Chapter 9 - Sunflower

Chapter theme: Somebody To Love - OneRepublic

"Kapag namatay ka at muli kang mabubuhay bilang isang bagay, anong gusto mong maging?"

Nagmulat ng mata si Gabriel para titigan ang mukha ko. Nakahiga siya sa kandungan ko habang masuyo kong hinahamplos ang buhok niya. Nasa Sunken Garden kami at hinihintay ang paglubog ng araw.

"Bakit naman naitanong mo 'yan?" tanong niya kasabay ng pagsilay ng isang matamis na ngiti sa labi niya. Inabot niya ang kamay ko at pinatakan ng halik 'yon nang hindi inaalis ang pagkakatitig niya sa mukha ko.

"Sagutin mo na tanong ko, sige na," pangungulit ko.

Saglit siyang tumahimik para mag-isip. Ilang segundo pa biglang sumeryoso ang mukha niya. "Maging hangin na lang siguro."

"Bakit?"

"Para lagi mo akong kailanganin, yung ikamamatay mo kapag nawala ako. Boom!" sagot niya saka tumawa ng pagkalakas-lakas.

Gusto ko siyang batukan pero kinikilig ako sa sinabi niya. Alam kong 'yon na ang pinakaseryosong sagot na makukuha ko sa kanya.

"Ikaw ba, mahal?" It was his turn to asked.

"I want to be a sunflower!" I beamed.

"Sunflower? Bakit?" curious na tanong niya.

"Wala lang. Sobrang na-amazed lang ako sa bulalak na 'yon."

"Ano namang special sa bulalak na 'yon?" kumunot ang noo ni Gab.

"Ano ka ba? Hindi mo ba alam? Sunflowers always face the sun, they face the east knowing that's where it'll return. I want to have that kind of faith, gaya ng faith ng sunflower sa araw. Na kahit marami mang shortcomings na dumating sa buhay ko, I will always face the rising sun. And on my darkest days, I will never let my faith wither. I will patiently wait for the sun. I will always believe that it will return and will shine on me at its brightest."

"Woah! Ang lalim naman nun, mahal." Gab stated in awe. Natawa ko dahil basang-basa ko sa mukha niya ang pagkamangha.

"Palitan ko na lang pala ang sagot ko," sambit niya. Sumeryoso na talaga siya.

"Ako na lang ang araw," he smiled at me bago nagpatuloy. "Kahit ano mang mangyari, marami mang problemang dumating sa atin, I want you to have faith in me. Remember that I will always be here for you. I will be your sun. I want to be the one who you yearned at midnight. And on your darkest days, I want to be the one who brightens your day. I want to be a constant reminder for you that after the darkness, brighter days are coming on your way."

*****

"Napaka-gago naman pala ng Gabriel na 'yon! Ang sama ng ugali. Paano ka niya nagawang iwan na lang ng basta?" nanggagalaiting sigaw ni Janice mula sa kusina ng bahay nila.

Mabuti na lang binalikan niya ako sa ospital. Habang nakasakay siya sa jeep, napansin niya ako na nakaupo lang sa kalsada habang basang-basa sa ulan. Hindi siya makapaniwala sa ginawa sa akin ni Gabriel. Galit na galit siya.

"Uminom ka muna ng gatas," nilapag niya sa harap ko ang isang baso ng mainit na gatas bago umupo sa sofa na katapat ko.

"Ano palang number ng kuya mo? Tatawagan ko siya," sambit niya.

Nag-angat ako ng tingin kay Janice. Nakasuot na siya ng kulay blue na pajama. Namumula ang mukha niya. Marahil sa inis.

"Pwede bang huwag mo na lang sabihin kay kuya ang nangyari ngayon?" pakiusap ko.

I saw her frowned. She crossed her arms on her chest. "At bakit hindi?"

"A-Ayoko lang mag-alala pa si kuya. Ayoko na rin ng gulo. Please?"

She sighed defeated. Naiiling-iling na lang siya. "Oo na. Wala na kong sasabihin."

Ngumiti ako. Nang mapanatag na ako, dinikta ko sa kanya ang number ni kuya. Agad naman niya itong tinawagan. Pinanuod ko lang si Janice habang kausap niya ang kapatid ko sa kabilang linya.

Nakapagpatuyo na ako kanina pero ramdam ko pa rin ang panginginig ko dahil sa lamig. Mabuti na lang binitbit ni Janice ang mga gamit ko, may extra kong damit sa bag ko kaya nakapagpalit ako ng suot ko. Basang basa kasi ako ng ulan.

Kinuha ko na lang ang isang basong gatas sa harap ko. Hinipan-hipan ko ito bago inumin. Nakaramdam ako ng kaginhawaan nang mainitan ang tiyan ko.

"T-Thanks, Ja." I said sincerely.

"Wala 'yon. Ano ka ba? Pero kapag nakita ko ulit yang Gabriel na 'yan. Please, huwag mo kong pigilan. Masasapak ko siya!" gigil na gigil na pahayag niya.

Napayuko na lang ako at napakagat sa ibabang labi ko. Ibang tao na talaga si Gabriel. Hindi na talaga siguro mawawala pa ang galit niya sa akin. And it was my fault why he changed so much.

He was once my sun, I always yearn for his light. But now, I don't know. I think he's still a sun. But his light is too much for me — my eyes burn when I look at him.

*****

Naalimpungatan ako nang maramdaman kong may mainit na kamay na sumasalat sa noo ko. Dahan dahan akong nagmulat at sa nanlalabo kong paningin, naaninag ko ang mukha ni kuya Mike.

"Nandito na si kuya, anong nararamdaman mo?" may paglalambing na tanong niya.

Sinubukan kong maupo, pagtingin ko sa paligid, na-realized ko na nasa bahay pa rin pala ako nila Janice. Nakatulog ata ako sa sofa.

"Ang s-sakit ng ulo ko," impit na daing ko. Napahimas na lang ako sa magkabilang sentido ko para mawala-wala ang sakit.

"Tara na, uwi na tayo. Nag-aalala na si mommy," sambit ni kuya.

Para akong isang magaan na bagay na binuhat ni kuya. Naramdaman ko na lang ang pag-angat ko. Kumapit ako sa leeg niya at sinandal ang ulo ko sa dibdib niya. Pumipintig sa sakit ang ulo ko kaya napapikit na lang ako.

"Thank you, Janice." Narinig ko pa ang pasasalamat ni kuya bago ako hilahin ulit ng antok.

*****

Third Person's POV

"Ano ba problema, pre? Bakit nagyaya ka na naman mag-inom?" curious na tanong ni Thao kay Gabriel. Nakaupo sila sa sahig sa may sala habang nakasandal ang mga likod nila sa sofa.

Hindi niya inaasahan ang pagdating nito sa condo niya. Wala man lang itong pasabi. Mabuti na lamang at hindi siya umalis. Mukha pa namang kailangan nito ng kausap.

Madilim ang ekspresyon ng mukha nito nang pagbuksan niya ito ng pinto. Parang galit na galit ito sa mundo.

"Uminom ka na lang, huwag ka na magtanong," matabang na sagot ni Gabriel. Bumukas pa ito ng isang bote ng beer.

Kinse minutos palang ang nakakalipas mula ng dumating ito pero nakakalimang bote na agad ito ng beer.

"May problema ba kayo ni Stella? Nag-away ba kayo?" usisa ni Thao.

Napatigil si Gabriel sa paglagok ng alak sa bote. Inilapag niya muna ito bago lingunin ang kaibigan.

"Problema? Wala kaming problema ni Stella. Masaya kami. Hindi kami nagkakaproblema," he smirked.

"Eh wala naman pala kayong problema, pero kung magpakasasa ka diyan sa alak daig mo pa iniwan ng babae. Daig mo pa ang broken hearted!" litanya niya.

Napabuntong-hininga na lamang si Gabriel. Kumuha ulit ng isang bote ng alak at dire-diretsong nilagok 'yon, pero pakiramdam niya, kulang na kulang pa rin iyon para malunod ang lahat ng gumugulo sa isipan niya.

Kung sana lang ay kayang tangayin ng alak ang lahat ng sakit sa dibdib niya, magpapakalunod talaga siya.

Napatingala siya at tumitig sa puting kisame. Naalala niya ang pag-iwan niya kay Kelly sa kalsada, sa gitna ng bumubuhos na ulan. Nakaramdam siya ng guilt.

"Tangina! Bakit ako nakokonsensya? Deserved niya 'yon," bulalas niya.

Napatitig lang si Thao sa kaibigan. Sinabayan niya sa pag-inom ito nang lagukin ulit nito ang laman ng hawak nitong bote ng beer.

"Tangina, pre! Niloko niya ako. Ang sakit sakit. Halos binigay ko naman sa kanya ang lahat lahat pero ano? Pinagpalit niya ko," paghihinanakit nito. Uminom siya ulit ng beer bago muling nagpatuloy.

"And you know what hurts the most? Pre, pinagpalit niya ko sa bestfriend ko. Mga putang-ina sila!" sigaw ni Gabriel. Halos magwala na ito. Maya maya pa ay bigla na lamang itong tumawa habang sunod-sunod ang pagtungga nito sa beer.

Nanatiling tahimik lang si Thao. Hinayaan niya ang paglalabas nito ng sama ng loob na mukhang matagal na niyang kinikimkim.

Hindi niya maintindihan ang sinasabi ng kaibigan. Hindi niya rin alam kung sino ba ang tinutukoy nito. Isa lang ang alam niya, labis na nasaktan ito dati. It left a scar in his heart.

He doesn't know his story before they met, but he could feel in his voice that Gabriel is still in deep pain.

Few moments later, Gabriel passed out. Hindi na mabilang ni Thao kung ilang bote ng beer na ba ang napatumba nito. Wala siyang ibang naririnig kundi puro mura. Parang doon inilalabas ni Gabriel ang lahat ng galit niya.

Sa two years na magkakilala sila, this is the first time that Gab lost his composure. Sanay siya na kalmado ito, tahimik lang at laging walang imik. Ngayon lang niya ito nakitang nagpakalango sa alak na parang wala ng bukas. Mukhang mabigat talaga ang pinagdadaanan nito.

*****

"Oh my God! What happened to my son?" tanong ng ginang kay Thao nang maihiga nito ang anak sa kama nito.

Hindi naman magawang sumagot ni Thao dahil natatakot siya dito. Napayuko na lamang siya dahil hindi niya gusto ang tingin na binibigay sa kanya ng mama ni Gab. Sobrang intimidating. Parang mangangain ng buhay.

"Bakit ba magkasama na naman kayo? Kung mag-iinom kayo, pwede bang huwag niyo na idamay si Gabriel. Huwag niyo siyang igaya sa inyo na parang walang direksyon ang buhay," naiinis na litanya pa ni Stella.

Gabriel's mom invited her for a dinner. Kanina pa nila hinihintay si Gabriel na umuwi, pero pasado alas otso na hindi pa rin ito dumarating. Ang alam niya lang ay sinamahan nito ang pamangkin.

"You can go now, kami na bahala sa kanya," maotoridad na utos ni Stella kay Thao.

Naikuyom na lang ni Thao ang kamao niya. Labis siyang nagpipigil. Kung wala lang sila sa harap ng mama ni Gabriel baka nabigwasan na niya si Stella. Kakaiba talaga ang ugali ng babaeng ito. Hindi niya alam kung bakit ito pa ang naging girlfriend ng kaibigan.

But Gabriel's mom is really fond of Stella. Gustong gusto niya ito para sa anak pero kung si Thao ang tatanungin, wala talaga siyang makitang spark sa dalawa. Parang sobrang pilit.

Pinakikisamahan lang ni Thao si Stella dahil girlfriend ng kaibigan, pero ang totoo, badtrip na badtrip na siya dito. Napakaarte at matapobre. Akala mo kung sinong napakataas. Isa na lang talaga makakatikim na 'to sa kanya.

"Alis na po ako, tita." magalang na paalam niya. Tinaasan lang siya ng kilay ng mama ni Gab. Ni hindi man lang ito magpasalamat sa paghahatid niya kay Gab.

I think he finally get it, why Gabriel's mom like Stella so much. Iisa lang ang hilatsa ng ugali.

Thao just shook his head in disappointment. Irita siyang lumabas ng bahay nila Gab at sumakay sa kotse niya para makauwi na.

*****

"Hmm," Gabriel groaned as Stella continued to wipe his face using a towel.

Hanggang ngayon hindi pa rin siya makapaniwala na uuwi ito ng lasing na lasing. Bibihira lang kasi itong uminom. She knows how responsible Gab is. He always drink in moderate. Not like this.

"I love you," he mumbled like he was dreaming.

Stella giggled. Nagulat pa siya ng maramdaman niya ang kamay ni Gabriel na pumulupot sa bewang niya. Napahiga na lamang siya sa tabi nito ng hilahin at yakapin siya nito.

"I'm sorry," he moaned.

Stella just stared at him. Pulang pula ang mukha nito dahil sa kalasingan. He looked so wasted but still look so fine. Nasisiyahan siyang panuorin ang pagkunot ng noo nito kasabay ang pagsasalita habang tulog.

"I love you," mahinang sambit pa ni Gabriel.

Her hand gently touch his cheeks, her fingers tracing his eyebrow down to his nose. Mahina niyang pinisil ang tungki ng ilong ni Gabriel dahilan para mamula iyon pero hindi pa rin ito nagigising.

"I love you, hon." she whispered. She was looking at him with adoration. And when Gabriel smiled on his sleep, it made her heart melts.

But then, the next words that came out from Gabriel's mouth suddenly shattered her heart into a million pieces.

"Kelly...I'm sorry."

Agad na napabangon si Stella at lumayo kay Gabriel. Sa isang iglap, sa isang pagbanggit lang nito ng pangalan na 'yon, parang gumuho ang mundo niya.

Nanghihina siyang napaatras. Nakatitig lamang siya kay Gabriel na wala man lang ideya kung paano nito binasag ang puso niya.

"Hanggang ngayon, si Kelly pa rin ba?" she asked in an inaudible voice.

Pakiramdam niya balewala ang lahat ng mga efforts niya. Ginawa naman niya ang lahat. Ilang taong naghintay at umasa na mamahalin siya nito pero sa huli, isa pa rin pala siyang talunan.

"A-Ano pa bang kulang?" naluluhang tanong niya kahit pa alam naman niyang hindi sasagot ito.

Napaupo na lamang siya sa sahig habang umiiyak. Inilabas niya sa pamamagitan ng iyak ang lahat ng selos, galit at takot na nararamdaman niya.

She can't lose, Gab. Ikamamatay niya.

"Stella? What happened? Bakit nakaupo ka diyan?"

Nag-angat ng tingin si Stella. Nakita niyang pumasok sa kwarto ang mama ni Gab. Nang makalapit ito sa kanya upang alalayan siyang tumayo, tuluyan na siyang napahagulgol.

"T-Tita!" iyak niya sa ginang. Mahigpit siyang yumakap dito na parang batang nagsusumbong.

"Tita, si Kelly. G-Guguluhin na naman niya kami ni Gab...Tita, p-please help me...Ayokong mawala si Gab...T-Tita, I'm scared...P-Paano kung magkabalikan sila?" nababalisang saad ng dalaga. Just thinking about losing Gabriel is driving her insane.

"Ssshhh. Calm down, hija. Breath," pagpapakalma ng ginang.

Inalalayan niya ito palabas sa kwarto ng anak at nagtungo sa study room para doon ay tahimik na makapag-usap.

"Ano bang nangyayari, hija?" nag-aalalang tanong niya.

"I think Gabriel still loves Kelly. Tita, hindi pwede! Ako yung nasa tabi niya. Ako dapat ang mahal niya. Tita, please. Ayokong mawala sa akin si Gabriel," pagmamakaawa ni Stella. Punong-puno ng pangamba ang boses nito.

"Ssshhh, listen to me." Hinawakan ng mama ni Gab ang nanginginig na kamay ni Stella, pilit na pinapahinahon.

"Ikaw lang ang babae para kay Gabriel. Wala kang dapat ikatakot. Hindi ko hahayaang makapasok ulit si Kelly sa buhay niya. So calm down, just leave everything to me as always," magiliw na sambit nito habang hinahaplos ang pisngi ng dalaga.

Stella nodded like an obedient child. She wiped her tears at taas noong humarap sa mama ni Gabriel. A triumphant smile plastered on her tears streaked face.

Alam niya na kahit anong mangyari, mananatiling kakampi niya ang mama ni Gab. Wala siyang dapat ikabahala.

Sa kanya lamang si Gabriel. Siya lang ang babaeng nararapat para dito.