Chapter theme: Fight Song - Rachel Platten
Relapse
Isang salita lamang 'yon pero ang katumbas niya ay ang muling pagkawasak ng mundo ko. Parang isang replay lang ang nangyayari sa buhay ko.
Kaharap ko na naman ang papa ni Brix. Nababasa ko ang lungkot sa mga mata niya nang sabihin niya sa akin ang isang masamang balita. Bumalik ang sakit ko.
Nahigit ni mommy ang paghinga niya, kasabay ng paglandas ng luha sa pisngi niya. Umiiyak na naman siya. Magang-maga na ang mga mata niya kakaiyak simula pa kahapon.
Si kuya naman, gaya ng dati pilit na nagpapakatatag. Nilalabanan niya ang pagtulo ng luha niya sa pamamagitan ng pagtingala sa puting kisame.
Nang mga sandaling iyon, hindi ako umiyak. Parang naubos na nga ata ang luha sa mata ko. Wala na rin akong maramdaman. Bugbog na bugbog na ata ako sa sakit kaya namanhid na ata ako.
"Mamamatay na ba ako?" Iyon ang unang tanong na lumabas nang ibuka ko ang bibig ko. Humigpit ang hawak ko sa kamay ni mommy habang hinahanda ko ang sarili ko sa isasagot ng papa ni Brix.
"Hija, you just need to undergo intensive treatment again then we---"
"But will it save me? Or it will just prolong my agony? Mabubuhay ba ko? Ilang taon? O ilang months?" I asked. My mind is going blank.
"Ayoko na. Nakakapagod ang mahabang gamutan, tapos hindi naman pala ako gagaling. Sayang yung oras, yung panahon, yung gastos tapos wala namang mangyayari," dugtong ko.
"Kelly! Bakit ka ba nagsasalita ng ganyan?!" suway ni mommy. May panlulumo sa himig ng boses niya.
"Totoo naman, mommy. Tanggapin na lang natin. Siguro blessing na sa akin yung apat na taon na nabuhay pa ako. Parang free-trial lang. Tapos heto, end na ng free-trial ko. Baka nga oras ko na talaga," I laughed bitterly.
Kinulong ni mommy ang mukha ko sa pagitan ng mga kamay niya. Ayokong makita ang pag-iyak niya kaya nanatili akong nakayuko kahit pinipilit niyang mag-angat ako ng tingin.
"Listen to me, baby. Gagaling ka, ha? Natalo na natin ang sakit mo di ba? Matatalo ulit natin 'yan. Malakas ka eh, fighter ka di ba?" masuyong sambit ni mommy.
Marahas akong umiling-iling. Sinubukang bigyan siya ng matamis na ngiti kahit parang pinapatay na ako habang nakikita ko ang paghagulgol niya sa harap ko.
"Hindi niyo ko naiintindihan. Hindi naman kayo yung mag-uundergo ng treatment eh. Ako, mommy. Ayoko na. Ayoko na ulit maranasan yung ganung klase ng sakit. Yung sakit na tumatagos hanggang buto ko. Yung bawat pagtusok ng karayom sa kalamnan ko, wala akong ibang hiniling na sana matapos na yung sakit. Ayoko na. I don't want to go through that kind of hell, again."
Doon na nagsimulang pumatak ang luha sa mga mata ko. Akala ko wala na akong mailuluha pa, pero mali ako. Para silang ulan na nagtago muna sa makakapal na ulap, at nang may pagkakataon na, hindi ko na napigilan pa ang pagbuhos nito.
"But, hija. Mas makakabuti sa'yo kung mananatili ka muna dito sa ospital. Nang sa gayon, mamonitor ko ang kalagayan mo." Narinig kong suhestyon ng papa ni Brix.
Pinahid ko ang luha ko bago tumingin sa kanya. He was looking at me as if he was waiting for a positive answer but I just shook my head.
Ayoko nang sayangin pa ang oras at panahon ko sa pagpapagamot. Doon din naman 'yon papunta.
Tahimik kaming lumabas nila mommy sa ospital. Mugto na ang mata naming parehas samantalang si kuya, halos mamula na ang mata kakapigil niya umiyak. Nakaramdam tuloy ako ng guilt.
"Mom, gusto ko munang mapag-isa. Mauna na kayo ni kuya."
May pag-alalang tinapunan ako ng tingin nila mommy nang bumitaw ako sa kamay niya. "Saan ka pupunta? Baka mapano ka?"
"Dadalawin ko lang si daddy," tipid na sagot ko.
"Sasamahan na kita."
Mabilis akong umiling kay kuya. "Gusto kong mapag-isa. Uuwi rin naman ako agad. Don't worry."
Nag-aalangan man. Nakita ko ang sabay nilang pagtango. Bago ako pumara ng taxi, binigyan ko muna sila ng isang mahigpit na yakap.
"I'm sorry," I whispered.
"It's okay. K-Kung anong desisyon mo, igagalang namin," mom said while choking on her sob once again.
My heart sank. I feel bad that I was the one who was causing them an excruciating pain.
*****
"Hi dad! Kamusta ka na?"
Nakangiti ako habang pinupunasan ang puntod ni daddy gamit ang kamay ko. Wala na akong pakialam kahit madumihan pa ako.
"Sorry, dad. Wala akong dalang bulaklak. Biglaan kasi," sambit ko. "Mana ata talaga ko sa'yo, daddy. Sakitin. Alam mo ba? Galing akong ospital kanina. Umiyak na naman si mommy. Pasaway kasi yung sakit ko eh. Bumalik pa," pagkukwento ko.
"Grabe talaga, dad. Buti pa yung sakit ko bumalik no? Samantalang siya hindi," hugot ko pa. Para akong sira na nakikipag-usap sa hangin.
"Katabi mo ba si papa G, dad? Pakitanong naman kung prank ba 'to? Ready na kasi akong tumawa eh. Ibulong naman niya sa akin o, 'It's a prank!' parang yung sa mga napapanuod kong vlog," dugtong ko saka bahagyang tumawa, kasunod ang sunod-sunod na pagbagsak ng luha ko.
Lahat ng tapang ko kanina, sa isang iglap naglaho na parang bula. Umiyak ako sa puntod ni daddy na parang isang bata. Umaasa na maririnig niya ang bawat hinaing ko.
Sa totoo lang, takot na takot ako. Gusto kong tanungin ang Diyos kung bakit ako pa? Masama ba akong tao? Pinaparusahan niya ba ako?
Gusto kong magwala, gusto kong maghinanakit sa kanya pero wala rin namang mangyayari kung kukwestyunin ko pa siya.
Siguro ito talaga ang kapalaran ko, wala akong choice kundi tanggapin na lang ang lahat.
Pasado ala-singko na ng hapon pero heto ako nakaupo pa rin sa tabi ng puntod ni daddy. Ramdam ko ang pamamaga ng mata ko dahil ilang oras na rin akong umiiyak.
Hindi ko na inda ang pagkagat ng dilim. Habang pinagmamasdan lamang ang napakatahimik na sementeryo, isang ring mula sa cellphone ko ang bumasag sa katahimikan nito.
It was from Brix. Hinayaan ko lang mag-ring ito hanggang tumigil ito sa pagtunog. Nagpasya na rin akong umuwi na dahil baka nag-aalala na sa akin sina mommy.
Dahan dahan akong tumayo, muntik pa akong matumba dahil nangawit ang paa ko sa pag-upo. Parang kinukuryente ang talampakan ko. Ilang minuto pa akong naghintay para mawala ang pangangawit niya at nang makalakad na ako nang maayos, diretso akong naglakad paalis ng sementeryo.
"Bakit hindi mo sinagot ang tawag ko? Ayaw mo ba akong kausap?"
Nagulat ako nang bumulaga sa harap ko si Brix. Nakasandal siya sa kotse niyang nakaparada sa tapat lang ng entrance ng sementeryo. Nakangiti siya sa akin pero hindi ko magawang suklian ang ngiti niyang ngayon.
Pagod na akong ngumiti. Wala namang dahilan para ngumiti pa ako.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.
"Sinusundo ka. Pinapasundo ka na ng kapatid mo," paliwanag niya.
"Inabala ka pa niya," matamlay kong tugon.
Umalis siya sa pagkakasandal sa kotse niya at naglakad palapit sa akin. Napatingala ako nang tumigil siya sa harapan ko at guluhin ang buhok ko.
"May alam akong lugar kung saan maganda mag-star gazing. Gusto mong puntahan?" tanong niya. Bago pa man ako makasagot, hinila na niya ang kamay ko at isinakay sa kotse niya.
*****
Dinala ako ni Brix sa isang napakalawak na open field. Hindi ko alam kung saan ang lugar na 'to pero nakasisiguro ako na wala kami sa Sunny Ville. Mahigit 30 minutes din siyang nagdrive papunta rito.
"Nasaan tayo?" tanong ko. Tumingin lang siya sa akin at ngumiti. Kinuha ang kamay ko saka hinila ako para maglakad patungo sa gitnang bahagi ng field.
Tanging ang buwan sa kalangitan at ang malamlam na ilaw na nanggagaling sa light post ang nagbibigay sa amin ng liwanag.
"Ayos lang bang madumihan ka? Wala akong dalang pansapin?"
Tumango ako bilang sagot bago sumalampak sa damuhan. Natatawa pa siyang umupo na rin sa tabi ko. Tahimik lang kaming dalawa habang nakatingala sa langit. Napakaliwanag ng buwan. Marami ring maningning na stars ngayon.
Brix was right. Maganda nga talagang mag-star gazing dito.
Umihip ang malamig na hangin. Nakita kong hinubad ni Brix ang suot niyang gray na jacket at ipinasuot niya sa akin.
"Narinig ko ayaw mong magpagamot. Totoo ba?" basag niya sa katahimikan.
Nanatili akong nakatingin lang sa langit. Malalim na bumuntong-hininga. "Para saan pa? Hindi naman ako gagaling."
"No! Gagaling ka. Gumaling ka na dati di ba? Gagaling ka ulit. So please, pumayag ka na," pangungumbinsi niya.
Umiling ako. Alam ko naman ang totoo.
"Ganito rin yung nangyari kay daddy, Brix. Akala ko rin gagaling siya pero sa huli, kahit anong laban niya, iniwan niya pa rin kami. Tama na siguro 'to. Hindi lahat ng lumalaban, nanalo sa huli. Kapag oras ko, oras ko na."
"Tama nga talaga ang kuya mo. Ang tigas tigas ng ulo mo," nanlulumong wika niya. Naramdaman kong paakbay niya akong kinabig palapit sa kanya.
"Kung natatakot ka, nandito lang ako. Gaya ng dati. Sasamahan kita sa mga check up mo, sa pagchechemo mo. Sasamahan kita sa lahat. Hahawakan ko ang kamay mo sa tuwing hindi mo na kinakaya ang sakit. Pwede mo kong iyakan, sigawan o murahin kapag sobrang sakit na. Gusto ko lumaban ka, hindi lang para sa sarili mo. Kundi para sa mga taong nagmamahal sa'yo."
"M-Masasaktan ko naman sila. Pagod na ko," pag-amin ko.
"Mas lalo mo silang masasaktan kung ngayon pa lang sumusuko ka na."
Gusto kong lumaban. Gustong gusto ko. Pero para saan pa ang paglaban ko kung sa huli, alam ko naman na matatalo lang ako.
Muli na namang tumulo ang luha sa mga mata ko. Para silang gripo. Dire-diretso ang buhos. Naramdaman kong niyakap ako ni Brix nang mahigpit. Sa mga bisig niya, umiyak na naman ako nang umiyak.
Pesteng leukemia 'to. Dahil sa kanya nagiging iyakin ako.
"Alam mo ba kung anong lugar 'to?" sambit niya nang kumalma na ako ng kaunti. Umiling lang ako bilang sagot.
"Dito kami nagpupunta ni Gab noon sa tuwing tumatakas kami sa amin," he chuckled.
Nag-angat ako ng tingin sa kanya. I could see the sadness in his eyes.
"I'm sorry. Dahil sa akin nasira ang pagkakaibigan niyo," I whispered. I heard him sighed.
"Wala kang kasalanan. Kung tutuusin pwede ko namang linawin ang lahat kay Gabriel pero mas pinili kong magsinungaling na lang. At the back of my head, gusto kong isipin niya na minahal mo nga ako. Ganun ako ka-selfish noon. Naiinggit ako sa kanya kasi mahal siya ng babaeng mahal ko. Hiniling ko noon na sana mas nauna mo na lang akong nakilala kaysa sa kanya. Kaya noong nagkaroon ng pagkakataon na mas mapalapit sa'yo, pinanindigan ko na lang ang kasinungalingang ginawa natin. Naisip ko kapag tuluyan na kayong naghiwalay, mababaling mo na sa akin ang atensyon mo. Baka sakaling mahalin mo na rin ako. But I was wrong. Gabriel's absence made me realized, that I really don't have a chance with you. That he will always be the guy you love."
Saglit akong natulala dahil sa mga sinabi niya. Wala akong mahanap na tamang salita. Hindi ko alam na ganito pala ang nararamdaman niya.
He looked at me in the eyes and sent me a genuine smile.
"Mahal kita, Kelly. Pero alam kong kahit anong gawin ko, hanggang ngayon si Gabriel pa din ang nilalaman ng puso mo. Tama ka, hindi sa lahat ng laban mananalo ka. Pero sana hayaan mo akong manatili pa rin sa tabi mo, kahit kaibigan lang."
Napakagat ako sa ibabang bahagi ng labi ko. Hindi ko siya matignan sa mata. Dito ako magaling, ang manakit ng damdamin ng mga tao sa paligid ko.
"I'm sorry, Brix. Gusto kitang mahalin. Gusto kong suklian ang pagmamahal mo sa akin. Kung natuturuan lang ang puso na mahalin ka, ginawa ko na. I'm sorry. I'm really sorry."
"Ssshhh. Wala kang dapat gawin. Ayos na ako sa kung anong kaya mong ibigay," he said sincerely.
Gusto kong mainis sa sarili ko. Nasa harap ko ang taong laging nandiyan sa tabi ko, pero ang puso ko naghahanap pa rin sa taong wala. I don't even deserved Brix's kindness and unconditional love. Napakawala kong kwentang tao.
"Mahal mo pa siya?" nakangiting tanong niya.
Mariin akong pumikit saka tumango. Wala akong ibang lalaking minahal kundi si Gabriel lang. Kahit kailan, hindi naubos ang pagmamahal ko sa kanya.
He cupped my face as he slowly leaned down and planted a soft kiss on my forehead. "Pakakawalan na kita," he whispered. "Tutulungan kita, aayusin ko ulit ang lahat para sa'yo. Gagawin ko ang dapat matagal ko nang ginawa. I'll do everything, makita lang kitang sumaya ulit. Pangako."
*****
Third Person's POV
"Sigurado ka ba diyan? Bakit ko naman siya padadalhan ng invitation? Eh hindi naman natin siya kasabay grumaduate?" naguguluhang tanong ng kaibigan ni Stella mula sa kabilang linya.
"Gawin mo na lang ang pinapagawa ko. And besides, naging classmate naman natin siya. Kaya dapat lang na nandoon din siya sa reunion natin," sagot ni Stella. There's a mischievous smirk on her face.
"Ikaw ha. May binabalak ka na naman no?"
"Well, it would be boring kung wala tayong source of entertainment, right?"
"Ay gusto ko yan, mamang! Support!"
"Humanda siya talaga. I'll make her pay for ruining my life."
"Sinong kausap mo?"
Mabilis na ibinaba ni Stella ang tawag nang biglang pumasok si Gabriel sa loob ng kwarto niya. Inilapag niya ang phone sa bedside table saka muling umayos ng higa sa kama.
"G-Gab! Kanina ka pa diyan?" kabadong tanong niya. Umiling lamang ang binata.
"Kararating ko lang. Sinong kausap mo?" usisa nito.
"Wala 'yon. It's my friend Celine," kalmadong sagot siya saka nginitian ang binata.
"What are you doing here? Binibisita mo ba ko?" she asked sweetly.
"Yeah," tipid na sagot nito bago umupo sa bakanteng sofa. Parang gusto niyang magtampo nang hindi man lang siya tignan nito. Nagkabalikan nga sila, pero ang pakikitungo sa kanya ni Gabriel ay kasing lamig ng yelo.
"May reunion kami sa susunod na Sabado, pwede mo ba kong samahan?"
"Busy ako. I'm sorry."
Hindi na napigilan pa ni Stella ang inis niya. Mas lalo lang nagpuyos ang puso niya sa galit. Kasalanan 'to ni Kelly. Kung hindi dahil sa kanya, hindi masisira ang relasyon nila ni Gabriel.
"Busy? O ayaw mo lang talaga na makasama pa ko? Alam ko naman eh. Napipilitin ka na lang sa akin," iyak niya.
Saglit na natigilan si Gabriel. Wala siyang maramdaman dito kundi awa. Alam niyang kasalanan niya ang lahat kung bakit nagkaganito ito.
Stella was diagnosed with depression. Pinakiusapan siya ng mga magulang nito na huwag nang hiwalayan ang dalaga. Ayaw niya sanang balikan ito, pero nagpumilit din ang mommy niya. Kung anu-anong pangongonsensya pa ang ginawa ng mga magulang nito sa kanya. Naiintindihan niya naman. Alam niyang natatakot lang ang mga ito na baka may gawin si Stella sa sarili niya kapag tuluyan na niyang hiniwalayan ito.
Mas lalo pang nilakasan ni Stella ang pag-iyak nang makitang tila nakokonsensya si Gabriel. Nasa kanya pa rin ang alas kung tutuusin.
Narinig niya ang malalim na pagbuntong-hininga nito bago siya tapunan nito ng blankong tingin.
"Oo na. Sasamahan na kita," matabang na tugon nito.
Ganunpaman, lihim na napangiti pa rin si Stella.
She knows that Brix will be there as well. Sisiguraduhin niya na makakarating din si Kelly. Gusto niyang ipamukha kay Gabriel na hindi na siya ang lalaki para dito. Gusto na niyang magising ito sa katotohan na silang dalawa talaga ang para sa isa't isa.
She will make sure that after that night, mapapasakanya na ulit ang puso ng binata.
*****
A/N: Cornflower symbolizes blessing. Kasi blessing kay Kelly ang buhay niya.
P.S Ang delulu ni Stella. Grrr!