Chapter 21 - Blue Salvia

Chapter theme: Safe and Sound - Taylor Swift

Kelly

"Ang pangit pangit ko na!" Paulit ulit kong iyak nang matapos si kuya sa pag-sheshave ng natitira ko pang buhok. Kinalbo na niya ako para malinis tignan ang ulo ko. Wala nang natitira pa kahit isang hibla. Wala na ang maganda at itim na itim kong buhok.

"Don't say that. Ang ganda ganda mo pa rin kaya," pang-aalo niya sa akin. But I could only cry harder. I don't even have the courage to look at myself in the mirror, so I just hang my head low.

Ang laki laki na ng pinagbago ng itsura ko. Hindi ko na nga makilala ang sarili ko. Pakiramdam ko ibang tao ang nasa harap ko sa tuwing tinitignan ko ang sarili ko sa salamin. Hindi ko na mahanap pa ang dating Kelly. Ang Kelly na punong puno ng sigla at sobrang positive sa buhay. Kasabay ng paglalagas ng buhok ko ay paglalagas din ng natitirang pag-asa ko.

"Tara na, naghihintay na ang boyfriend mo sa labas." Nakangiting sambit ni kuya habang isinusuot muli sa akin ang brown kong bonet. Pinahid niya ang luha ko gamit ang kamay niya. Bahagya niya pa akong hinalikan sa noo bago ako alalayan palabas sa c.r.

I found Gab sitting on my bed with a bright smile on his face. Gaya ng dati, isang ngiti niya lang nagwawala na ang puso ko. Sapat na ang presence niya para panandalian kong malimutan ang kalungkutan ko.

Mabilis akong nagyuko para hindi niya mapansin na galing ako sa pag-iyak, na iniyakan ko ang pagkawala ng buhok ko.

"Hey," bati niya. Tumayo siya at kinuha ang kamay ko mula kay kuya para siya na ang umalalay sa akin paupo sa kama.

"I miss you," bulong niya nang maupo kami. Nakayakap siya sa akin mula sa likuran ko.

"Kahit araw araw naman tayong magkasama?" I asked. I felt him nod.

"Ilang segundo ka lang mawala sa paningin ko, namimiss na kita agad," he replied sweetly. He gave me butterfly kisses on the back of my neck which made me giggled. Nakikiliti kasi ako sa ginagawa niya.

"Baka nakakalimutan niyong nandito ako?" My brother interjected. Narinig ko ang bahagyang pagtawa ni Gabriel dahil sa itsura ni kuya.

Nakahalukipkip ito at magkasalubong na naman ang kilay niya. Nawala sa isip ko na nasa harap lang namin siya. Kapag kasama ko kasi si Gabriel, wala na akong ibang nakikita kundi siya lang.

"Kelly, anak! May sasabihin sa'yo ang papa ni Brix."

Napalingon kaming tatlo kay mommy na nakatayo sa may bukas na pintuan ng kwarto ko. Sa hindi malamang dahilan, agaw pansin ang pagliliwanag ng mukha niya. Nasa likod niya ang papa ni Brix. Gaya ni mommy, napakaaliwalas rin ng mukha nito.

Sabay silang pumasok sa loob ng kwarto. Tahimik naman kaming naghintay ng susunod na sasabihin nila. Narinig ko ang pagtikhim ng papa ni Brix kaya napatingala ako sa kanya.

"I have a good news for you."

Nagkatinginan kami nila Gab at kuya. Bakas ang tuwa sa mga mata nila kahit hindi pa namin alam kung anong good news ba ang hatid ng papa ni Brix. Naramdaman kong hinawakan ni Gab ang kamay ko at masuyong pinatakan ng halik ang likod ng palad ko.

"Your body is responding well to the treatment, kaya pinapayagan na kitang umuwi muna sa inyo," pagpapatuloy ng papa ni Brix. "Pero kailangan mong bumalik every week para ituloy pa rin ang pagchechemo mo."

Napatakip ako sa bibig ko, kasunod ng tuloy tuloy na pag-agos ng luha sa mga mata ko. Naramdaman kong mas lalong humigpit ang pagyakap ni Gabriel sa bewang ko.

"Bakit umiiyak ka? Ayaw mo nun? Makakauwi ka na?" tanong niya.

"Tears of joy 'to, sira." I retorted. I heard him chuckled.

Kung may sapat na lakas lang siguro ako ngayon, nagtatatalon na ako sa labis na tuwa.

"Congrats, bunso!" masiglang wika ni kuya. Binigyan niya pa ako ng thumbs up. Nakangiti man siya, hindi nakaligtas sa paningin ko ang pangingilid ng luha sa mata niya. Saglit pa siyang tumalikod para hindi namin makita ang pag-iyak niya, pero naririnig naman namin ang pagsinghot-singhot niya.

"Good job, baby. You did it." my mom also cried but there's a proud look on her face. I just stared back at her and smiled lovingly.

Hindi maubos-ubos ang pasasalamat ko sa kanilang lahat. Sila ang naging lakas ko. Sila ang dahilan kung bakit nakakayanan ko ang lahat ng sakit kahit may pagkakataong gusto ko na itong sukuan.

If it wasn't for their love and endless support, baka bumigay na ako. Every fight is our fight. And I'm glad that we are winning.

*****

"Ready ka na?" tanong ni mommy nang matapos na siya sa pag-iimpake ng gamit ko.

"Ready na, mom! Excited na ko." I responded enthusiastically.

I can't wait to go home. I miss our house. I miss my room. I miss the flower shop too. Gusto ko nang masilayan ulit ang mga magagandang bulaklak namin. Excited na akong bumalik paunti-unti sa normal kong buhay.

"Ang ganda ganda ng anak ko," bulalas ni mommy. Walang sawa siyang pinagmasdan ako mula ulo hanggang paa. Ngayon na lang ulit ako nakapagsuot ng dress dahil parating hospital gown ang suot-suot ko.

"Maganda pa rin kahit kalbo na ko?" biro ko na lang.

"Ikaw ang pinakamagandang bunso sa balat ng lupa," singit ni kuya na kanina pa abala sa pagkain ng saging sa isang tabi.

Lumapit naman sa akin si mommy para ikulong ako sa mainit niyang yakap at masuyong hinaplos-haplos ang pisngi ko.

"Maganda ka. Sa akin ka nagmana di ba?" she said soothingly. Tumango-tango na lang ako bilang pagsang-ayon sa kanya.

"Sakay ka na."

Sabay na napalingon kami ni mommy sa may pintuan. Agad na kumunot ang noo ko nang pumasok si Gabriel na tulak-tulak ang isang wheelchair.

"Bakit kumuha ka pa ng wheelchair? Kaya ko naman maglakad," reklamo ko sa kanya.

"Baka kasi pagod ka na. Kanina ka pa kasi tumatakbo sa utak ko," he winked. Pabiro ko na lang siyang inirapan. Ang aga aga pa, pinapakilig na ako.

"Banat banat ka pa, banatan kita diyan," kontra naman ni kuya. Natawa na lang kami ni mommy sa kanya. Ang hilig niya talagang basagin mga trip ng boyfriend ko.

"Ako na lang sasakay diyan. Itulak mo ko, bilis." Utos ni kuya.

Napakamot na lang tuloy sa ulo niya si Gab nang prenteng umupo si kuya sa wheelchair. Nakapatong sa kandungan nito ang duffel bag na naglalaman ng iilang damit ko. Siraulo talaga.

"Tumigil ka nga, Mikael. Binubully mo na naman si Gab," suway ni mommy. Malakas niya pang hinampas ito sa braso dahilan para mapasigaw si kuya sa sakit.

"Magtatampo na talaga ko, mommy. Lagi ka na lang nasa side ni Gabriel. Ako kaya anak mo!" pagmamaktol nito.

"Anak ko na rin si Gab, kaya magtigil ka," pang-aasar pa ni mommy kaya napabusangot lalo si kuya.

Masaya ko dahil tanggap na tanggap na nila si Gabriel. Kahit pa madalas itong inaaway ni kuya, alam ko naman na sa kaloob-looban niya sinusuportahan niya kaming dalawa. Parang kapatid na rin ang turing niya dito.

"O siya, tara na. Para makauwi na tayo. Alam kong excited na ang isang 'to," pag-aaya ni mommy. Mahigpit akong kumapit sa kamay niya nang abutin niya ang kamay ko. Masaya kaming naglakad papalabas ng ospital na naging tirahan ko sa loob ng ilan buwan.

Makakauwi na ko. Finally.

****

"Welcome home, Kelly!"

Gulat na gulat ako nang bumungad sa harapan ko ang mga kaibigan ko nang isa-isang bumukas ang ilaw sa loob ng bahay.

Nasa sala silang lahat at may malalapad na ngiti sa labi. May hawak hawak pang banner sina Danika at Jules kung saan nakasulat ang mga salitang 'Welcome Home'. Samantalang si Janice naman ang may hawak ng cake. May nakasindi pang kandila sa ibabaw nito.

Nilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng sala. Napakaraming makukulay na lobo sa paligid. May mga paper festooning pang nakabitin. Sobrang naantig ang puso ko dahil sa effort nila kaya hindi ko na napigilan na maiyak. Hindi ko inaasahan na mag-aabala pa silang lahat na gumawa ng welcome home party para sa akin. Napangiti na lamang ako habang patuloy ako sa pagngawa.

"I miss you, Kelly! Sobrang saya ko, nakauwi ka na." Lily stated after giving me a hug. She was crying in so much joy as well.

"Welcome home, Kels. Huwag ka na umiyak. Baka isipin namin hindi mo nagustuhan surprise namin," biro naman ni Lloyd kaya nagtawanan kaming lahat.

"T-Thank you, guys. Nakakainis kayo. Ang dami niyong pakulo," sambit ko. Ayaw tumigil ng luha ko.

"Is it my turn yet?"

Mas lalo akong humagulgol nang makita ko si Aiyah. Nagtatago pala siya sa likod ni Lloyd kaya hindi ko napansin na nandito rin pala siya.

"K-Kailan...ka pa...bumalik?" pasinghot-singhot na tanong ko.

"Nung isang araw lang. Danika told me about your condition last month pa. I badly want to see you as earlier as possible, kaso hindi naman namin ma-cancel ang ibang gig namin. I'm sorry, Kels. I really want to be there on your side. Promise, babawi ako," she explained.

"Sira ka, ayos lang. Career muna, bagong ibang bagay," sabi ko na lang.

I saw how she shook her head as if she doesn't agree with me. "Hindi ka ibang tao lang. You know that. Anyway, I'm glad that you're doing well now, supergirl. I'm proud of you," she smiled and pulled me into a hug. I saw her eyes were filled with tears too.

"Tama na, iyakan! We're here to celebrate, right?" singit naman ni Thao. May hawak siyang fried chicken sa isang kamay niya. Kumakain na ang loko.

"Bakit ka nandito?" sita naman ni Gab kaya mahina ko siyang siniko sa tagiliran at pinaningkitan ng mata.

"For your information, Gabriel. Belong na ko sa circle of friends niyo kaya huwag mo kong maitaboy-taboy diyan," ungot ni Thao saka binalingan ang kapatid ko. "Hindi ba, kuya Mike?"

I heard my brother let out a soft chuckle before giving Thao a two thumbs up.

"Ang daya, bakit kay Thao mabait ka? Sa akin hindi," pagmamaktol naman ni Gab sa tabi ko. Para siyang bata.

"Bakit? Mabait naman ako ah! May reklamo ka?" singhal ni kuya. Napalunok na lang si Gab nang pabiro siyang samaan ng tingin ng kapatid ko. Takot talaga siya kay kuya.

*****

Gabriel

Parang mapupunit na ang labi ko kakangiti habang pinagmamasdan si Kelly na nakikipagkulitan kina Danika sa sala. Hindi na matapos-tapos ang nakabibinging tawanan nila dahil kung anu-anong kalokohan ang ginagawa nila Thao at Jules. Nagsama pa talaga ang dalawang maloko.

Ilang sandali pa, tumayo na si Aiyah at kinuha ang gitara niya. Si Brix na kadarating lang ay nakipagkulitan na rin sa kanila. Hindi na nga kumain dahil siya naman ang bumida ngayon. Siya ang vocalist nila, habang naggigitara naman si Aiyah.

Kahit papaano, nakahinga na kaming lahat ng maluwag ngayong nakikita namin na unti-unti nang bumabalik ang sigla ni Kelly. Sana magtuloy-tuloy na ito. Iyon lamang ang tanging dasal ko.

"Matunaw naman ang kapatid ko."

Napabalik ako sa isipan ko nang tapikin ni kuya Mike ang balikat ko saka inabutan ng isang lata ng beer. Malugod ko namang tinanggap 'yon.

"Kamusta ka?" seryosong tanong niya.

"Ayos lang naman?" alangang sagot ko. Lagi naman niya akong kasama kaya nagtataka ko kung bakit kinakamusta niya pa ko.

"I mean, kamusta kayo ng mommy mo? Wala ka na bang balak umuwi sa inyo?"

"Hindi ko alam. Siguro naman magiging okay din kami ni mommy. Hindi nga lang siguro ngayon," tugon ko. Binuksan ko ang hawak kong lata ng beer at dahang dahang nilagok ang laman nun.

"Aaminin ko, galit na galit ako sa nanay mo. Hindi ko nga alam noon kung mapapatawad ko pa ba siya sa ginawa niya sa kapatid ko. Pero naisip ko, hindi naman pwedeng habang buhay tayong mamuhay ng puno ng galit, di ba? Ang mahalaga, maayos na ang lahat ngayon. Masaya na ulit ang kapatid ko. Masaya na kayo. Huwag mong hayaang lamunin ka ng galit mo. Baligtarin mo man ang mundo, may mali man siyang nagawa sa atin. You can't change the fact that she's still your mother," taos-pusong pahayag niya habang nakatitig kay Kelly.

"Kelly loves you so much. Kung siya ang tatanungin, gugustuhin niyang magkaayos rin kayo ng nanay mo. Gusto ka niyang makita na buong-buo at tunay na masaya. And I think, mangyayari lang 'yon kung matuto kang patawarin ang mga taong nakagawa sa'yo ng mali."

Napatitig ako sa mukha ng kapatid ni Kelly. Bahagyang gumaan ang nagpapabigat sa dibdib ko dahil sa mga sinabi niya, lalo pa ng ngitian niya ako. A genuine smile.

"Bahagi ka na ng pamilya, Gab. At wala akong ibang hiling kundi magkaroon ka na rin ng kapanatagan sa puso mo."

"Thanks, kuya." I said sincerely.

Inilapit niya ang lata ng beer niya sa akin at pinagdikit ang inumin namin. Hindi ko akalain na makakapag-usap kami ng ganito. Ang sarap pala sa pakiramdam na magkaroon ng kapatid na siyang magpapagaan ng loob mo sa tuwing hindi mo alam ang gagawin.

Napakaswerte talaga ni Kelly sa kapatid niya.

*****

Alas nuebe na ng gabi nang mapagpasyahan ng umuwi ng mga kaibigan namin. Kelly's seemed so tired as well even though she was smiling, so we decided to call it a day.

Nang matapos ako tumulong sa paglilinis ng mga kalat sa sala, inakyat ko na si Kelly sa kwarto nang makita kong tulog na tulog na ito sa sofa.

Maingat ko siyang inihiga sa kama niya para hindi ko masira ang mahimbing niyang tulog, pero nagising pa din siya nang halikan ko ang noo niya.

"Gab," she murmured, her eyes were slightly opened.

"Pahinga ka na, mahal."

"Uuwi ka na?" she asked. I smiled and nod at her which made her pout.

"Can you stay here, tonight?" malambing na pakiusap niya kaya napakurap-kurap ako. Diretsong nakatitig lang sa mga mata ko si Kelly habang hinihintay ang isasagot ko. Then her face contorted into a deep frown when she didn't get a response from me.

"Huwag na nga! Umuwi ka na!" ungot nito saka ako tinalikuran. She's behaving like a child throwing huge tantrums. Cute.

I slowly lay down beside her. Medyo nagulat pa siya nang niyakap ko siya kaya bahagya siyang lumayo sa akin na may bakas ng pagtatampo sa kilos niya. Ilang sandali pa, bumigay na rin siya sa paglalambing ko. Sa huli, hinarap niya rin ako at yumakap sa akin. Isinandal niya ang ulo niya sa balikat ko at tumitig lang sa mukha ko.

"I love you," I whispered softly planting a soft kiss on her forehead, down to her nose. I smiled when I saw her close her eyes anticipating my next move. Ayaw ko na siyang paghintayin pa ng matagal kaya agad kong hinuli ang labi niya at masuyong ginawaran 'yon ng halik.

"I love you too, Gab." she whispered between our kisses, wrapping her hands around my neck. She was pulling me closer to her.

I could feel our bodies burned with raw heat as our lips pressed together. And before it escalated into something, I decided to pull away from her. We were both panting when our lips parted, her forehead touching mine.

Napatitig ako sa magandang mukha niya. Pulang-pula na ang magkabilang pisngi niya.

"Huwag mo nga kong tignan!" Hinampas niya ako sa braso bago ibaon ang mukha niya sa dibdib ko para doon magtago. Ang cute niya talaga.

*****

A/N: The Blue Salvia plant is connected to healing. This flower specie represents wisdom, a long life and good health.

It's common for those recovering from an ailment to receive this plant.