Chapter 8 - Marigold

Chapter theme: Like We Used To - A Rocket To The Moon

Nakaupo ako sa telang sumasapin sa damuhan habang nilalasap ang sariwang hangin na dumadampi sa mukha ko. Sobrang presko niya sa pakiramdam. Iba talaga kapag malayo ka sa polusyon.

Napakaganda ring pagmasdan ng malawak at berdeng damuhan na pinapalibutan ng mga malalaking puno ng Canopy, na tila nagsasayaw ang sanga sa tuwing umiihip ang hangin. Wala pa ring pinagbago ang lugar na ito. Buti na lang napanatili nila ang kalinisan dito sa Sunken Garden.

Natanaw ko ang mga naglalaro ng soccer sa 'di kalayuan. Meron din namang mga nagbibisekleta habang nililibot ang kalawakan ng Sunken Garden. Meron ding mga nagpapractice ng cheerdance. Isa talaga sa paboritong tambayan ng mga tao dito sa Sunny Ville ang lugar na 'to.

Sa tagal ng panahon, ngayon na lang ulit ako nakapunta dito. Naalala ko dito kami nagpipicnic noong buhay pa si daddy. Dito rin daw ako natutong maglakad ng tuwid sabi ni mommy.

Nang mamatay si daddy, doon naman ako umiyak nang umiyak, sa ilalim ng slide ng lumang playground sa tapat nitong Sunken Garden. At dito rin ako nagpupunta noong mga panahong nagagalit ako sa mundo at gusto ko ng sukuan ang sarili ko.

This place will always have a special place in my heart. Napakarami kong alaala dito. Saksi ang mga puno sa mga saya at lungkot na naranasan ko.

Sa bandang hilaga naman ng Sunken Garden na ito, matatagpuan rin ang maliit na lawa at isang grotto na may statue ni Mama Mary. Medyo may kalumaan na nga lang ang grotto na ito. Madalas pa nga akong takutin ni kuya na gumagalaw daw ang rebulto kapag walang nakatingin, kaya takot akong magpunta doon dati.

"Teacher! Teacher! Tara sali ka sa amin!"

I jolted back to the present when I felt someone touch my hand. Hinihila niya ako patayo. Natawa ko nang makitang si Charlotte lang pala. Gulo-gulo na ang pagkakaayos ng pig tail niya. Nakasuot siya ng red na jogging pants at puting t-shirt na medyo nadumihan na.

"Gumulong ka ba sa damuhan?" tanong ko habang isa-isang tinatanggal ang mga dahon na nasa ulo niya.

"We're playing dodge ball po, sali ka sa amin! Kasali din si tito." Tinuro niya si Gabriel na nakikipaghabulan sa ibang mga bata. Kasama niya ang ibang katekista na nakikipaglaro din.

Biglang naging awkward yung ngiti ko nang tumingin siya sa direksyon namin ni Charlotte. Tulad noon, isang estranghero lamang ang tingin niya sa akin.

Bakit ba kasi nandito siya? Bakit kailangan siya pa ang maging guardian ni Charlotte sa araw na 'to? Nasaan ba kasi ang mommy ng batang 'to? Nitong nakaraang araw kasi madalas si Gabriel ang naghahatid-sundo kay Charlotte. Tatlong beses ko pa nga lang ata nakita ang mommy nito. Bakit ba kasi napakaliit ng mundo para sa amin? Ano bang trip nitong tadhana? Bakit parang favorite ata akong pahirapan?

"Sige na, teacher. Play na tayo." pangungulit ni Charlotte sa akin.

"Kayo na lang. Manunuod na lang ako sa inyo," malambing kong tugon. Halos magkandahaba-haba naman ang nguso ni Charlotte dahil sa sinabi ko.

"Charlotte, hayaan mo muna magpahinga si teacher Kelly. Medyo kulang kasi sa tulog si teacher, bawal siyang magplay," nakangiting paliwanag ni Janice. Nakikinig pala siya sa amin.

"Okay. Take a rest, teacher!" 

Nagulat ako ng halikan ako sa pisngi ni Charlotte bago tumakbo pabalik sa mga kaklase niya para makipaglaro.

Isa sa pa-activity kasi ng summer class ang team building. Para daw bata palang sila, matuto na sila kung paano makipagkapwa at makipag-cooperate. Sa ngayon hinahayaan na lang munang maglaro ang mga bata. Mamaya naman ay tuturuan silang gumawa ng saranggola. Kite Flying contest naman ang kasunod noon.

"Ayos ka lang? Inom ka muna," umupo sa tabi ko si Janice at inabutan ako ng isang bottle ng mineral water.

"Okay lang. Thanks."

"Umuwi ka na kaya, namumutla ka," puna pa ni Lily, isa rin sa mga katekista. Nag-angat tuloy ako ng tingin sa kanya. Maliit na babae lamang ito.

"Talaga?" Napahawak ako sa mukha ko. May kinuha naman si Lily sa bulsa niya. Isang compact mirror. Umupo rin siya sa tabi ko at hinarap niya ito sa akin.

Pinagmasdan ko ang reflection ko sa salamin, medyo nangingitim ang ilalim ng mata ko. Nahirapan kasi akong makatulog kagabi, pagising-gising ako dahil ang hapdi ng sikmura ko. Nakailang suka rin ako. Hindi ko matandaan kung anong nakain ko na hindi nagustuhan ng tiyan ko kagabi.

Putlang-putla rin ang labi ko kahit naglagay naman na ako ng liptint kanina.

Naramdaman kong sinalat ni Janice ang noo ko. "Mainit ka. Dapat nagpahinga ka na lang sa inyo."

"Wala lang yan. Ayos lang talaga ko," I smiled.

"Sigurado ka?" alalang tanong ni Lily.

"Oo naman. Puyat lang talaga ako," I said reassuringly.

"Basta kapag hindi mo na talaga kaya, magsasabi ka sa amin," Janice reminded.

Makalipas ng isang oras na pagpapahinga, sumali na rin ako sa mga batang naglalaro. Tapos na silang mag-dodge ball kaya ang nilalaro naman nila ngayon ay Lawin at Sisiw.

This game will starts with a play. Ang manok, lawin at sisiw ang mga main characters. Magtatago sa likuran ng mother hen ang mga sisiw, tapos darating naman ang lawin.

After that, the lawin is going to buy eggs from the mother hen. The mother hen then checks the money the lawin paid, upon realizing the fact that the lawin's money are just stones, the mother hen realizes that the lawin wants to eat the chicks so the mother hen gets in front of the chicks to protect them from the lawin. 

I am the mother hen. Si Lloyd na isang volunteer din na gaya ko ang siyang makakalaban ng team namin. All I need to do is protect my chicks from him. Kung sino man ang mahawakan niya, mapupunta na sa team niya. Ubusan lahi kumbaga.

Hindi ganun kadali ang larong 'to. Mahirap gumalaw sa totoo lang. Labing-lima ba naman ang mga sisiw na nagtatago sa likuran namin. Kapag iba-iba kami ng galaw, kumukurba ang linya namin at kung mamalasin sabay-sabay kaming natutumba. Masakit din pala sa katawan ang larong 'to.

Ang mga magulang at guardian ng mga bata na kasama namin, kanya-kanyang cheer naman habang pinapanuod kami maglaro. Nag-uumapaw naman sa energy ang mga bata, nakakapagod din sabayan ang taas ng energy nila.

"Heto na ako, mga sisiw!" pananakot ni Lloyd habang dahan dahan na lumalapit sa amin.

Puro tilian ang naririnig ko sa mga batang nasa likuran ko. Hindi ko sila makontrol dahil naglililikot sila.

Sinubukan ko humakbang pakanan, may ibang sinundan ang galaw ko. May iba naman sa kanila sa ibang direksyon humakbang.

"Wait! Wait!" natatawang sigaw ko nang malapit na si Lloyd.

Nginisian ako ni Lloyd bago tuluyang lumapit. Inistretch niya ang isang kamay niya, tinatangkang abutin si Charlotte na nakakapit sa bewang ko pero mabilis din akong nakagalaw para itago ang mga sisiw sa likod ko. Nasiko pa ako ni Lloyd dahil sa pag-iwas ko.

'Yon nga lang, may isang bata sa likuran ko ang na-out of balance at kasama niyang bumagsak ang nasa unahan niya dahil mahigpit na nakakapit siya sa bewang nito. Para kaming mga domino na isa-isang napahiga sa damuhan dahil nahila nila ang bawat isa.

Agad namang nagsilapit ang mga magulang at guardian ng mga bata para i-check kung may na-injured ba sa kanila. Mabuti na lang walang nadaganan sa pagkakatumba namin.

Tawa lang kami nang tawa lahat. Kahit si Gab na napakaseryoso at walang imik, nakita ko ring ngumiti habang pinapagpagan niya ang jogging pants ni Charlotte. Marunong pa pala siyang ngumiti.

Tatayo na sana ko pero nakaramdam ako ng hilo. Nanatili muna kong nakaupo ng ilang minuto sa damuhan dahil parang sumisirko ang paligid ko. Naramdaman ko na lang na parang may tumutulo sa ilong ko kaya agad ko itong pinunasan. I was shocked to see blood on my hands.

"Kelly, what's wrong?" Dinaluhan agad ako ni Janice. Pinunasan niya ang nagdudugo kong ilong gamit ang panyo niya.

"Hala, sorry Kelly! Hindi ko sadya. Masakit ba?" Lloyd apologized in an instant. I saw how guilty he was.

"O-Okay lang," sambit ko. Bahagya pa akong tumawa para hindi siya makonsensya sa pagkakasiko niya sa akin.

"Kaya mo ba tumayo?" Lily also went to my side. Inalalayan nila ako ni Janice but then when I tried to stand up, I felt dizzy and the last thing I heard was everyone shouting for my name then everything went blank.

*****

Third Person's POV

Ilang segundong nakatulala lamang si Gabriel habang nagkakagulo ang lahat dahil nawalan ng malay si Kelly. Maging siya ay hindi rin malaman ang gagawin. May bahid na ng dugo ang suot nitong t-shirt. Mukhang malakas ata ang pagkakasiko sa kanya.

"Lloyd! Ano ba? Tulungan mo kami dito," bulyaw ni Janice. Bakas sa mukha nito ang labis na pag-aalala. Parang maiiyak na rin ito habang paulit-ulit na tinatapik ang pisngi ng walang malay na dalaga.

"Bakit kasi hindi ka nag-iingat?" frustrated na sigaw pa ni Janice sa kasamahan. Napayuko na lang si Lloyd. Hindi niya magawang tignan si Janice dahil sa hiya. Hindi na sila magkandaugaga dahil puro sila babae lahat. Iilan lang ang lalaki na kasama nila.

Napalingon si Janice sa tulalang si Gabriel. Nagsalubong ang dalawang kilay ng dalaga. "Hey! We need help!" pagtawag pansin nito.

Doon lamang natauhan si Gabriel. Hindi niya masyadong kilala si Janice, pero nasisiguro niya na malapit ito kay Kelly dahil sa labis na pag-aalala na pinapakita nito.

"Ger her in my car. Dadalhin ko siya sa ospital," wika niya. Agad namang binuhat ni Lloyd si Kelly.

Nagtakbuhan sila patungo sa nakaparadang kotse ni Gabriel. Maingat na inihiga ni Lloyd si Kelly sa backseat. Sumakay na rin si Janice sa kotse para sumama sa kanila papunta sa pinakamalapit na ospital.

*****

Kelly

Nagising ako dahil sa samu't saring ingay na naririnig ko sa paligid. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Nakahiga ako sa isang puting kama. May kulay gray na kurtina naman na nakatabing sa magkabilang gilid ko.

Bumangon ako at hinawi ang kurtina. Nasa isang ward pala ako ng ospital. Napatingin ako sa kanang kamay ko na may nakalagay na swero.

How did I end up here? Sinong nagdala sa akin dito.

As if on cue. Bumulaga sa gilid ko si Gabriel.

"What happened?" alangang tanong ko.

"You fainted," napakatipid na sagot niya habang nakatingin sa malayo.

"Sina Janice?" tanong ko muli. Bahala siya kung makulitan siya sa akin.

"Bumalik sa Sunken Garden. Walang naiwan kay Charlotte doon kaya binilin ko na lang muna sa kanya ang pamangkin ko."

"Bakit hindi na lang ikaw yung bumalik," I mumbled.

"Sabi ng doctor pwede ka nang umuwi once magising ka. Fatigue lang daw kaya ka nawalan ng malay. Binayaran na ni Janice ang bill mo. Tawagan mo ang kuya mo para masundo ka na. Wala kaming number niya," walang emosyong sambit niya.

Mabuti na lang si Janice ang nagbayad. Ayokong magkaroon ng utang na loob sa taong 'to.

"No need. Kaya kong umuwi mag-isa," I said firmly.

Halos manlaki ang mata niya sa gulat nang bigla ko na lang hinugot ang swero sa kamay ko, bahagya pa itong dumugo. Napangiwi na lang ako sa sakit.

"What the fuck are you doing?!"

"Uhm, uuwi."

"Just call your brother. Baka mapaano ka sa daan."

"I'm not a kid," walang buhay na sagot ko.

Tumayo na ako at nilayasan siya pero paglabas ko ng ospital, narealized ko wala pala akong dalang pera. Naiwan sa Sunken Garden yung mga gamit ko. Sana naman bitbitin ni Janice 'yon pag-uwi niya. Kinapa ko ang bulsa ng pantalon ko, mabuti na lang nasa akin ang cellphone ko. Tatawag sana ko kay Danika para magpasundo pero bigla namang namatay ang phone ko. Kapag minamalas ka nga naman talaga!

"Sakay!" Huminto sa tapat ko ang isang chevrolet spark. Umangat ang tingin ko sa nakabukas na bintana. Si Gabriel pala ang driver.

Hindi ko siya pinansin. Dire-diretso akong naglakad pero malakas siyang bumusina. Halos mapatalon ako sa gulat.

"Problema mo?" naiinis kong tanong.

"Sumakay ka na," he ordered with full of authority.

Sino ba siya sa tingin niya? Okay, may utang na loob ako sa kanya ngayon pero wala siyang karapatan utusan ako!

"Pwede ba?! Kaya kong umuwi mag-isa," pagtataray ko.

"How? Maglalakad ka mula dito papunta sa inyo?"

"Mamalimos ako sa daan para may pamasahe pauwi! Happy?" naiiritang sigaw ko. He just look at me flatly.

"Sakay na, habang hindi pa nagbabago isip ko."

No. I won't take his offer. Hindi ko siya kayang makasama pa ng matagal.

Pero tao lang ako, marupok. Kinain ko lahat ng sinabi ko. Pagod na ako. Lowbat ang phone ko, napakalayo nito sa bahay namin. I just want to go home. So in the end, I found myself riding on the frontseat of his car.

Oo na! Ako na ang epitome ng karupukan. Isinandal ko na lang ang ulo ko sa nakasarang kotse ng bintana niya. Pinagmasdan ko ang langit, mukhang uulan pa ata dahil napakadilim na kahit mag-aalas kuwatro palang.

Wala kaming imikan ni Gabriel sa kotse niya. Parang may isang napakatayog na pader na namamagitan sa aming dalawa.

Sinubukan niyang magpatugtog para mabasag ang nakakabinging katahimikan pero lalong naging awkward ang atmosphere sa kotse.

Like We Used To ng A Rocket To The Moon ba naman ang natugtog. Parang nang-aasar lang yung kanta. Lalo na nang dumating sa bridge part.

I know love

(I'm a sucker for that feeling)

Pagkanta ko sa isip ko. Bigla namang nilakasan ni Gabriel ang volume.

Happens all the time, love

(I always end up feeling cheated)

Napalingon ako kay Gabriel na tahimik at diretsong nakatingin lang sa daan. Pinapatamaan niya ba ko?

Nakaramdam ako bigla ng kirot sa puso ko. I knew it. He will always see me as the cheater ex-girlfriend. Nanliit ako bigla.

"Stop the car," matabang na wika ko pero parang hindi niya ko naririnig.

"I said stop the car!" sigaw ko. Halatang nagulat siya.

"Bakit?"

"Dito na lang ako. Maglalakad na lang ako pauwi," sagot ko.

"Malayo pa 'to sa inyo. Baka may mangyari sa'yo sa daan. Cargo de konsensya ko pa."

I laughed bitterly. "As if you care."

Narinig ko siyang marahas na napabuntong-hininga. I was taken aback by the sudden change of his emotions. It was full of anger.

"Yeah. I really don't care. I'm just a concerned citizen," he replied coldly.

"And why would I care about the girl who cheated on me after I gave the whole world to her?" he continued. May himig ng panunumbat ang boses niya and I felt a pang of pain in my chest.

Naramdaman kong huminto ang kotse niya sa gilid ng kalsada.

"Out!" sigaw niya. Dumagundong ang boses niya sa loob ng kotse. Saglit akong natigilan dahil sa pagsigaw niya.

"Bakit hindi ka pa bumaba? Baba na. Get out!" bulyaw niya pa ulit.

Muli kong nakita ang galit na mukha niya. Huli ko 'tong nasilayan noong maghiwalay kami. Sa pangalawang pagkakataon, parang nadurog na naman ang puso ko. I know he's mad. Pero kailangan niya ba talagang itrato ako ng ganito?

Tinatagan ko ang loob ko, kahit parang nanghihina ang tuhod ko nagmadali akong bumaba sa sasakyan niya. Agad namang pinaharurot paalis ni Gabriel ang kotse niya at iniwan ako. Kasunod noon ang unti-unting pagpatak ng ulan mula sa kalangitan.

Napaupo na lamang ako nang mawala na siya sa paningin ko. Napahawak ako sa dibdib ko kasabay ang tuloy-tuloy na pagbagsak ng luha ko. Wala na akong pake kahit pagtinginan na ako ng mga taong dumadaan o kahit nababasa na ako.

Bakit ganun? Bakit ang sakit sakit pa rin? I felt like my heart is in despair. Pakiramdam ko may malaki at malalim na sugat ito, na kahit kailan ay hinding-hindi na maghihilom.

*****

A/N: Marigold symbolizes despair because of the lost of someone you love or being rejected by the one you love. Hays. Ang sad ng bulaklak na 'to.