Chapter theme: Lies - G.O.D
Third Person's POV
Walang imikan sina Stella at Gabriel mula sa biyahe hanggang maihatid siya nito sa bahay nila. Hindi man ito magsalita, nababasa ng dalaga ang galit at labis na pagkadismaya sa mukha ng kasintahan.
"Pumasok ka na sa loob," utos ni Gabriel. Nakatitig lamang ito sa gate ng bahay nila Stella. Malamig ang boses nito. Bumabalot sa buong kalamnan ng dalaga ang lamig nito.
"Hon, please don't get mad. Hindi naman ako ang nanguna eh! It was Kelly! Sinampal niya ako, pinagtanggol ko lang naman ang sarili ko!" paliwanag ng dalaga.
Sinubukan niyang kunin ang kamay ni Gabriel pero isinuksok niya ito sa magkabilang bulsa ng pantalon niya.
Nakaramdam si Stella ng kirot sa puso niya.
"Let's talk tomorrow," sambit pa ng boyfriend niya. Ni hindi man lang siya nito tinitignan.
"No! Ngayon natin 'to pag-usapan!" pikit-matang sigaw niya at nang magmulat siya, bumungad sa kanya ang blankong mukha ni Gabriel. Wala na siyang mabasang kahit anong emosyon sa mukha nito.
"Pagod tayo parehas. Bukas na tayo mag-usap," giit ni Gab.
Akmang tatalikod na siya nang muli na namang nagsalita si Stella na nagpatigil sa mundo niya.
"M-Mahal mo pa ba siya?!" buong lakas na sigaw niya. Hindi na niya pinansin kung marinig man siya ng mga kapitbahay.
Nanginginig ang labi niya. Pinuno ng pangamba ang boses niya. Natatakot siya sa maaaring isagot nito, baka hindi kayanin ng puso niya.
"Hindi na," tipid na sagot ni Gabriel.
Nahuli niya ang pag-iwas nito ng tingin sa kanya. Parang nababasag ang puso niya, parang nahulog ito mula sa pinakamataas na palapag at nang lumagapak, nagkalasog-lasog at nagkapira-piraso.
Sa kaloob-looban niya, alam niya ang tunay na sagot. Iba ang sinasabi ng bibig nito sa sinasabi ng puso niya.
"Ako? Mahal mo ba ako?" muling tanong niya.
Sa pagkakataong ito, hindi na nagsalita si Gabriel. Binalot sila ng nakakabinging katahimikan. Nakagat niya ang nangingig niyang labi para pigilan ang sarili na maiyak sa harapan nito.
Nabasag lamang ang katahimikang namayani sa kanila nang humugot si Gabriel ng malalim na buntong-hininga bago lumapit muli sa kanya.
"Magpahinga ka na," wika nito.
Nanlumo siya. Hindi nito sinagot ang tanong niya. Mahigpit siyang yumakap sa bewang ng binata, ngunit hindi ito tumugon sa yakap niya. Nanatili lang itong nakatayo na parang isang tuod.
"D-Don't leave me. Please! I love you.. I-I'm sorry...I-I'm sorry." Tuluyan nang napahagulgol si Stella. Isinubsob niya ang mukha sa dibdib ng binata at doon umiyak nang umiyak.
Hindi niya kayang mawala si Gabriel sa buhay niya. Isipin niya palang, parang mawawasak na ang buong pagkatao niya.
"H-Hindi na mauulit. I won't disappoint you again. I love you, Gab. I love you. Huwag mo kong iiwan," pagsusumamo niya pa.
Napatingala na lang si Gabriel sa kalangitan. Ramdam niya ang panginginig ng katawan ni Stella at ang pagtaas-baba ng mga balikat nito dahil sa walang humpay na pag-iyak nito.
Tila may mabigat na dumadagan sa dibdib niya. Pakiramdam niya napakasama niyang tao.
Sinubukan naman na matutunang mahalin si Stella. Ginawa niya ang lahat para masuklian lang ang pagmamahal nito. But maybe, he didn't even try harder. Because in the end, heto siya at nasasaktan ang babaeng walang ibang ginawa kundi ang manatili sa tabi niya at mahalin siya. He's being unfair.
"I won't," he said reassuringly.
He knows how fragile Stella is. Hindi kakayanin ng konsensya niya kapag sinaktan na naman nito ang sarili niya.
Bahagyang tumigil sa pag-iyak ang dalaga at lihim na ngumisi. Alam niyang ito ang kahinaan ni Gabriel, him seeing her vulnerable.
Kahit kailan hindi siya pumalya sa pag-arte niya. She has so many ways to make Gabriel stay. She got him wrapped around her fingers.
*****
Kelly
I keep on apologizing to Charlotte's parents bowing my head endlessly. I could feel that they're still in the state of shocked, who wouldn't? I just ruined their daughter's birthday party.
They just look at me with their eyes full of emotions I can't comprehend. Maybe they are mad or disappointed at me. I don't know. I could only hang my head low. I'm so ashamed of myself that I don't have the courage to looked at them in the eyes.
What happened today was traumatizing to the kids, especially to their daughter. I can't blame them if they want to scream or blame me for everything. I've made a big mess.
But all of my negative thoughts were washed away when I felt Charlotte's mother pulled me into a warm embrace. My whole body aches but I can't help it. I returned the hugged as I started to break into sobs once again.
"It's okay," she whispered.
But deep down, I know I will never be. These scratches and bruises can heal, but the scar in my heart will forever remain.
I didn't call my brother to pick me up. But instead, it was Thao who was kind enough to offer me and my friends a ride home.
I was sitting on the backseat together with Janice and Lily while Lloyd was on the frontseat.
On our way home, we were envelope in an awkward silent. None of them dare to talk about what happened earlier, as if they were being considerate of my feelings.
Naunang ihatid ni Thao sina Lily at Lloyd samantalang nanatili si Janice sa tabi ko hanggang makarating kami sa subdivision namin.
And the moment Thao's car parked right in front of our house, nakaramdam na naman ako ng panghihina. Natatakot ako sa magiging reaksyon nila mommy at kuya kapag nakita nila ang itsura ko ngayon.
"I'm here. Ako na bahala magpaliwanag," Janice said soothingly, holding my hand tighter.
My mind suddenly went blank. All I could do was nod at her.
Thao opened the door for us. Janice on the other hand, helped me get out of his car.
"Thanks for the ride Thao."
"No problem," I heard Thao replied in a low voice.
I glanced at him for a moment, gave him a faint smile.
"Thank you," I mumbled.
He nodded as he gestured his hand that he was leaving. He turned on the engine and drove off.
Kabado ako nang pinatunog ni Janice ang doorbell. Ilang segundo kaming nahihintay bago bumukas ang gate ng bahay at iniluwa nito ang kapatid ko.
Worried and panicked struck his face when he saw me covered in scratches and bruises. Even my costume were worn out too. Naramdaman ko na lang na hinawakan niya ako sa magkabilang balikat.
"Anong nangyari? Bakit ganyan ang itsura mo?!" I just bit my lower lip as my body starts to tremble again.
His eyes landed on Janice, asking for an honest answer.
"It's Ste---"
I cut her off before she could even continue. I throw myself at my brother for a tight hug. Confused, he just wrapped his arms around me as he caressed my hair softly.
"Just cry. Hindi na ko magtatanong. Hindi na kita pipilitin sabihin sa akin kung anong nangyari. Wala kang dapat ipaliwanag. Maiintindihan ka ni kuya."
And with his words, I found myself weeping for the nth times of the night as I poured my heart out to him.
*****
"Bakit kasi hindi ka nag-iingat anak? Paano na lang pala kung mataas yung kinabagsakan mo?" Mom cried as she treated all the scratches in my arms.
Mabuti na lang napaniwala namin siya ni Janice na nadulas lang ako sa hagdan ng bahay nila Charlotte.
But not on my brother's case. Alam kong alam niya na nagsisinungaling kami pero gaya ng sabi niya, hindi na lang siya nagtanong pa.
Napangiwi ako ng idampi ni mommy ang cotton swab na may alcohol sa labi ko. May maliit na sugat pala ako doon bukod sa pisngi at braso ko na may mahahabang kalmot.
"May iba pa bang masakit sa'yo? Pumunta kaya tayo ng ospital? Just to make sure. Baka mamaya nabalian ka pala," mom insisted. Ramdam na ramdam ko ang taranta sa boses niya.
"Okay na po tita, nadala na namin siya sa ospital," Janice lied, trying to cover up for me.
Mom let out a sighed of relief, her hand cupped my face. "Mabuti naman."
I looked at Janice and mouthed my thank you to her. Pasimple siyang nag-thumbs up sa akin.
"Sige ho, tita. Mauna na po ako," magalang na paalam ni Janice kay mommy.
Mom stood up for a moment. She gave my friend a quick hug. "Thank you sa paghatid sa anak ko, hija."
"Wala po iyon, tita. Basta para kay Kelly, maasahan niyo ko," she sent me a heartwarming smile.
I'm glad to know that I'm being surrounded with good people.
"Ihatid na kita. Gabi na," my brother offered which Janice declined.
"Sige na, hija. Magpahatid ka na kay Mikael," pangungumbinsi pa ni mommy. Sa huli wala na siyang nagawa kundi tanggapin na ang offer ni kuya.
Pagkalabas nila, muling tumabi sa akin si mommy. "Nagugutom ka ba?"
I shook my head and just laid on the sofa with my head on her lap. Para akong batang nagpapalambing sa kanya.
Masuyo niyang hinaplos-haplos ang buhok ko. Nanatili lang kaming tahimik sa ganung posisyon. Unti-unting kumalma ang puso ko lalo na nang kantahin ni mommy ang paboritong lullaby namin ni kuya.
Madalas kinakanta niya ito sa amin kapag pakiramdam niya may pinagdadaanan kami ni kuya na hindi namin masabi sa kanya.
I'll love you forever
I'll like you for always
As long as I 'm living my baby you'll be.
Her voice is like a magic spell, tending my wounded heart. And in an instant, I feel at ease, like the heavy cloud in my world has been lifted.
My mother's love is my medicine, I guess. Kahit paulit-ulit man akong saktan ng mundo, sapat na ang pagmamahal niya para maibsan ang lahat ng sakit na nararamdaman ko.
*****
Lumipas ang ilang araw, akala ko matatahimik na ang buhay ko pero mali ako. Naging usap-usapan ang nangyaring gulo sa bahay nila Charlotte. Pakiramdam ko bumalik ako sa nakaraan, kung saan puro panghuhusga ang natatanggap ko.
Nagpasya akong magquit na sa pagtuturo sa summer class dahil hiyang-hiya ako kahit hindi naman talaga ako ang nag-umpisa ng gulo. Disappointed na rin sa akin ang ibang magulang ng mga batang nakakita ng nangyari noong nakaraang Sabado at hindi ko na kayang tanggapin ang masasakit na salita nila. Ayokong sirain na naman ako nito.
I don't really want to quit but I need to do it so I could save myself, so I could have peace of mind. Bumalik na lang ulit ako sa pagtulong sa flower shop. Full time.
"Ano 'to?" tanong ko kay kuya nang makaalis ang customer. May nilapag kasi siya sa counter na isang box. Naka-gift wrap pa.
"Buksan mo na lang," he replied flatly.
Medyo nag-aalangan ako kasi baka kung ano ang laman nun. Mahilig kasi siyang pagtripan ako.
Nang masira ko na ang nakabalot, halos manlaki ang mata ko sa labis na tuwa.
"New phone?" I gasped.
"Oo, para may magamit ka."
Lumabas ako sa check out area at agad na yumakap kay kuya.
"Thank you!" I shrieked.
"Anong thank you? May kapalit yan," seryosong saad niya.
I frowned. Don't tell me pababayaran niya sa akin 'to? "Ano naman?"
"Kapag may nangyayari sa'yo, magsasabi ka sa akin hindi yung sa iba ko pa nalalaman. Para saan pa at naging kuya mo ako kung hindi naman kita maipagtatanggol?" may himig ng pagtatampo sa boses niya.
"I'm sorry." Iyon na lamang ang nasabi ko.
Mabuti na lang sa kanya lang nakarating ang nangyari sa pagitan namin ni Stella. Wala pa ring alam si mommy. Ayoko na siyang bigyan pa ng alalahanin.
My brother seems unbothered when he found out the truth. Pero sa totoo lang, mas natatakot ako sa pananahimik niya. Mas gusto ko pang makitang galit siya kaysa ganitong para siyang isang kalmadong ilog. Mas delikado. I know he won't let this pass easily.
"Alis muna ko," paalam niya bigla. Ginulo-gulo niya pa ang buhok ko.
"Saan ka naman pupunta?" usisa ni mommy na kalalabas lang sa design room.
My brother smiled sheepishly. "Manliligaw!"
And with that, nagtatatakbo na palabas ng flower shop si kuya at sumakay sa kotse niya na nakaparada sa labas.
Nasapo na lang ni mommy ang noo niya habang pinagmamasdan ang pag-alis ng sasakyan nito.
"Hayaan mo na, mommy. Nagbibinata na ang kuya," biro ko na lang.
"Late bloomer yang kapatid mo," mom retorted. Natawa ko sa kanya kaya pati siya tumawa na rin.
Paano ba naman? Ngayon lang namin nabalitaan na may nililigawan siya. No girlfriend since birth ang kapatid ko. Hindi kasi marunong pumorma sa babae.
"Do you have any idea who's the lucky girl, mom?" curious kong tanong.
Mom just shrugged. "Wala din nababanggit sa akin. Masyadong malihim."
Wow ha! Pa-mysterious naman ang kapatid ko.
*****
Third Person's POV
Abala si Gabriel sa pagpirma sa mga papeles na nasa harapan niya nang biglang bumukas ang pinto sa kanyang study room.
"S-Sir, may naghahanap po sa inyo sa labas." It was their maid.
Sumandal siya sa kanyang swivel chair. Kunot-noong tinignan ito. "Sino?"
"Mikael daw po. Nagwawala po siya sa labas ng bahay, kanina pa. Tumawag na po kami ng security pero nagmamatigas siyang umalis," paliwanag nito.
Bahagyang natahimik si Gabriel. Napahimas na lamang siya sa sentido niya.
"Where's mom?" tanong niya.
"Kanina pa po umalis, nagpunta na po ng ospital," sagot nito.
Napahugot na lang muna si Gabriel ng malalim na buntong-hininga bago muling magsalita. "Let him in."
"P-Po? Sigurado kayo, sir?" nag-aalangang tanong nito.
"I know him. Papasukin niyo," he repeated.
Dali dali namang lumabas ang kasambahay nila. Sumunod na rin siya dito para puntahan ang unexpected visitor niya.
Nang makalabas siya sa bahay, nadatnan niya si Mikael na naghihintay sa kanya sa may garahe.
Hindi na siya nakapaghanda ng bigla na lang siyang sugurin nito. Nagpakawala ito ng isang malakas na suntok sa mukha niya. Sa lakas ng impact, bumagsak siya sa semento.
Agad na namagitan sa kanila ang kasambahay at guard nila Gabriel.
Dahan-dahang tumayo si Gabriel. Hindi siya nagpatinag sa matatalim na tingin na ipinupukol sa kanya ng kapatid ni Kelly. Nilabanan niya rin ang masasamang tingin nito.
"Man, what was that?" he asked. Ramdam niya ang pagputok ng labi niya. He spit out the blood on his mouth as we wiped his lips with the back of his hand.
"That's for making my sister's life a living hell!" Galit na galit na sigaw nito. Nakakuyom parehas ang mga kamao.
"Isn't it the other way around?" he spat sarcastically.
Mas lalong nagpuyos sa galit si Mike. Gusto niyang sugurin ito ulit pero mahigpit ang pagkakahawak ng guard sa kanya. Napasigaw na lang siya sa matinding frustration.
"Kung wala ka nang sasabihin, umalis ka na," walang emosyong sambit ni Gabriel bago ito talikuran. But before he even take another step, he froze when Kelly's brother started screaming profanities at him.
"It's all because of you that my sister has to suffer! Sana hindi ka na lang niya nakilala! Sana hindi ka na lang pumasok sa buhay niya. All she wants is to be happy. All she wants is to have a peaceful life. Pero bakit simula nang makilala ka niya, puro pagdurusa na lang ang naranasan niya?" dire-diretsong saad ni Mikael kahit pa nanginginig na ang kanyang labi. Pinangungunahan na siya ng emosyon niya. Hindi niya mapigilan ang pagbulusok nito.
Unti-unting tumulo ang luha sa mga mata ni Mikael.
Everyone has a weakness, and for him ang bunsong kapatid niya ang kahinaan niya. Nasasaktan siya kapag nakikita niyang nasasaktan ito.
"W-Wala naman siyang ginawang masama...W-Wala naman siyang kasalanan...Ang pagkakamali niya lang, ikaw ang minahal niya. P-Pero ano pa lang kapalit nun?! Kaligayahan niya? Ang sama niyo! Ang sama sama niyo!"
Napaluhod si Mikael habang inilalabas ang galit. Pumapatak na sa semento ang mga luhang patuloy na rumaragasa sa mata niya. Wala na siyang pakialam kung may ibang taong nakakakita ng kahinaan niya.
Gabriel furrowed his forehead in confusion. Hindi niya maintindihan ang sinasabi nito. Hindi ba siya ang biktima dito? Siya ang niloko. Siya ang iniwan. Ngunit bakit pinapalabas nito na siya pa ang may kasalanan?
Marahas na pinunasan ni Mikael ang luha niya. Huminga siya ng malalim bago taas noong tumayo at harapin muli sa Gabriel na tila naitulos na sa kinatatayuan.
"Oo nga pala. Sabihin mo sa girlfriend mo, hinding-hindi ko na hahayaang masaktan niya pa ulit ang kapatid ko. Tama na ang impyernong dinanas ni Kelly sa kamay niya noon. Hindi ko na hahayang maulit pa 'yon. Hinding-hindi niyo na siya masasaktan pa," huling pahayag nito bago talikuran si Gabriel.
"W-What do you mean?" naguguluhang tanong ni Gabriel.
Saglit na tumigil si Mikael sa paghakbang. Nilingon niya si Gabriel. Basa niya sa mukha nito ang labis na kalituhan.
"Hindi mo alam?" pagak siyang tumawa. "Sabagay, noon pa naman wala ka na talagang alam sa pinaggagagawa ng mga tao sa paligid mo," mariing sambit nito.
Nananatiling nakapako lamang si Gabriel sa kinatatayuan. Parang wala siyang lakas na gumalaw. At nang makaalis si Mikael, nag-iwan naman ito ng isang malaking delubyo at palaisipan sa buong sistema niya.
*****
A/N: Red Dahlias symbolize betrayal and dishonesty. Hehe