Chapter theme: Congratulations - Day6
I feel like the world around me suddenly froze. My heart was beating fast. I don't know if it's because of the anxiety or something else. But one thing I know is for sure. I just want to go home.
Kaya naman pala sumama ang timpla ng mukha ni Janice. She's still mad at Gab.
Madali lang sa akin na harapin si Gabriel. Walang kaso sa akin yun. I can just ignore him. Pero ibang usapan na kung si Stella. Hindi ako kumportable sa mga tingin niya.
They were sitting in a 3 seater swing sa left side ng garden. Rapunzel at Flynn Rider ang costume nila. Nice. Couple goals.
Hindi ko sila napansin kanina dahil nakafocus ako sa mga bata. Ngayong aware na ako sa presence nila, pakiramdam ko may makapal na lubid na nakagapos sa akin. I can't breath. I can't move.
"Hey! It's you!"
Napapitlag ako nang bigla akong hampasin ni Janice sa balikat ko kaya napalingon ako sa kanya.
"Tawag ka, kilala mo?" ininguso niya ang lalaki sa harapan ko na nakasuot ng costume ni Aladdin. I was delighted when I saw that he was the guy who helped me pick a gift for Charlotte.
"Hey! You're here!"
"Wow! Small world. Hindi ko akalain na makikita kita dito, akala ko namamalimata lang ako nang dumating ka kanina," he stated. I could see the amusement dancing in his eyes.
"Same here! Grabe iisang bata lang pala binilhan natin ng regalo."
"Oo nga eh. Thao nga pala," pakilala nito. He extend his hand for a handshake.
"I'm Kelly. Nice to meet you," I smiled.
"I hope you don't mind if I join you guys here?" He pointed at the other vacant chair between Lily and I.
"Oo naman! Basta gwapo pwedeng pwedeng maupo dito," energetic na sagot ni Lily. Nabatukan tuloy siya ni Lloyd.
"Where are your sisters? Kasama mo sila?" I started a conversation with Thao the moment he sat beside me. I remembered he mentioned that he has younger sisters.
"Nope. Nasa Vietnam sila," he replied. He has a cute smile on his face.
"OMG! Taga-Vietnam ka? May lahi ka?" tanong ni Lily. Interesado ata kay Thao.
"Yeah. Half Filipino, half Viatnamese."
Napanganga kaming lahat maliban kay Janice na tahimik lang. Hawak hawak niya ang cellphone niya. Busy mag-text.
Thao is a big distraction. Bahagya kong nakalimutan ang pangamba ko dahil panay ang pagpapatawa niya. Ang dali niyang nakasundo sina Lily at Lloyd.
Makalipas ng ilang minutong pagkukwentuhan, nagpaalam ako na kukuha muna ng maiinom. Binitbit ko ang cellphone ko, dahil gusto kong picturan ang mga makukulay na bulalak. Pero bago yun, nagpunta muna ako sa long table kung saan nakalagay ang mga malalaking bowl with different kinds of juices.
Habang namimili ng iinumin, bigla namang tumugtong ang isang hindi familiar na kanta. Ngayon ko lang ito narinig pero yung lyrics ng kanta, masyadong mapanakit.
I don't even know how I can talk to you now
It's not you, the you who talks to me anymore
Napangisi na lang ako. Bakit ganito ang kantang 'to? Bakit alam na alam nito ang nararamdaman ko?
And sure I know that sometimes it gets hard
But even with all my love, what we had
You just gave it up
But I was the one who gave up on us. I pushed you away. Ang alam ko ginawa ko lang ang tama para sa atin, pero kung tama 'yon, bakit tayo nasaktan?
Congratulations, glad you're doing great
Congratulations, how are you okay
I secretly glanced at Gabriel's direction. I think he's okay now. The way he hold her, the way he smiled at her. I know now, he moved on. He's in love with someone else. I'm glad that he's doing great.
How could you be so fine?
I can see it in your eyes
The same look that you gave me,
that kills me inside
Napatingala ko nang maramdaman kong naluluha na ako. Sino ba ang dumurog sa puso ng composer na 'to? Ang sakit sakit ng lyrics ng kanta niya. Pwede bang pahintuin na nila yung tugtog?
Para kasing kutsilyo na humihiwa sa puso ko yung bawat lyrics ng kanta. Masaya ako. Dapat masaya na ako. Pero bakit pakiramdam ko, niloloko ko lang ang sarili ko?
"Hi Kelly!"
Hindi ko namalayan ang paglapit sa akin ni Stella. Masyado akong nalulunod sa kanta na tumutugtog. Bahagya akong napaatras nang lumapit siya. Naikuyom ko ang kamao ko para mapigilan ang panginginig nito.
"Why so scared? Mangangamusta lang naman ako," sambit niya.
"You look good," puri niya pa. Pero alam ko namang hindi siya sincere.
"You too. You look good. I can even compare you to a flower. An orange lily, perhaps." I said with sarcasm. And I think she doesn't get what I mean dahil nag-thank you pa siya.
Well, that's the flower that symbolizes my hatred for her. Suits her well.
Wala ako sa mood para makipagplastikan pa. Lalayasan ko na sana siya pero marahas niyang nahawakan ang braso ko at hinila paharap ulit sa kanya.
"Huwag kang bastos!" Matatalim ang bawat tingin na binigay niya sa akin. Nagpakatatag ako sa harap niya. Nilabanan ko ang matatalim na tingin ko sa kanya.
Napatingin ako sa paligid. Everyone was busy in their own little world. Wala man lang nakapansin ng tensyon na namamagitan sa aming dalawa.
"Malandi ka talaga no?"
Tila nagpanting ang tainga ko dahil sa sinabi niya.
"Bitawan mo ko!" matigas na sambit ko. But she just hold me tighter.
Napangiwi ako dahil masakit na ang pagkakahawak niya sa braso ko. Bumabaon pa sa balat ko ang mahabang kuko niya.
"After Brix, kaibigan naman ni Gab ang nilalandi mo? Mahilig ka talagang manira ng pagkakaibigan no? Wow! Kelly! I can't believe you. Desparada ka na ba?" she said mocking my entire being once again.
Ganitong ganito din noong college kami. Mahilig siyang paratangan ako ng mga bagay na hindi naman totoo. Siya ang isa sa mga sumira ng buo kong pagkatao. I will never forgive her for all the nightmares she brought to me.
"I said let me go! Wala akong alam sa sinasabi mo!" nagpumiglas ako sa pagkakahawak niya pero masyado siyang malakas. Nanginginig rin ang katawan ko kaya hindi ko magawang makatakas sa kamay niya.
But I tried my hardest to break free from her grip. Tinipon ko ang lahat ng lakas na meron ako. Marahas kong iwinakli ang kamay ko sa pagkakahawak niya hanggang sa makawala ako.
Mabilis akong humakbang pero hinila na naman niya ulit ang braso ko dahilan para mabitawan ko ang cellphone ko.
I saw Stella smirked.
Nagmadali akong pulutin ang cellphone ko pero naunahan na niya ko. Ang sunod niyang ginawa ay nagpadilim na sa paningin ko.
Hinulog niya ang cellphone ko sa bowl ng orange juice.
Ang cellphone na ilang taon kong iningatan. Ang cellphone kung saan ko nababalik-balikan ang nakaraan. Everything was there. Precious memories of Gab and I was there. And in an instant, it was all gone.
Katulad na lang din ng pagmamahal ni Gab sa akin, wala na.
Pinunasan ko ang luhang tumulo sa mata ko. Ang bigat bigat ng dibdib ko. Para na akong sasabog. Naramdaman ko ang walang humpay na panginginig ng labi ko. I was also gritting my teeth with so much anger.
Walang sabi-sabing lumapit ako kay Stella at nagpakawala ng malakas na sampal sa pisngi niya. Alam kong malakas ang sampal na ginawa ko dahil bumakat agad ang kamay ko.
I saw the terror written all over her face when she saw the fury in my eyes. Ni minsan hindi ako nagalit ng ganito, ngayon lang.
Napukaw ko ang atensyon ng mga tao dahil sa ginawa ko. But who the hell cares? Ako ang naunang inagrabyado.
Kinuha ko ang cellphone ko sa bowl. Alam kong hindi na ito gagana pero kinuha ko pa rin. Kahit wala na, kumakapit pa rin ako. I'm so pathetic.
"Bitch! I fucking hate you!" malakas na tili ni Stella.
Sinunggaban niya ako. Na-out of balance ako kaya natumba ako at napahiga sa lupa. Sinamantala ni Stella ang pagkakataon para daganan ako.
I covered my face when she tried to slap me over and over again. Pero tila namamanhid ako, wala akong maramdamang sakit. Ang kumikirot na lang sa akin ay ang puso ko.
"Malandi ka! I hate you! Bakit hindi ka pa mawala sa buhay namin?!" pagwawala ni Stella. Sigaw siya ng sigaw. Nakakabingi.
"Let go of her, bitch!" Pag-awat ni Janice. Kita ko ang galit sa mukha niya niya. Gigil niyang hinila si Stella paalis sa akin.
Dumating na rin si Gab para tumulong at pakalmahin ang girlfriend niya pero parang hindi na ito marunong makinig.
Ang iba naman ay nanunuod lang. Parang isang magandang palabas sa kanila ang walang humpay na pagsampal at pagsabunot sa akin ni Stella habang nasa ibabaw ko siya. Nakakalmot na rin niya ang mga braso kong pumuprotekta sa mukha ko.
"Sinabi ng tama na!" Dumagundong ang malakas na sigaw ni Gabriel. Doon lamang natauhan si Stella.
Nagmadali siyang lumayo sa akin. Para siyang wala sa sarili habang nililibot niya ang paningin niya. Pinagpepyestahan na kami ng mga bisita.
"Gab!" iyak ni Stella kay Gab.
"Let's go!" Mabilis siyang hinila ni Gabriel palayo sa aming lahat.
Dinaluhan ako nila Janice. Inalalayan na tumayo. Pero nanghihina ako. Walang lakas ang mga paa ko kaya nanatili akong nakasadlak lang sa lupa. Iyak lang ako ng iyak. Para na akong mauubusan ng hangin dahil sa malalakas na paghagulgol ko.
I looked at Gab's distant figure. At the back of my head, I was wishing for him to look back at me. But he didn't.
And that made me break down even more.
*****
Gabriel
An unfamiliar song played and it filled my ears. Hindi ko alam kung sino ang kumanta nito. But somehow, I can relate to his pain. The lyrics were like a bullet, hitting a sore spot.
Thought we were meant to be
I thought that you belonged to me
Pasimple akong tumingin kay Kelly na tila nakatitig sa kawalan, pero mabilis ko din itong binawi ng walang nakakapansin.
Akala ko kami na hanggang sa huli pero hindi pala. Sa huli, hindi na pala magtatagpo ang mga puso namin.
I'll play the fool instead
Oh but then I know that this is the end
Binigay ko ang lahat sa kanya. Wala akong itinira sa sarili ko. Binuo ko ang mundo ko na kasama siya. Kaya ng malaman kong niloko niya ko, naubos ako. Nahirapan akong punuin ang malaking puwang na iniwan niya sa puso ko.
Congratulations, glad you're doing great
Congratulations, how are you okay
Mukhang masaya naman na siya sa piling ni Brix. Parang wala lang sa kanya ang panloloko niya sa akin. Ganun ba talaga kadali sa kanya na alisin ako sa buhay niya?
How could you be so fine
I can see it in your eyes
The same look that you gave me,
that kills me inside
Nasaktan ka ba noong nadurog mo ako? Noong pinatay mo ang puso ko?
I don't even need to ask
I know you too damn well
I can see that smile and can tell that
you did more than move on
Mukha namang hindi ka na apektado. Mukha namang naka-move on ka na. Dati pa. Mukhang okay na okay ka na talaga.
Congrats.
"Hon, uwi na tayo."
Bumaling ako kay Stella. Nakasandal ang ulo niya sa balikat ko. Mukhang inip na inip na siya. Kanina pa ito nag-aaya umuwi.
"Let's stay a bit more. Baka magtampo sa akin si ate Cherie. Please?" pakiusap ko. Naramdaman ko ang pagtango niya sa balikat ko.
I held her hand. "Thanks."
"Anything for you." She looked at me and smiled. I smiled back at her.
"Look at your friend, kung sinu-sino na naman ang babaeng nilalandi," tinuro niya ang table ng mga kaibigan ni Kelly. Nandun si Thao na nakikipagtawanan sa kanila.
Magkakakilala na ba sila?
"Si Kelly ata ang trip niyang kaibigan mo. Look, sulyap siya ng sulyap kay Kelly. Poor guy. The girl has a boyfriend already. Pero infairness, parang bagay din sila ni Thao. What do you think?" pagdaldal ni Stella pero hindi ko na lang pinansin.
"Kuha lang ako ng alak sa loob," paalam ko.
Tumayo na ko para pumasok sa loob ng bahay. Yung ibang relatives ng asawa ng pinsan ko, nag-vivideoke naman ngayon dito sa sala. Ang ingay nila. Halatang mga lasing na.
Dumiretso na ako sa kusina. Andun kasi yung cooler na naglalaman ng mga bote ng beer. Kumuha na ako ng tatlo. Pagbalik ko sa sala, nakita ako ng biyenan ni ate Cherie. Hinarang niya ko para painumin ng iniinom nilang soju. Ayos din ang mga 'to.
Hindi na ko makatanggi dahil hindi daw nila ako paalisin hanggang hindi ako umiinom kahit tatlong shot.
Naiiling akong tinanggap ang tagay nila. Inilapag ko muna ang mga hawak kong bote ng beer sa lamesa. Isa-isa pa silang dumaldal kaya napatagal ako sa loob. Ilang sandali pa, nakarinig na kami ng ingay sa garden. Parang may nagkakagulo.
Nagmadali kaming nagpunta sa garden. Saglit akong natigilan dahil sa nasaksihan ko.
Halos hindi ako makapaniwala sa nangyayari. Kelly was lying on the ground defenseless as Stella keep on assaulting her.
May umaawat na sa kanila pero ayaw niya magpapigil. Tumakbo na ako palapit sa kanila. Hinila ko agad si Stella palayo, nakikiusap na tumigil na siya pero parang wala siyang naririnig.
Nagliliyab sa galit ang mata ni Stella. Para siyang walang pakealam sa paligid. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakita ko siyang nagkaganito. Parang hindi ko na siya kilala. Parang ibang tao na siya.
Naawa na ako sa kalagayan ni Kelly. Hindi siya makalaban. Tinitiis niya lang kahit halatang nasasaktan na siya. Nagdurugo na rin ang braso niyang puro kalmot ni Stella.
Parang may kumirot sa puso ko habang nakikita ko siya sa ganung kalagayan. Ayaw ko pa rin pala siyang nasasaktan.
I keep on pushing her away, but the truth is. I want to hold her in my arms again.
Mariin akong napapikit para pakalmahin ang sarili ko, pero hindi ko napigilan ang pagbugso ng damdamin ko.
"Sinabing tama na!" buong lakas kong sigaw.
Tila nayanig ang mundo nilang lahat dahil sa malakas na pagsigaw ko. Maging si Stella rin ay parang nahimasmasan. Mabilis siyang tumayo palayo kay Kelly. Para na siyang wala sa sarili niya.
I'm so disappointed in her.
"Let's go!"
Marahas kong hinila ang kamay ni Stella at hinila siya palayo. Dire-diretso akong naglakad na hindi iniinda ang mga tingin ng mga bisita.
Gusto kong lingunin si Kelly pero pinigilan ko ang sarili ko. Natatakot ako, hindi na matibay ang pader na nilikha ko. Baka sa isang pagsulyap ko lang sa kanya, tumakbo ulit ako palapit sa kanya.
*****
A/N: Orange Lilies actually symbolize hatred, pride, and disdain. One of the flowers you should never give to anyone.