A/N: Flashback muna tayo. Hehehe
Chapter theme: Cool Off - Yeng Constantino
Kelly
I was sitting inside the consultant's room with my mom and brother, lost in my own little world.
Nakikita ko ang bawat pagbuka ng bibig ng doctor sa harapan ko, pero kahit anong pakikinig ang gawin ko sa kanya, parang lumalabas lang ito sa tainga ko.
Cancer and leukemia. That's the only two words that caught my attention and I felt like I'm having a terrible nightmare right in this moment.
Ang daming mga tanong na pumapasok sa isip ko. Anong mangyayari sa akin? Can I still have a normal life? Mamatay na ba ako? 20 years old palang ako. Paano ang magiging takbo ng buhay ko pagkatapos nito?
Hindi ko akalain na sa isang iglap, guguho ang mundo ko.
I thought what I had was just a simple flu and fatigue, but I was wrong. I keep seeing the symptoms pero binalewala ko ang lahat. Baka kasi praning lang ako.
Mas lalong binundol ng pangamba ang puso ko nang i-refer na ako ng doctor na nagcheck-up sa akin sa isang hematologist.
I turned to my mother, she was holding my hands as her eyes were already brimming with tears. Maging siya, ang dami-dami niya ring katanungan. I looked at my brother, he was just in daze. Parang piniga ang puso ko nang makita ko ang sakit sa mga mata nila.
Napabuntong-hininga na lang ako nang malalim. Ramdam ko ang panginginig ng kamay ko. Natatakot man, buong tapang akong nagtanong. Hinarap ko ang doctor, sa nangangatal kong boses tinanong ko siya kung anong dapat kong gawin.
He instructed me to do a bone marrow biopsy next week.
Iyon na ata ang pinakamahabang isang linggo sa buhay ko. Sa bawat pagdaan ng araw, wala akong ibang ginawa kundi magpanggap na maayos lang ang lahat sa akin. Ayaw na sana kong papasukin ni mommy, pero mapilit ako. Pumapasok pa rin ako sa school na parang walang nangyari.
*****
"Bakit hindi ka kumakain?"
Ilang segundo akong nakatitig lang sa nag-aalalang mukha ni Gab bago ko siya tugunin ng isang pekeng ngiti.
Nasa coffee shop kaming dalawa, ilang hakbang ang layo mula sa university namin. Dito kami natambay kapag nagrereview kami.
"Ang payat mo na. Nagda-diet ka ba?" pabiro niya pang tanong bago kumagat sa burger na kinakain niya, pero hindi na lang ako umimik.
Paano kung malaman niya ang totoong kalagayan ko? Ano kayang mararamdaman niya? Kaawaan niya ba ko? Masasaktan din kaya siya? Isipin ko pa lang, parang hindi ko na kinakaya.
"Pwede bang mag-cool off muna tayo?" wala sa loob na tanong ko.
Saglit siyang natigilan sa pagkain niya. Halata sa mukha niya na hindi niya nagustuhan ang mga salitang lumabas sa bibig ko.
"Joke ba 'yan?" umayos siya ng upo at mataman akong tinignan.
"I want to take a break muna," I replied. Diretso akong nakatingin sa mata niya.
"Baka stress ka lang sa school, sunod-sunod kasi ang exam no?" He shrugged it off but I could still read the uneasiness in his brown eyes.
"Gab, seryoso ako. Gusto ko muna magpahinga. Sa lahat." I said firmly.
Ilang araw ko na itong pinag-isipan. Gusto kong magfocus muna sa sarili ko. At wala akong balak ipaalam muna kay Gabriel ang nangyayari sa akin. Alam ko, ang selfish ko sa mga oras na 'to.
Gabriel could only look at me in disbelief. "Nakikipagbreak ka?"
I shook my head drastically, trying to hold back my tears. "No! Hindi ganun. I mean, cool off muna."
"Doon na rin papunta 'yon. Bakit?" tiim-bagang na tanong niya. I could sense how upset he was.
"Gusto ko muna magfocus sa pag-aaral," pagsisinungaling ko.
"Okay," he sighed. Mariin siyang pumikit saka muling nagdilat para pagmasdan ang mukha ko.
"Cool off lang. Hindi na ko magtatanong kung bakit. Naiintindihan ko. Kung gusto mo munang magfocus sa studies, then go ahead. Uunawain ko. I'll wait, hanggang maging okay ka na ulit," kalmadong pahayag niya, kasunod ng pagsilay ng isang masuyong ngiti sa labi niya.
Isa ito sa mga katangiang minahal ko sa kanya. Kahit anong gawin ko, parati niya akong iniintindi. He loves me so much, that he's willing to give me all the time and space that I needed kahit pa parang sobrang unfair nito sa kanya. I feel like I was taking him for granted.
Walang ibang nakaalam ng tungkol sa sakit ko. Kahit pa sa mga kaibigan ko, wala akong pinagsabihan. Ayokong kaawaan ako ng lahat. Wala akong ibang hangad kundi mamuhay pa rin ng normal, na parang walang sakit na iniinda. Pero parang hindi ganun ang gusto ng tadhana. Sa huli, nalaman pa rin ni Brix ang totoong kalagayan ko.
It was the day of my biopsy when I bumped into him in the hospital. He was surprised to see me in a hospital gown. It turns out, papa niya pala ang doctor ko, kaya hindi na ako nakapagsinungaling pa sa kanya. I begged him not to tell anyone about my condition.
He was there when I was taken to another room to undergo some test. He witness and hear everything. I had my back injected to make it numb for my biopsy. Then it began, the horrible pressure pain and all I could do was scream and cry.
After the biopsy, I was back at the hospital three days later. I have the result in my hands and confirmed, I have AML.
Doon na nag-sink sa akin ang lahat. Doon na nagsimula ang sunod-sunod at malaking dagok sa buhay ko.
I felt like the world around me is changing, little by little. At wala na akong naging kontrol sa mga pagbabagong 'yon.
*****
"Tita! Ano pong gusto niyong pag-usapan natin?" puno ng siglang bati ko sa mama ni Gabriel nang makapasok ako sa kotse niya.
She asked me to meet her in the park. Ilang bloke ang layo mula sa subdivision namin. Nagtaka ako dahil ito ang unang beses na ginusto niya akong makita. We're not really in good terms, actually. I could feel that she doesn't like me for her son. Kapag bumibisita rin ako sa bahay nila, napaka-aloof niya sa akin.
Kinabahan ako nang makita ang madilim na ekpresyon sa mukha niya mula sa rearview mirror. Lagi akong natatakot na tumingin sa mga mata niya, nakakaliit kasi ng pagkatao ang mga tingin niya.
May inabot siya sa akin, it was her phone. Nagtataka man, kinuha ko na lang ito. Nang buksan ko ito, napasinghap ako nang bumungad sa paningin ko ang ilang pictures namin ni Brix na kuha niya.
Nasa lobby kaming dalawa ng ospital at nakayakap ako sa kanya.
That was the time na nagbreak down ako sa harap niya. Hindi ko na kasi kinaya. Para akong kandilang unti-unting nauupos.
"T-Tita. I can explain. It doesn't mean anything. He was just----"
"Wala kang dapat ipaliwanag, hija. I already know. Nakita ko kayong dalawa sa ospital, I was also there for my annual check up. I got curious, kaya inalam ko kung anong ginagawa mo doon," putol niya. Nilingon niya ako. "I'm sorry, hija. I can't help but stick out my nose on your business. Akala ko kasi, you were cheating on my son."
Ngumiti siya sa akin, pero sa hindi maipaliwanag na dahilan binabalot ng matinding kaba ang sistema ko.
"You're sick?" usisa niya. Kagat labi akong tumango-tango.
"Does my son knows about it?" tila nangangambang tanong niya. Umiling ako bilang sagot.
That's when I heard her sigh. A sighed of relief. "Good!"
"P-Po?"
"What? Don't tell me balak mong sabihin kay Gabriel ang tungkol dito? Sadista ka ba? Gusto mo bang pahirapan ang anak ko?!" she exclaimed with a raised eyebrow.
Napahawak ako sa dibdib ko dahil parang hindi ako makahinga. Para na akong masusuffocate habang nakaupo sa loob ng kotse kasama ang mama ni Gabriel.
"Don't get me wrong, hija. But I think mas makakabuting hiwalayan mo na lang ang anak ko. I heard, cool off kayo? Balak mo na pala siyang hiwalayan, bakit hindi mo pa gawin ngayon?"
Napatulala ako nang marinig ko ang sinabi niya. Gusto ko lang magpahinga, gusto ko lang ayusin muna ang sarili ko pero hindi ibig sabihin nun, gusto ko nang hiwalayan si Gab.
I want him by my side. Hindi ko kaya na wala siya sa buhay ko.
"Mahal ko po si Gab, tita. I don't want to break up with him," bulong ko. Naramdaman kong may pumapatak ng mga luha sa kamay ko.
"Kung mahal mo talaga ang anak ko, hindi ka magiging selfish, hija!" bulyaw niya sa akin at parang mabibingi na ako. Marahas niyang binawi ang cellphone niya na hawak ko.
"Look, bata pa si Gabriel. Marami pa akong pangarap sa anak ko. I don't want you to hold him back. Ayoko siyang mawala sa focus. Hindi mo ba naiisip na magiging pabigat ka lang sa kanya kapag nalaman niya ang tungkol sa kondisyon mo?" dire-diretsong saad niya pero nanatili lang nakatikom ang bibig ko. Gusto kong ipagtanggol ang sarili ko sa kanya pero wala akong lakas para bumuo ng salita.
"I don't want to be harsh on you, hija. Pero hindi natin masasabi kung anong mangyayari sa'yo. What if your condition get worse? Magiging alalahanin ka pa ng anak ko, 'yon ba ang gusto mo? And what if you die? Ano na lang ang mararamdaman ni Gabriel? Kawawa naman ang anak ko. I just want to save him from all the pain, naiintindihan mo naman siguro ako di ba?"
Iyak lang ako nang iyak habang tinatanggap ko ang mga sinasabi niya. Gulong-gulo ang utak ko. Mahal na mahal ko si Gabriel, siya lang ang kailangan ko. Sa kanya ako humuhugot ng lakas, siya ang dahilan kung bakit gusto kong lumaban. But at the same time, natatakot din akong mahila ko lang siya pababa.
He has a bright future ahead of him, samantalang ako, hindi ko na alam. Pakiramdam ko tumigil na ang pag-ikot ng mundo para sa akin.
Rumehistro sa alaala ko ang sakit sa mga mata nila mommy at kuya noong araw na nadiagnose ako. Parang pinupunit ang puso ko ng paulit-ulit. Hindi ko kayang makita ang sakit na 'yon sa mga mata ni Gabriel. Hindi baleng ako na lang ang labis na masaktan, huwag lang siya.
Siguro nga wala na ako sa tama kong pag-iisip. Nang araw na 'yon, nakipagkasundo ako sa mama ni Gabriel na hihiwalayan ko ang anak niya. I asked her to give me some time para maayos na makipaghiwalay kay Gabriel.
Hindi ganun kadali ang gagawin ko. Parang gusto ko na lang umatras sa napagkasunduan namin. Sobrang labag nito sa kalooban ko, parang winawarak ang buo kong pagkatao.
Ganun siguro kaayaw sa akin ng mama ni Gab. Wala akong kamalay-malay na may iba pa pala siyang pinaplano na tuluyang sumira sa akin at kay Gabriel.
Gabriel
Ilang araw ng malamig ang pakikitungo sa akin ni Kelly. I know she asked me for some space, kahit hindi ko maintindihan kung bakit, binigay ko pa rin sa kanya.
She has reasons, hindi naman niya ugaling magdesisyon sa isang bagay kung wala namang mabigat na dahilan. At handa akong maghintay kung kailan siya mag-oopen up sa akin.
She's been stressed lately. Napapansin ko 'yon kahit wala siyang sabihin. Sa tagal na naming magkakilala, kabisado ko na siya.
Sobrang miss ko na siya, pero kahit text o tawag ko ayaw niyang sagutin. Madalas din siyang umiwas sa akin kapag nagkakasalubong kami sa university.
Sa totoo lang, nakakaramdam na ako ng selos dahil napapadalas nang si Brix ang kasama niya, pero inintindi ko pa rin siya.
She needed space, sige. Ayoko namang maging makulit.
"So cool off kayo?"
Napaangat ako ng tingin kay Stella na nakaupo sa harapan ko. Nitong mga nagdaang araw, siya ang nagiging sandalan ko. Simula pagkabata palang, kilala na namin ang isa't isa kaya wala akong maitatago sa kanya.
"Yeah," tipid kong sagot.
"Bakit?"
"Focus muna siya sa pag-aaral, baka gusto munang maghabol sa grades niya."
"That's bullshit. Kung gusto niya talaga magfocus sa pag-aaral niya eh di dapat pumapasok siya, madalas nga siyang absent," sambit niya. Magkaklase kasi sila ni Kelly.
Napapansin ko nga rin na madalas na ang pag-absent ni Kelly. Knowing her, napakasipag niya pumasok. Kahit nga nilalagnat na siya, pumapasok pa rin siya.
What's wrong with her?
"Baka naman kasi may iba na siya," wika pa ni Stella. "Well, speaking."
Napatingin ako sa direksyon kung saan nakatingin si Stella. Nakita ko sina Kelly at Brix na magkasama, papasok silang dalawa sa cafeteria.
May kung anu-anong tsismis na ang naririnig ko tungkol sa kanila ni Brix pero wala akong pinaniwalaan sa mga 'yon. Mahal ako ni Kelly at matalik kong kaibigan si Brix. Hindi nila magagawang lokohin ako. Hindi sila ganung klaseng tao, pero sa kasulok-sulukan ng isip ko, hindi ako matahimik.
Tumayo ako at sinalubong sila. Bakas ang gulat sa mga mata ni Kelly nang makita niya ako.
"G-Gab!"
Walang imik na hinila ko siya palabas sa cafeteria. Panay ang pagpupumiglas niya sa akin pero hinigpitan ko lang lalo ang pagkakahawak ko sa braso niya.
I don't want to let her go. Natatakot ako na kapag binitawan ko siya, tumakbo siya patungo sa iba.
"Gab, ano ba?! Bitawan mo na ko, ang sakit na!" daing niya.
Doon ko lang namalayan na nasa soccer field na pala kaming dalawa. Walang katao-tao dito kundi kami lang.
Binitawan ko ang kamay niya at hinarap siya. Halos manlumo ako nang pagmasdan ko siya sa malapitan. Ang laki ng binagsak ng katawan niya. Parang lalo ata siyang nangayayat. Namumugto rin ang mga mata niya, galing ba siya sa pag-iyak?
"Ano bang problema mo?!"
I was taken aback when I heard her shout. Nababasa ko ang galit sa mga mata niya. Bakit? Hindi ba dapat ako itong magalit sa kanya?
"Anong namamagitan sa inyo ni Brix?" walang ligoy na tanong ko.
Natahimik siya kasabay ang pagyuko niya. Nakatitig lamang siya sa mga sapatos niya.
"Wala," she whispered.
"Wala?! May idea ka ba sa nangyayari sa paligid mo? Alam mo bang kayong dalawa ang usap-usapan sa campus? Ayokong maniwala, pero sa nakikita ko, mukhang totoo ang sinasabi nila."
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Nilalamon ako ng selos at pagdududa.
Kelly looked at me, tears already brimming in her eyes. "Eh di paniwalaan mo sila kung 'yon ang gusto mo!"
"A-Ano?" nauutal kong saad.
Hindi ako makapaniwala na ganitong klaseng salita ang lalabas sa bibig niya. Ang gusto ko lang naman, marinig mula sa bibig niya na hindi totoo ang sinasabi ng mga tao sa paligid namin.
"Pagod na ko, Gab. Ayoko ng magpaliwanag. Kung anong gusto mong paniwalaan, sige bahala ka. Ayoko ng makipagtalo pa. Ang dami dami ko ng iniisip. Please, huwag ka namang dumagdag pa," umiiyak na pagsusumamo niya.
Pakiramdam ko parang pinilipit ang puso ko sa sakit. Ayoko siyang nakikitang umiiyak. Ayokong nakikita siyang nasasaktan. Tila nalusaw ang lahat ng selos at inis na naramdaman ko. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya.
"Sorry. Ssshhh. Tama na, mahal. Huwag ka ng umiyak," masuyo kong bulong habang hinalik-halikan ang tuktok ng ulo niya.
Umiling-iling lang siya. "Tama na, Gab. Kung nawawalan ka na ng tiwala sa akin, itigil na lang natin 'to."
Napahigpit ang yakap ko sa kanya. Hindi ko na gusto kung saan papunta ang usapan na 'to. Ayoko. Mahal ko siya, kaya pa namin.
"I trust you. Ikaw lang ang paniniwalaan ko. I'm sorry, mahal. Mag-aaway lang tayo, pero hindi tayo maghihiwalay. Okay?" I said trying to put her heart at ease.
Pagkatapos ng araw na 'yon, akala ko tuluyan nang mapapanatag ang kalooban ko pero mali ako.
Hindi ko napaghandaan ang tuluyang pagkadurog ng puso ko, na sina Kelly mismo ang nagdulot.
*****
Kelly
"Kailan mo pa ko niloloko?!!"
Halos mabingi ako dahil sa malakas na pagsigaw ni Gabriel. Pinuno ng boses niya ang kabuuan ng botanical garden ng aming university. Tanging kami lamang ang narito sa lugar na 'to.
Natatakot ako sa paraan ng pagtitig niya, punong-puno ito ng galit at pagkadismaya. Siguro kung ibang tao lang siya, baka napagbuhatan na niya ako ng kamay. But knowing how he respect women, he won't hurt me or even lay his finger on me even if I'm his most hated person now.
"Saan ba ako nagkulang, Kelly?"
I shook my head. Wala siyang pagkukulang. Halos ibigay na niya ang buong mundo sa akin.
Naramdaman ko ang panginginig ng nakatikom kong mga labi. Wala akong mabigkas na salita. Hindi ko alam kung paano ko pa dedepensahan ang sarili ko.
Napayuko na lamang ako. Hindi ko magawang tumitig sa kulay brown niyang mata. Kung noon, gumagaan ang pakiramdam ko sa tuwing tumitingin ako sa magagandang mata niya, ngayon ay parang may malaking batong nakadagan sa dibdib ko. Hindi ko kayang makita ang sakit sa mga mata niyang iyon. Baka hindi ko na kayanin.
"Kaya ka nakipag-cool off di ba? Kasi may iba ka na pala? At bestfriend ko pa talaga? So totoo talaga ang naririnig ko patungkol sa inyo?!"
Iling lang ako nang iling. Gusto ko magpaliwanag, pero sobrang gulong-gulo na ng utak ko. Hindi ko akalain na hahantong ang lahat sa ganito.
"Magsalita ka naman, Kelly. Please, sabihin mong hindi totoo na may relasyon kayo ni Brix. Parang awa mo naman oh."
Parang naging isang malakas na pag-agos ng ilog ang mga luha ko. Tuluyan itong bumagsak sa mga mata ko nang marinig ko ang pagsusumamo niya.
Sumagi sa isipan ko ang lahat ng napag-usapan namin ng mommy niya. Ang unfair niya, I begged her to give me some time. Hindi ko alam na gumagawa na pala siya ng sarili niyang aksyon.
Huminga ako ng malalim. Buo na ang desisyon kong tapusin na lang ang lahat sa amin.
"I-I'm sorry, Gab...I-I'm sorry...Totoo lahat ng 'yan...T-Totoong may relasyon kami," halos pabulong na pag-amin ko. Hindi ko gustong saktan siya, pero heto ako dinudurog ko ang puso niya.
Nakatitig lamang ako sa mga litratong hawak hawak niya na kanina lang ay pinagpepyestahan ng mga estudyante sa bulletin board. Lukot lukot na ito dahil naiipit ang mga ito sa nakakuyom niyang kamao. Picture namin ni Brix na magkayakap.
Alam kong ang mama ni Gab ang may pakana nito. Dahil ang mga pictures na 'yon ang nakita kong mga kuha niya sa cellphone niya.
Kumalat na ito sa buong campus. Marahil ay pinag-uusapan na nilang lahat ang cheating issue namin ni Brix.
Napakadali talagang manghusga ng tao kahit hindi naman nila alam ang buong kwento.
Narinig ko ang marahas na pagbuga ni Gab ng hangin kasabay ng pagtigas ng boses niya. "Kailan pa kayo?!"
Nanatili akong nakayuko, pikit-matang sinagot ang tanong niya. "T-Three months na kami."
Sana mapatawad mo ko sa pagsisinungaling ko.
"T-Three months," he repeated. Walang buhay.
"Gab. Sorry...I'm really sorry!"
I apologized over and over again. Sa mga sandaling iyon, parang iyon lamang ang mga salitang alam ko.
"Mahal mo ba siya?" muling tanong niya.
Tila binalot ng lamig ang buong sistema ko. Parang yelo na ang boses niya. Hindi ako makapagsalita. Para akong tatakasan na ng lakas. Patuloy ako sa pag-iyak. Siguro iniisip niya, napaka-kapal ng mukha ko. Kung umiyak ako sa harapan niya, parang ako pa ang biktima.
"S-Silence means yes," his voice cracked. "Putangina."
Marahas niyang itinapon sa harap ko ang hawak niyang mga litrato. Tinipon ko ang lahat ng lakas na meron ako upang muli siyang tignan. Nanlumo ako nang makitang lumuluha na rin siya pero mabilis niyang pinunasan iyon. Para akong mapapaso sa apoy ng galit na nakikita ko sa mata niya.
"Hindi ko alam na ganyan kang babae. Tangina naman, Kelly! First year highschool palang mahal na kita, ginawa ko naman ang lahat para sa'yo. Hindi ko akalain na magagawa mo pa akong lokohin. Tangina! Magsama kayong dalawa. Mga manloloko," matatalim ang bawat salitang binitiwan niya pero tinanggap ko ang lahat ng iyon kahit parang nagdurugo na ang puso ko.
"It's over between us. Hindi ako gago para magpakatanga pa sa'yo. Huwag na huwag ka nang magpapakita pa sa akin. Ayaw ko nang makita pa ang pagmumukha mo," he looked at me with disgust.
Napako ako sa kinatatayuan ko. Naiwan akong mag-isa. Wala akong lakas pa para habulin siya. Iyak na lamang ako nang iyak habang pinagmamasdan ang tuluyang paglayo niya sa akin.
Iyon ang huling pagkakataon na nagkausap kami. At sigurado ako, kailanman ay hinding hindi na niya talaga ako mapapatawad pa.
In his eyes, I'm the worst.
Nanghihina akong bumagsak sa lupa nang maramdaman kong may mga bisig na sumalo sa akin.
"B-Brix," walang boses kong sambit.
"Bakit ka nagsinungaling sa kanya? Bakit mo ginawa 'yon?" bakas ang lungkot sa boses niya.
Hindi ako makapagsalita. Ubos na ubos na ang lakas ko. Ang tanging alam ko na lamang na gawin ay umiyak nang umiyak.
Lumipas ang ilang araw, para akong patay na buhay. Humihinga nga ako, pero ang puso ko wala ng buhay.
Sa tuwing magkakasalubong kami ni Gab, parang hangin na lamang ako sa paningin niya. Hindi pinapansin, hindi nakikita.
Hindi ko siya masisisi kung sukdulan man ang galit niya sa akin, sinaktan ko siya. Tama lang 'to sa akin.
Ako ang naging sentro ng usapan sa buong campus. Lahat sila, dismayado sa akin. Pinilit kong huwag na lang pansinin ang mga sinasabi nila, pero para itong lason sa buong sistema ko. Unti-unting sinisira ang pagkatao ko.
Muling gumuho ang mundo ko nang mabalitaan kong nag-drop out na sa university si Gab. Sa America na daw siya magpapatuloy ng pag-aaral. Mas lalong nagalit ang lahat sa akin, ako ang sinisisi nila sa pag-alis ni Gabriel.
Days, weeks, months had passed. Impyerno na ang buhay ko. Dalawang bagay ang nagpapahirap sa akin, chemotherapy at ang pangbubully sa akin nila Stella. Nalaman ko na siya ang nagpakalat ng mga pictures namin ni Brix. Pakana nilang dalawa ng mama ni Gab. Magkakampi pala sila.
Hindi nagtagal, nalaman na rin ng mga kaibigan ko ang totoong kalagayan ko. Buong araw atang umiyak nang umiyak si Danika sa harap ko. Nagalit pa nga siya dahil naglihim ako, but in the end inintindi niya na lang ang desisyon ko.
Bumigay ang katawan ko dahil sa stress, idagdag pa ang pambubully sa akin ng mga kaklase ko. Labag man sa kalooban ko, nagpasya na lang akong huminto na sa pag-aaral para magfocus na lang sa gamutan.
I was determined to be well again. I just had to fight not only for myself, but for the people who believe in me.
My life for a few months revolved around chemotherapy and radiation, followed by stem cell transplant. Fortunately, hindi ako nahirapan makahanap ng donor.
Matapos ang halos isang taon na gamitan, a miracle happened. I responded well to the treatment and I survived.
Unti-unting binuo ko ulit ang sarili ko, sa tulong ng mga taong nagmamahal sa akin pero pakiramdam ko, may malaking puwang na naiwan sa puso ko.
*****
A/N: Cyclamen is a flower that symbolizes separation.