Chapter theme: Raibow - Southboarder
Gabriel
Patakbo akong nagtungo sa office ko dahil nandoon daw si Stella at nagwawala. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit.
Nang makarating ako, bumungad agad sa paningin ko ang mga kumpol ng tao na nakikiusyoso sa labas ng pintuan. Agad ko silang hinawi at pinagsabihan na bumalik na sa mga trabaho nila.
Nang makapasok ako sa loob, sinara ko ang pinto sa office. Laking gulat ko nang madatnan kong parang binagyo sa loob.
Nagkalat sa sahig ang mga basag basag na vase. Maging ang mga picture frame na nasa lamesa ko lang kanina, ngayon ay nasa sahig na rin at basag na ang frame.
"Anong nangyari dito?!" Naguguluhang tanong ko.
Nakaupo lamang si Stella sa sahig habang nakatitig lang sa kawalan.
Dahan dahan akong lumapit sa kanya. Halos maitulos ako sa kinatatayuan ko nang mag-angat siya ng tingin sa akin. Hindi ko maipaliwanag ang nababakas kong galit sa mata niya.
"Why Gab? How could you this to me? Saan ba ko nagkulang?!" tanong niya sa namamaos niyang boses.
Inalalayan ko siyang tumayo pero tinulak niya lang ako.
"Ano bang meron si Kelly na wala ako?" tuloy tuloy ang pag-agos ng luha sa mata niya. Nagulat naman ako nang marinig ko ang sinabi niya.
Sinundan niya ba ako?
"You think, I wouldn't know? Bakit ka nakipagkita kay Kelly? Makikipagbalikan ka ba sa kanya?! Mahal mo pa ba siya, ha?!" sunod-sunod na tanong niya.
Napaiwas na lang ako ng tingin. Sobra akong nagi-guilty.
"Mahal mo pa ba siya?! Sagutin mo ko!" malakas na sigaw niya kahit pa paos na siya.
Mariin akong napapikit. Ayoko na siyang saktan pa.
"Oo," walang alinlangan kong tugon.
Mas lalo lamang siyang nagwala. Napuno ng malalakas na palahaw niya ang loob ng office at sinisigurado kong naririnig ito sa labas.
"H-How...about me?...M-Minahal...mo ba ako?" habol hininga na siya dahil sa walang humpay na pag-iyak niya.
Dahan dahan akong lumuhod sa harapan niya. Nakatungo lamang ako. Wala akong mukhang maiharap sa kanya. Kasalanan ko kung bakit siya nasasaktan ng ganito. Sana dati pa ako naging totoo sa nararamdaman ko, nang sa ganun hindi na kami umabot pa sa ganito.
I feel like I'm the biggest jerk on Earth.
"I'm sorry. Sinubukan ko pero kahit anong gawin ko, hindi ko siya maalis dito." Itinuro ko ang puso ko. Wala nang saysay kung magsisinungaling pa ako. Bukod sa niloloko ko lang ang sarili ko, niloloko ko na rin si Stella.
Hindi niya deserve magago ng isang tulad ko.
"I guess we need to stop this," malumanay kong sambit habang unti-unting tinatapunan siya ng tingin. Natatakot ako dahil baka kung anong gawin niya.
Nakatulala lamang siya habang lumuluha. Parang wala na rin siya sa sarili niya. Lumapit ako para yakapin siya.
"I'm sorry...I'm sorry..." paulit-ulit akong humingi ng tawad pero hindi siya umiimik. Iyak lamang siya nang iyak.
Muli ko siyang tinignan. Nilukob ng takot ang buong pagkatao ko nang makita kong nagdurugo ang mga kamay niya.
Doon ko lang napansin na may hawak siyang mga bubog sa magkabilang kamay niya. Ayaw niya itong bitawan kahit pilit kong binubuksan ang nakakuyom na kamay niya.
Para siyang walang nararamdamang sakit kahit pa patuloy ang pag-agos ng dugo sa mga kamay niya.
She lost it. And it's all my fault.
*****
Kelly
Nagising ako na wala akong ibang makita sa paligid kundi puro puti. Naramdaman ko din na parang may kumikirot sa kanang kamay ko. Doon ko napansin na nakaswero ako at nasa hospital ward na naman pala ako.
May nakita akong babaeng nurse sa gilid ko, dahan dahan akong bumangon. Agad naman niya akong inalalayang makaupo nang makita niyang gising na ako.
"Kamusta ang pakiramdam niyo ma'am?" malumanay na tanong nito.
Hindi ko magawang sumagot dahil pilit kong inaalala kung paano ako napadpad dito, kaso nananakit lang ang ulo ko.
"Ano pong nangyari?" tanong ko habang hinihimas ang kanang sentido ko.
"Naku ma'am, nahilo raw po kayo ayon sa nakakita sa inyo. Sabi niya, dumugo ang ilong niyo tapos nawalan na kayo ng malay," paliwanag niya.
Napatingin ako sa suot ko, may bahid nga ng dugo ang suot kong sundress.
Naalala ko na, after ko makipag-usap kay Gabriel para akong wala sa sarili na naglakad-lakad muna sa Sunken Garden para magpahangin. Siguro sa tindi ng sikat ng araw kanina, kaya ako biglang nahilo.
"Tumawag po ang mommy niyo kanina. Ako na po ang sumagot sa cellphone niyo," itinuro niya ang maliit kong pouch sa bandang ulunan ng kama. "Parating na po siya."
Kinuha ko ang cellphone ko sa pouch. Ang dami ngang text galing kina mommy at kuya. May iilang miss call din galing kay Brix. Mag-aalas tres na rin pala ng hapon.
Ilang sandali pa, dumating na rin si mommy kasama ang kapatid ko. Kapwa sila humahangos.
Nilapitan agad ako ni mommy. Umupo siya sa tabi ko at sinuri ako mula ulo hanggang paa. Labis ang pag-aalala sa mukha niya.
"May masakit ba sa'yo?" para na siyang maiiyak.
"Wala po. Ayos lang ako."
Napansin ko ang pagkunot ng noo niya. Kinuha niya ang dalawang braso ko para tignan itong mabuti. "Bakit ang dami mong pasa?"
Maging ako ay napatingin na rin sa braso ko. Sleeveless ang suot kong damit pero ngayon ko lang din ito napansin.
"Baka tumama lang ako sa kung saan mommy," sabi ko na lang.
"Bakit kasi hindi ka nagsasabi na aalis ka?! Paano kung may nangyari sa'yo sa daan? Paano kung walang nakakita sa'yo? Alam mo bang sobra kaming nag-alala ni mommy?! Bakit ba ang tigas-tigas ng ulo mo?!" frustrated na sigaw ni kuya.
Napapitlag ako dahil sa bahagyang pagtaas ng boses niya. Napatingin na rin sa amin ang ibang tao sa ward.
Napakagat ako sa labi ko. Hindi ko na napigilan ang pag-iyak. Para akong batang pinagalitan. "S-Sorry po."
Agad din namang lumambot ang ekspresyon sa mukha ni kuya nang makita niyang umiiyak na ako. Nasapo na lang niya ang noo niya saka lumabas muna ng ward.
Hinaplos-haplos ni mommy ang pisngi ko. Masuyong pinunasan ang mga luha ko.
"Huwag ka nang umiyak. Hindi galit si kuya. Sobrang nag-alala lang 'yon sa'yo. Pero sa susunod kapag aalis ka, magpapaalam ka sa amin nang maayos, pwede ba 'yon?"
Sunod-sunod akong tumango. "Sorry po. Hindi na mauulit."
Ilang oras pa akong nanatili sa ospital dahil hinintay muna namin ang result ng lab test ko. Halos hindi na maipinta ang mukha ni mommy habang kausap ang doctor na tumingin sa akin.
Anemia. Iyon ang sabi sa result. Mababa raw ang dugo ko.
Nang makauwi kami ng bahay akala ko makakaligtas na ako sa sandamakmak na sermon pero mali ako.
Nalaman kasi nila mommy na may record na ako sa ospital na 'yon. Doon din kasi ako dinala nila Janice noong mawalan din ako ng malay last time. Hindi alam nila mommy ang bagay na ito kaya parang madudurog ang puso ko nang makitang umiiyak si mommy habang nakaluhod sa harapan ko. Nasa sala kaming lahat para mag-usap ng masinsinan.
Napatingin ako kay kuya na nakatayo lang sa isang tabi at walang imik.
"Anak, bakit ka naman naglilihim sa amin?"
Hindi ko magawang tumingin kay mommy. Napapikit na lang ako dahil hindi ko kayang makita ang luhaang mata niya.
"Kailan pa 'to?" tanong ni kuya.
"N-Nung Team Building ng Summer Class," nag-aalangang sagot ko.
Narinig ko ang marahas na pagbuntong hininga ni kuya kasunod ng malakas na pagsuntok niya sa sandalan ng sofa. Halatang pinipilit niyang pakalmahin ang sarili niya. "Ang tagal na pero hindi mo sinabi sa amin? Paano kung---"
I cut him off. Panay ang pag-iling ko. Pakiramdam ko hindi ko gugustuhin kung saan patungo ang usapan na 'to.
"I'm fine. Wala lang 'yon. Sabi ng doctor fatigue lang daw 'yon. Huwag na kayong mag-alala," pilit kong pinatatag ang boses ko.
Tumingin ako kay mommy, hindi na siya tumigil sa pag-iyak kaya hinawakan ko parehas ang kamay niya. "Nakausap mo naman yung doctor na tumingin sa akin ngayon di ba? Sabi niya anemic lang ako di ba? Ang kulit ko kasi eh! Promise, hindi na ko magpupuyat."
Sinubukan kong idaan sa tawa ang pangambang nararamdaman ko but my eyes were betraying me. Kusang pumatak ang luha sa mga mata ko, dire-diretso. Walang tigil.
"T-Tomorrow, let's meet your hematalogist para makasigu---"
"No! Ayoko! Bakit tayo pupunta sa papa ni Brix? Wala naman akong sakit. Anemia nga lang 'to eh! Hindi ba kuya? Magaling na ko. Matagal na kong gumaling, di ba?" halos naging pabulong na lang ang boses ko.
Naramdaman ko na lang na niyakap ako ni mommy nang mahigpit. Doon ako tuluyang napahagulgol. Wala nang ibang marinig sa buong kabahayan kundi ang malalakas na pag-iyak ko na sinasabayan rin ng pagluha ni mommy.
"N-Natatakot ako..." pag-amin ko.
Humigpit ang yakap sa akin ni mommy. "Ssshhh...S-Sabi mo nga di ba? Wala lang 'yan. Anemia lang yan." pagpapalakas ni mommy sa kalooban ko.
But deep inside, I know something's wrong with my body. Ayaw ko lang tanggapin.
*****
Nagpumilit si mommy na dalhin ako sa ospital kinabukasan pero sadyang matigas ang ulo. Naging mabuti naman ang pakiramdam ko pero hindi sapat 'yon para mapanatag ang kalooban niya.
Pero makalipas ng dalawang araw, napapadalas na ang pagsusuka ko. Wala na rin akong gana kumain, may mga bagong pasa rin sa mga braso ko pero nilihim ko pa rin ang lahat ng ito.
Ayokong maging paranoid kaya pilit kong iwinakli sa isipan ko ang mga sintomas na nararamdaman ko.
'Wala lang yan, Kelly.' paulit-ulit na pagkumbinsi ko sa sarili ko.
Habang abala ako sa pag-aasikaso ng customer, bigla namang nag-ring ang phone na nasa bulsa ko. Nagpaalam muna ko saglit kay kuya para siya na muna ang mag-entertain sa mga customer na dumating.
Lumabas ako ng flower shop. Sinagot ko ang tawag kahit pa hindi nakaregister sa phone ko ang number.
"Hello?"
Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ko ang isang pamilyar na boses mula sa kabilang linya. "Kelly? Is that you, hija?"
Banayad ang boses nito pero sinisiklaban pa rin ng takot ang buong sistema ko.
"T-Tita."
"Oh. I'm glad that you can still recognize my voice. It's been awhile. I hope you're not busy. Mind if we could have some coffee? I'm here at the cafe just a few blocks from your shop, you'll come right?" sunod-sunod na saad nito.
Hindi ako makasagot. Para akong nawalan ng kakayahan na bumuo ng mga salita.
Ano na naman bang kailangan niya?
"Don't keep me waiting, hija." Biglang naging maotoridad ang boses niya. Hindi ko na namalayan na pinutol na pala niya ang tawag.
Napatingin ako saglit sa loob ng flower shop. Sinamantala ko ang pagiging abala ni kuya sa customer at agad nagtungo sa cafe, kung saan naroon ang mama ni Gabriel.
*****
Third Person POV
Isang malakas na sampal ang naging pagbati ng ina ni Gab nang dumating si Kelly sa table niya. Nagtinginan sa kanila ang lahat ng mga customer na nasa cafe, pero taas noo pa rin ang ginang. Tila hindi niya alintana ang mga bulungan sa paligid.
"Napaka-kapal talaga ng mukha mo! Talaga bang hindi mo titigilan ang anak ko?" tila naging isang mabangis na hayop sa harap ni Kelly ang mama ni Gabriel. Bahagya siyang napaatras dahil sa lakas ng pagsigaw nito.
"I can't believe you. Akala ko ba nagkasundo na tayo dati pa, na hinding-hindi mo na lalapitan ang anak ko kahit na kailan. Nakalimutan mo na ba 'yon? O baka gusto mong ipaalala ko ulit sa'yo?"
Kelly looked at Gabriel's mother. Fear and terror were evident in her eyes. She just keep on shaking her head.
"Do you know what have you done? Gabriel tried to broke up with Stella! And it's all because of you! Bakit ba ginugulo mo na lang lagi ang buhay nila? Are you that really desperate?!" parang kidlat na sigaw pa nito.
Napayakap na lang si Kelly sa sarili niya nang tapunan pa siya nito ng malamig na ice tea. Ramdam niya ang panginginig ng bawat laman niya. Gustong-gusto na niyang umalis pero tila walang lakas ang mga paa niya.
Naramdaman na lang niya na may humila sa kanya at itinago siya sa likuran nito. Gulat na gulat siya nang makitang ang kuya na niya ang nasa harapan niya. Sinundan pala siya nito.
"Kayo ang dapat tumigil! Tantanan niyo na ang kapatid ko!" nanggagalaiting sigaw ni Mikael.
Napaawang ang bibig ng mama ni Gabriel. Tila napipi ito nang makita ang nagpupuyos na galit sa mata ng binatang nasa harap niya.
"Hindi pa ba kayo kuntento? Ano na naman ba ang ipapagawa niyo sa kapatid ko? Tatakutin niyo na naman ba siya? Ipepressure niyo na naman ba siya gaya ng ginawa niyo noon sa kanya?!" panunumbat ni Mikael.
Noon pa siya nagtitimpi sa mama ni Gab. Pero ngayon, sukdulan na ang galit niya.
Tinuruan siya ng mga magulang niya na gumalang sa mas nakakatanda, pero kung ang nasa harapan naman niya ay isang taong napaka-itim ng budhi, patawarin siya ng Diyos pero papatulan na niya talaga ito.
"Nananahimik na ang kapatid ko. Kayo itong nanggugulo sa kanya. Sinunod niya ang gusto niyo. Hiniwalayan niya ang anak mo gaya ng iniutos mo! Kulang pa ba?!" Mikael paused for a moment to catch his breath.
"Apat na taon. Apat na taon nang pilit na binubuo ulit ng kapatid ko ang sarili niya. Kaya pakiusap, tigilan niyo na siya. Give my sister her peace of mind. Huwag siya ang kausapin niyo, kundi ang anak mo. O baka hanggang ngayon hindi niya pa rin alam ang totoong kulay mo?" gigil na pahayag ni Mikael.
Nakakuyom ang dalawang kamao niya. Nagpipigil na bumulusok pa sa galit. Saglit niyang nilingon si Kelly nang maramdaman niya ang paghawak nito sa kamay niya. Through his eyes, he was telling her that everything will end well. That whatever happens, he will protect her.
"Woah! Grabe ang intense naman nito, tita. Tsk! Tsk!"
Napukaw ang atensyon nilang lahat nang may isang lalaking malakas na pumalakpak, na tila isang napakagandang palabas ang kanyang nasaksihan.
"T-Thao?" Kelly acknowledge with her eyes wide open. She was surprised to see him in the same cafe.
Little did they know, coincidentally, kanina pa nasa cafe si Thao bago pa man sila dumating. Nasaksihan niya ang lahat ng mga nangyari.
Thao glanced at Kelly for a moment. He sent a winked to her direction making her feel at ease somehow.
Sunod na binalingan naman ni Thao, ang mama ni Gab na mukhang hindi na nakabawi sa gulat niya. "H-Hijo, fancy meeting you here."
Thao just smirked. The high and mighty queen just lost her composure much to his amusement.
"Well, tita. It was nice seeing you here. Wow! You just gave us an awesome show!" he spat mockingly.
Naguguluhang tinignan lang siya ng ginang. Napatutok ang mata nilang tatlo kay Thao nang may kinuha ito sa bulsa niya. It was his cellphone.
Nanlulumong napaupo ang mama ni Gab nang mapanuod niya ang sarili sa cellphone ng binata. Nakuhanan nito ang buong pangyayari, lahat lahat.
"Delete that now!" she ordered with authority but Thao remained unbothered.
"Nah ah ah!" pang-aasar pa ni Thao sa ginang. Namula naman ang mukha nito dahil sa galit.
"I don't know what's happening here, but I could sense that you did something terrible, tita. Tsk! Tsk! Alam ba ni Gabriel 'to?"
"Shut up! Wala kang kinalaman dito!" nagpupuyos sa galit na sigaw ng mama ni Gab pero hindi nagpasindak si Thao.
"I'm sorry, I'm already involved. I have the receipt, remember?" Thao grinned, waving his phone.
Saglit na napatulala ang mama ni Gab hanggang sa unti-unti itong naging malumanay. Bakas ang takot sa mga mata nito.
"Hijo, please. Delete that." pakiusap nito. Ang dating mataas ay biglang lumagapak.
Mikael and Kelly just watch in awe. Hindi nila akalain na makikita nilang takot na takot ito.
"Buburahin ko lang 'to, kung ipapangako mo na hinding-hindi mo na guguluhin pa si Kelly," seryoso at mariing saad ni Thao.
Napapikit na lang ang ginang, kasunod ng marahas na pagbuntong hininga nito. "P-Promise."
"Okay!" Thao instantly delete the video in front of Gabriel's mom.
Tila nakahinga nang maluwag ang ginang. Hindi na rin na niya kinaya ang pagkapahiya kaya dali-dali siyang lumabas ng cafe.
"Thanks, man." Mikael offered the guy a handshake. Ngayon niya lang ito nakita, pero sobrang tatanawin niyang isang malaking utang na loob ang pagtulong nito.
"Wala yun. Badtrip na din ako sa ugali nun. Thao nga pala," pakilala niya at inabot ang kamay ni Mikael.
"Mikael pala pero Mike na lang," nakangiting pakilala niya.
"Yo, Kelly! Ayos ka lang?" bati naman ni Thao sa dalaga. Napansin niya ang pamumutla nito.
Kelly just gave him a weak smile.
"Paano kapag binalikan ka noon?" nag-aalalang tanong ni Mikael sa bagong kakilala na binata.
"Hindi niya ko magagalaw. Mas mayaman pamilya ko sa kanila, kaya namin silang durugin. Isa pa, may copy pa ako ng video. Black mail opportunity!" Thao stated proudly, grinning from ear to ear.
Sabay sabay na silang lumabas ng cafe na parang walang nangyari.
For a moment, all of the fear that Kelly felt in her heart was gone in an instant.
Napangiti siyang napatingala sa asul na langit. Looks like the heaven is on her side.
She's not alone in this fight.
*****
A/N: Blue Iris symbolizes hope. Kapit lang Kelly!