Chapter 11 - Orange Lilies (Part 1)

Chapter theme: Congratulations - Day6

Hindi ko na namalayan ang paglipas ng bawat araw. Masyado akong naging abala ulit sa pagtuturo sa summer class at pag-uwian na, dumidiretso na agad ako sa flower shop para naman tumulong kina mommy.

Nakakapagod pero masaya naman. Lalo na kapag nakikita ko ang ngiti ng mga batang tinuturuan ko. Nakakataba ng puso. Nakaka-energized.

Iba kasi talaga ang saya sa mukha ng mga bata. Sobrang genuine. Kaya nga nakakalungkot kasi ilang weeks na lang din kaming magkakasama. Malapit ng matapos ang isang buwang summer class nila.

Habang busy ako sa paglilibot sa loob ng isang department store, naramdaman kong nagvibrate ang phone sa pouch bag ko. I fished out my phone and answer the call without even looking at the screen.

"Kels, where are you?" It was Danika.

"Nasa mall ako, bakit?"

"Gumagala ka? Hindi ka man lang nagyaya?"

"Saglit lang naman ako dito. And hello, may pasok ka kaya," I replied.

"What are you doing there?" Nakakarinig ako ng ibang ingay mula sa kabilang linya. Lunch break siguro niya.

"I'm going to buy gifts for Charlotte. Sa makawala na pala ang birthday niya. Muntik nang mawala sa isip ko," I explained.

Naglakad-lakad ako patungo sa toys section ng isang department store habang nakikipag-usap pa rin kay Danika.

I heard Danika sighed on the other line. "Don't tell me, pupunta ka pa rin dun? Kahit andun si Gab? Kaya mo?"

"Hindi ko naman kasi matanggihan ang mommy ni Charlotte. Nakakahiya. Sinadya pa niya talaga ko sa bahay para lang padalhan ng invitation, tapos hindi ako pupunta? Baka magtampo sa akin si Charlotte, she's expecting me to come."

"Okay. Okay. But if something happens, and things became awkward there, just call me," bilin niya. "Pwede ba mag-gate crash?" biro niya pa.

Baliw talaga.

"Don't worry, andun naman sila Janice. Tapos ilang oras lang naman yung birthday party. Kaya ko 'yon. Brave ata ako," pagyayabang ko pa.

"Yeah. I know. You're supergirl," she chuckled.

"Anyway, can you help me decide kung anong bibilhin kong regalo kay Charlotte? Kanina pa ako nag-iikot pero wala akong mapili."

"Naku, Kels. I'm not good with that. Sige na, bye na."

Bigla niyang binaba ang tawag. Siraulong Danika. Nagpapatulong yung tao eh! Ibinalik ko na lang ulit yung phone ko bag at nagtingin-tingin na ulit ng ireregalo sa toy section.

"Ano bang ireregalo ko?" I mumbled as I let out a frustrated sighed. Then my eyes landed on a box where Gravity Maze was written on the packaging. It's like a logic game.

Magustuhan kaya 'to ni Charlotte?

"Looking for a gift?" someone asked.

Akala ko isa sa mga staff sa department store yung nagtanong kaya agad ko siyang nilingon para magpatulong sana but I was surprised to see a handsome chinito guy.

And wow! He looked like a model. He's wearing a ripped jeans and a printed Gucci white shirt under his red corduroy trucker jacket, paired up with his black combat shoes. Clean cut ang buhok niya. Mukha din siyang hindi pinoy.

"That game is good for kids who are future endeavors in math and science. Kaso ang drawback nga lang, it can be too difficult for some kids and some will find it boring," he said while looking at the box that I was holding. Marunong naman pala magtagalog.

"Oh, thanks. Baka nga hindi magustuhan ng reregaluhan ko. Hanap na lang akong iba," I said politely while putting back the Gravity Maze on its place.

"Ano bang reregaluhan mo? Is it boy or girl?" tanong pa nung lalaki. Mukha naman siyang mabait kaya hindi ako natatakot makipag-usap sa kanya.

"It's a girl. She's turning 11."

"Woah! I'm here to buy gifts too. Same age and gender. Nautusan." He showed me the box of Fuji Intax Mini 9. Yaman naman.

"Well, I can't afford to buy that. Hindi pasok sa budget," I chuckled.

"Hmm." He held his chin between his index finger and thumb. Saglit siyang nag-isip. Then his eyes search for something.

"There!" Itinuro niya yung art section sa bandang unahan namin. Kusang naglakad ang mga paa ko para sundan siya nang naglakad siya patungo dun.

"If she's a girl, this is a perfect gift for her." May kinuha siya sa rack. It's a Crayola inspiration art case.

"I'm sure she will love this. This kit includes markers, crayons, colored pencil and paper. You know, classic enjoyment never goes out of style. No batteries, power outlets or charging. She will never be bored with this," dire-diretsong paliwanag niya.

"Dami mong alam ha," I said looking amazed.

"Yeah. I have two sisters. Twin to be exact, so may idea ako kung anong gusto ng mga batang tulad nito."

"Wow! Nice!"

Sa gitna ng pagsusuggest niya ng mga pwedeng iregalo, biglang nagring ang phone niya. Tumalikod siya sa akin para sagutin ang tawag. Mom taught me not to talk to strangers, but he's such a nice guy. Nakakawili makipag-usap sa kanya.

"I'm sorry, I have to go. I need to buy some flowers too. Ginawa na kong errand boy ng kaibigan ko," pagbusangot niya. Halos magsalubong na rin ang dalawang kilay niya.

"I hope natulangan kita," he winked.

"Wait!" tawag ko nang tumakbo na siya papunta sa cashier. Nilingon niya naman agad ako.

"Why?" he asked a bit confused.

"We have a flower shop, 5 minutes walk from here. Since tinulungan mo ko, I will give you flowers for free," I politely offered.

Parang hindi pa siya makapaniwala sa sinabi ko. Ilang segundo din napaawang ang bibig niya. "For real?"

I smiled. "Yes."

*****

Third Person's POV

"Bakit ngayon ka lang?" nababagot na tanong ni Gab nang dumating si Thao sa office niya na bitbit ang mga pinabili niya. Gift for his favorite niece and a bouquet of red roses for Stella.

He gestured him to sit down on his office's sofa which Thao gladly obliged. Ipinatong niya na rin sa ibabaw ng coffee table yung mga binili niya.

"Grabe traffic! Tapos may nakilala din akong magandang babae, nakipagkwentuhan din muna ako."

"Tss. Nangbiktima ka na naman?" pasaring nito.

"Hindi no! That's girl is so nice. Siya yung tipong sineseryoso, pre." giit ni Thao.

Bahagyang tumawa si Gab. Kilala niya ito. Siya yung tipong hindi nagseseryoso. For him, laro laro lang ang pakikipagrelasyon.

"Did you get her number?" he asked.

Biglang natahimik si Thao. Nanlaki ang mga mata, kasunod ng malakas na pagpadyak niya ng paa.

"Shit! Hindi ko natanong ang pangalan!" tila pinagbagsakan ng langit at lupang saad nito.

"Sad naman," pang-aalaska pa ni Gab sa kaibigan na kulang na lang humiga na sa sofa at maglupasay. Agad din naman itong bumangon.

Nasapo na lang ni Gabriel ang noo niya dahil parang nawawala na ito sa sarili. Abot-tainga ang ngiti. Nababaliw na ata ang kaibigan niya.

"Hindi bale, alam ko naman kung saan siya mapupuntahan," bulong ni Thao sa sarili habang nakangiti sa kawalan.

Hinayaan na lang ni Gabriel na mangarap ng gising ang kaibigan. Binalik niya ang atensyon sa laptop para magcheck ng mga e-mail from their clients.

"Oo nga pala. Anong okasyon?" curious ni Thao.

Gabriel look at his friend. He was pertaining at the bouquet of roses on the table.

"Wala naman. Pambawi," simpleng sagot niya.

He don't know the reason why but Stella is starting to get paranoid. Parang laging may kinatatakutan ito. One time pa, pinaghinalaan siya nito na may ibang babae. Kailangan i-report niya lagi sa kanya ang lahat lahat ng ginagawa niya. Kung saan siya pupunta. Hindi naman ito ganito noon. Nasasakal siya. He got annoyed kaya nasigawan niya ito noong isang araw. And he hates it when a girl cries. Kaya gusto niya makabawi sa girlfriend niya. So he booked a dinner tonight with her at her favorite fancy restaurant.

"Mukhang okay na okay kayo ng girlfriend mo, ah. Eh di wow!" komento ni Thao.

Gabriel can feel sarcasm at the tone of his friend's voice. He knows that Thao doesn't like Stella.

"She's nice. Try to get to know her and you'll get along," pagtatanggol niya sa girlfriend.

"Ewan ko talaga kung anong nakita mo doon. At hindi ko alam saang parte ng ugali niya ang nice," he said emphasizing the last word.

"Hey, don't be rude." sita ni Gabriel.

"Diyan ka na nga. Hahanap akong eye donor, bulag ka kasi." iritang wika ni Thao. He just want him to open his eyes and see that he's with a wrong girl.

Napasandal na lamang si Gabriel sa kanyang swivel chair habang pinagmamasdan ang paglabas ng kaibigan sa kanyang opisina.

*****

Kelly

Saturday came. Umaga palang hindi na ako magkandaugaga sa gagawin. Medyo maluwag kasi sa bandang dibdib ang nahiram kong Snow White na costume. Kapag yumuyuko ako, makikita kaluluwa ko kaya kailangan ko pang i-adjust ng kaunti.

Nang umokay na, nagsuot na lang din ako ng sleeveless at short sa ilalim  para kung sakaling magkaron ng wardrobe malfunction, hindi ako makitaan.

"Kelly, tapos ka na ba magbihis? Halika na dito, aayusan na kita," sigaw ni Danika mula sa sala.

Nagmadali na kong lumabas dahil 1 p.m ang start ng party. 1:45 na.

Pagbaba ko, nakapamewang na sa akin si Danika. Hinila na agad niya ako para maupo.

"Light make-up lang ha?" bilin ko.

"Opo, mahal na prinsesa." biro niya na lang.

Ilang minuto din ang tinagal ng pag-aayos niya sa akin. Mabuti na lang short hair lang si Snow White, hindi ko na kailangan magsuot ng wig.

After our make-up session, Danika lend me a mirror. Light lang nga ang make-up ko pero yung lipstick ko pulang-pula.

"Danika!" inis na sambit ko. Tumawa-tawa naman siya.

"Bakit? Red lips naman si Snow White ah," giit niya.

Napairap na lang ako sa hangin. Kumuha na lang ako ng tissue para bawasan ang kapulahan ng labi ko.

Lakas trip talaga nito.

*****

Exactly 3:00 nang makarating ako sa Hernandez Residence. Ang dami kasing bilin nina Danika at mommy bago ko umalis. Mabuti na lang hindi nabanggit ni Danika kay kuya na bahay ng pinsan ni Gabriel ang pupuntahan ko. Kapag nalaman niya, siguradong mag-aamok 'yon. And worst baka ikulong niya ako sa bahay at hindi na paalisin.

"Thanks kuya!" sambit ko nang makababa na ako sa kotse niya.

Sumilip siya sa nakabukas na bintana ng kotse niya para maghabilin na naman. Paulit-ulit siya.

"Huwag kang iinom."

"Children's party 'to kuya. Malamang walang alak dito," pabalang na sagot ko.

"Malay mo mag-inuman kayong adult diyan. Sige na, alis na ko. Text mo ko kapag pauwi ka na para masundo kita."

"Yes po!"

Pinagmasdan ko muna ang pag-alis ng sasakyan ni kuya bago ko patunugin ang doorbell. Dito palang sa labas, maririnig na ang malakas na musika na nanggagaling sa loob.

Nang bumukas ang gate, iniluwa nito yung may edad ng babae na nag-aalaga kay Charlotte. Ito na rin ang naghahatid at sundo sa bata.

"Teacher Kelly! Kay ganda niyo naman ho. Tara na ho sa loob. Nandun na silang lahat."

Nginitian ko na lang si Manang Linda kahit medyo nahihiya ako. Sobrang late ako. Pero sabi nga nila, it's better late than never.

Pumasok na kami papunta sa malaking bahay. Nakasunod lamang ako sa likod ni Manang Linda habang daldal siya nang daldal. Wala naman akong maintindihan sa sinasabi niya dahil hindi ako makapagfocus.

Ngayon ako nakaramdam ng matinding kaba. Pakiramdam ko sasabog na ang puso ko dahil ang bilis-bilis ng pagtibok nito.

Namalayan ko na lang na dinala ako ni Manang Linda sa napakalawak na garden. Maraming makukulay na bulaklak ang nakapaligid dito.

There's a wooden arc trellis entry that was painted in white. Sobrang perfect nito for framing the mystical scenery at the garden. Para akong pumasok sa libro ng mga fairytales.

Walls were covered in large sheets with a pattern that looks like a stone-wall castle. Tables were covered in white linen light blue skirting at the sides. Instead of candlelights or flowers as a centerpiece, snow globe ang nakalagay sa bawat mesa. Sa kabilang table naman, mga crystal bowl with fake apples.

It's like Snow White and Frozen theme, combined.

Everyone was dressed in Disney characters. Kahit nga mga may edad na bisita, game na game.

There's a long table at the right side covered in light blue linen. Doon nakalagay ang mga pagkain.

Namangha ako sa five layer na cakes. Kulang na lang, malaglag ang panga ko sa lupa. As in wow! Parang debut na ata napuntahan ko. Sobrang garbo ng birthday party na to.

Most of the kids are here in the garden. Tapos na ata ang program dahil naghahabulan na ang ibang bata. Kumakain na rin kasi yung mga clowns.

"Teacher Kelly!"

I pulled out from my daze when I felt someone hugged. I felt overjoyed seeing Charlotte dressed as Anna of Frozen. Ang dungis na niya dahil sa mantsa ng spaghetti sauce sa damit niya pero magandang bata pa din.

Natawa ko nang bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin at kumatok siya sa hangin. Kasunod noon ay ang pagkanta niya. 

"Teacher! Do you wanna build a snow man? Come on! Let's go and play!" Hinila niya ko papunta sa gitna kung saan naroon din ang mga kaklase niya.

Pinalibutan nila akong lahat. Para silang naglalaro ng bilug-bilugan at ako ang nasa gitna. Saktong tumugtog ang OST ng Frozen kaya galak na galak ang mga bata habang nakanta. Napasabay na rin ako sa pagkanta nila. Nakakahawa kasi ang energy ng mga 'to. Parang mga kiti-kiti. Aliw na aliw din ang mga bisita sa panunuod sa kanila habang nakapalibot pa rin sa akin.

Maging ang mommy ni Charlotte na nakasuot ng costume ni Queen Iduna, masayang nakatanaw lang sa amin. I sent a smile to her direction to greet her. Daddy ata ni Charlotte ang katabi nito. He was dressed as King Agnarr. May karga siyang batang lakaki na naka-suot ng Olaf onesie. Cute! Si Justin siguro 'yon. Yung baby brother ni Charlotte. Lagi niya sa akin kinukwento ito.

"Yehey! Ang gagaling naman!" Malakas akong pumalakpak nang matapos ang kantahan. Sunod-sunod na nagpalakpakan din ang mga bisitang nanunuod sa amin. Feeling ko namumula na ang mukha ko sa hiya. Ayoko pa naman maging center of attention.

Lumapit ako kay Charlotte, nagbend ako ng kaunti para maging kalevel siya.

"Happy Birthday, princess!" I gave her my gift which earned me a tight hug from her.

"Thank you teacher," she giggled. Nanggigil ako kaya napisil ko tuloy ang pisngi niya. 

"Kelly! Naku mabuti naman dumating ka. Kanina pa nabubugnot yang batang yan kasi wala ka pa. Akala niya hindi ka na darating," bati sa akin ng mommy ni Charlotte.

"Sorry po. Nagka-aberya po kasi tong costume ko kaya inayos ko po muna," paliwanag ko.

"It's okay. Ang mahalaga nandito ka na. And stop the formality. Huwag ka na mag-po. And just call me Cherrie na lang."

Nahihiya man tumango na lang ako.

"Kain ka muna, nandoon yung ibang teachers." Tinuro ng mommy ni Charlotte ang table nila Lily kung saan, kaway sila nang kaway sa akin kaya agad akong tumakbo papunta sa table nila at naupo sa bakanteng upuan na nilaan nila sa akin.

Lily was dressed as tinkerbell, Lloyd as Peter Pan. Si Janice naman nakasuot ng yellow gown ni Belle ng Beauty And The Beast.

Masaya nila akong binati pero si Janice, nakabusangot.

Anong nangyari kaya dito?