Chapter theme: All About Us - He Is We ft. Owl City
"Can I ask Kelly on a date?"
Napaawang na lang ang bibig ko habang nakatingin lang kay Brix. Sinusubukan i-process ng utak ko kung tama ba ang mga salitang naririnig ko mula sa bibig niya.
Maging si mommy ay ilang minuto ding natigilan. Pero hindi nakalampas sa paningin ko ang pagsilay ng maliit na ngiti sa labi niya. Tila nasisiyahan siya sa narinig niya.
I turned to my brother, he was grinning from ear to ear as if he already has an idea of what's going to happen.
So ganun ba ako kamanhid?
It's been a week since Brix keeps sending me a box of chocolates. Madalas din siyang magpadeliver ng foods dito sa bahay. Kahapon naman, niregaluhan niya ako ng Ice Bear stuffed toy kahit wala namang okasyon.
Nasanay ako sa mga sweet gesture niya as a friend, kaya hindi ko na napansin na may iba na palang ibig sabihin yun.
And now he's here, ipinapaalam kay mommy ang intensyon niya sa akin habang nagtitipon-tipon kami dito sa sala.
Seryoso siyang nakatitig sa mga mata ko. Napayuko na lang ako dahil sa hiya. My feet keeps on tapping on the floor. Hindi ako mapakali. Ramdam ko rin ang pag-init ng dalawang pisngi ko.
"Hindi dapat ako ang tinatanong mo niyan hijo, si Kelly dapat," mom chuckled. Mahina niya pang pinisil ang kamay kong hawak hawak niya.
I heard Brix cleared his throat. Wala ng patumpik-tumpik pang nagtanong siya ulit.
"C-Can I ask you on a date, Kels?" he asked. Malumanay pero may bakas ng kaba. "I mean, not just a friendly date," paglilinaw niya.
Nag-angat akong muli ng tingin sa kanila. Nasa akin ang atensyon nilang tatlo. Tahimik akong nag-isip.
It's Brix. We've been friends for so long. He's such a nice guy. Alam kong hindi niya ako pababayaan. A date with him won't hurt, right? And maybe, panahon na siguro para buksan ang puso ko sa iba?
"O-Okay," I replied shyly.
"Ayun oh!" my brother exclaimed.
Napapitlag kaming parehas ni mommy dahil sa pagsigaw ni kuya. Napasuntok pa ang kanang kamay niya sa hangin na akala mo naman ay nanalo siya ng jackpot sa lotto.
Mabuti na lang magaling na ang kamay niya. Ilang araw din kasi itong may benda. Hindi namin alam kung anong nangyari dito. Pag-uwi niya na lang isang gabi, nagdurugo at may sugat ang kamao niya.
"Makasigaw naman Mikael, hindi naman ikaw ang inaya ng date," suway ni mommy sa kanya.
Natawa kaming parehas ni Brix dahil sa sinabi ni mommy. Si kuya naman, napangiwi na lang.
"So, sunduin kita bukas?" baling ulit sa akin ni Brix. He has a heartwarming smile on his face. May kakaibang ningning din sa mga mata niya.
"Saan tayo pupunta?" curious kong tanong.
"Basta. Surprise," he winked.
Mom giggled beside me. Para siyang teenager na kinikilig. Si kuya naman may ngiting nakakaloko habang palipat-lipat ang tingin niya mula sa akin papunta kay Brix.
Bakit ba kasi kailangan nila kaming panuorin? Nakakahiya!
*****
Nang makaalis si Brix pagkatapos niyang magdinner dito, dumiretso na agad ako sa kwarto ko para magkulong. Alam ko kasing hindi ako titigilan ni kuya Mike sa pang-aasar niya. Ang lakas pa naman niya mangpikon.
Kapag nalaman ko lang talaga kung sino ang nililigawan niya, humanda siya sa akin. Aasarin ko siya nang aasarin. Masyado kasing magaling magtago ang kapatid ko. Hanggang ngayon wala kaming idea ni mommy kung sino ang babaeng bumihag sa puso niya.
Nakahiga ako sa kama ko habang nakatitig lang sa kisame. Ilang sandali pa, nagring ang phone ko. It was Danika.
"Kels! OMG! May date kayo ni Brix?" bungad niya agad. Naririnig ko pa si Jules sa background. Magkasama ata sila.
Nanlaki ang mga mata ko. Napabangon tuloy ako mula sa pagkakahiga ko. "Paano mo nalaman?!"
"Aba syempre. Magaling ang source namin, ina-update kami agad." It was Jules. Tumawa pa siya ng nakakaloko sa kabilang linya.
Napabuntong-hininga na lang ako dahil sa inis.
'Bwisit ka talaga, kuya Mike!' sigaw ko sa isipan ko.
"Ano ibig sabihin niyan, Kels? Si Brix na ba ang bagong magpapatibok ng puso mo?" kinikilig na tanong ni Danika sa kabilang linya.
"Akala ko ba kay Gabriel ka? Balimbing ka rin eh," sabat naman ng boyfriend niya.
"Tse! Ekis na yun sa akin no?! Manahimik ka nga!" sigaw ni Danika kay Jules. Ewan ko na sa dalawang 'to. Mga baliw.
"Ano na Kels? Give him a chance na ba? Malay mo naman, kayo pala ni Brix ang nakatadhana," I heard Danika sighed dreamily.
"Hindi ko pa alam. Date lang naman 'yon," sabi ko na lang.
"Walang masamang magmahal muli, Kelly. You deserved to be happy." pangaral niya.
Sasaya pa ba talaga ako? Si Brix ba talaga? Paano kung masaktan ko lang din siya?
Ayokong masira ang pagkakaibigan naming dalawa na matagal kong iningat-ingatan.
*****
'Wear something comfortable.'
Makailang ulit na paalala sa akin ni Brix kagabi nang tumawag siya sa akin bago kami matulog. At dahil masunurin ako, I settled for a loose denim jeans and a plain pink shirt. Instead of sandals, yung white sneakers na ang sinuot ko just in case maglakad pala kami ng pagkahaba-haba.
My short hair was fixed in side french braid. Si mommy pa mismo ang nag-ayos sa akin.
Hindi ko pa rin alam kung saan kami pupunta. Ayaw sabihin sa akin ni Brix kagabi, kaya hindi na lang ako nangulit pa.
"Muning, nandiyan na ka-date mo," nangingiting saad ni kuya habang nakasilip sa pinto ng kwarto ko. Pabiro ko na lang siyang inirapan bago sumunod sa kanya pababa.
Ang lapad din ng ngiti ni mommy nang madatnan ko siya sa sala. Brix was also there. He was smiling brightly at me.
He looked so fine in his black pants and stripe polo. At gaya ng dati, naka-man bun ang mahabang buhok niya. Wala nga lang siyang suot na glasses ngayon. He's wearing a hazel colored contact lenses. And boy, it suits him well.
"Ready?" he asked. The smile never leaving his face. Baka mapunit na labi niya kakangiti.
"Yes!" I smiled back at him.
He lend his hand in front of me. Malugod ko namang tinanggap 'yon. As we walked outside, nakasunod lang sa amin sina mommy at kuya.
Bago pa man kami makasakay sa nakaparadang kotse ni Brix sa tapat ng bahay namin, nagbilin muna si mommy ng kung anu-ano.
"Ingatan mo ang bunso ko, Brix. Update mo ko kung nakarating na kayo sa pupuntahan niyo. Tawagan mo ko oras oras ha?"
Sunod sunod na tumango lang si Brix kay mommy.
"Mom, paano naman mae-enjoy ni Brix ang moment nila ni Kelly kung oras oras niyo siyang patatawagin sa inyo?" kontra ni kuya. Sinamaan lang siya ng tingin ni mommy.
"O siya, tawag ka na lang kapag nandun na kayo at kapag uuwi na kayo. Okay?" baling ulit ni mommy sa amin.
"Yes, tita. I'll take good care of her," Brix said reassuringly while glancing at me.
Napaiwas tuloy ako ng tingin kay Brix. Hindi pa siguro ako sanay na ganito siya sa akin, lalo't alam kong may iba na palang ibig sabihin ang mga gesture niya.
"Hoy Brix! Ibalik mo ng buo yang kapatid ko. Malalagot ka sa akin kapag pinabayaan mo yan," pagbabanta ni kuya. Itinaas niya pa ang nakakuyom niyang kamao.
Ngumiti lang si Brix sa kanya. Yung ngiting magpapapanatag sa kalooban ng kapatid ko.
Matapos makapag-paalam, inalalayan ako ni Brix papasok sa kotse niya saka umikot patungo sa driver seat. Tinulungan niya pa ako sa pagsusuot ng seatbelt. Such a gentleman.
At nang umandar kami, binuksan ko ang bintana para kumaway kina mommy at kuya habang papaalis na ang kotse ni Brix.
*****
It's been a while since I hit the south. Kaya labis ang tuwa ko nang malaman na sa Laguna pala kami pupunta. It was a 30 minutes drive from our city Sunny Ville. Mabuti na lang walang masyadong traffic kaya mabilis din kaming nakarating.
Ala-una na ng hapon ng dumating kami sa lugar, hindi pa kami nakakapaglunch nung umalis kami kaya naghanap muna kami ni Brix ng makakainan nang mai-park na niya ang kotse niya.
Nuvali is definitely one of the best places to unwind. Sariwa ang hangin, tahimik at nakakarelax ang tanawin na bubungad sa mata mo.
It was surrounded with blissful coat of greens with a multi-functional lake which adds a visual appeal. Birds are flying everywhere. I'm sure those who are fond of mother nature will love it here.
"Anong gusto mong kainin?" Brix asked while we were walking, looking for a good place to eat.
"Kahit ano," I mumbled.
I heard him chuckled. "Walang kahit ano dito."
"Eh di bahala ka, kung saan mo gusto," sambit ko.
"No. Gusto ko ikaw ang magdecide kung saan mo gustong kumain," seryosong saad niya.
Nilibot ko ang paningin ko. It's my first time here. Ang daming mga restaurant sa paligid. Ang hirap pumili. Wala naman akong idea kung saan ba masarap kumain.
"I can't decide. Kahit saan na lang," pagsuko ko. He just stared at me for a long time.
"Ano?" I asked as I tried to avoid his gaze. I'm getting conscious with the way he stare.
"Sana pagdating sa akin, hindi ka mahirapang magdecide," he whispered.
Napabalik ako ng tingin sa kanya. Magtatanong pa sana ko kaso bigla niyang kinuha ang kamay ko at pinagsiklop ito.
Hindi na ako nakaangal pa. Sinabayan ko na lang siya sa paglalakad habang ang mga mata ko kung saan saan tumitingin.
Pumasok kami ni Brix sa Pigpen. Isang Restaurant and Bar. Nakangiting binati naman kami ng isang waitress pagpasok namin. She asked if we have reservation but we just shook our head.
Dinala niya kami sa dulong bahagi ng restaurant dahil doon na lang may mga bakanteng upuan.
I ordered mushroom soup, clam pasta at mango shake for my drinks. While Brix ordered squash soup, spaghetti bolognese and ice mocha for his drinks. Parehas chocolate mouse naman ang inorder namin for dessert.
"Ubusin mo inorder mo, ha. Para may energy ka mamaya," sambit ni Brix nang makaalis na ang kumuha ng order namin.
Kumunot naman ang noo ko. "Hindi mo naman siguro ko patatakbuhin ng napakalayo sa lugar na 'to?"
Tumawa naman siya. "Chill. I mean, hanggang gabi kasi tayo dito para ma-experience natin yung Night Sky Cinema."
Night Sky Cinema. I heard it's an open air cinema located at The Field in Nuvali where you can watch movie under the stars. Sounds fun!
Napangiti na lang ako. Mukhang pinaghandaan talaga ni Brix ang araw na 'to. And think he prepared more under his sleeves.
When our foods arrive, tahimik lang kaming in-enjoy ni Brix ang mga pagkain sa harap namin. But after some few moments, napatigil ako sa pagkain. Unti-unting nawalan ako ng appetite. Parang takaw tingin lang ako. Kahit anong pilit kong kainin, parang ayaw na talaga ng tiyan ko.
"What's wrong?" takang tanong ni Brix nang pagmasdan ako.
"Busog na ko," I answered simply. He look at my plate before glancing back at me. Nagtataka din siya dahil konti lang ang nabawas sa pagkain ko.
"Hindi ba masarap?"
I shook my head drastically. "No, it's good. Takaw mata lang ata talaga ko."
I saw him nod bago bumalik ulit sa pagkain. Uminom na lang ako ng mango shake habang pinapanuod ko na lang siya sa pagkain niya.
*****
After kumain at makapagpahinga. Brix rented a bicycle. At dahil hindi ako marunong, isang bike lang ang nirentahan niya pero dalawang helmet ang bitbit niya.
Nang makalapit siya sa akin, sinuot niya agad yung isang helmet sa ulo ko bago isuot yung kanya.
"Come on, hop in." utos niya nang sumakay siya sa bisekleta.
I sat behind him and hold onto his polo. But I was so surprised when he took my hand and wrapped it around his waist. Mabuti na lang nasa likod niya ako. Mamula-mula na ako sa hiya dahil sa closeness naming dalawa.
Hindi talaga ako sanay.
*****
Third Person's POV
"Himala ata, nakipagkita ka. Anong nakain mo?" sarkastikong tanong ni Jules. He was sitting on an empty seat beside the array of arcade games.
He felt nostalgic while looking at the retro-theme gaming lounge beside the mall of Sunny Ville. Naalala niya, tambayan nilang barkada ang lugar na 'to kapag gusto nilang magrelax after ng exams. Dito sila walang sawa na naglalaro ng Street Fighter hanggang maubos ang pera nila.
Muli siyang napatingin sa lalaking nasa harapan niya. Hindi siya makapaniwala na makikita niya pa itong muli. Nagulat pa siya ng mag-chat ito sa kanya. They were still friends in social media, pero hindi na sila nag-uusap.
After what happened between him and Kelly, parang kinalimutan na din nito ang pagkakaibigan nila.
"I just need to asked something," diretsong saad ni Gab. There's a serious look on his face, na siya namang ipinagtaka ni Jules.
"Tungkol saan naman?" matabang na tanong ni Jules. Sumandal siya sa upuan, matamang tinignan lang ang dating kaibigan.
"Pinuntahan ako ng kuya ni Kelly last week. May mga nabanggit siya na hindi ko maintindihan," he explained.
Jules just stared at him flatly. "Ngayon? Anong gusto mong mangyari?"
Gab heaved a frustrated sighed. "I don't know. I just want things to make sense!"
Ilang araw ng magulo ang utak niya. Maraming tanong sa isip niya na gusto niyang mahanapan ng kasagutan pero hindi niya alam kung saan magsisimula. Pakiramdam niya, nasa loob siya ng isang maze at hindi niya alam ang daan palabas.
Malakas na tumawa na lang si Jules. Kasunod noon ay ang sunod-sunod niyang pag-iling. "May mababago ba? May magagawa ka ba? Maalis mo ba ang sakit na naidulot niyong lahat kay Kelly?"
Napatitig si Gab sa dating kaibigan. Basa niya ang galit at dismaya sa mukha nito. Bakit ba parang siya ang sinisisi nila? From Brix, Mike and now it's Jules.
Hindi na niya talaga sila maintindihan.
Gab looked at Jules with apprehension and Jules can sense it.
Marahas siyang napabuntong hininga bago ibigay kay Gabriel ang hinahangad niyang kasagutan.
"After you left, impyerno naman ang naranasan ni Kelly. Nakatakas ka sa sakit na naidulot niya sa'yo, pero si Kelly araw-araw pinagdurusahan niya ang maling desisyon niya," panimula niya. Tahimik lang na nakinig si Gabriel.
"She was bullied, everyday. Sinasaktan, physically and emotionally. Uuwi siyang maraming galos at sugat. Hindi pa sila nakuntento, pati sa social media pinagkakaisahan siya nilang lahat," he continued. Nakagat niya ang labi. Masakit din para sa kanya na alalahanin ang mga hirap na pinagdaanan ni Kelly noon.
And in that moment, Gabriel felt numb. Hindi siya makapaniwala sa naririnig. He swallowed an invisible lump in his throat. He wanted to open his mouth, but he can't form a word.
"And it was Stella who made her life a living hell. She manipulated their whole class to hate Kelly. Lahat ng mga kaklase niya, maging mga kaibigan niya pinagkanulo siya. Wala siyang kakampi bukod sa amin. Kinailangan niya rin huminto na sa pag-aaral noong panahon na 'yon dahil hindi na rin kinakaya ng katawan niya ang stress. Kaya hindi namin siya nakasabay grumaduate noon," pagtatapos ni Jules sa kwento.
Nanghihinang napaupo si Gab sa katapat na upuan ni Jules. Totoo ba ang lahat ng naririnig niya?
"S-Stella can't do that," giit niya.
Kilala niya ito simula pagkabata. Ni minsan, hindi niya ito nakitang nanakit ng kapwa niya. She may be a brat, but she's not a bully.
Napatayo na lamang si Jules dahil sa labis na inis.
"So nagsisinungaling ako?" Jules chuckled.
"I don't know. You guys are always on Kelly's side," wala sa loob na sambit ni Gabriel.
Napatiim ang bagang ni Jules. Napapikit siya para pakalmahin ang sarili. Mas lalo lamang siyang nadidismaya dito.
"Hindi lahat ng nakikita ng mata mo, totoo Gab. Wake up, man. Save yourself, hanggang kaya mo pa isalba," huling sambit ni Jules bago layasan ang dating kaibigan.
Wala siyang ibang hangad kundi matauhan na ito. Hanggang hindi pa huli ang lahat.
*****
Kelly
Exactly 3 p.m nagtungo na kami ni Brix sa The Field kung saan nagpapalabas ng movies under the night sky. May bitbit pa si Brix na blanket na binalikan muna namin sa kotse niya.
4 p.m pa ang start ng outdoor screening pero marami na agad tao rito. Lahat sila nakaupo sa damuhan. Some were lovers, some were group of friends and barkada. Yung iba naman kasama ang kanilang mga pamilya.
Nang mailatag na ni Brix ang blanket sa damuhan, hinila niya ang kamay ko para maupo sa tabi niya. I was a bit nervous of our close proximity pero hindi ko na lang pinahalata.
Ilang segundo pa, tumunog ang speaker. It keeps playing love songs, maybe to serenade us while waiting for the movie to start.
Matapos ang ilang kanta, tumugtog naman ang All About Us ng He Is We. Nagulat ako dahil biglang tumayo si Brix sa harapan ko.
Take my hand
I'll teach you to Dance
I'll spin you around
Won't let you fall down
He laid his hand in front of me. Nahihiya akong inabot 'yon habang inaalalayan niya akong tumayo.
Would you let me lead?
You can step on my feet
"Take of your shoes," Brix whispered.
Nag-aalangan man, sinunod ko na lang ang sinabi niya. I giggled when I felt his hand wrapped around my waist. Nakikiliti kasi ako. Bahagya niya pa akong inangat sa lupa para umapak sa mga paa niya.
Natatakot akong malaglag kaya napakapit ako ng mahigpit sa balikat niya.
Give it a try
It'll be alright
Nagsimula siyang umikot-ikot habang nakatapak ako sa mga paa niya. Napagmasdan ko ang buong paligid. Nagsasayawan na rin ang iba.
The room's hush hush
And now is our moment
Take it in
Feel it all
And hold it
"Thank you," biglang bulalas ni Brix. Napatingin ako sa mukha niya.
"Para saan?" takang tanong ko.
He didn't answer me. He just smiled, caught my gaze and look straight into my eyes with full of adoration.
Eyes on you
Eyes on me
We're doin' this right
Nangalay na ko sa posisyon namin ni Brix kaya bumaba na ako at naupo muli. Hindi ko magawang tumingin sa kanya kaya kung saan saan ko na lang ibinabaling ang atensyon ko.
Naramdaman kong umupo siya sa harap ko at isinuot muli sa akin ang sapatos ko.
"Naiilang ka ba sa akin?" diretsong tanong niya.
"No!" mabilis na sagot ko. I don't want him to feel that I'm being awkward with him. I just don't know how to act.
He patted my head lightly. "It's okay. Hindi kita minamadali. You can take your time while sorting things out."
"Thanks."
"No problem. Hindi naman kita masisisi kung makaramdam ka ng pagkailang. Nabigla ba kita?" He asked. He's always so gentle. Lagi na lang niyang inaalala ang nararamdaman ko.
"M-Medyo," I mumbled with all honesty, still averting his gaze. Napabuntong-hininga na lang siya bago maupo ulit sa tabi ko.
The movie starts playing. Nanatili kaming walang imikan ni Brix, parehas kaming nagfocus sa pinapanuod namin.
10 Things I Hate About You ang title ng movie. My heart is rejoicing while seeing Heath Ledger on the big screen. He is my crush during highschool. And this is one of my favorite movie too. Maraming beses ko na itong napanuod pero hindi ako nagsasawa sa palabas na 'to.
An hour later, the movie was about to end. We were already in the part where Julia Stiles was reading the poem. The fact that I know that her tears were purely real and unscripted made me feel the pain even more.
Call me sappy but I cry everytime I watched this scene.
But mostly I hate the way I don't hate you.
Not even close, not a little bit, not even at all.
Okay. That line is so relatable.
Nang matapos na ang palabas, isa-isang nagpalakpakan ang mga tao. Pasimple ko ring pinunasan ang luha ko bago pumalakpak rin gaya nila.
Wow! This was such a fun experienced. Gusto kong bumalik dito kasama naman sina Danika at Aiyah. Syempre present din dapat sina Jules at ang Capotes Band.
Nagsisialisan na ang mga tao kaya napalingon ako kay Brix para tanungin kung uuwi na ba kami. But I guess, wrong move ata ang biglang paglingon ko dahil titig na titig siya sa mukha ko.
Kanina pa ba niya ako tinitignan?
"You're beautiful even when you cry, pero sana sa mga nakakaiyak na palabas ka na lang umiiyak. I hate it when you cry because of someone else," he said with full of emotions making my heart thumped nervously.
He raised his right hand to cupped my face. Napasinghap ako nang maramdaman ang init ng palad niya sa pisngi ko. Then I felt his thumb gently rubbing againts the corner of my lips, as he leaned closer and closer to me.
And the next thing I knew, his lips were already touching mine. He was slowly kissing me beneath the starry sky.
*****
A/N: Peony symbolizes romance and romantic love. Hohoho Level up na si Brix, ayaw na niya ng friendzone. 😂