Chapter 20 - Primrose

Chapter theme: Another Try - Josh Turner

Kelly

Nakaupo ako sa malambot na kama ng ospital habang pinagmamasdan si Gabriel. Tahimik siyang nakaupo sa isang wooden chair sa gilid ng kama ko at nagcoconcentrate sa librong binabasa niya. Ang isang kamay niya naman ay hawak hawak ang kamay ko.

Maihahantulad ko sa isang napakagandang panaginip ang nangyayari sa akin ngayon. Kasama ko ang lalaking mahal ko habang hinihigpitan ko ang pagkakahawak sa kamay niya. Ayoko na itong pakawalan pa. Natatakot ako na kapag bumitaw ako sa kanya ngayon, baka bigla siyang maglaho na parang bula at magising na ako mula sa magandang panaginip na ito.

Kung sa panaginip ko na lamang siya muling makakasama, parang gusto ko na lamang manatili sa pantasya kong ito at huwag nang gumising pa. Ayoko nang mawalay pa muling sa piling niya.

"May dumi ba sa mukha ko? Kanina ka pa nakatitig diyan," a familiar gentle voice pulled me out from my daze. I had to blink twice just to make sure that he's really in front of me. Nakababa na sa kama ang librong hawak niya.

Kusang umangat ang kamay ko para abutin ang mukha niya. Naramdaman ko ang init ng palad niya ng hawakan niya rin ang kamay ko na humahaplos sa pisngi niya.

"I'm not dreaming, right?"

Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko na itong tinanong sa kanya sa loob ng isang linggo na nagkakasama kami. Naramdaman kong nangingilid na naman ang luha sa mata ko, naiiyak na naman ako. Hindi ko akalain na pwede pa palang mangyari 'to.

"You're not dreaming. Totoo na 'to. Nandito na ako ulit. Hinding hindi na ko aalis," masuyong sambit niya.

Bumuhos na naman ang luha ko nang makumpirma kong nasa reyalidad nga ako. Hindi nga talaga ako nananaginip. Totoong totoo siya.

"Promise?" I asked looking for another assurance.

I saw him smiled sweetly. Kinuha niya ang dalawang kamay ko at salit salitang hinalikan 'yon. "Promise."

Lumipat siya sa kama para maupo sa tabi ko. Magkaharap na kaming dalawa, sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa.

He looked into my eyes. I could see myself reflecting on his brown eyes. It seemed brighter than usual making my heart beats fast as I stared back at him. I missed those captivating eyes so much.

"Thank you, for giving me another chance," he said lovingly. May sumilay na ngiti sa labi ko habang pinagmamasdan ko ang mukha niya.

Kahit ilang chances pa ang hingin niya, willing na willing akong ibigay sa kanya 'yon. Mahal ko siya. Mahal na mahal.

"I love you, Kelly. I always have and always will." My name escape on his lips with immense love. I found myself melting in his arms when he leaned down and gently kissed me on my lips.

"I love you too, my sun." I whispered softly.

"I love you. I love you," he whispered over and over again as he continued kissing me. As if telling me through his kisses how much he missed me. His yearning and his longing for me, I could feel all of them. And just like that, I surrendered under his warm light.

Suddenly, bumukas ang pinto ng kwarto ko at iniluwa nito si kuya. Gabriel and I quickly pulled back from our kiss. Tumayo na rin ito para dumistansya sa akin.

"Nawala lang ako saglit, pinagsasamantalahan mo na agad ang kapatid ko?"

"Kuya!" suway ko. I could feel my cheeks grew hot because of embarrassment.

Hindi na naman maipinta ang mukha nito. Hanggang ngayon galit pa rin siya kay Gabriel. Hindi niya matanggap na nagkabalikan kami.

"Wala ka bang bahay, Gab? Nandito ka na naman?" kasunod na pumasok si Danika sa kwarto. Kasama niya rin ang boyfriend niya. May dala itong basket ng mga prutas.

"Ikaw ba Gabriel, hindi ka ba hinahanap sa inyo? Kulang na lang dito ka na tumira," singit ni Jules.

Gabriel just shrugged. "Hindi na ako umuuwi sa amin."

Sabay sabay kaming napatingin kay Gabriel. Halos lumuwa ang mga mata namin dahil sa sinabi niya.

"Tinakwil ko na sila," biro niya. Bahagya pa siyang tumawa. But I know deep inside, hindi biro ang naging desisyon niya.

"Saan ka umuuwi ngayon?" nag-aalalang tanong ko.

"Thao is letting me stay in his condo for the mean time," he replied.

"Paano yung trabaho mo?" tanong naman ni Jules.

"Hahanap na lang ako ng bagong trabaho. Ayoko nang bumalik sa puder ni mommy. Bahala na sila," he stated calmly.

I feel a little guilty. Nang dahil sa akin nagkaroon ng lamat ang relasyon ni Gabriel sa mommy niya.

"Don't blame yourself. Si mommy ang gumawa ng dahilan para lumayo ang loob ko sa kanya. Wala kang kasalanan," Gabriel said reassuringly as if he was reading what I had in my mind.

"Paano ang daddy mo?"

Ang alam ko kasi may sakit din ang daddy niya at nasa ospital.

"Kay mommy lang naman ako galit. Labas si daddy sa sama ng loob ko. Nagiging stable na siya, kaya sa tingin ko hindi sasabihin ni mommy sa kanya ang nangyari sa amin. Huwag mo na kong masyadong alalahanin. Matatapos din 'to," he smiled. At sa ngiti niyang 'yon, tila nalusaw ang lahat ng pangamba ko.

"Kung gusto mo sa flower shop ka na lang namin muna, habang wala ka pang nahahanap na trabaho. Kulang kasi kami sa tao," biglang bulalas ni kuya.

Napatingin tuloy kaming dalawa ni Gabriel sa kanya. Tumingala naman siya sa kisame habang nagkakamot sa ulo. He looked so shy. Mukha lang masungit ang kapatid ko kay Gabriel, but I know deep inside he still cares.

"Thanks brother-in-law," Gabriel smiled widely. But then his smile fade when my brother furrowed his eyebrow in annoyance.

"Anong brother-in-law? Suntok gusto mo?" pagbabanta pa ni kuya. Itinaas niya ang kamao niya bilang panakot. I saw Gabriel gulped nervously.

Natawa na lang kami sa kanilang dalawa. Halos malukot na naman kasi ang mukha ni kuya. Si Gabriel naman, parang pinagpapawisan na ng malapot dahil walang habas siyang pinapaulanan ni kuya ng matatalim na tingin.

Nasaan na ba kasi ang girlfriend nito? Ito lang kasi nakakapagpaamo dito. Yes, girlfriend. May lovelife na rin ang kapatid ko. Sa wakas.

*****

Gabriel

"Aaaaaaaaaah! Ayoko na!!! Ang sakit naaaa!!!" paulit-ulit na sigaw ni Kelly nang may itusok sa likuran niya ang papa ni Brix. Naluluha siyang tumingin sa mga mata ko na tila doon humuhugot ng lakas.

Halos isang buwan na nang magsimula ang chemotherapy niya, pero mukhang hindi pa rin talaga ako masasanay. Ang bigat bigat sa dibdib sa tuwing nakikita ko siyang nahihihirapan.

Tinusukan nila siya ng catheter sa bandang dibdib niya na kumukonekta sa mga ugat niya, para hindi sila mahirapan sa tuwing kinukuhanan nila siya ng dugo. Doon na rin nila pinapadaan ang mga gamot na tinuturok sa kanya.

Ngayon naman ay binubutasan ang buto niya para makuhanan ng bone marrow upang malaman kung nagiging epektibo ba ang gamutan sa kanya.

"K-Kaya mo yan." Basag na ang boses ko pero sinubukan kong huwag ipahalata sa kanya. Hindi ako pwedeng maging mahina sa harapan niya. Kailangan kong maging matatag kahit pa parang pinipilipit na ang puso ko ngayong nasasaksihan ko ang paghihirap niya.

"Ayoko na!!! Patigilin mo na sila!!!! Aaaaaaah!!! Gab!!!" muling sigaw niya. Nababakas ko sa mukha niya ang matinding sakit. Naramdaman kong mas lalong humigpit ang pagkakahawak ni Kelly sa kamay ko. Lumalakas rin ang bawat pag-iyak niya.

Kung pwede lang akuin ko ang lahat ng sakit na nararamdaman niya, ginawa ko na. Huwag lang niyang maranasan pa ito.

"Ssshhh. I'm here, baby. You can do it. Konting tiis na lang. Matatapos na sila," I whispered as I planted a soft kiss on her forehead trying to distract her from the pain.

"A-Ayoko na, please." Halos magmakaawa na siya sa amin. Pumipikit na rin ang mga mata niya dahil sa labis na panghihina. Unti-unti ring lumuluwag ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

Halos lupaypay na siya nang matapos ang bone marrow biopsy niya. Nilipat na ulit nila si Kelly sa kwarto niya para muling makapagpahinga. Ilang oras din siyang tulog at sa mga oras na 'yon, hindi ako umalis sa tabi niya.

"Gab, umuwi ka na muna. Ako na muna ang magbabantay kay Kelly," sambit ng mommy ni Kelly nang maabutan niya ako sa kwarto. Hawak ko pa rin ang kamay ni Kelly at hindi binibitawan.

Napasilip ako sa labas ng bintana, hindi ko na namalayan ang paglipas ng oras. Gabi na pala.

"Ayos lang po ako, tita. Gusto kong nasa tabi niya ko kapag nagising siya," nakangiting tugon ko. Hindi ko inaalis ang mga mata ko sa pagkakatitig kay Kelly.

Nakakapanlumo ang pagbagsak ng katawan niya. Sobrang laki na ng ipinayat niya. Nakasuot na rin siya ng brown na bonet para maitago ang paglalagas ng buhok niya dahil sa epekto ng chemo sa kanya. Ganunpaman, sa paningin ko siya pa rin ang pinakamagandang babae sa mundo.

Lumapit sa akin ang mommy ni Kelly. Nagulat ako nang yakapin niya ako ng mahigpit.

"Thank you, Gab." she whispered sincerely.

"Para saan po?" tanong ko.

"For making my daughter happy again. Alam kong marami kayong sakit na pinagdaanan pero masaya ko na sa huli, pinili mo ang anak ko. Thank you for not leaving my daughter's side."

Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Nangingislap ang mga mata niya dahil sa nangingilid na luha. Kung tutuusin, napakalaki ng naging pagkukulang ko kay Kelly. Hindi ko alam kung sapat na ba ang mga nagawa ko para mapunan ang pagkukulang na 'yon.

"I'm sorry po. Sa lahat lahat ng sakit na dinulot ni mommy kay Kelly. Handa ko pong pagbayaran ang kasalanan niya kung 'yon ang paraan para makabawi ako sa inyong lahat."

"No! Don't say that. Wala kang kasalanan. Biktima lang kayong parehas ni Kelly. Please, don't be so hard on yourself. Leave everything in the past now. Patawarin mo ang sarili mo. Kasi ang anak ko, kahit kailan hindi ka niya sinisi. Patawarin mo na rin ang mommy mo. Ina din ako, wala akong ibang hangad sa mga anak ko kundi mapabuti siya. Alam kong ganun din ang gusto ng mommy mo, mali nga lang ang paraan niya. Give your mom's a chance, lahat tayo nagkakamali."

Her words sound too comforting putting my heart and mind at peace. As if it was freeing me from all the remorse I felt.

I looked back at Kelly who's still sleeping peacefully. I'm glad that she's back in my arms again. With her, I found my redemption.

They said everyone deserves second chances. And now that fate gave us another try, I will never waste this precious chance.

Wala na akong ibang kailangan sa mundong ito, kundi siya lang. I can't live without her.

*****

"Anong gusto mong pasalubong? Paalis na ko sa condo," tanong ko kay Kelly sa kabilang linya.

"Kahit ano na lang. Baka hindi ko rin naman makain yan," matamlay na sagot.

Umuwi muna ako kaninang umaga sa condo ni Thao para kumuha ng ilang damit. I'm planning to stay overnight again at the hospital. Mag-aalas dose na ng tanghali, sabi ng kuya ni Kelly hindi pa raw ito kumakain ng tanghalian dahil wala itong ganang kumain.

"Balik ka na," paglalambing nito. Napangiti na lamang ako. Her sweet voice is like music to my ears.

"Opo, pabalik na ko. Bibilisan ko na magmaneho," I chuckled.

"Huwag! Baliw ka. Binibiro lang naman kita. Take your time."

"Yes, mahal. Wait for me. I'll be there in a heartbeat. I love you."

"Okay. Take care. I love you too," she giggled making my heart flutters.

As soon as our call ended, I hurriedly got inside my car. But to my surprise, Thao was already riding on the front seat.

"Anong ginagawa mo sa loob ng kotse ko?" singhal ko sa kanya.

"Aba! Sasama ko sa ospital. Gusto ko din makita si Kelly."

"Hindi pwede! Bawal hayop dun," I said jokingly which made him pout. Hindi bagay.

"Sumbong kita kay Kelly. Binubully mo ko," pagmamaktol niya pa.

Pinaandar ko na lang ang kotse at hinayaan na siyang sumama sa akin. Wala rin naman akong magagawa sa kakulitan niya. Kapag ginusto niya, ginusto niya. Mahirap na, baka singilin niya pa ako ng rent sa condo niya kapag hindi ko siya pinagbigyan.

"Huwag kang masyadong maligalig dun. Huwag ka ring masyadong maingay. Huwag ka ring lalapit kay Kelly. Baka mamaya may germs ka palang dala-dala," bilin ko dahilan para lalong maningkit ang mata niya.

"Anong bawal lumapit? Huh! Don't tell me, isang malaking threat ang tingin mo sa akin? Tsk! Crush ko lang si Kelly, huwag kang mag-alala. Hindi ko siya aagawin sa'yo." He said and grinned like a fool. "Kung meron kang dapat pagselosan, si Brix 'yon! Alam mo, bagay din sila," pang-aasar niya.

Sinamaan ko na lang siya ng tingin para manahimik na siya. Kapag hindi pa siya tumigil, masisikmuraan ko na talaga siya.

*****

Boses ni Thao ang nangingibabaw sa loob ng kwarto ni Kelly. Kung humalakhak kasi siya, parang wala ng bukas. Gusto ko na siyang palayasin dahil naiistorbo na niya ang pagpapahinga ni Kelly. Kanina pa kasi sila naglalaro ng baraha at parang mga batang nakasalampak sa sahig.

Kasundong kasundo na ni Thao sina Danika at Jules. Para ngang matagal na silang magkakakilala. Kahit nakasuot ng facemask si Kelly, nakikita ko ang pagngiti niya sa mga mata niya sa tuwing humihirit si Thao ng mga corny jokes niya.

Nakakabwisit. Ang sarap niyang itapon palabas sa bintana. Sa akin lang dapat nangiti si Kelly.

"Bakit ka po nakasimangot?" Kelly asked softly as she keeps on poking my cheek. Nakaupo kami sa kama niya at parehas na nakasandal sa headboard.

I turned to her and caught her finger. Nilapit ko ang daliri niya sa nakabuka kong bibig at biniro siya na kakagatin ko 'yon. Sinubukan niyang bawiin ang kamay niya pero hindi ko ito binibitawan. Again, I brought her hand to my mouth but instead of biting it, I just showered her hand with butterfly kisses.

"Bakit ka nga nakasimangot diyan? Tignan mo yang kilay mo, magkasalubong na," pangungulit niya.

"Selos yan! Pinagseselosan ako!" sabat ni Thao.

Kelly just looked at me, amusement dancing in her eyes.

"What?" I asked.

"Ang cute mo," she mumbled, giving me a soft peck on my lips. I could feel her soft lips through the thin cloth that was covering her mouth. "Huwag mong pagselosan 'yan. May ibang pinopormahan 'yan," she whispered on my ear before giving me another kiss. I couldn't help but smiled at her lovely gesture.

"PDA ituuuu!" sigaw ni Thao na sinundan pa ng malalakas na pagtili ni Danika. Si Jules naman gumugulong na sa sahig. Para silang mga siraulong naghihiyawan dahil sa kilig. Nakakarindi.

"Ang ingay niyo, naririnig kayo sa labas," suway ni Brix na bigla na lang pumasok sa kwarto ni Kelly. Nakasuot pa ito ng white scrub.

"Brix!" Kelly greeted him enthusiasm.

Lumapit naman agad si Brix kay Kelly para kamustahin ito. Palipat-lipat ang tingin ko sa kanila habang nag-uusap sila.

"May duty ka?" tanong ni Kelly.

"Yeah. Sa OR ako ngayon," he replied. He looked so tired. "Kamusta pakiramdam mo?"

Mabilis kong nahampas ang kamay ni Brix nang akmang sasalatin niya ang noo ni Kelly. Halatang nagulat sila parehas sa ginawa ko.

"Yun, o! Suntukan na yan!" gatong pa ni Thao.

"Babe, bili kang popcorn! Magandang palabas 'to. Team Gab ako! Wohooo!" Danika shrieked. Patawa-tawa lang si Jules sa isang tabi.

"Team Brix ako!" sigaw pa ni Thao kaya nabato ko siya ng nahagip kong mansanas na nasa table. Sapul siya sa mukha.

"Kelly, o! Inaaway ako ni Gab!" mangiyak-ngiyak na sumbong niya.

I heard Brix let out a soft chuckled as he raised his both hands in the air.

"Kalma lang, Gab. Walang aagaw kay Kelly sa'yo," natatawang saad niya.

Mahina niya pa akong sinuntok sa balikat kaya ginantihan ko siya.

"Alam niyo, para kayong mga tanga," Kelly said bursting out in a hearty laughter.

Halos matunaw ang puso ko nang marinig ko ang malalakas na pagtawa niya. Sana ganito na lang kami lagi.

*****

A/N: Primrose means 'I can't live without you.'