I replied. Danika just look at me flatly.
Nagfocus na lang ulit ako sa movie na pinapanuod namin kaysa makinig sa kanya. I Gave To You My First Love ang title ng pinapanuod namin. It's Sunday kaya pahinga kaming lahat at movie marathon ang inaatupag.
Nakaupo kami sa pahabang sofa sa sala habang nakapatong ang mga paa namin ni Danika sa center table. May hawak-hawak din akong isang box ng tissue dahil nakakaiyak daw ang movie na 'to.
"Malay mo naman no! And kung ako naman talaga ang tatanungin, hindi naman talaga natapos ang story niyong dalawa ni Gabriel. Kumbaga, nagkaroon lang ng circumstances kaya kailangan niyong ihinto," giit niya pa.
Akala ko titigil na siya kapag hindi ko na siya kinibo pero nagpatuloy pa din siya sa pagdaldal niya.
"Basta, feeling ko talaga tinadhana kayong dalawa. Nananalig ako na sa huli kayo pa rin talaga ni Gabr---- Aray naman, kuya Mike!"
Nagulat kami nang biglang sumulpot si kuya mula sa likuran namin at mahinang binatukan si Danika.
"Ikaw, huwag mo ngang binibigyan ng false hope ang kapatid ko. Kapag tapos na, tapos na. Hindi tadhana ang dahilan kung bakit madalas magtagpo ang landas nila ng kumag na 'yon. Sadyang maliit lang talaga ang city na 'to kaya posible talagang magkasalubong sila sa daan. Tadhana, tadhana ka pang nalalaman, walang ganun! Tsaka may girlriend na yung tao." Mahabang litanya ni kuya. Si Danika naman nagme-make face lang sa kanya.
"First love never dies pa rin!" pakikipagtalo pa ng bestfriend ko. Pinandilatan tuloy siya ni kuya pero binelatan niya lang ito. Natatawa talaga ko sa kanila.
Kanina pa ata nasa likod namin si kuya dahil narinig niya ang mga pinag-usapan namin ni Danika. Kasama niya si Jules. Mukhang katatapos lang nila magbasketball diyan sa labas dahil para na silang naliligo sa sarili nilang pawis. Basang basa na ang suot nilang jersey.
"Babe!" Tumabi si Jules kay Danika para magpapunas ng pawis pero lumipat naman ito ng upuan.
"Huwag kang tatabi sa akin! Amoy pawis ka!" tili niya. Hindi naman nagpatinag si Jules, lumapit pa rin siya sa girlfriend niya.
"Mabango ko, babe. Amuyin mo pa!" nakakalokong saad pa ni Jules. Halos mabulabog ang buong kabahayan nang ubod lakas na sumigaw-sigaw si Danika. Niyakap kasi siya ni Jules.
"Aaaah! Lumayo kaaaa! Basang-basa ka kaya. Kadiriiiiii!"
Hindi ko na maintindihan ang pinapanuod ko dahil puro tili na lang ni Danika ang naririnig ko. Si kuya naman tawa lang nang tawa. Hindi pa siya nakuntento, kinuha niya ang phone niya para video-han yung dalawa na ngayon ay parang nag-wrewrestling na. Para talagang baliw ang mga ito. Bagay na bagay sila.
*****
Ang ingay-ingay nila Danika at Jules habang kumakain kami ng pizza sa dining area. Gusto ko nang pasakan ng pizza na binudburan ng hot sauce ang mga bunganga nila para manahimik na sila. Mabuti na lang wala pa si mommy, kundi baka napalayas na niya 'tong dalawa sa bahay.
Si kuya naman umalis muna dahil popormahan niya daw ang crush niya. Hindi naman niya sinabi kung sino. Finally, mukhang magkaka-girlfriend na ata siya.
"Hoy, Kels! Bakit hindi ka kumakain? Ayaw mo ba ng pizza?" tanong ni Danika sa akin nang mapansin na pinapanuod ko lang silang dalawa ni Jules.
"Baka ayaw niya ng flavor! Sabi ko kasi sa'yo, hawaiian na lang orderin natin," sabat naman ni Jules. Sinabunutan lang siya ng girlfriend niya.
Napatingin naman ako sa mga pizza na nasa harap ko. Isang pepperoni, BBQ Chicken at meat lovers.
"Ayaw mo ba? Eh favorite mo pizza kahit anong flavor pa yan, bakit di ka kumakain?" puna pa ni Danika.
I shrugged. "Busog pa ako."
Mukhang masasarap naman yung pizza na nasa harap ko pero bigla akong nawalan ng gana.
Pinaningkitan ako ng mata ni Danika. Kumuha muna siya ulit ng isang slice ng pizza habang hindi inaalis ang tingin niya sa akin. Parang pinag-aaralan niya ang mukha ko.
"Busog? Eh kaninang tanghali pa ata yung kinain natin?"
"Paano, binanggit mo kasi si Gabriel kanina. Ayan tuloy, nawalan ng gana si Kelly," paninisi naman ni Jules. Sinamaan lang siya ng tingin ni Danika bago agawin yung isang box ng pizza sa harap niya.
"Huwag kang hihingi ha! Akin na 'to lahat!" singhal ni Danika.
"Babe naman! Ako kaya nagbayad niyan!" reklamo ni Jules. Napakamot na lang siya sa batok niya. Kulit talaga.
"Si Brix pala? Bakit hindi nagpapakita 'yon?" pag-iiba ni Danika ng usapan. Pasimpleng hinila naman ni Jules pabalik sa kanya yung isang box ng pizza. Para silang mga bata.
Huling nagkita kami ni Brix nung anniversary pa ng parents niya. Pero madalas naman siyang nagtetext at tumatawag sa akin para mangamusta.
"Busy sa ospital. Alam mo naman 'yon. Hindi uso pahinga doon," sagot ko.
"Napaka-magiting talaga niyan si Brix, kulang na lang patayuan ko na ng rebulto 'yan. Sabihin mo, huwag siyang puro trabaho," sambit ni Danika.
"Nililigawan ka na ba ni Brix?" Jules asked all of a sudden. Mabuti na lang wala akong kinakain kundi baka nabulunan na ko. Not on Danika's case though, kulang na lang iluwa niya yung kinakain niyang pizza.
"Ano bang klaseng tanong yan?!" bulyaw ni Danika sa boyfriend niya.
"Bakit? Hindi niyo pa rin ba gets? Tagal-tagal na nating magkakaibigan, hindi niyo pa rin nahahalata. Eh ako nga, basang-basa ko 'yon si parekoy kahit walang sabihin. Gusto ka nun, Kelly. Walang halong joke."
Hindi makapaniwalang napatitig lang ako kay Jules. "Si Brix? May gusto sa akin? Eh parang magkapatid na kami nun."
"Aray naman. Kapatid-zoned si parekoy. Tsk! Tsk!"
"Kumain ka na nga! Puro non-sense na sinasabi mo," sigaw ulit ni Danika. Gigil siyang pinasakan ng pizza sa bunganga si Jules.
"Hindi non-sense 'yon! It's a fact!" giit pa ni Jules kahit ngumunguya.
Si Brix? Gusto ako? Napailing-iling ako.
Sana hindi, dahil hindi ko alam kung kaya kong masuklian ang nararamdaman niya. Hindi ko deserved ang kahit na sino. Baka sa bandang huli, masaktan ko lang siya.
And I can't afford to lose someone like him in my life.
*****
Third Person's POV
"Are you heading out tonight?" Stella asked with a raised eyebrow. Ka-video call niya ang boyfriend niya. She noticed that he's wearing a plain long sleeves, rolled up to his arms and a khaki chinos. Mukhang bihis na bihis ito.
"Will head out for a few drinks with Smith and Thao," matipid na sagot ni Gab na tuktok lamang ang mata sa daan habang nagmamaneho.
"Where? Sasama ko. Sunduin mo ko."
"Eclipse. And no, hindi ka pwede sumama."
"Bakit hindi pwede? Baka mamaya mambabae yang mga kaibigan mo dun, tapos idamay ka pa," pagpipilit ni Stella.
"Please, Stella? Wala ka bang tiwala sa akin?" tila naiiritang tanong ni Gab.
Napakagat na lang sa ibabang bahagi ng labi niya si Stella nang makita ang pagseseryoso ng mukha ng boyfriend. Halos magsalubong na rin ang dalawang kilay nito. Gusto niya sanang pigilan si Gabriel na umalis pero baka pagtalunan lang nila ito.
She don't want to do or say something that will make him upset. Nitong mga nakaraang araw kasi, napapadalas na ang pagtatalo nila.
"Umuwi ka na lang agad. Huwag kang uminom masyado," bilin niya.
Tumango lang si Gabriel. "Alis na ko. Talk to you later."
"Okay, hon. I love----" Bago pa man matapos ni Stella ang sasabihin niya, binabaan na siya ni Gabriel.
Napapadyak na lang siya sa inis at binato ang i-phone niya sa malambot niyang kama.
Gabriel on the other hand drove his chevrolet spark at the long highway of Sunny Ville. Nang matapos ang tawag ni Stella, he turned on the audio of his car. Rock music instantly blast through the speakers.
My Sacrifice by The Creed was playing. Hindi na niya namalayan na napapangiti na pala siya habang kumakanta.
Naalala niya na paborito niya ito at ni Brix noong highschool sila. Hinding hindi mawawala ang kantang 'to sa mga mp3 nila. Nag-jajamming pa silang dalawa sa gitara. Those were the days.
Pero nang muli niyang maalala ang panloloko sa kanya ng kaibigan, mabilis ding naglaho ang ngiti niya sa labi. Pinatay niya ang tugtog sa kotse niya at nagfocus na lang sa pagmamaneho.
Hindi niya akalain na ang matatag nilang pagkakaibigan ay masisira lamang dahil sa isang babae. Kung alam niya lang, hindi na sana siya nagtiwala pa kay Brix.
Hindi na niya sana pinilit ito na mag-enroll noon sa university na pinapasukan niya. Hindi na sana nito makikilala pa si Kelly. Baka hindi sana siya nasaktan at naloko noon. Kasalanan niya rin naman ang nangyari. Siya rin naman ang naglapit sa dalawa.
Napahigpit ang hawak ni Gabriel sa manibela nang muling sumagi sa isipan niya ang mga sinabi ni Brix sa kanya noong kinausap siya nito noong nakaraan.
"Sana kapag nalaman mo ang totoo, mapanindigan mo ang sinabi mo. Pero kung dumating man ang araw na mamulat ka sa katotohanan, kahit ikaw pa rin ang mahal ni Kelly, hinding-hindi ko na siya ibabalik sa'yo."
Marahas siyang napailing. Hindi na niya dapat pagtuunan pa sila ng pansin. Hindi na dapat siya maapektuhan pa. Wala na siyang ibang nararamdaman kundi galit para sa dalawang taong nanloko sa kanya at pinagmukha siyang tanga.
He wont let his walls down again.
Pagkalipas ng ilan pang minuto, habang pilit na tinataboy ni Gab sa isip niya ang mga nangyari noon, hindi na niya namalayan na nakarating na pala siya sa Eclipse.
Gabriel parked the car and went inside the bar. Agad hinanap ng mata niya ang mga kaibigan. He immediately ran on their side when he saw them at the bar counter.
"Yo!" tinapik ni Gabriel ang isang lalaking naka-checkered polo.
"Hey, Gab! Men! Glad that you came!" Thao greeted. He's a Vietnamese and friends with Gab for two years. Kaklase niya rin ito sa U.S noong 4th year college.
Thao stood up and raise his fist for a fist bump which Gab casually ignored. He's not fond of those kind of greetings.
Nilingon din si Gab ng isang lalaki na blonde ang buhok na nakaupo sa counter. Namumungay na ang kulay green na mga mata nito, halatang nakainom na.
"Hey, Smith! 'Sup?"
Ngumiti lang si Smith at nagthumbs up kay Gabriel. Lasing na nga ata.
"Nakarami na agad kayo?" tanong niya. Napansin niya ang isang malaking bote ng brandy sa bar counter. Nakakalahati na nila ang laman nito.
"Tagal mo eh!" sagot pa ni Thao. Mapagkakamalan na itong Pinoy dahil sa galing nito magtagalog.
"Mabuti pa akyat na tayo sa taas. Sa VIP room tayo. Baka dito pa magkalat yan," turo ni Thao sa Amboy nilang kaibigan.
"Atleast *hik* h-hindi ako naghahamon *hik* ng away hindi gaya...Gab!" sinisinok na sambit ni Smith. Maya maya pa ay para itong baliw na tumatawa.
"H-Hano? S-Shuntu..kan!" pagwawala pa nito. Parang gustong sikmuraan na lang ni Thao ang kaibigan. Nawala sa isip niya na mahina nga pala ito sa inuman. Si Gabriel naman pasimpleng tumatawa lang sa isang tabi.
"Ano, pre? Tatawa ka na lang diyan?" iritadong sambit ni Thao. Para na kasing sawa kung makalingkis na sa kanya si Smith. Napakalaking-tao pa naman. Mas matangkad sa kanya ng ilang pulgada.
Magkatulong sina Gabriel at Thao na inalalayan si Smith papunta sa second floor. Nang makapasok sila sa VIP room, inihiga na lang nila si Smith sa kulay blue na sofa. Pagkatapos umorder na ulit ng bagong iinumin at pulutan.
One on one sila.
"Kamusta ka pala? Balita ko kababalik mo palang ng U.S may sinuntok ka daw agad dito? 'Yon ata yung binabanggit ni Smith kanina," natatawang saad ni Thao bago lumagok ng brandy.
Nagkibit-balikat na lang si Gab. "Wala 'yon. May binastos lang yung lalaki kaya tinuruan ko ng leksyon?"
"And since when did you care? Sa pagkakakilala ko sa'yo, you're not the type of person who stick his nose on other people's business," usisa pa ni Thao.
Gabriel is nonchalant type. Kahit nga may magbugbugan sa harap niya, hindi nito ugaling makialam. Kilala niya itong walang pake sa lahat ng bagay, maliban sa mga importanteng tao sa buhay niya. He knows that his friend has a deep scar in his heart, and he badly wants to know what makes him turned that way. Cold like an ice.
'Pero hindi siya ibang tao, she's your first love,' bulong ng isang bahagi ng isipan ni Gabriel.
Dinala siya nito sa gabing unang beses niyang nakita ulit si Kelly paglipas ng apat na taon. Dito rin mismo sa bar na 'to.
Hindi niya akalain na sa dami ng lugar, dito pa talaga ulit magtatagpo amg landas nila ni Kelly.
It was an unexpected time and awkward situation. He's with Smith that time. He just want to chill but then he saw Kelly.
Wala naman na talaga siyang pake dito, pero nang makita niyang mabastos ito ng isang lalaki, parang may sumiklab sa kaloob-looban niya, na tila ayaw niyang hinahawakan ito ng kung sino.
Parang nagdilim ang paningin niya ng gabing 'yon. Natagpuan na lang niya ang sarili na tinuturuan ng leskyon ang lalaking nambastos sa babaeng, minsan nang naging importante sa buhay niya.
"Ano? Tutulala ka na lamang ba diyan?" malakas na tinapik ni Thao si Gabriel sa braso dahilan para mapabalik ang isip nito sa kasalukuyan.
Hindi na lang umimik si Gabriel sa mga sinabi ng kaibigan. Sinalinan niya ang baso niya ng brandy at mabilis na nilagok 'yon. Nang maubos niya, nagsalin pa siya ulit sa baso niya at muli itong tinungga.
Then suddenly, Kelly's face flashed right before his eyes. The way she smiled at her niece, Charlotte.
"Fuck!"
Mabilis na nagsalin ulit si Gabriel ng brandy sa baso niya at inubos ulit ang laman nito. Hindi na niya inda ang mainit at mapait na alak na gumuguhit sa lalamunan niya. He just want to drown all his thoughts.
Mali.
Maling mali na may maramdaman pa siya para sa ex-girlfriend. Masaya na siya kay Stella. Napakasama naman niyang tao kung masasaktan niya ang babaeng walang ibang ginawa kundi mahalin siya.
Stella was there for him at his worst. Hindi na niya dapat hayaang guluhin pa ulit ni Kelly ang buhay niya at mas lalong-lalo ang puso niya.
*****
A/N: Purple Lilacs symbolizes first love. Kaya yan ang title hohoho