Tatlong araw na akong hindi nakapagturo dahil nagkasakit ako. Papasok na dapat ako ngayon kaso pinagalitan ako ni mommy. She wants me to rest for 1 week!
Magpahinga na lang daw muna ko dahil kagagaling ko lang. Baka daw mabinat ako. Kahit sa flower shop, pinagbawalan niya rin akong pumunta. Dito lang daw ako sa bahay, bantay sarado ni kuya.
Wala naman akong magawa kundi sumunod na lang sa mga bilin niya. Ayoko na rin kasing dagdagan pa ang alalahanin niya.
Miss na miss ko na ang mga batang tinuturuan ko. Lalo na si Charlotte.
Si Janice naman, binisita ako nung isang araw para kamustahin ang lagay ko at i-update na rin ako. Sabi niya, lagi daw akong hinahanap ni Charlotte. Tinatanong nito kung kamusta na raw ba ako at kung kailan ako babalik. Namimiss na raw ako ng bata. Ang sweet talaga.
Naiinis naman si Janice dahil hindi na si Gab ang naghahatid at sundo kay Charlotte. Kumuha na daw ng baby sitter ang mommy ni Charlotte. Tindi pa rin talaga ng galit nito kay Gab. Samantalang ako, hinayaan ko na lang.
"Kelly, may bisita ka."
Napatingin ako sa nakabukas na pinto ng kwarto ko kung saan nakasilip si kuya. Alas-nuebe palang ng umaga, ang aga-aga naman ng bisita ko. Baka sina Danika na naman 'yon, pero weekdays ngayon. Sino naman kaya siya?
"Bilis na! Baba na!" utos pa ni kuya. Kung pagmadaliin ako akala mo naman may humahabol sa kanya.
Tumayo na lang ako at sumunod sa kanya sa baba. Pagdating ko sa sala, nadatnan ko doon si Brix. He stood up in an instant upon seeing me.
Nahiya ako bigla sa itsura ko. Hindi pa ako naliligo. Gulo-gulo ang buhok ko. Suot ko ang oversized superman t-shirt ni kuya na kinuha ko sa damitan niya ng walang paalam. Nakaitim na jogging pants ako at suot ko ang medyas ko na butas.
Kung ikukumpara kay Brix na sobrang fresh, mukha naman akong losyang.
He's wearing a seaweed color crew neck shirt pair with chino shorts and white sneakers. His hair was fixed in his usual man bun. I'm sure, marami na namang babae ang mapapalingon sa kanya. Gwapo eh.
"Good morning," he greeted with a bashful smile.
"Morning!" bati ko pabalik.
"I got worried kaya pinuntahan na kita. Hindi ka kasi nagrereply sa mga text at tawag ko. Akala ko kung napaano ka na. Kung hindi pa sinabi ng kuya mo na may sakit ka, hindi ko pa malalaman," he stated. His voice laced with concern. Such a sweet man.
"Sorry! Sumasakit kasi ulo ko pag nakaharap ako sa cellphone kaya hindi ko muna ginagamit," I explained. I saw him nod.
"Upo tayo," yaya ko.
Kinuha niya muna yung basket ng mga prutas na nakalapag sa center table at inabot sa akin. "For you."
Napangiti na lang ako sa pagiging thoughtful niya. "Ikaw talaga, nag-abala ka pa. Thanks!"
Sunod na ibinigay niya naman ang bouquet ng ranunculus na nakapatong din sa center table.
"May pa-flowers ka pa, ha?" Inamoy-amoy ko yung bulaklak.
"Baka kasi namiss mo na mga bulaklak," simpleng sagot niya.
He's right. Sobrang miss ko na talaga sila.
Ilalapag ko na sana ulit sa mesa ang mga hawak ko nang biglang hinablot ni kuya yung basket ng prutas mula sa akin. "Penge ako ha?"
"Oo na! Basta talaga pagkain, ang bilis mo!" sagot ko.
"Iwan ko na muna kayo, doon lang muna ko sa kwarto ko. Brix, approved ka na sa akin," wika nito. Nag-thumbs up pa siya kay Brix bago lumayas. Magkasundo talaga sila.
"So, kamusta?" tanong ko kay Brix nang maupo ako sa tabi niya.
"Medyo busy sa ospital. Ikaw? Magaling ka na ba?"
"Yes! Feeling better. Unlike nung nakaraang araw, sobrang sama talaga ng pakiramdam ko. Hindi na nga ko makabangon," I replied. Nagulat ako ng bigla niyang hilahin ang kanang kamay ko.
"Anong gagawin mo?" I asked.
"Just checking your pulse rate," sagot niya habang seryoso ang mukha niya. Yung dalawang fingers niya nakalapat naman sa wrist ko.
"So, kamusta naman puso ko doc?"
I heard him chuckled. "Nurse lang po ako."
"One of the best nurse in this city," I added.
"Bilib na bilib ka talaga sa akin no?" He looked at me in the eye. Binitawan na niya ang kamay ko at inayos saglit ang round specs niya na medyo tumabingi.
"Kasi alam ko naman kung gaano ka ka-dedicated sa trabaho mo. Ramdam ko kung gaano ka kasaya, at kung gaano mo kamahal yung ginagawa mo. And I will always be proud of you."
"Thanks. And I'm proud of you too," he smiled. A genuine one.
"Sa akin? Ano namang nakakaproud sa akin? Pakiramdam ko nga, walang direksyon ang buhay ko," biro ko.
"Don't think like that. For me, you're the bravest girl I've ever met. Nakaya mong harapin ang malupit na mundo, kahit ginagago ka na nito. Hindi ka sumuko at proud ako sa'yo doon. You know what I mean."
Napatango-tango na lang ako. Brix has seen me at my worst. He's with me through ups and downs of my life. Nakita niya kung paano ako unti-unting maubos at kung paano ko muling binuo ang sarili ko.
Hindi ako matapang, sa totoo lang. Dahil sa mga tao sa paligid ko, hindi ako bumigay. Sila ang naging lakas ko.
"You didn't know this, but you will always be my inspiration to keep going," dugtong niya. Basa ko sa mata niya kung gaano talaga siya ka-proud sa akin.
Nakatitig lamang ako kay Brix habang nakikinig sa mga sinasabi niya. Naramdaman ko din na parang maluluha na ko kaya mabilis akong tumalikod sa kanya at tumingala.
Sorry na, mababaw lang talaga ang luha ko. Madali lang din maantig ang puso ko.
Mahina siyang tumawa. Sinundot-sundot niya ang tagiliran ko na parang nang-aasar. "Umiiyak ka ba?"
"Hindi no!" tanggi ko. Muli akong humarap sa kanya. Nandun pa rin ang napakatamis na ngiti niya sa labi.
"Kelly," he whispered my name. He looked so serious again.
"Bakit?"
"Would you mind if," he paused then heaved a deep sighed. Para siyang nag-aalangan kung magpapatuloy ba siya sa sasabihin niya.
"W-Would you mind if I ask you..." he gulped. Hindi niya tinuloy ulit ang sasabihin niya. "Shit! Ang hirap pala," he mumbled.
"Ano ba 'yon?" tanong ko.
Bigla siyang umiwas ng tingin sa akin. Napakamot siya sa batok niya na parang nahihiya. "Wala. Nevermind."
I just looked at him, confused. Ano kaya yun?
*****
Right after lunch, nagpaalam na rin si Brix dahil pinapatawag siya sa ospital ng parents niya.
Pagkaalis na pagkaalis niya palang, walang humpay na binulabog ako ni kuya kung ano ba daw mga napag-usapan namin. Nasa kwarto lang kasi siya habang nakatambay lang kami ni Brix sa sala. Bumaba lang siya nung magluluto na siya ng lunch.
"May sinabi ba sa'yo si Brix?" curious na tanong niya.
Nasa lanai kami ni kuya at pinagkakasya namin ang sarili namin sa maliit na duyan.
"At kailan ka pa naging tsismoso kuya?" I asked. Bahagyang tumaas ang isang kilay ko when I saw him grinned.
"Sige na. Kwento ka na," pangungulit niya. Inakbayan niya ko at pilit na pinaamoy sa akin ang kili-kili niya.
"Kuya! Ano ba? Ang baho," biro ko. Mas lalo niya pang inipit ang ulo ko. Kaya hinampas-hampas ko siya sa tiyan niya.
"Aray! Yung abs ko," daing niya.
"Wala kang abs. Puro bilbil yan," sabi ko. Pinitik naman niya ko sa noo. Gumaganti ang loko.
"Anyway kuya, sino yung pinopormahan mo ngayon?" I asked curiously. Madalas ko kasi siyang mahuli na nangingiti habang may katext. Yung ngiting kinikilig. Tapos minsan may katawagan pa.
"Kilala mo 'yon," bulong niya.
Nanlaki ang mga mata ko. Nag-angat ako ng tingin sa kapatid ko. And boy, he's blushing!
"OMG! Sino?"
"It's for me to know and for you to find out," nang-aasar na sambit niya.
"Ang daya mo naman," I pouted.
"Malalaman mo din. Sa ngayon, huwag muna. Baka maudlot," seryosong sabi nito.
Well, whoever she is, I like her already. Kita ko naman kasi ang spark sa mata ni kuya sa tuwing kausap niya 'to sa phone. Sana lang, huwag niyang sasaktan ang kapatid. I wish them to be happy, always.
"Ikaw, galing mo mag-change topic. Si Brix ang pinag-uusapan natin dito. Kwento na," he reminded.
"Ano naman ikukwento ko?"
Nawala ang ngiti sa labi ni kuya at napalitan ng inis ang nababasa kong emosyon sa mukha niya. Problema ba nito?
"Wala ba talaga siyang sinabi?" usisa niya.
"Ano na naman sasabihin ng tao? We just talk about his work, mga patients na nakakasalamuha niya. Ako naman kinuwento ko yung mga ginagawa ko sa summer class. Ganun lang."
Napabuntong-hininga na lang si kuya. Yamot na yamot siya. Bakit ba?
"Tsk. Magpapaalam sa akin, tapos maduduwag din pala. Wala. Mahina," he mumbled.
I really don't get him.
"Ano ba 'yon?" tanong ko.
"Wala. Hintayin mo na lang si Brix ang magsabi. Tsk."
Biglang tumayo si kuya para pumasok sa bahay at nilayasan ako.
"Torpeng nurse."
Hindi ko na narinig ang sinabi niya dahil parang bumulong na lang siya sa hangin.
Ano ba kasing dapat na sasabihin ni Brix? Importante ba?
Na-curious tuloy ako.
*****
"Kelly! May bisita ka!"
Nabulabog ako ng malakas na pagsigaw ni kuya mula sa baba kaya napabangon ako sa pagkakahiga ko.
Nagbabasa pa naman ako ng pocketbook. Kilig na kilig na ko sa eksena eh. Panira talaga ng feels 'tong kapatid ko.
Bisita na naman? Sino na naman kaya ang dumating?
Humarap muna ko sa full length mirror na nasa kwarto ko para ayusin ang sarili ko. Sinuklay-suklay ko ang maikli kong buhok gamit ang kamay ko. Nagpulbo na rin ako.
Okay naman siguro 'tong suot kong sponge bob na terno ang blouse at short?
Habang bumababa, napansin ko ang isang babae na nakaupo sa may sala. Nakatalikod ito kaya di ko makikilala kung sino siya. Kausap niya si mommy.
Alas-tres palang, sinara na ni mommy ang flower shop para makauwi ng maaga. Nag-aalala kasi siya sa akin. Ilang araw na niyang sinasara ang shop nang maaga. Baka mamaya wala na siyang kitain.
"Kelly! Come here my baby," magiliw na tawag sa akin ni mommy.
Lumingon naman yung babae sa direksyon ko. Gulat na gulat ako nang makilala na mama pala ito ni Charlotte. Nakasuot pa ito ng pang-office na damit. Baka galing pa itong trabaho.
"Teacher Kelly!" masayang bati nito. Sinuklian ko naman siya ng matamis na ngiti.
Naglakad na agad ako patungo sa kanila at naupo sa tabi ni mommy.
"Napasyal po kayo?"
"Ah, oo. Pero hindi naman din ako magtatagal. I just want to give this personally." May inabot siya sa aking pink na envelope.
Binuksan ko yung envelope na binigay niya para makita ang laman nito. It was an invitation for Charlotte's 11th birthday. Nakakahiya naman, sinadya niya pa talaga ako sa bahay.
"Sorry ha, kinulit ko kasi mga kasamahan mo na ibigay sa akin ang address mo. Si Charlotte kasi, kinukulit ako araw araw. She wants you to be there on her birthday. Hay, gustong-gusto ka talaga ng anak ko. Wala siyang bukambibig kundi, miss ka na daw niya," masayang pagkukwento niya.
Para namang matutunaw ang puso ko. Saglit lang kami nagkasama ni Charlotte pero napamahal na rin sa akin ang batang 'yon.
"Attend ka ha. Next Saturday pa naman yan. Ininvite ko na rin yung mga students and teachers sa summer class."
"Sure po. I won't miss this for the world."
"O, siya. Mauna na ko. Matutuwa si Charlotte nito," paalam niya. Bumaling siya kay mommy at nginitian ito
"Thank you po, ma'am. Ingat kayo pauwi. Pakikamusta na lang po ako kay Charlotte."
"Sure! Makakarating. And get well soon pala," she said sweetly. Ang bait niya.
Tumayo na rin si mommy para ihatid ang mama ni Charlotte papalabas ng bahay.
Naiwan ako sa sala na mag-isa. Matagal akong napatitig sa invitation na hawak ko. I was smiling widely while reading the invitation.
Costume party pala siya. Disney ang theme to be exact. Need ko pala ng costume. Ano naman kaya ang isusuot ko? I should ask Danika for help, I guess.
And when my eyes caught Gabriel's name, naglaho ang ngiti sa labi ko.
That's when I realized that he will be there too. Malamang! Pamangkin niya ang magbibirthday, he will be there. That's 101% sure.
Shoot! My world is doomed.
*****
A/N: Ranunculus also called "buttercups," symbolize charm, attraction, and radiance. Give a bouquet of these beauties and you'll be letting the recipient know, "I am dazzled by your charms," according to Teleflora.
Medyo hindi nagets ni Kelly kung bakit may flowers si Brix. Lol