Chapter theme: I Smile - Day6
"I'm sorry," Brix apologized over and over again. Kanina pa siya pasulyap-sulyap sa akin habang nagmamaneho.
Naiilang akong tignan siya kaya nanatili lang akong nakatitig sa dashboard ng kotse niya. Hindi ko rin kasi alam kung anong sasabihin ko sa kanya.
When he kissed me earlier, I almost kissed him back. I almost got swayed in the heat of his kisses. But I felt guilty 'coz I was thinking of someone else when he kissed me so I pushed him away.
Siya ang kasama ko pero ibang tao ang nasa isip ko. I should be the one apologizing not the other way around.
Pakiramdam ko sinasayang ko lang ang effort at oras ni Brix sa akin. I want to give him a chance, pero paano ko ibibigay 'yon kung alam kong sa kaloob-looban ko, isang lalaki pa din ang minamahal ko. Gusto kong sabunutan na lang ang sarili ko.
Bakit ba kasi napaka-martir mo naman, puso?
"We're here," sambit ni Brix.
Napatingin ako sa labas ng bintana ng kotse niya. Nakaparada na pala kami sa labas ng bahay namin. Alas-otso na ng gabi kami nakauwi.
Bumaba si Brix para pagbuksan ako ng pinto. Hindi pa rin kami nag-iimikan na dalawa.
Papasok na sana ko sa loob ng bahay namin nang bigla niya akong kabigin paharap.
Our eyes met. Kahit medyo madilim dito sa labas dahil iilan lang ang poste ng mga ilaw, nababasa ko pa rin ang lungkot sa mga mata niya.
"Are you mad?" he asked. His voice laced with extreme uneasiness.
I shook my head and sent him a reassuring smile. "I'm not mad."
"Then why won't you talk to me?"
"Napagod lang ako. Wala na akong energy para dumaldal," I replied. But I could feel that he's not satisfied with my answer.
Hinila niya ako palapit sa kanya at kinulong ako sa isang yakap. Nanatili kami sa ganung posisyon ng ilang minuto. Naririnig ko ang malakas na tibok ng puso niya at ang malalalim na buntong hininga niya.
"I'm really sorry. I just got carried away. I promise, hindi na mauulit. I'm sorry if I made you feel uncomfortable," he whispered. Ramdam na ramdam ko ang sincerity sa boses niya.
Tumango-tango ako. "It's okay. I'm sorry din."
"Why are you apologizing?" takang tanong niya.
"Baka kasi sinasayang ko lang ang oras at panahon mo," napakagat ako sa ibabang bahagi ng labi ko.
"You're not. Every moment I spent with you, is a moment I treasure."
Malakas ko siyang hinampas sa dibdib niya. "Kanta naman 'yan eh!"
"Ay, kanta ba 'yon?" he chuckled. Natawa na lang din ako sa kanya.
"So are we cool?"
Nag-angat ako ng tingin kay Brix. Kahit paano, nakaramdam ako ng kaginhawan nang makita ang masayang ngiti sa mukha niya.
"Okay tayo," sambit ko.
"Thanks," pinisil niya ang tungki ng ilong ko. "Pasok ka na sa loob."
"Ingat ka pauwi," paalala ko. Tumango naman siya. Hinintay niya muna akong makapasok sa loob ng bahay bago siya tuluyang umalis.
*****
Kinabukasan, maagang nagpunta si Brix sa bahay para sunduin ako. Tuturuan niya kasi ako magbisikleta at dahil weekend, niyaya ko na rin sina Danika at Jules para makapag-bonding naman kami ulit.
We met at the river park, kung saan ako dinala ni Brix noong anniversary ng parents niya. Tinext na lang namin kina Danika at Jules ang address. Hindi naman sila nahirapang hanapin ang lugar. Nagbike lang din sila papunta rito.
"Ang cute mo Kels, para kang si Chucky. Girl version," komento agad ni Jules nang makita ako.
Sabay na napatingin sa akin sina Danika at Brix. Nagtaka ko dahil bigla silang nagtawanan.
Pinagmasdan ko tuloy ang sarili ko. I was wearing a denim jumpsuit. Ang panloob ko naman, colorful stripes sweatshirt. That's when I realized the resemblance.
"Nakakainis kayo!" I pouted.
Tumigil naman sa pagtawa si Brix at agad na dinepensahan ako. "Ang layo kaya."
"Oo nga! Ang ganda ganda ni Kelly eh. Ikaw! Ikaw si Chucky. Magkamukha kayo," bwelta pa ni Danika kay Jules. Mahina niya pa itong binatukan. Natawa na lang ako dahil bumusangot yung isa.
"Tara na nga, pasyal na tayo!" sigaw ni Jules.
"Galit ka?" bulyaw din ni Danika.
Hindi ba sumasakit lalamunan nila? Sa tuwing magkakasama kasi kami lagi silang nagsisigawan.
"Hindi babe, ganito lang talaga boses ko," nangingiting sambit na lang ni Jules.
Nakakatuwa talaga ang dalawang 'to. I will never get tired of their quirky banters. Kahit madalas man awayin ni Danika ang boyfriend niya, I could feel that they really love each other.
Mapapa-sana all ka na lang talaga sa kanila.
Tawa kami nang tawa ni Brix nang magsimulang magkarerahan na yung dalawa. Nakasunod lang kami sa likod nila, nakaangkas ako sa likuran ng bike ni Brix. Suot ko yung pink na helmet na binili niya kanina para sa akin.
Rinig na rinig namin ang bawat tili ni Danika kapag naabutan siya ng boyfriend niya. Para silang mga bata talaga.
We went to the center part of the river park where it has a good network of paved roads and designated bike paths. May malawak na bermuda grass din kung saan may mga bata at teenager na nagpapractice din sa pagsakay sa bisikleta nila.
Pero bago ako turuan ni Brix, kinuha niya muna ang mga knee pads at arm pads na nakalagay sa harapang basket ng bike niya.
"Now I look like a kid," pabirong reklamo ko nang maisuot ko na ang mga protective gear.
"Baka mapatay ako ng kuya mo kapag inuwi kitang puro galos," natatawang tugon niya.
"Takot ka doon?"
I saw him gulped. Para din siyang namutla. Pinipigilan kong humagalpak ng tawa dahil sa reaction niya.
"H-Hindi no! Sumusunod lang ako sa bilin niya," palusot niya pa.
I just smiled and grinned. Sinong mag-aakala na may kinatatakutan pa pala itong nurse na 'to?
*****
"Alalayan muna kita, then ibalanse mo lang ang sarili mo. Kapag alam mong kaya mo na, saka kita bibitawan," malumanay na bulong ni Brix habang nakaalalay sa likod ko.
Hindi ko naman alam ang gagawin. Hindi rin ako marunong magbalanse kaya kahit hawak hawak niya pa ako, gumegewang-gewang pa rin ako.
"Tingin lang sa harap, then balance," he kept on reminding me. Sinusunod ko naman siya pero hindi naman ganun kadali.
"Ang hirap! Hindi ko talaga kaya."
"Kaya mo 'yan. Balanse lang," bulong niya.
Nagfocus ako sa harap habang dahan dahan na binabalanse ang sarili ko. Unti-unti din akong nagpedal.
"Okay. Ganyan nga," natutuwang saad ni Brix. Naramdaman kong lumuluwag ang pagkakahawak niya sa akin.
"Wait! Wait! Huwag mo muna kong bitawan!" natatarantang pakiusap ko. Isinayad ko ang paa ko sa lupa para tumigil ako sa pag-andar.
I heard him chuckled. "Paano ka matututo niyan?"
Napangiwi na lang ako. "Paano kung sumemplang ako?"
"Kasama talaga 'yan. Hindi ka matututo, kung hindi ka masasaktan."
Nilingon ko naman siya. "Humuhugot ka ba?"
He just shrugged. Tinapik niya pa ang helmet na suot ko. "Dali na. Tingin sa harap."
Binelatan ko naman siya bago binalik ulit ang atensyon ko sa harapan. Nagsimula akong magpedal ulit. Nang medyo nababalanse ko na ang sarili ko, bigla naman akong binitawan ni Brix.
Nataranta ko dahil agad din akong nawalan ng balanse. Pagewang-gewang na ako.
"Brix!" tili ko. Ramdam ko na matutumba na ako.
Mabilis na tumakbo si Brix papunta sa akin kaso wala na. Nahuli na siya. Bumagsak na ako sa lupa. Muntik pa akong madaganan ng bike. Mabuti nakaiwas ako.
"Kelly! Shit!" Inalalayan agad ako ni Brix patayo.
"Okay ka lang?"
"Paano ako magiging okay? Muntik na kong madaganan ng bike mo! Bakit mo kasi ako biglang binitawan?" halos maiyak na ako.
"Sorry!" He apologized as he pulled me into a hug. Mabilis ko din naman siyang itinulak palayo sa akin.
"I hate you!"
"Oo na. Sorry na. Huwag ka na mainis," patawa-tawang sambit niya. Inirapan ko na lang siya. Kainis eh.
"Oy, ano 'yan? Nawala lang kami may yakapan na agad na nagaganap?" kantyaw agad ni Danika. Hindi namin namalayan ang pagdating nila. Kung saan-saan na ata sila nakapaglibot ng boyfriend niya.
"Nakaabala ata tayo sa moment nila. Tara babe, libot na ulit tayo." Jules grinned like a fool.
"Inalalayan ko lang si Kelly. Nahulog kasi sa bike," paliwanag ni Brix. Halatang nagpipigil siya ng tawa niya.
I squinted my eyes as I crossed my arms on my chest. "Kaninong kasalanan?"
Napataas na lang siya ng isang kamay at itinuro ang sarili. Saka nakangising nagpeace sign sa akin.
"Naks. LQ na din agad?" pang-aalaska pang muli nila Danika at ng boyfriend niya.
"Ewan ko sa inyo! Ayoko na mag-bike!" I sighed heavily and stormed out away from them. Agad rin naman nila akong sinundan.
Nakaramdam na rin naman kami ng gutom kaya nagpasya kaming mananghalian muna.
Habang naghahanap ng makakainan, naramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko. I fished out my phone from my pocket to check it.
There's a message from an unknown number. Napatigil ako sa paglalakad. Makailang ulit ko pang binasa ang message dahil hindi ako makapaniwala kung kanino ito galing.
It was from Gabriel.
'Can we meet? It's me Gab.'
Simpleng mensahe lang ito pero ramdam ko ang malakas na pagdagundong ng puso ko.
Bakit naman niya gustong makipagkita sa akin? Kanino naman niya nalaman ang number ko? At sinong Pontio Pilato naman kaya ang nagbigay ng number ko sa kanya?
*****
Hindi ako makatulog ng gabing 'yon. Ilang oras akong nakatitig sa kisame habang hawak ko ang cellphone ko.
I'm in a great battle with myself, contemplating whether to reply his text or not. I want to ignore him, delete his text and pretend that I haven't read it. But the heart wants what it wants. Halos magwala na ang utak ko dahil sa abang puso ko.
It's been awhile. I never thought that he will reach out to me just like that. At hindi ko kayang lokohin ang sarili ko, kahit katangahan man itong gagawin ko.
In the end, I found myself replying to Gabriel's message, agreeing to meet him this coming Monday.
Third Person's POV
Gabriel just stared at his phone as he read Kelly's text. Few hours has already passed so he was not expecting a reply from her.
Hindi niya alam kung ano bang tumatakbo sa utak niya. Nang matapos silang makapag-usap ni Jules kahapon, parang may sariling utak ang mga paa niya na hinabol ito para hingin ang number ni Kelly.
Nag-alangan pa si Jules na ibigay ito pero sa huli nakumbinsi niya rin ito. Gusto niya lang magsorry dito dahil sa nangyari sa birthday party ng pamangkin niya, on Stella's behalf.
Nakausap na niya si Stella tungkol dito pero matigas talaga ang ulo ng girlfriend niya. She don't want to apologized. Pinipilit nito na wala siyang kasalanan. Gusto niya rin itong tanungin tungkol sa mga nalaman niya kay Jules pero alam niya namang wala itong aaminin kung sakali mang totoo ang mga binibintang ni Jules sa girlfriend niya.
Litong-lito na siya. Ayaw niya ng ganito, gabi-gabi binabagabag siya ng isipan niya. He wants to know the answer straight from Kelly.
Ito lang ang naiisip niyang paraan para matahimik siya. And maybe, it's about time for him to make peace with his past.
*****
Monday comes, nagmamadaling lumabas si Gabriel ng office niya. Laking gulat niya nang makakasalubong niya si Stella habang patungo siya sa elevator. Sa pagkakatanda niya, wala silang usapan na magkikita sila.
Agad namang tumaas ang kilay ni Stella nang makita ito na tila nagmamadali.
"Where are you going?" usisa nito.
"Client meeting," tipid na sagot ni Gabriel pero mukhang hindi kumbinsido ito.
"But---"
"Sorry, bawi na lang ako sa dinner," putol ni Gabriel dito bago magtatakbo para maabutan ang papasarang elevator.
Naiwan si Stella na napapadyak na lang sa inis. He was acting strange this past few days. Parang lagi itong wala sa sarili at madalas pang malamig ang pakikitungo ni Gabriel sa kanya. At hindi niya ito nagugustuhan.
Gabriel on the other hand felt guilty. Hindi niya naman gustong magsinungaling dito. But he badly wants to find out what really happened between her and Kelly. Pakiramdam niya kasi, may itinatago si Stella sa kanya. And he doesn't want to be kept in the dark anymore.
*****
Panay ang pagkabog ng dibdib ni Kelly habang nakaupo sa isang swing sa lumang playground sa tapat ng Sunken Garden. Dito nila napagkasunduan ni Gabriel na magkita.
Magkahalong kaba at takot ang nararamdaman niya. Tumakas lamang siya sa kanila. Walang sinumang nakakaalam na makikipagkita siya kay Gabriel ngayon. Siguradong lagot siya sa kuya niya kapag nalaman nito ang kagagahan niya.
Pakiramdam niya ang selfish niya dahil hindi na niya naisip pa ang mararamdaman ng mga tao sa paligid niya. But she badly wants to see Gabriel, maybe for one last time. Para mapakawalan na rin niya ang nararamdaman niya para dito.
Nakakailang buga na siya ng malalalim na buntong-hininga habang pinagmamasdan ang mga printed flowers sa laylayan ng sundress niya.
12:30 na ng tanghali pero wala pa rin si Gabriel. Halos panghinaan na siya ng loob pero maya maya lang ay nakarinig na siya ng mga yabag. Agad siyang nag-angat ng tingin.
Halos lumundag ang puso niya sa saya nang makita si Gabriel na nakatayo sa harapan niya. Maaliwalas ang mukha nito, walang bakas ng kahit anong galit sa mata nito.
"H-Hi," nauutal na bati niya.
For the first time in four years. Gabriel Van Perez, her first love smiled at her.
Naglakad ito palapit sa kanya at naupo sa bakanteng swing sa tabi niya.
"Sorry about what happened. Doon sa birthday party ni Charlotte," dire-diretsong pahayag ni Gabriel.
"Wala na sa akin 'yon. Kinalimutan ko na," Kelly stated with a bright smile on her face. As if nothing happened.
Gab couldn't help it. He turned to Kelly and stared at her for a moment. She's still the same, napakaganda pa rin nito ngumiti. Gusto niyang sabihin ito, pero pinigilan niya ang sarili.
"Galit ka ba sa akin?" wala sa loob na bulalas ni Gab.
Kumunot naman ang noo ni Kelly. "Hindi ba ikaw nga itong galit sa akin? Nasaktan kita dati," kagat labing sambit niya.
Napabuntong-hininga si Gabriel. Tumingala siya sa napakaaliwalas na kalangitan. Tila nagkaroon ng kaginhawan sa puso niya nang pagmasdan niya ang asul na asul na ulap.
Muli siyang lumingon kay Kelly na nakatitig lang din sa kanya. "Can we just forget what happened in the past?" he asked.
Kelly was taken aback. Tama bang naririnig niya? Gusto ni Gabriel na kalimutan na kalimutan na nila ang nangyari?
Naramdaman niya ang pag-iinit ng mata niya kaya tumalikod siya kay Gabriel. Naiiyak siya dahil sa sobrang kasiyahan. Sa isang iglap, tila naglaho ang mabigat sa kalooban niya na mahigit apat na taon na niyang dinadala.
"I'm sorry. Ako na rin ang humihingi ng tawad kung may nagawa man si Stella sa'yo noon o kung nasaktan ka man niya dati. Can you just forgive her? So we could all move on." Gab stated.
Sa puntong 'yon parang bumagsak ulit ang puso niya sa lupa. Something inside her was triggered. So it was all for Stella kaya nakipagkita ito sa kanya?
Marahas niyang pinunasan ang luhang tumulo sa mata niya at hinarap ang dating kasintahan.
Nagtaka si Gab nang makita ang pagdilim ng ekspresyon ng mukha nito. Hindi rin nakawala sa paningin niya ang panginginig ng katawan nito.
Did he say something wrong?
Pinilit ni Kelly na maging matatag sa harap ni Gabriel. Muli siyang ngumiti dito. Isang pekeng ngiti na nagtatago sa sakit na nararamdaman niya.
"Forgive her? Sana ganun lang kadali. Sinira niya ako, halos mawasak ang pagkatao ko dahil sa ginawa niya. Sa tingin mo mapapatawad ko pa siya?" nanginginig ang mga labing sambit ni Kelly. Parang isang malakas na pagsabog ng bulkan ang naging pag-alpas ng emosyon niya. Naikuyom niya ang dalawang kamao na nakapatong sa magkabilang hita niya.
"W-Wala kang idea sa lahat lahat ng sakit na naranasan ko...N-Na sa bawat araw para na ako nitong pinapatay. I want you to be there for me, pero alam ko namang wala ka. Hindi ka darating kahit ilang beses kong tawagin ang pangalan mo," she whimpered. Hindi na niya namalayan na umiiyak na pala siya.
"Dahil ikaw rin naman ang gumawa ng rason, para mawala ako sa tabi mo," sumbat ni Gab.
Saglit na natigilan si Kelly saka pagak na tumawa. "Dahil kailangan kong gawin. Napilitan akong gawin. Hindi mo rin naman ako maiintindihan kahit anong sabihin ko. Siguro, hanggang doon na lang tayo."
Nanginginig man, dahan dahang tumayo si Kelly. Saglit lamang ang pag-uusap nila, ngunit pakiramdam niya para siyang naubusan ng lakas. Para na siyang maduduwal sa samut-saring emosyon na kumakawala sa kanya.
Napatigil siya sa paghakbang nang marinig niya ang pagsigaw ni Gab. Walang bahid ng galit kundi pagsusumamo ang nahihmigan niya sa boses nito.
"Then ipaliwanag mo sa akin ang lahat lahat! What really happened between you and Stella? Bakit lahat parang ako ang sinisisi sa nangyari sa'yo noon? At bakit? Bakit mo ginawa 'yon? Bakit mo ako nagawang lokohin noon? Gusto kong malaman, yung totoong dahilan kasi pakiramdam ko may tinatago kayong lahat sa akin."
Kung si Gabriel lamang ang tatanungin, handang-handa niyang patawarin ito kahit ano pa man ang naging dahilan nito sa pagloloko nito sa kanya. If he's going to be honest, gustong-gusto niyang sabihin dito na bumalik ito sa kanya. Na sobrang siyang nangulila dito.
Galit siya. Sa apat na taon na nagalit siya dito, hindi niya maitatanggi na mas matimbang pa rin ang pagmamahal niya para sa dalaga. Ayaw niya lang aminin sa sarili, dahil pakiramdam niya siya lang ang talo sa huli. Ikinubli niya sa kasinungalingan ang tunay niyang nararamdaman dito.
Nang lingunin ni Kelly si Gabriel, lalong kumirot ang puso niya nang makita ang pagluha nito.
Umiling siya bago bigyan ulit ito ng isang ngiti. "Wala na rin namang magbabago, kahit malaman mo pa."
"G-Gusto kong malaman, para matahimik ako," pagpupumilit ni Gabriel. Basag na ang boses nito.
"Simple lang. Hindi na kasi talaga kita mahal noon. Napagod na ko. Ayoko na, ganun lang 'yon. Wala ng iba pang dahilan," muling pagsisinungaling ni Kelly.
Sa pangalawang pagkakataon, gumuho ulit ang mundo ni Gabriel. Bakit ba umaasa pa siya sa wala?
Nahigit ni Kelly ang paghinga habang pinagmamasdan ang blankong mukha ni Gabriel. Sinaktan na naman niya ito.
Tumingala siya sa langit para pigilan na ang pagluha. Lalo lang itong masasaktan kapag nalaman ni Gabriel ang totoong nangyari, baka hindi na nito kayanin.
Handa niyang gawin ang lahat para dito, kahit pagtakpan pa ang taong siyang totoong dahilan ng paghihiwalay nila noon. Hindi maaatim ng sikmura niya na makitang nasisira ang magandang relasyon ni Gabriel sa ina.
Ang taong totoong dahilan ng pagkawasak ng mundo niya.
*****
A/N: Pink Camellia symbolizes your longing for someone.