Chapter theme: Forgive Me - Nataly
"Anak kaya mo pa ba? Dalhin ka na kaya namin sa ospital?"
"N-No, mom. Kaya ko," pagmamatigas ko.
Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong nagsuka ngayong umaga. Halos wala na rin akong gana pa kumain. May nireseta sa akin na gamot ang papa ni Brix, pero mukhang wala namang epekto sa akin. Ramdam na ramdam ko ang panghihina ng katawan ko pero ayaw kong ipahalata sa kanila.
Natatakot akong magpadala sa ospital. Baka sa oras na magpunta ako doon, hindi na ako makalabas pang muli.
"Huwag na kaya tayong magpunta ng reunion, dito na lang tayo sa bahay niyo, Kels. Tapos mag-movie marathon tayo," Danika insisted. Napansin ko ang pamumula ng mga mata niya. Alam kong nagpipigil lang siya umiyak.
Simula nang malaman niya ang kondisyon ko, madalas na siyang magpunta dito sa bahay. Minsan pa nga dito na siya nag-oovernight kapag wala siyang pasok kinabukasan.
"Ano ka ba? Sayang naman yung dress na nabili ko. Kaya ko. Ako pa ba?" pagpupumilit ko. Mamayang gabi na rin kasi yung reunion.
Nakakapagtaka dahil nakatanggap ako ng invitation. Hindi naman nila ko ka-batch. Mas nauna silang grumaduate sa akin. Maybe they still consider me as their batchmate dahil kahit paano nakasama naman nila ko on my first to third year.
Ayoko sanang pumunta pero naisip ko, kailangan ko 'tong gawin para sa sarili ko. Kailangan kong harapin ang bangungot ng nakaraan. Gusto kong ipakita sa kanila na pagkatapos ng lahat ng panghuhusga nila sa akin, heto pa rin ako. Taas noong haharap sa kanila.
Alam kong ako na naman ang magiging sentro ng usapan kapag nagpunta ako doon, pero hindi ko na iniisip pa 'yon.
Wala akong dapat ikahiya. Wala akong ginawang mali. Sila ang may ginawang kasalanan sa akin. I want their apology.
"Tama si Danika, anak. Dito na lang kaya kayo sa bahay. Baka mapagod----"
"Okay nga lang ako, mommy! Bakit ba ayaw niyo maniwala sa akin?! Ayos nga lang ako. Kaya ko ang sarili ko. Please naman, hindi naman ako ganun kahina!"
Bumalatay ang gulat sa mukha ni mommy nang bahagyang tumaas ang boses ko. Maging ako, hindi ko rin inasahan ang naging asal ko. Napakagat na lang ako sa labi ko lalo pa't nakita ko ang pagtingala ni mommy para pigilan ang pagpatak ng luha niya bago niya ako tignan muli.
"Sige na. Hindi na kita pipigilan. Pero magpahinga ka muna ngayon, ha? Mamayang gabi pa naman yung reunion niyo. Magbawi ka muna ng lakas, okay?" masuyo niyang hinaplos ang pisngi ko. Para akong maamong bata na tumango na lamang at sinunod siya.
"Tara, Kelly! Magbeauty rest muna tayo. Tamang tama, may binili akong mga korean facial mask. Try natin?" Danika quickly run to my side as she cling her hand around my arm.
Nagpatianod na lamang ako sa kanya nang alalayan niya ako paakyat sa kwarto ko.
Nakakailang na katahimikan ang bumalot sa amin ni Danika nang makarating kami sa kwarto ko.
Nakaupo ako sa malambot kong kama habang nakasandal ako sa headboard. Si Danika naman, nasa may paanan ng kama nakaupo. Nakatalikod siya sa akin habang binubuksan ang packaging ng binili niyang facial mask. Naririnig ko ang pagsinghot-singhot niya kaya dahan dahan akong lumapit sa kanya.
"Thank you," bulong ko nang yumakap ako sa likuran niya.
"B-Bakit ka nagpapasalamat diyan? Eh wala nga kong magawa para...para sa'yo," sambit niya sa pagitan ng mga hikbi niya.
"Sapat na sa akin yung nandiyan kayo sa tabi ko, through thick and thin. Kapag namatay ako, hihilingin ko kay G na gawin niya kong guardian angel para lagi ko kayong nababantayan," nakangiti tugon ko.
Mahina niyang hinampas ang kamay ko na nakayakap sa bewang niya.
"H-Huwag ka ngang magsalita ng ganyan! Hindi ka mamamatay. Wawarlahin ko talaga si G kapag kinuha ka niya sa amin," biro niya.
I just let out a weak chuckled. "I love you, bestfriend."
Saglit siyang natahimik. Naramdaman kong may mainit na likido na pumatak sa kamay ko. "U-Umayos ka nga...H-Huwag kang clingy...H-Hindi bagay."
Pagkasabi niya nun, humarap siya sa akin. Basang-basa na ng luha ang pisngi niya kaya marahan ko itong pinunasan gamit ang kamay ko.
"A-Ano ba yan?! Nakakaiyak palang magbukas ng packaging nito no?" Tumatawa man, umaagos pa rin ang luha sa mga mata niya.
"Oo nga eh. Iyakin mo pala," panunukso ko na lang. Mas lalo tuloy siyang umiyak.
Kapag nalaman ni Jules na pinapaiyak ko girlfriend niya, lagot ako dun.
*****
I feel like I'm beautiful while looking at myself in front of the full length mirror. I was wearing a light blue sheath dress paired with an off-white tube strap sandals. Danika fixed my short hair into a messy bun, dabbing a simple glam make-up on my face.
I turned to my bestfriend who was sitting on my bed. She was busy browsing on her facebook news feed, I guess. She looked so gorgeous on her chic berry red dress and red stilleto. She curled her long dark hair into loose waves, matching it up with night time make up.
She stood up the moment she caught me staring at her. I smiled when she raised her phone in front of us for a selfie.
"Are you sure with this?" she asked once again. I just gave her a meek nod.
"Basta kapag gusto mo na umuwi, huwag ka mahiya magsabi sa akin, okay?" she reminded for the nth times.
"Yes, mama Niknik!" I said jokingly. She just rolled her eyes in the air. She really doesn't like it when I called her in her nickname.
"Bunso, nandiyan na sina Brix sa baba," biglang singit ni kuya na nakasilip sa pinto ng kwarto ko.
I heard Danika giggled as she hurriedly pulled me downstair. Excited ang bruha.
Nang makababa kami, halos matawa ako nang makita ko si Jules. Bagong gupit ito. Sobrang aliwalas ng mukha niya dahil naka-gel pa ang buhok niya. Nakasuot siya ng stripe sweater, black jeans at brown leather shoes.
Si Brix naman, as usual pang boy next door ang pormahan sa suot niyang black ripped jeans at gray na v-neck shirt sa ilalim ng black leather jacket niya. His long hair was fixed in a neat ponytail. Nakasuot na ulit siya ng glasses.
"Tapos ka na bang magwapuhan sa akin?" nangingising tanong ni Brix. Pabiro ko na lang siyang inirapan. Oo na, gwapo na siya.
"Hi, babe!" bati naman ni Jules sa girlfriend niya. Lumapit siya dito para halikan ito sa pisngi pero umarte si Danika na parang nandidiri. Ayan na naman sila. Ganyan ata talaga sila maglambingan.
"Let's go?" yaya ni Brix. He offered his arm to me. Kumapit naman ako sa braso niya.
"Alam niyo, bagay din talaga kayo. Bakit kasi hindi na lang si Brix, Kels? Eh ang boyfriend material ng utol ko," bulalas ni Jules. Nagkatinginan kami ni Brix, but then umiwas din ako agad. Awkward.
"Aray naman, babe! Problema mo ba?" asik ni Jules nang bigla naman siyang binatukan ng girlfriend niya.
"Ikaw! Tumahimik ka na lang!" bulyaw nito. Ngumiti lang ito ng nakakaloko.
"Ano? Magbabangayan na lang ba kayo diyan?" natatawang suway naman ni kuya. Kanina pa pala nila kami pinapanuod. Mom was smiling proudly at me.
"Brix, ingatan mo anak ko ha," bilin ni mommy.
"Yes, tita. You can count on me po," magalang na tugon naman ni Brix sa kanya.
"Like 1,2,3 ba?" singit naman ni Jules. Napa-facepalm na lang si Danika dahil sa kalokohan ng boyfriend.
"Kapag may nangyari diyan sa reunion niyo, sabihin niyo agad sa akin. Huwag kayong maglilihim, okay?" pasaring pa ni kuya. Hindi niya inaalis ang mga mata niya sa akin kaya binelatan ko na lang siya.
Matapos makapagpaalam, lumabas na kami para sumakay sa kotse ni Brix na nakaparada sa labas. Danika and I were sitting at the back, while Jules was sitting on the front seat.
Hindi matapos-tapos ang tawanan dahil panay ang paghirit ni Jules ng mga baon niyang korni jokes. Hindi kami sa jokes niya natatawa, kundi sa mukha niya.
I'm really happy na kumpleto kami. Bihira lang kasi mangyari 'to. And I wish that only good things will happen tonight.
*****
Sa isang sikat na five star hotel idinaos ang reunion party. Magkahalong kaba at tuwa ang nararamdaman ko nang makapasok kami sa magarang lounge area ng hotel.
Para akong nasa renaissance period dahil sa medieval na desenyo ng wallpaper. May mahabang medieval stairway din kung saan ang ibang guest ay nandoon at nagkukwentuhan. A castle style wrought iron chandelier was hanging on the ceiling, medyo dim lang ang ilaw nito. May mga poseur table din sa paligid to accomodate us.
Biglang nanlamig ang mga kamay ko nang mapansin kong nagtitinginan na sa amin ang mga tao. I recognized them as my schoolmates, some of them are my classmates. And I guess, naaalala din nila ako.
Pinilit kong huwag magpaapekto nang marinig ko na ang mga bulong-bulungan nila. I got a little anxious but then I felt Brix and Danika hold my hands trying to put me at ease.
"We're here. You have nothing to worry about," seryosong bulong pa sa akin ni Jules. I smiled knowing that I have them to keep me safe from any harm.
Pumwesto kaming apat sa bakanteng poseur table sa may gilid para malayo sa atensyon ng mga tao. Pero nagsisimula pa lang ang gabi, nasira na agad ang kapayapaan naming apat.
"Oh! Look who's here!" A familiar voice greeted me. Hindi ko na kailangan mag-angat ng tingin sa kanya dahil kilalang kilala ko ang boses niya. It was Stella.
"Oh my! Bakit ka nandito? Kabatch ka ba namin?" sabat pa ng isang kasama niya.
Danika was quick enough to hide me behind her back. Nakahawak lang ako nang mahigpit sa kamay niya nang mataray niyang harapin sina Stella.
"Celine right? Well, Kelly received an invitation kaya malamang nandito siya. May problema ba tayo dun?"
"Wala naman. Masyado ka namang hot. Nagtanong lang naman ako," Celine laughed scornfully. "Anyway, enjoy. Especially you, Kelly. Sana masiyahan ka sa party na 'to," tila nang-aasar pang wika nito.
Nakahinga lang ako ng maluwag nang umalis na silang dalawa sa harapan namin. Pero agad ding nanikip ang dibdib ko nang masilayan ko si Gabriel sa di kalayuan. Agad na nilapitan ito ni Stella at hinalikan sa labi. May nakakaasar na ngiti pa ito nang saglit niya akong tapunan ng tingin. Parang nanadya talaga.
"If you want to go home now, just tell me." Brix gently whispered in my ear. I turned to him to give him a reassuring smile.
"Ayos lang ako. Don't worry."
Kararating lang namin, ayoko namang maging KJ. Nandito na ako, kailangan ko itong panindigan. I won't let anyone ruined our night.
*****
Tawa lang kami nang tawa ni Brix habang pinapanuod sina Danika at Jules na nagsasayaw sa gitna. Love song ang tugtog pero yung dalawa, Macarena ang sinasayaw. Lakas tuloy makaagaw ng pansin. Pati yung mga katabi nila na nagsasayaw ng sweet dance, natatawa na rin sa kanila. Baliw talaga ang dalawang 'to.
Abala ako sa panunuod kina Danika nang maramdaman kong ipinasuot sa akin ni Brix ang suot niyang leather jacket.
"Bakit?" kunot-noong tanong ko sa kanya.
"Lumalamig na, baka sipunin ka." He replied sweetly. Ang thoughtful talaga.
"Nagugutom ka ba? Gusto mo bang ikuha kita ng makakain?" alok niya pa.
"Wala kong ganang kumain," pag-amin ko.
Bigla tuloy sumeryoso ang mukha niya. "Kumain ka kahit kaunti."
Napangiti na lang ako nang senyasan niya si Jules na bumalik na sa table namin. Para naman itong kiti-kiti na nagtatakbo palapit, kasunod niya si Danika.
"Bakit?" tanong ni Jules.
"Bantayan niyo muna si Kelly. Ikukuha ko ng makakain," nakangiting utos ni Brix sa dalawa. Sumaludo naman ang mga ito na parang sundalo.
Nakakatuwa talaga ang mga kaibigan ko. Hindi talaga nila hinahayaang maiwan ako mag-isa ngayong gabi. Sobrang naa-appreciate ko ang pag-aalaga nila sa akin.
Mabilis ring nakabalik si Brix sa table namin. Bitbit niya ang isang plato na puno ng pagkain. May sushi, fried chicken, pizza at carbonara. Sa kabilang kamay naman, hawak niya ang isang baso ng lemon juice.
"Kain ka na," pangungulit niya. Hindi na ko nakatanggi nang subuan niya ako ng carbonara. Naramdaman ko pang pinunasan niya ang gilid ng labi ko dahil nadungisan ako gawa ng white sauce.
"Ayiiiiieeee. Ang sweet naman," kantyaw naman nila Danika. Para silang mga bulateng inasinan kung maglililikot. Tinawanan na lamang namin sila ni Brix.
Mga malisyoso at malisyosa.
*****
Gabriel
Lumabas muna ako saglit sa may pool area ng hotel para magpahangin. Pakiramdam ko kasi, masusuffocate lang ako kapag nanatili ako sa loob.
Kung alam ko lang na pupunta sina Brix at Kelly, hindi ko na sana sinamahan pa si Stella.
Alam ko, wala akong karapatan magselos habang nakikita ko kung gaano sila ka-sweet sa isa't isa. Hindi ko na dapat 'to maramdaman pero para akong tinatraydor ng puso ko. Hindi ko kayang makita siyang masaya na sa iba, habang ako durog na durog na naman.
Tangina.
Mabilis kong nilagok ang laman ng bote ng beer na hawak ko. Gusto ko magpakalango sa alak at lunurin 'tong selos na nararamdaman ko, pero biglang dumating si Stella at inagaw ang beer na iniinom ko.
"Bakit ka umiinom? Magda-drive ka pauwi di ba?" nag-aalalang tanong nito. Hindi ko na lang siya inimikan. Inagaw ko ulit ang bote mula sa kanya pero inilayo niya ito sa akin.
"Can you just leave me alone!" singhal ko sa kanya. She was so surprised that I yelled at her. Bahagya pa siyang napaatras.
Hindi ko na napigilan ang inis ko. Sa kanya ko naibunton ang lahat ng pagkayamot ko ngayong gabi.
"Sorry," I apologized in an instant when I saw her eyes were already brimming with tears.
I heard her let out a frustrated sighed. Napansin ko ang panginginig ng katawan niya. Kinabahan ako dahil baka bigla na naman siyang magbreakdown.
"Dahil na naman 'to kay Kelly di ba? Affected ka? Mahal mo pa? Gab, naman eh! Can't you see? She doesn't love you, anymore! Si Brix, siya ang mahal niya! Masaya na sila! Bakit hindi mo na lang tanggapin 'yon?! Ako, mahal kita Gab. Please, bumalik na tayo sa dati," pagsusumamo nito.
I averted her gaze. Hindi ko kayang ibigay ang hinihiling niya.
"I'm sorry," I whispered.
"Para saan yung sorry mo? Sorry, kasi hindi mo ako kayang mahalin?" halos manlumo na ito. Humakbang ako palapit sa kanya para yakapin siya pero tinalikuran niya ako saka naglakad palayo. Agad ko siyang hinabol dahil baka kung ano ang gawin nito.
Hindi maatim ng konsensya ko kapag sinaktan na naman niya ang sarili niya nang dahil sa akin.
*****
Habang nagkakasiyahan ang lahat dito sa lounge area, heto naman ako at patuloy na binabagabag ng konsensya ko.
Nasa kabilang poseur table si Stella at doon naglalabas ng hinanakit sa kaibigan niyang si Celine. Tahimik lang akong nakamasid sa kanya dito sa isang tabi. Mukhang marami na rin itong nainom. Gusto ko na siyang iuwi pero panay ang pagmamatigas nito
Hindi nagtagal, para na itong wala sa sarili na naglakad patungo sa isang pabilog na flatform sa unahan. May hawak pa siyang wine glass. Lahat ng mata sa kanya nakatingin nang ilapag niya muna sa table ang hawak niyang wine glass at kinuha ang wireless mic.
Nakangisi ito habang nakatitig lang sa akin. May kung anong kislap sa mga mata niya na hindi ko nagugustuhan. Para siyang may gagawin na hindi maganda.
"Ladies and gentlemen, let's give around of applause to our special guest, Kelly Romualdez!" Stella cheered with enthusiasm. Kasunod noon ay ang pagtapat ng spotlight kay Kelly.
Mula dito sa kinatatayuan ko, basang basa ko ang labis na pagkagulat at pangamba sa mukha ni Kelly. Muli kong ibinalik ang tingin ko kay Stella. I could see some hatred in her eyes.
Anong balak niyang gawin?
"Do you still remember her?" ani ni Stella.
I saw some of my schoolmates nod in unison. Then all of a sudden, they all gasped in surprised when the projector behind Stella started showing pictures of Kelly and I back on our college days.
I froze and couldn't move for awhile when I turned to Kelly's direction again and saw tears in her eyes. Maging siya hindi na rin naiintindihan ang mga nangyayari. Kung bakit may ganito sa reunion na 'to.
May mga nagbubulungan na rin sa paligid at mas lumakas pa ito nang ang sumunod na slideshow naman ay puro pictures na nila Brix at Kelly. Picture nila na magkayakap.
"Omg! Grabe talaga si ate girl. Magkaibigan tinuhog no?"
"Naku, kakadisappoint talaga mga cheater."
"Remember, sobrang trending niya nung college?"
"Akala mo kung sinong santa, malandi pala. Ang kapal naman ng mukha niya magpakita dito."
"Tama na!"
Natigil ang lahat ng bulungan nang bigla na lamang nangibabaw ang boses ni Brix. Lumapit ito sa unahan. Nagsigawan pa ang ilan ng bigla na lamang nitong binuhat ang projector at binalibag ito sa sahig.
Lumapit na rin ako para mamagitan ng akmang susugurin ni Brix si Stella. Hindi biro ang galit na nakikita ko sa mga mata ni Brix. Sa tagal ko siyang naging kaibigan, ngayon ko lang ito nakitang nagalit ng ganito.
"What do you think you're doing?!" nanggagalaiting sigaw nito. Nag-echo pa ang boses niya sa loob ng lobby.
"What? I'm giving you a good show. Ayaw niyo ba?" Stella retorted. Taas noo niya pang hinarap si Brix.
"We're just here to reminisce our college days right? Like how Kelly cheated. God! That was the most unforgettable and horrible memories in our college life, right?" dugtong pa nito. Bahagya pa siyang tumawa na sinundan din ng tawanan ng ilan.
Nanlulumo kong tinapunan ng tingin si Stella. Hindi ako makapaniwalang magagawa niya ito.
"Umuwi na tayo," marahas kong hinila ang kamay ni Stella at pinababa siya sa flatform pero mabilis niya ring winakli ang pagkakahawak ko sa kanya.
"Hindi pa ko tapos!" mariing sambit nito. Muli siyang umakyat sa flatform. She picked up her wine glass again and raised it as if asking for a toast.
"Everyone. Alam niyo bang hindi pa diyan tapos ang cheating issue ni Kelly? Grabe, hindi na siya nahiya. Si Brix ang boyfriend niya pero lihim siyang nakipagkita sa boyfriend ko. Can you believe that?" she laughed mockingly. Doon lalong nagwala si Brix.
"Sinabi ng tumigil ka na!" malakas na sigaw nito. Namumula na rin ang mukha niya sa galit.
"Kelly never cheated on anyone! Sa lahat ng tao dito, alam kong alam mo kung ano ang totoo!" gigil na bulyaw niya kay Stella. I saw how Stella froze for a moment when she saw his eyes burning with anger.
Humarap sa aming lahat si Brix, nakakuyom ang dalawang kamay nito. Halatang pilit na pinapakalma ang sarili.
"Wala kayong alam lahat. Magaling lang kayo manghusga. Kelly cheated? Anong proof niyo? Yung tanginang mga picture na yan?" Itinuro ng nanginginig niyang kamay ang sira-sirang projector.
"Oo, magkasama kami ng araw na yan. Pero hindi niyo alam ang buong kwento sa likod ng picture na yan!" bumaling siya sa akin, mataman akong tinignan. "Hindi ka niloko ni Kelly, Gab. Masyado lang siyang napressure noon. Your mom asked Kelly to break up with you," halos pabulong na lang ang boses niya.
Para akong naitulos sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang sinabi niya, lalo pa nang makita ko ang pagluha niya.
"B-Brix. No, please."
Napalingon ako nang marinig ko ang pag-iyak ni Kelly. Hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya sa amin. Nasa magkabilang gilid niya sina Jules at Danika na parang nakaalalay sa kanya.
Nakita kong umiling si Brix na sinundan ng isang maliit na ngiti. "He needs to know the truth, Kelly. He needs to know."
Naguguluhan akong tinapunan ulit ng tingin si Brix. Ano bang dapat kong malaman?
Tila nababasa ni Brix ang tanong sa isipan ko at agad niya itong sinagot.
"Kelly never cheated on you, Gab. Wala kaming relasyon. Mula noon, hanggang ngayon. Walang ibang lalaking minahal si Kelly kundi ikaw lang," malumanay na pahayag nito.
"Shut up!" tili naman ni Stella na pumukaw ulit sa atensyon namin. Nababasa ko ang pangamba sa mga mata niya.
"Ikaw ang manahimik! You manipulative bitch!" Danika retorted. Galit na galit niyang tinapunan ng matatalim na tingin si Stella.
"At ikaw Gabriel? Kailan ka magtatanga-tangahan? Hanggang kailan ka magbubulag-bulagan?!" tanong naman sa akin ni Danika. I could see a hint of disappointment in her eyes.
"G-Guys. Tama na. Umuwi na tayo," pagsusumamo pa ni Kelly pero marahas na umiling si Danika.
"Hindi. Tama na, Kelly. Hindi ko na kasi kaya na makita ka pang nagdurusa. Kailangan nilang malaman lahat ang totoo! Hindi ka cheater. Biktima ka lang. Wala kang nilokong tao. Hindi totoo ang binibintang nila sa'yo," Danika paused. Malalim siyang huminga bago muling magpatuloy at hinarap ako.
"Walang kasalanan si Kelly, Gab. It was your mom who pressured her to break up with you. Kelly was si---"
"Kelly ang ilong mo!" natatarantang sigaw ni Jules.
Hindi na naituloy pa ni Danika ang sasabihin niya. Bigla itong nabalisa nang makita ang pag-durugo ng ilong ni Kelly. Mabilis niyang nilapitan ito. Kapansin-pansin ang biglang pamumutla ng mukha ni Kelly.
Agad ding dinaluhan ni Brix ang mga ito. Tarantang taranta silang tatlo. Nagsimula na ring umiyak si Danika sa hindi ko malaman na dahilan.
Binundol ng kaba ang dibdib ko. Tila huminto rin sa pag-ikot ang mundo ko ng tuluyan nang bumagsak si Kelly sa bisig ni Brix at nawalan ng malay.
*****
A/N: Aconitum or Monkshood means 'beware, a deadly foe is near' which refers to Stella. Mehehe